TALK SHOW SCRIPT
HOST 1: Good morning Folks! Let us start our day with a smile and think positively
because right now you guys will experience the best talk show here in KOLEHIYO NG
LUNGSOD NG LIPA. I am your host Jessa
HOST 2: And I am Jonnyl
HOST 1 &2: And welcome to THROWBACK THURS-D!!!
Host 1: Good morning partner!
Host 2: Good morning din sayo partner!
Host 1: So how are you feeling today? Excited ka ba?
Host2: ____________, lalo na may makakasama tayong mga guess mamaya lang
Host 1: Omg! I forgot about that, kidding. Pero bago yan, I heard you’re good at acting
daw, pwede ba natin subukan yang skills mo?
Host 2: Grabe na nga ang social media, akalain mo kalat pala yun?
Host 1: Syempre, sino ba namang di makakaalam nyan? Alam mo ba yung Chasing the
Sun? This is the script, unahan mo.
Host 1: Omyghad! Tunay nga ang balita, that’s so impressive!!
Host 2: Thank you, partner
Host 1: Pero naisip ko pano na kung ikaw si Rizal at isa ako sa mga babae ni Rizal,
subukan nga natin gamit ang mga linya ni Duke at Sol.
Host 2: Napakahusay mo Ms. Jessa
Host 1: Ikaw rin, napakahusay mo sa larangan ng pag acting
Host 2: Maraming Salamat partner!!
Host 1: Maraming Salamat din sa pag papaulanlak partner. Ngayon,, makikila na natin
ang mga makakasama natin sa araw na ito! Ipakilala mo na sila Partner
Host 2: Now let’s welcome, DEAN ASHLEY, JOHN ERICK, LUISA, HAZEL, NATHALIE,
RICA MAE, ANDRIA, and ANDREALYN
Guest: Good morning, Ms. Jessa and Mr. Jonnyl
Host 1: Good morning guys, we’re so glad to have you here with us in our talkshow. So
how are you guys?
Guests: Good morning din po,____________
Host 2: Partner balita ko they all know who are rizal’s past romances
Host 1: Yes, I heard that too, kaya naman inimbitahan namin kayo dahil maraming gusto
makapanood kung paano kayo umact bilang rizal at mga naging babae ni Rizal
Host 2: Anong pakiramdam nyo ngayon na mapapanood kayo public?
Guests: _______________
Host 2: Are you guys ready?
Guests: _______________
Host 1: Good morning again folks! And now, let me bring you to the past with the help
of our guest!
Host 2: Lets me introduce you the roles of our guests, Dean and Erick as Rizal, Hazel as
Julia and Gertrude Beckette, Luisa as Segunda and Suzane, Andrealyn as Leonor Rivera,
Andria as Leonor Valenzuela and Josephine Bracken, Nathalie as Consuelo and Rica Mae
as Seiko Usui and Nellie Bousted.
JULIA
Naglalaba ang dalaga sa ilog nang may biglang binatang nakapansin sa kanya.
Rizal ( Dean Ashley ): Tunay nga talagang napakaganda niya, ang kanyang wangis na
nakahuhumaling, tila yata’y kakaibang pambihirang kuryente ang aking nadama.
(Sandaling natahimik at patuloy lang na
Pinagmasdan ni rizal ang taglay na kagandahan ni julia at dito nagsimula ang kanyang
unang pag ibig sa murang edad.)
Host 1: woah, that story shows how fast Rizal admire the girl he just met just a while.
Host 2 : Yes that’s true, based on my research (PPT)
Host 1: Wait there’s more
SEGUNDA KATIGBAK
Rizal ( Erick ) : Segunda ang aking unang pagibig, hindi man ikaw ang
pinakamagandang babaeng nakita ko, ngunit hindi ako nakasilay kailanman nang higit sa
kaakit- akit...Ikaw ang unang nagbigay liwanag sa aking buhay. Nawa’y sa iyong
paglalakbay kasama si Manuel, matagpuan mo ang tunay na kaligayahan..
Segunda (Luisa) : Rizal masaya ako na malaman na ako ang iyong unang pag-ibig
ngunit naging duwag kang aminin ito sa akin. Alam nating hindi tayo itinadhana para sa
isa’t isa, sapagkat ako’y naipagkasundo na kay Manuel…Nawa’y sa hinaharap, sa kabila
ng mga pagsubok, matagpuan natin ang ating mga tunay na landas. Hanggang sa muli,
Rizal, at nawa’y makita mo na rin ang taong nararapat sa pagmamahal mo…
Host 2: Grabe mapapasabi ka na lang talaga na nasa lipa, batangas ang trauma.
Host 1: Bakit nasaktan ka na din ba gaya ni rizal sa unang pag ibig nya? Matanong ko
nga sino ba yang first love mo at tila'y damang dama mo ang hinagpis ni rizal dahil sa
kanyang bigong pag ibig?
Host 2: Pag usapan na lang natin sino ba si Segunda Katigbak. Partner, kilala mo ba
itong si Segunda?
Host 1: Sabi dine ay are daw si segunda_________.
LEONOR RIVERA
Rizal ( Dean ashley) : Si leonor, ang babaeng minahal ko… Ikakasal na sya..?
Leonor ( Andrealyn) : Hinding hindi ka aalis sa tabi ko. Ito ang ikatlo kong kondisyon.
Ang araw ng aking kasal… tila araw ng aking kamatayan.
Rizal (Dean Ashley): Bakit di mo sya tawagin? Valentine, tawagin mo! Para malaman
kung sino ang tunay na lalaki samin, ha! TAWAGIN MO!
Host 1: Grabe pinaka tragic na story na siguro ito ng buhay ni Rizal noh? Akalain mo
yung kayong dalawa ang nagmamahalan pero sa iba sya kinasal, anong sa tingin mo ang
pakiramdam partner kung ikaw ang nasa posisyon nila
Host 2: Syempre masasaktan ako katulad ni Rizal, pero ganun naman siguro ang buhay
may mga bagay at pangyayari na kailangan nating tanggapin.
LEONOR VALENZUELA
Host 1:
Host 2:
CONSUELO
*binuksan ang pinto
Don Pablo Ortiga: Ginoong Rizal, nais kong ipakilala sa iyo ang aking anak na si
Consuelo
Rizal (Dean Ashley) : ikinagagalak kong makilala ka senyorita (halik sa kamay)
Consuelo( Nathalie) : ako rin ginoo
(nakaupo)
Rizal( Dean Ashley): Ang tulang ito ay inaalay ko sa iyo
(while writing a poem)
Consuelo (Nathalie): Ano ang pamagat ng tulang iyan?
Rizal ( Dean Ashley): Ala Senyorita COYP
Consuelo (Nathalie) : Maaari ko bang makita? (inabot ang papel) napakaganda
Rizal ( Dean Ashley) ( tumayo) Nagpapasalamat ako sapagkat narito ka, pinawi mo
ang lungkot na aking nadarama ngayong malayo ako sa aking bayan, ngunit hindi
maaari itong ating ugnayan
Consuelo (Nathalie): dahil ba kay senyorito Eduardo de Lette?
Rizal (Dean Ashley): kaibigan ko siya, at nangako ako ng kasal sa aking iniibig na si
Leonor Rivera
Host 2: Partner, bat parang may nawawalang scene?
Host 1: Oo nga noh bigla na lang may pinangakuan itong si Rizal
Host 2: Pero sa tingin ko partner, sa tingin ko nagkaroon sila ng malalim na ugnayan at
kung ako man sa sitwasyon ni Consuelo ay masasaktan ako, ikaw ba partner anong
masasabi mo
Host 1: Alam mo kakabasa ko ng buhay ni Rizal nabasa ko kung sino nga ba si Consuelo,
as what indicated here ___________
SEIKO USUI
Isang araw habang nasa Spanish legation si Rizal nabighani ito sa kagandahan ng
dumaang dalagang si O-Sie-San sa tulong ng isang japanese gardener nakilala niya ito.
(To Gardener)
Rizal (Erick) : Did you know her?
Gardener: Yes, let me introduce you to her.
Gardener: Seiko this is rizal he is from philippines.
Seiko (Rica) : Ohayo gozai masu, watashiwa usni Seiko desu
(shakehand to gardener)
Rizal (Erick) : elle est si belle
Seiko (Rica) : Oh, Thank you!
Rizal (Erick) : Wow! You can understand French. I think your can the best one to be my
interpreter.
Matapos malaman na pareho silang nakakapagsalita ng Ingles at French ay nagsimula
silang bumuo ng isang relasyon at nag silbi na niyang interpreter si Seiko Usui ni Rizal.
Makalipas ang panahon dala ng makabayang responsibilidad ni Rizal kinakailangan
niyang magtungo sa San francisco at magmula noon ang dalawa ay hindi na muli pang
nagkita.
(Mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni O-Sei-San)
Rizal (Erick) : I will never ever forget you O-Sei-San.
Sa malayo nagsisimulang maglagas ang mga bulaklak ng Cherry blossom habang
nakatingin sina Rizal at O-Sei-San sa huling pagkakataon
Host 1: May mga pagkakataon pala talaga na tadhana mismo ang maglalayo sa inyong
dalawa at ang magagawa nyo na lang ay gawing makabuluhan ang mga araw na
magkasama pa kayo
Host 2: Ewan ko, di ako si O-sei-San.
GERTRUDE BECKET
(Bibisita si rizal sa isang kakilala sa London)
(Habang abala ito sa pakikipag usap ay agad syang napansin ng dalagang si becket)
Becket (Hazel) : Sino kaya ang lalaking iyon napakakisig at gwapo naman niya.
(Biglang magkakatinginan ang dalawa)
(Lumapit si becket kay Rizal)
Becket ( Hazel) : Magandang araw sayo ginoo, tila yata bago ka pa lang dito.
Rizal ( Dean Ashley) : Magandang araw din(curious) dinadalaw ko lamang ang aking
kaibigan.
Becket (Hazel) : Ganon ba, nais ko sanang malaman kung ano ang iyong ngalan.
Rizal (Dean Ashley) : Ako ngapala si jose rizal (sabay ngiti)
(Inilahad ni Becket ang kanyang kamay kay Rizal na simbolo ng pakikipagkilala)
Next Scene (close na silang dalawa)
Rizal & Becket: nag kukwentuhan at tila nag aasaran.
(Confession)
Becket ( Hazel) : Sandali lamang Rizal, may nais sana akong ipagtapat saiyo, matagal
na kitang gusto, umpisa pa lamang noong nakilala kita.
Rizal ( Dean Ashley) :(sandaling natahimik) Ipagpaumanhin mo ngunit hanggang
kaibigan lamang ang tingin ko sayo at hanggang don na lang yon.
(Sabay iiwang mag isa si becket at lalakad palayo sa Rizal.)
Host 2: Sa sobrang daming babae ang dumaan dito kay Rizal nagagawa na nyang
ifriendzone si Gertrude
Host 1: Malay mo naman kasi may dahilan sya, ireseach mo nga yan.
SUZANE
Suzane ( Luisa ): Rizal ikaw ay lumisan at ako’y iniwan kasama ang kahon ng
tsokolateng iyong binigay. Sa tingin mo ba ako’y liligaya sa mga iyon? Sa pagbabalik mo,
huli ko na napagtanto na ako lang pala ang umaasa’t nagmamahal sa ating dalawa.
Rizal (Erick) : Suzane, patawarin mo sana ako. Sa aking pagbabalik dito sa Belgium,
hindi ikaw ang aking sadya, kundi ang layunin ko ay tapusin ang aking nobelang “El
Filibusterismo”...Ang aking puso ay puno ng mga mithiin para sa ating bayan. Paumanhin
sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo.
Host 1: Si Rizal pala yung nagpauso ng Study First, pero sa totoo lang nakakalungkot
isipin na paasahin ka yung akala mo parehas kayong committed sa isa't isa pero yung
totoo ikaw lang pala yung nag iisip na may malalim na ugnayan kayong dalawa.
Host 2: Agree ako dyan, pero may dahilan si Rizal kung bakit, dahil nga nais nyang
tapusin ang Nobelang "El Filibusterismo. At sa tingin ko ay ganun talaga kahalaga ang
bayan na kanyang kinagisnan para isakripisyo ang kanyang pag ibig para kay Suzane.
NELLIE BOUSTED
Rizal: Iniibig kita ng sobra Nellie, ikaw ang aking gustong ligawan at pakasalan.
Nakapagdesisyon na ako na gusto ko ng magpamilya at ikaw ang nais kong maging
kasama ko sa pagbuo nito.
Nellie: Rizal iniibig din kita ngunit malabo na ito'y mangyari, ang kahilingan kong
magbalik-loob ka sa pananampalatayang Protestante ay iyong tinanggihan at ang aking
Ina ay tutol din sa ating pagmamahalan. Sa dami ng hadlang, mas mabuti nalang na
tayo ay maging magkaibigan. Tayo ay pinagtagpo lang Rizal pero hindi itinadhana.
Ngayon na aalis ka na, nawa ay gabayan ka ng may- kapal at dalhin mo sana ang ating
mga alaala upang damayan ka.
Host 2: Iba pala ang sakit pag di ka tanggap ng pamilya ng taong gusto mo lalo na pag
mayaman at kilala ang pamilya.
Host 1: Oo nga, yung akala natin yun na ang pang end goal, mawawala din pala. Grabe
sigurong lumbay ni Rizal nun.
JOSEPHINE BRACKEN
Josephine: Maraming salamat Rizal dahil naunawaan mo na kailangan ko muna
gampanan ang aking responsibilidad sa aking pamilya bago mag desisyon sa nais mong
pagpapakasal. Ngayon ay pipiliin ko naman ang sarili ko at pumapayag na ako sa iyong
nais. Kahit hindi man pabor ang pamilya mo sa akin pipiliin ko pa din ang makasama ka.
Rizal: Masaya akong marinig ang iyong desisyon. Kahit tutol ang simbahang Katoliko sa
ating pagiisang dibdib hindi yun makapipigil sa aking kagustuhan na makasama ka
habang buhay.
(Two or one hour before Execution)
Josephine: Hindi ko kaya kung mawawala ka sa akin Rizal. Marami pa tayong mga
pangarap. Gusto ko pang maipakasal sayo at magkaroon muli ng anak.
Rizal: Huwag ka ng maging malungkot, Josephine. Hindi ko nais makita kang ganyan.
Maging masaya nalang tayo sa mga sandaling ito. Matutupad pa rin yang nais mong
kasal, ipapakasal tayo ngayon ni Fr. Vicente Balguer bago kitilin ang aking buhay. Mahal
kita "Mi Ultimo Adios"
Host 1: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makasama ang taong mahal mo ng
konting minuto na nasa binggit na ng kamatayan , anong gagawin mo?
Host 2: Madami akong gustong gawin tulad ng nangyare sa kwento ni Rizal at Josephine,
papakasalan ko ang taong mahal ko. Yun man lang pagmamahal nya madala ko
hanggang sa aking kamatayan.
Host 1: Grabe Rizal is so matinik sa girls
Host 2: Kaya nga eh, akalain mo ang dami din ang napaibig
Host 1: It is not a secret that women played a big part in Rizal’s patriotic journey.
Host 2: Pero partner, napakahusay ng mga guests natin mag act.
Host 1: Yeah you’re right kaya naman thank you sa inyo Dean Ashley, Erick, Luisa,
Hazel, Andria, Andrealyn, Rica, Nathalie sa pagpapaunlak sa imbitasyon namin. May
gusto ba kayong sabihin?
Guests: __________
Host 1: Maraming salamat din sa aming mga manonood! Hanggang sa susunod na
episode ng THROWBACK THURS-D!!
Host 2: Ang talk show na patok sa chikahan
Host 1: Patok sa talakayan
Host 2: At patok sa kaalaman
Host 1: Ako si Jessa
Host 2 : At ako naman si Jonnyl
Host 1 &2 : at ito ang THROWBACK THURS-D!!!