You are on page 1of 5

SCENE : BOLA(sports) Bagay na hugis bilog na ginagamit sa larong basketball, volleyball at

iba pa

(narrator: AALIYAH) Sa tanghalian, kakatapos lang ng klase sa umaga nilapitan ni JUNIFER si


ALWIN na okupado sa pag aayos ng gamit sa bag.

JUNIFER : Pre
ALWIN: Ano Yun pre

(narrator: AALIYAH) Napatingin si ALWIN pero tinuloy niya lang ang pagayos ng gamit sa bag.

JUNIFER : Pumunta na tayo sa basketball court, nagsisimula na dumami ang mga maglalaro
ALWIN: Sige, saglit lang, ayusin ko lang tong gamit bago tayo umalis

(narrator: AALIYAH) Dali-daling tumango at tinuro ni ALWIN ang kanyang nguso sa bag

(narrator: AALIYAH) Naghintay si JUNIFER sa harap ng pintuan at biglang nagsalita ng—

JUNIFER : Ay! Bago ko makalimutan …


ALWIN: Ano yun?
JUNIFER : Papasa ng bola mo, iyan na ang gagamitin natin sa laro

(narrator: AALIYAH) Hinalungkat ni ALWIN ang kanyang gamit para hanapin ang bola at ipinasa
kay JUNIFER.

JUNIFER : Salamat, dalian mo na Pre!

(narrator: AALIYAH) Konting ayos pa at tinabi na ni ALWIN ang bag nya sa upuan at lumakad na
patungo kay ALWIN

ALWIN: Tapos sa wakas! Tara na at baka mahuli pa tayo

(narrator: AALIYAH) Naglakad na sila palabas sa clasroom

CHARACTER INCLUDES
-Alwin
-Junifer
SCENE : 2 Bola(Biro) ekspresyong pambibiro

(narrator: ROGER) Isang araw, habang naglalakad si JOHN PAUL at BENILDA sa eskwelahan ay
nakita sila ni ISSA.

ISSA : Bakit kayo magkasama?

JOHN PAUL : bakIt? Ano naman sayo?

BENILDA : Hindi ba pwedeng magsama ang mag jowa?

(narrator: ROGER) Nabigla naman si ISSA sa sinabi ni BENILDA at itsinismis niya ito sa kanyang
mga kaklase/kaibigan

ISSA : Huy nakita niyo ba sila JOHN PAUL at BENILDA na magkasama?

AALIYAH : magjowa na pala sila

(narrator: ROGER) Habang naguusap usap ang magkakaibigan, biglang pumasok ang dalawang
mag jowa sa room. Binola nila ang magjowa at duon na nagsimula ang tawanan

ALL : yieeeee sanaol may jowa

ALL : WALANG FOREVERRR

CHARACTER INCLUDES
- john paul
- benilda
- Issa
- aaliyah
SCENE 3: Ahas(Hayop) hayop na makamandag at kinakatakutan ng lahat

(narrator : JHOANA) Pataas sa bundok kung saan naisip na surpresahin ni ROGER ang kanyang
pinakamamahal para sa Ika tatlong anibersaryo ng pagsasama nila.

KRISELLE : Mahal napapagod na ako, bakit ba dito ang napili mong puntahan para sa
anibersaryo natin

(narrator : JHOANA) Hingal na hingal at pawisan na si KRISELLE dahil malapit na sila sa tuktok ng
bundok

ROGER: Makalimutin ka na mahal, Dito tayo unang nagkakilala , kung saan natin nakita ang
paglubog ng araw

(narrator : JHOANA) Hinawakan ni ROGER ang kamay ni KRISELLE at may i-tinabing sangay ng
dahon, sa likod nito ay may isang napaka romatikong lamesa na punong puno ng pagkain na
nakapaharap sa papalubog na araw.

KRISELLE: Napakaganda dito! grabe naman ang inihanda mo para sa anibersaryo natin,

ROGER : oo nga napaka ganda talaga dito at walang anuman.

(narrator : JHOANA) Sabi ni ROGER habang nakatingin kay KRISELLE, lumuhod sa isang tuhod si
ROGER at may inilabas na maliit na kahon at nung binuksan ay bumungad isang singsing na
dyamante.

ROGER : KRISELLE DACLESON, Gusto kitang makasama habang buhay hanggang sa


kamatayan, sana tanggapin mo ang singsing na nagsisimbolo ng pagmamahal ko sayo, Will
you marry me?

KRISELLE : Oo

(narrator : JHOANA) Sa sobrang kasiyahan ni GF niyakap nya si BF

ROGER : Hindi kita iiwan kahit ano man ang mangyari

(narrator : JHOANA) Sapag ka sabing iyon ni ROGER biglang may bumungad sa paahan nila na
isang ahas

KRISELLE : KYAAAH! AHAS!

ROGER: OH MY GODD!

(narrator : JHOANA) Sa sobrang gulat at takot ni ROGER itinulak nya si KRISELLE at tumakbo
papalayo ng hindi lumilingon.

KRISELLE : ROGER! BUMALIK KA DITO! PURO KA LANG SALITA, DUWAG!


SCENE 4 : Ahas(Kabit) taong nangsusulot sa relasyon ng iba

(narrator : KRISELLE) Nakita ni MICHELLE na pinag ttsismisan siya ng kanilang mga kapit bahay.

JHOANA : nakakaawa naman ang asawa ni ROGER, bakit nagawa niya iyon

AALIYAH : “oo nga, hindi pa ba sapat ang asawa niya para sakanya at naghanap pa siya ng iba”

(narrator : KRISELLE) Nagalit namn si MICHELLE sa pinagsasabi nang kanyang mga kapit bahay.

MICHELLE : Hoy, sinasabi niyo bang may kabit ang asawa ko?

JHOANA : Oo kasi narinig ko siyang may kausap na babae nung nakaraang araw

(narrator : KRISELLE) Nakita ni MICHELLE na pauwi na si ROGER sa kanilang tahanan kaya dali
dali niya itong hinablot kung nasaan siya nakapuwesto kasama ang mga kapitbahay

MICHELLE: ROGER totoo bang may kabit ka?

ROGER : h-huh? Wala wala mahal”

MICHELLE : Pano mo nasabing wala? Eh narinig ko diyan sa mga marites na may kinikita kang
iba!

(narrator : KRISELLE) Tumingin ang asawa ng bida sa mga kapitbahay na nagsabi at nabigla siya
nang nakita niya ung kinikita niyang babae, bumalik ang tingin niya sa bida nang may hiningi ito.

MICHELLE : Ibigay mo sa akin ang iyong selpon nang mapaniwalaan kita

(narrator : KRISELLE) Ibinigay naman ng asawa ng bida ang kanyang selpon nang may pag
aalinlangan

(narrator : KRISELLE) Habang chinecheck naman ni MICHELLE ang selpon ng kanyang asawa, ay
parang gusto nitong maiyak dahil nakita niya ang pangalan ng kanyang kapitbahay sa contacts ng
kanyang asawa.

MICHELLE : Paano mo nagawa sa akin to? Kala ko ba ako lang ang mamahalin mo at wala nang
iba? Tapos sa malapit ka lang pala naghanap ng katapat ko!?

MICHELLE : Maghiwalay na tayo, tutal yun naman siguro ang gusto mo dahil may bago ka na

(Naiiyak na tumalikod ang bida at lumayo sakanila)

ROGER : sige dun kana!


CHARACTERS:

Michelle - SCENE 4
Junifer - SCENE 1,
Benilda - SCENE 2 (scriptwriter)
Roger - SCENE 2, SCENE 3, SCENE 4
Kriselle - SCENE 3, SCENE 4
John paul - SCENE 2, SCENE 4
Alwin - SCENE 1,
Issa - SCENE 2 (scriptwriter)
Jhoana - SCENE 3, SCENE 4
Aaliyah - SCENE 1, SCENE 2, SCENE 4

You might also like