You are on page 1of 5

“Champagne Problems”

Synopsis: 
It’s all about a failed proposal. Magkasintahan sina Betty at James.
Maraming taon na silang nagsasama. At dumating na nga ang tamang
panahon upang sila’y mag-isang dibdib at napagdesisyunan na ni James
na magpropose kay Betty sa darating nitong kaarawan. Ngunit napapansin
ni James na parang nag-iba ang ugali ni Betty, mula sa pagiging masiyahin
at madaldal, ay naging cold ito at masungit kay James. In-short,
pinagtatabuyan ni Betty si James.

Ito ay sa kadahilanang na-diagnose si Betty ng isang malalang sakit


at binigyan na lang sya ng 5-6 months para mabuhay ganern. Nalaman din
ni Betty na nagpaplano nga itong si James magpropose na sa kanya. Sa
isip ni Betty ay wala nang saysay kung magpakasal na sila dahil mawawala
rin naman sya pagdating ng araw, kung baga pinapaaga lang nyang
lumisan sya sa buhay nya kaya ginagawa nya ang lahat para lubayan sya
nito.  Naging masungit sya, pinagtatabuyan nya lagi si James, at unti-unti
ay hindi na sya nagpapakita sa kanya. 

Sa kabilang banda, si James ay naloloka na dahil sa inaasta nito sa


kanya. At mas naloka pa sya nung makita nya si Betty na may kasamang
lalaki, dito na sya nagduda ng bongga. Sya si Ivon, ang bestfriend ni Betty.
Kay Ivon nya binuhos ang lahat ng sakit na dinadanas nya ganern. 

Lumipas na nga ang kaarawan ni Betty, pero itong si James ay


palaban. Magpopropose pa din sya. Pumunta sya sa bahay nila Betty.
Pagdating nya don ay sumalubong sa kanya ang mama ni Betty, at dahil
awang-awa na ang mama ni Betty kay James ay sinabi nya na ang reason
kung bakit nag-iba ang pakikitungo sa kanya ni Betty. Pinapunta sya sa
hospital kung saan naka-confine si Betty. Hindi matanggap ni James ang
kalagayan ni Betty. Binantayan nya ito up until na pumanaw ito. Pero
syempre may pa-habilin si Betty, someday magkikita ulit sila mag-antay
lang daw sya. 

At syempre naghintay nga si James, at nakilala si August, kahawig at


kaugali nya si Betty. And they lived happily ever after.
Script

1 Narrator: Hindi natin maiiwasan ang mga pagsubok sa ating buhay.


Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tanging sarap at saya lang ang ating
matatamasa. Parating may hadlang sa lahat ng ating nais makamtan. At
ang hadlang na ito ay magiging basehan kung gaano katatag ang iyong
puso’t-damdamin. May mga mahal tayo sa buhay na bigla na lang mag-iiba
sa kung paano ka nila tratuhin sa hindi mo malamang kadahilanan. Ito ang
kuwento ng magkasintahang sinubok ng kapalaran at kahit gaano man
kalalim ang dagat ay sinusubukan pa ring languyin ito patungo sa maganda
nilang kinabukasan.

2 James: /parang nagdadasal/ Panginoon, sa anim na taon naming


pagsasama ay walang humpay ang saya at pagmamahal na meron kami.
Sinubok na kami ng tadhana, Panginoon. At sa tingin ko ay ito na ang
tamang pagkakataon upang kami ay mag-isang dibdib at bumuo ng sarili
naming pamilya. Sigurado na ako dito Panginoon at nawa’y gabayan mo
ako sa plano kong ito sa darating nyang karaawan, Amen.

3 Narrator: Masaya ang buhay pag-ibig nina Betty at James. Nagkakilala


sila noong sila ay kapwa highschool student pa lamang. Sa unang
pagkikita pa lang nila, alam na ni James na sya na ang kanyang “the one”.
Kaya nga umabot sila ng anim na taon dahil buo at sagana sila sa
pagmamahal. At ito na nga at binabalak na nya itong pakasalan. Ngunit
ano na lang kaya ang mararamdaman nya sa magiging sagot ni Betty sa
kanya?

4 James: Love, nakikita mo na ba sa ating future na may sarili na tayong


pamilya? Kasi ako Love, maliwanag pa sa kalangitan ang nakikita kong
future  natin eh. May dalawa tayong anak, may maganda tayong trabaho,
sariling bahay at masaya tayong pamilya, ikaw ba Love?

5 Betty: /nagpipilit magsmile/ O-oo n-naman love. Nakikita ko /kunwari


masaya/

6 Narrator: Dumating na ang araw na pinakahihintay ni James, ang


kaarawan ni Betty. Handa na ang lahat para sa magandang okasyon na ito.
Nakahanda na ang singsing na galing pa mismo sa kanyang ina.
7James: Happy Birthday Love! Nagandahan ka ba sa surpresa ko para
sayo?

8 Betty: O-oo Love.

9 James: /excited yung boses dito sobrang saya ganon/ Ganon ba?
Pasensya ka na ito lang ang kinaya ko para sayo. Pero Love, sa tingin ko
ito na ang tamang pagkakataon mahal ko. Ito na ang oras para bumuo ng
sarili nating pamilya. Mahal ko.. /kunwari luluhod/ Handa ka na bang
pakasal---- 

10 Betty: L-love. P-pasensya ka na hindi ko matatanggap ang alok mo.


Sorry pero uuwi muna ako.

11 Narrator: Umuwing luhaan ang ating bida. Ang kaninang sobrang


excited ay napawi sa pagiging luhaan. Ikaw ba naman ang hindian sa iyong
marriage proposal diba? Ilang linggo silang hindi nagkita magmula nung
araw na iyon. Hindi maisip ni James kung may nagawa ba syang mali para
hindi nya tanggapin ang alok nitong magpakasal. 
  Lumipas pa ang ilang mga araw at nais nang ayusin ni James ang
kanilang relasyon. Hindi nya kasi ma-contact ito kaya napagdesisyunan
nyang puntahan na ito sa kanilang bahay.

12 James: /knock knock sound effect/ Love!? Love magpakita ka naman


sakin oh! Love! Ano ba ang problema love? Please kausapin mo ako! 

13 Narrator: Walang sumagot sa kanya nung araw na iyon. Kaya mas


lalong nalugmok ang ating bida. Nawalan ito ng gana mabuhay. Nawalan
sya ng source of happiness and love. Palaging umiinom na mag-isa sa
bahay. Hindi nya kayang mawala sa kanya si Betty. 
    Isang araw habang pauwi si James galing sa pamimili ng
pangangailangan sa grocery store ay parang natanaw nya ang kanyang
kasintahan mula sa kabilang kalsada na may kasamang lalaki. Sa sobrang
galit nya ay sinugod nya ito.

//punch sound effects//

14 James: Hayop ka!!

15 Betty: J-james!! Tumigil ka please!


16 James: Ano ba nangyayare sa’ten Betty ha? Ano ba nangyayari sayo?
Hindi mo na ba ako mahal? Sagutin mo’ko please hindi ko na kaya.

17 Betty: J-james may maganda siguro kung maghiwalay na tayo.


Magiging pabigat lang ako sayo.

18 Ivon: Tara na Betty.

19 Narrator: Depressed kung depressed ang ating bida. Hindi nya alam
kung ano ba ang dapat nyang maramdaman, galit ba, lungkot o
panghihinayang dahil sa 6 years nilang pagsasama. Pero hindi nya
hinayaang kainin sya nito at nag-isip nang mabuti kung ano ang tunay na
dahilan kung bakit sya hiniwalayan nito. Palihim syang nag matyag sa
labas ng bahay nina Betty. At habang naghihintay ay sa wakas nakita nya
ang ina nito at palihim itong sinundan. 

20 James: T-teka, bakit parang papunta ito sa hospital?

21 Narrator: Tama kayo ng narinig. Patungo nga ang ina ni Betty sa


hospital. Hindi pa noon nag-sisink in sa utak ni James kung ano ang
dahilan ng pagpunta ng ina nya sa hospital. Kaya’t sinundan pa rin nya ito.

22 James: Miss, pwede ko po bang malaman kung sino yung binisita nung
ginang na pumasok kani-kanina lang?

23 Nurse: Ah yun ba? Kaano-ano nyo po ba yon sir? 

24 James: Ah, tiyahin ko po. Gusto ko lang kasi malaman kung bakit sya
pumunta dito kaya sinundan ko. Pwede ko ba malaman?

25 Nurse: Ganon po ba? Bali ang binisita nya rito ay ang pasyente sa
room 313, Betty Anderson po ang pangalan..

26 Narrator: Dito na nagimbal ang buong pagkatao ni James. Hindi sya


makapaniwala sa kanyang natuklasan. Natulala pa sya ng ilang minuto sa
kanyang kinatatayuan. Iyon ba ang dahilan? Iyon ba ang dahilan kung bakit
sya hiniwalayan ni Betty? 

27 Nurse: Sir? Okay lang po ba kayo?


28 James: A-anong floor po yung room na yon?

29 Nurse: Ah, sa third floor lang po sir.

30 Narrator: Dali-dali syang pumunta agad sa room na iyon. At dito nakita


nya ang taong nagpapasaya sa kanya, ang taong nagbigay kulay sa
kanyang madilim na mundo. Ang una’t-huling taong kanyang iibigin na
taimtim na natutulog sa kama at kitang-kita ang pagbabagong anyo nito.
Pumayat, mamutlang kulay ng balat. At dito na nagsink in sa utak ng ating
bida. Na ang kanyang minamahal ay unti-unti na palang binabawi ng
maykapal. 

END

You might also like