You are on page 1of 7

GOD’S AMAZING GRACE: A LIGHT IN THE MIDST OF DARK

(Musical Play)

Acknowledgements
School Board
Church Members
Alumni
Faculty
Visitors

Magandang gabi po sa inyong lahat mga minamahal po naming mga kapatid at kaibigan. Isang
kagalakan na kayo po ay makasama sa isang natatanging okasyong ito. the 64th and 27th
Founding anniversary of San Jose Adventist Elementary School and San Jose Adventist
Academy. A celebration of God's faithfulness sa ating dalawang institusyon. Praising the Lord
for the sustenance of His work through education.

Acknowledgements

Holy City
In this world full of miseries, we long for Jesus' return. For as He comes in that glorious day, we
will see the new Jerusalem and all that we will do is to sing "Hosanna, in the highest, Hosana to
your King!"

I will Trust In you


Life is unpredictable. We do not know what awaits us as we open our eyes in the morning. We
have no hold of tomorrow. So, may our prayers say "I will Trust in You".

Why Have you Chosen Me?


Alam mo ba? Na nasa sinapupunan ka pa lamang ay may mahalaga ka ng tungkulin? Na kahit
ang mundo ay masalimuot, ikaw ay espesyal.na maituturing? Oo, dahil ikaw at ako ay pinili na
simula pa lamang. Pinili na maging anak Niya.

Just a little talk with Jesus


I may have doubts and fears
My eyes be filled with tears
But Jesus is a friend who watches day and night
I go to him in prayer
He knows my every care
And just a little talk with Jesus makes it right

On behalf of all the participants tonight I am greeting you all "a joyful, amazing evening and a
Happy Sabbath". We are delighted to have you here with us tonight to commemorate how God
blessed SJAES and SJAA throught the years. I am deeply honored to welcome you in this benefit
concert with the theme "God's Amazing Grace: A Light in the Midst of the Dark". And my
prayer is for you to be filled with joy as you witness this musical play. This includes songs of
praises, instrumental, and monologue of people who have encountered several challenges in life.
Once again, welcome and Happy Sabbath!

Actors: Amazing grace, how sweet the sound, that saves a wretch like me. I once was lost but
I’m found, was blind but now I see. (singing)

Script
Narrator: Maraming mga bagay sa buhay natin ang sumusubok sa katatagan ng ating
pananampalataya. Ang mga ito kung minsan ang nagdadala sa atin upang tayo ay manghina at
magupo. Minsan naman ay nagdadala sa atin sa katibayan ng ating pananampalataya at
pagtutiwala sa Diyos. Mga kapatid, ating tunghayan ang isang pagtatanghal na pinamagatang
God’s Amazing Grace: A Light in the Midst of Dark, na magpapakita sa atin kung gaano kabuti
ang Diyos sa kabila ng hirap at mga pagsubok sa ating buhay.

Scene 1 - SAKIT

Actor 1 : (Habang nakikinig sa radio. Nakahiga, at biglang magigising, babangon at iiyak)

Balita: Balitang pangkalusugan


Ang usok ng sigarilyo ay itinatayang naglalaman ng 7,357 KEMIKAL kung saan 70 sa mga ito
ay nakumpirmang nakakapagdulot ng kanser (CARCINOGEN). Marami rin sa mga carcinogen na ito
ang maaaring magdulot ng sakit sa baga at puso at maaari ring magdulot ng pagkabaog o hirap sa
pagbuo ng anak.

Sa dami ng lasong tinataglay nito, hindi na nakakapagtaka kung paano nagiging sanhi ng pagkamatay
ng halos 8 milyong tao sa buong mundo kada taon ang paninigarilyo. At lalong nakakalungkot na
halos isang milyon sa mga namamatay na ito ay hindi naninigarilyo kundi biktima lamang ng
secondhand smoke o usok mula sa sigarilyo ng ibang tao.

Actor 1: (Nakahiga, at biglang magigising, babangon at umiiyak)

(Instrument playing—Precious Lord,

Hindi ko na maaalala kung kalian ako nakalanghap ng malinis na hangin. Yung walang
maruming usok na galing sa mga industriya at sasakyan, walang nakasusulasok na usok ng
sigarilyo, at mabahong amoy ng basura. Ang sakit isipin na tayong mga tao na pinagkatiwalaan
ng Diyos ang mismong sumisira sa ating kalikasan. Kailan pa kaya tayo mumulat sa lahat ng ito?
Kelan pa kaya natin pahahalagahang mga tao ang kalikasang ipinagkaloob sa atin ng Diyos na
Siyang lumikha ng lahat? Kelan pa kaya ako gagaling sa sakit na ito? Sa sakit na lumalala dahil
sa kapabayaan ng tao sa mundo.

Kinakailangan kong lumaban pero hirap na hirap na ako. Hindi nyo alam ang hirap ng pabalik
balik sa ospital at ang pakiramdam na sa bawat miunto at sa bawat sigundo halos hinahabol mo
ang paghinga mo na parang nakakandado ka sa isang masikip at madilim na lugar na hindi ka
makahinga. Hindi nyo alam ang pakiramdam na sa ano mang oras ay maaari kang mawalan ng
hininga. Hindi nto alam kung paanong dinudurog ang aking puso sa tuwing nakikita ko ang
aking mga magulang na nahihirapan na dahil sa lumalaking bayarin dito sa ospital at dahil sa
lubos nap ag aalala. Hindi nyo alam, ilang beses na akong umiyak, lumuhod at nagmakaawa sa
Panginoon na pagalingin ako sa sakit na ito. Halos bilangin ko na lang sa mga daliri ko ang mga
natitirang araw ko sa mundo. Gusto ko lang naman mabuhay ng normal kagaya nyo.
O Diyos tulungan Mo po ako.
(“I need Thee Every Hour)

I need Thee every hour,


most gracious Lord, no tender voice like thine can peace afford.
I need Thee, oh, I need Thee,
every hour I need Thee,
o bless me now, my Saviour, I come to thee.

Scene 2 - BAGYO

Actor 2: (Umiiyak, puno ng pag-aalala)

Balita: Balitang Panahon


Tatlumpo’t pito ang naiulat na patay matapos humagupit ang bagyong Auring sa probinsya
ng Rosario. Inilikas na ang mga nasalanta samantalang patuloy pa rin ang search and rescue
operation sa mga nawawalang….

Actor 2: (Nakahiga, at biglang magigising, babangon at umiiyak)

Ako si Ana. Ako’y nakatira sa Purok Masikip, Brgy. Malaya. Isang magandang
komunidad na kagaya ng araw ay kasing sinag nitong aming ligaya. Pero kapag darating ang
bagyo, bigla kaming nagbabago. Na kahit sa ilang patak pa lang ng ulan, ay punung-puno na
kami ng katarantahan. Impake dito, buhat dito, buhat doon. Eh sino ba naman ang hindi
matataranta kung ang tubig ay umaabot na hanggang bewang.
Paupos nang paupos ang kandila. Na kahit tila anong gawin mo sa kanya, sa huli pa rin
ang liwanag nito’y mawawala. Ngunit wala akong magagawa. Kailangan ko pa din dumilat sa
katotohanan na kailangan kong gumising ng magdamagabantayan lang ang sarili ko at ang akimg
pamilya. Unti-unti akong pinapanik ng hangin. Sa ilang oras na lag, sigurado ako’y tatangayin.
Umupo ako, umupo ako sa lamig habang naghihintay sa tuktok ng aming bahay. Minsan naiisip
ko, bakit ko ba patuloy na nararanasan ito? Ilang ulan pa ba ang aming liliguan? Ilang baha pa ba
ang aming lalanguyan? Kasalanan ba ng pamilya ko kung dito kami nakatira? Eh hindi naman
kami noon inaabot ng baha ah! Tinanong ko sila. Tinanong ko sila. Ma, pa hanggang kelan ba
tayo dito? Ginaw nag inaw na ako… Pagod na pagod na ako…Saklolo! Tulungan nyo ako at ang
pamilya ko. Wala kaming madaanan. Wala kaming mapuntahan kundi, dito lamang. Sa unti-
unting tumitiklop naming bubungan. Patuloy kami sa paghihintay. Umaasa..
Nasaan ang pag-asa? Oh Diyos tulungan mo kami…
Konting tiis pa, ang sabi ni ina. Darating at darating din ang oras na ang bagyong ito ay
muling titila, ngunit kapag ang lahat ban ang ito’y tapos na, may masisilungan pa kaya? Na halos
tangayin ang aming mga haligi’t dingding sa lakas ng baha. Ang lahat ng meron kami parang
ninakaw na. Paulit ulit na lang ba? Paano ang bukas? Ang susunod na lingo? Buwan at taon? Sa
susunod na panahon? Masusubukan pa kaya naming makaahon? Lunod na lunod na ako. Pigang
pig ana ang pamilya ko na patuloy sa paglaban sa tuwing bubuhos ang ulan. Hindi ko akalaing
dito lang pala ako mawawalanng pag-asa sa buhay.
Oh Diyos tulungan Mo po kami…

“Ang pugalan mo, baga’y matibay?


Sa dagsa ng bagyo ng buhay?
Hindi kaya maanod kung datnan,
Ng bilis ng along malakas?

May sinepete ngang matibay,


Ang kaluluwa na pugalan,
Sa batong buhay nakalagay
Pag-ibig ng Diyos ang kinatamnan.”

Scene 3 - SUNOG

Actor 3: (May mga Paso, gulagulanit ang damit, malungkot habang nakikinig ng radyo)

Balita: Balitang Lokal


Tinupok ng apoy ang isang compound sa Sitio Masagana nitong nakalipas na magdamag.
Ayon sa isang residente, tatlong bata umano ang naglalaro ng watusi sa isang eskinita bago
nangyari ang nasabing insidente…(papatayin ang radyo)

Actor 3: (Nakatayo, umiiyak)

Naalala ko pa noon kung paano nagbanat ng boto ang tatay para mabigyan lang kami ng
ligtas at mapayapang tahanan. Pinaghirapan niya ito. May mga laro at kulitan at may mga aral na
itinuro ng aking itay at inay.
Enero, Pebrero,Marso… Marson ang hindi ko na makilala ang aking sarili dahil sa mga
sugat na iniwan ng impyernong apoy na tumupok sa aming tahanan dulot ng paglalaro ng ibang
tao sa apoy.
Naalala ko ang mga usok na muntik nang kumitil sa aking buhay , ang apoy na hindi ko
maunawaan at maipliwanag ang mga paso at sugat sa aking mga balat, sobrang hapdi, halos di ko
kayanin. Halos ipagdasal ko na sa Diyos na ako’y kunin na dahil hindi na ako makahinga sa mga
usok at apoy na pumapalibot sa akin.
Oh Diyos tulungan mo ako dito, hindi ko po kaya ng mabulok dito hanggang kamatayan.
Ang mga sigaw na “Itay tulungan mo ako, hindi na ako makahinga.” Higit sa lahat ay
hindi ko makalimutan ang aking ama. Ang aking ama na nagbakasakali na maligtas ako sa gitna
ng nagbabagang apoy ay tuluyan na ding nawala sa gitna ng paghahanap sa akin sa bawat sulok
na hindi na niya makita sa maiitim at napakatapang na usok.
Hindi ko man lang natulungan ang aking ama makalabas sa nag-aapoy naming tahanan.
Sa tingin mo? Paano? Paano ako makakabangon sa mga natamo kong sugat? Sa pisikal at sa mga
sugat sa puso ko?
Bawat sigundo, naaalala kong lahat. Walang oras o kahit ilang taon pa ang lumipas,
parati kong bibitbitin ang pangungulila na dulot ng sunog. Pangungulila sa pagmamahal at
kalinga ng aking ama.
Oh Diyos tulungan Mo po ako…

ACT 2:
Narrator: Maraming mga pangyayari sa ating buhay ang kung minsan ay nagdadala ng
pansamantalang kaligayahan. Malimit nating naririnig na “sa anumang bagay, kasama natin ang
Panginoon.” Tunay nga ba ito?

Actor 1: Ako si _____________________. Iminulat ako ng aking mga magulang sa isang


Kristiyanong tahanan. Tuwing araw ng pagsamba, makikita mo ako sa church, nagwoworship,
nagbibigay ng tithes and offering, at tumutulong sa mga gawain dahil yun ang sabi ng magulang
ko. Alam nyo ba? Kapag ini-invite ako ng mga kaibigan ko na sumama sa kanila at mag-inuman,
or magcutting classes, o kaya naman ay magparty, o magmovie marathon magdamag? Hindi ako
sumasama. Why? Because my parents taught me the ways to heaven. Memorize ko ang TEN
COMMANDMENTS. Hindi rin ako nagchi-cheat sa exams. Bawal kasi yun. Alam nyo rin ba?
Palagi akong nagbabasa ng Bible. Dahil yun ang sinabi ng aking mga magulang. Nagpe-pray din
ako sa umaga, sa tanghali, at sa gabi. Isama nyo pa yung oras ng pagkain. Ikaw ba? Ginagawa
mo ba yun? Takot akong gumawa ng masama dahil laging sinasabi ng mga magulang ko na
kasama ko si Jesus.

My Heart is so proud, my mind is so unfocused


I see the things You do through me as great things I have done
And now, You gently break me, then lovingly You take me
And hold me as my father, and mold me as my Maker.

I asked you, “How many times, will you pick me up?


When I keep on letting You down?
And each time I will fall short of Your glory,
How far will forgiveness abound?”
And You answer, “My child, I love you.
And as long as you’re seeking my face,
You’ll walk in the pow’r of My daily sufficient grace.”
Hanggang isang araw:

**Darating yung mga kaibigan at yayayain siya sa paggawa ng mga makamundong


bagay. Sa una ay magdadalwang-isip subalit papaya din sa huli. Haharap kay Jesus at ipapako ito
sa bahay.

Actor 1: Masaya pala ito! Yung walang nagbabawal. Walang nagasasabi na “HUWAG!” Sige,
tuloy lang ang kasiyahan. Sa isang salita, MALAYA AKO. Walang Jesus na sunod ng sunod sa
bawat galaw. Walang magsasaway. I’M FREE! At last.

**Isa-isa siyang iiwan ng mga kaibigan. At iiwan ng kasintahan. Hahanapin niya ang
mga ito subalit walang makikita. Uupong nanghihina sa sahig at iiyak. Dadating si Jesus.

***Sings Better than I


I thought i did what's right
I thought i had the answer
I thought i chose the surest road
But that road led me here
So i put up a fight
And told You how to help me
And just when i had given up
The truth is coming clear
Chorus
For You know better than I
You know the way
I've let go, the need to know why
Cause You know better than I
If this has been a test
I cannot see the reason
But maybe knowin', I don't know
Is part of gettin through
I try to do what's best
And faith has made it easy
To see the best thing I can do
Is put my faith in You
Chorus
I saw one cloud and thought it was the sky
I saw a bird and thought that I could follow
But it was You who taught them how to fly
If I let you reach me, will You teach me
For You know better than I
You know the way
I've let go, the need to know why
I'll take what answer You supply
Cause You know better than I

Actors: (Sings 2nd and last stanza of Amazing Grace)


Twas grace that taught my heart to fear
And grace, my fears relieved
How precious did that grace appear
The hour I first believed

Amazing grace, how sweet the sound


That saved a wretch like me
I once was lost, but now am found
Was blind, but now I see

Narrator: Tunay na sa mundong ginagalawan natin ay puno ng paghihirap. Ang inyo mong
natunghayan ay ilan lamang sa mga suliranin na ating nararanasan bilang mga Kristiyano. Ang
mga ito ay sumusubok sa ating kakayahan na magtiwala sa isang Diyos na hindi natin nakikita.
Kung minsan, hindi na natin nararamdaman ang pangangailangan sa Diyos sapagakat tayo ay
kampante na Siya ay kasama natin. Malimit na sa dami ng ating kaabalahan sa buhay ay hindi na
natin napapansin na tayo malayo na sa Kaniya. Mga kapatid, sa gulo ng mundo ay wala tayong
takas—mahirap man o mayaman. Relihiyoso man o hindi. Ang malaking katanungan:
PAANONG TAYO AY MAGLILIWANAG SA SANLIBUTANG PUNO NG DILIM? May
mabuting balita: ang Panginoon ay may pangako—na Siya ay sasaatin sa anumang oras. Na Siya
ay magiging saklolo natin. At kailanman, ang kamay niya ay hindi magiging maiksi upang tayo
ay maabot. Sa ganitong kasiguraduhan ay marapat nating purihin ang Diyos. Ibigay natin ang
karampatang pagsamba at paggalang sa Diyos na gumawa ng mga bagay sa kalikasan, ng mga
mabubuting bagay. Sambahin Siya sa bawat nating mga gawa. Ang papuri ay sa Kniya.

Pagpapakilala ng mga gaganap.


Closing remarks: Sir Fam
Closing Prayer:

You might also like