You are on page 1of 5

Tampok na Teksto

KASALANAN BA ANG KASAGUTAN?


ni: SAZON, WAYNE FRANCIS

                Ang usapin ukol sa Death Penalty o Parusang Kamatayan ay hindi


na bago para sa ating mga Pilipino. Dati na itong pinapairal sa ating bansa
mula pa noong panahon ng mga Kastila. Pagdating naman sa mga Pilipinong
naging presidente ng bansa, sa panahon ni Ferdinand Marcos naging popular
ang parusang ito. Sa pagpalit ng administrasyon, sinuspindi ito ni Corazon
Aquino, mula 1987 hanggang 1999. Pagdating sa pamumuno ni Fidel Ramos,
muling nanumbalik ang parusang kamatayan sa bansa bago muling itigil
noong 2006 sa pamumuno ni Gloria Arroyo. Naging papalit-palit ang pagpasa
at pagbasura sa kaparusahang ito dahil sa mga isyu ukol sa relihiyon,
karapatang pantao, at mga di-inaasahang nangyari, sa loob ng bilibid at sa
lipunan, noong pinapairal pa ito. Ang mga pangulo ng Pilipinas ay may paiba-
ibang paniniwala at kinakampihan pagdating sa usaping ito. Sa kasalukuyan,
supurtado at nais ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang
kamatayan bilang suporta sa kanyang adbokasiya laban sa krimen at droga
ngunit maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapanumbalik sa
marahas na hustisyang ito.

                Isa sa pangunahing rason kung bakit ibinasura ang parusang


kamatayan ay dahil sa relihiyon. Bilang isang bansang may higit sa 80%
Katoliko, mahalaga at binibigyang pansin at respeto ang buhay ng bawat
nilalang sa mundo. Isa pang rason sa pagbasura nito ay ang karapatang pantao
na nalalabag dahil sa batas na ito. Sinasabi ng mga nauna at kasalukuyang
pangulo na mataas ang lebel ng krimen sa bansa noong hindi na pinapatupad
ang parusang kamatayan. Sinasabi nilang nawawalan na ng takot ang mga
masasamang loob na gumawa ng krimen dahil sa mababaw na kaparusahan
para dito. Iniisip nilang ang pagbabalik ng parusang kamatayan ang sagot sa
kanilang problema sa krimen. Ngunit hindi lahat ng problema ay nadadaan sa
dahas kung minsan ay lalo pa lamang nitong napapalala ang sitwasyon. Ang
pag-iisip ng solusyon sa ganitong klase ng problema ay dapat sa ugat nito
hindi kung kalian natapos na ang krimen ay doon pa lamang kikilos.

                Ako, kasama na ang karamihan ng mga Pilipino, ay tumututol sa


planong pagpapanunumbalik ng parusang kamatayan. Ang parusang ito ay
sumasalamin sa masamang kinahinatnan ng mga tao sa mundo ngayon. Naiiba
na ang kanilang paniniwala sa sarili nila. Ang batas na ito ay hindi
makatutulong sa problema ng mga tao sa kasalukuyan, maaari lamang itong
magdagdag ng komplikasyon sa proseso ng pagkamit ng hustisya. Isang
halimbawa na lamang nito ay ang kaso ni Marcial “Baby” Ama na nahatulan
ng kamatayan gamit ang silya-elektrika noong 1961. Si Ama ay 16 na taong

Page 1 of 5
                Ang pagsisintensiya ng kamatayan ay isang desisyong hindi nakaatang
sa kamay ninuman. Nasa Diyos lamang ang pagpapasya sa magiging
kahihinatnan ng tao. Ang isang maling pagdedesisyon ay kapalit ng buhay ng
isang tao na kailanman ay hindi na maibabalik. Isang halimbawa nito ay ang
nangyari kay Eduardo Agbayani na ginahasa ang kanyang tatlong anak na babae.
Sa araw ng pagbitay sa kanya ay sinabi ng tatlong biktima na handa nilang
patawarin ang kanilang ama at ipatigil ang pagbitay. Agad itong itinawag ng
pangulo noong si Joseph Estrada noong 3:12 ng hapon ngunit hindi na umabot
ang kanyang balita dahil nabitay na ang akusado sa ganap na 3:11 ng hapon.
Hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang ginawa ni Eduardo. Dapat
lamang na harapin niya ang kanyang mga kasalanan at pagsisihan ang mga ito
lalo na’t handang magpatawad ang kanyang mga biktima. Ngunit, dahilan na
lamang sa batas na ito, nawalan na siya ng pagkakataong magawa ang mga ito.
Hindi na maibabalik ang mga nakalipas na segundong lumipas.

                Ang parusang kamatayan ay hindi naiiba sa krimen na ginagawa ng


mga masasamang loob ngayon. Hindi ito nalalayo sa paraan na pareho itong
nagdudulot ng matinding kapahamakan at kasalanan, hindi lamang sa taong
naaagrabyado, kundi pati na rin sa Diyos. Bilang isang bansang binubuo ng
mahigit tatlong-kapat na Kristiyano, kinikilala natin ang mga utos at turo ng ating
Bibliya. Ang ikalima sa “Sampung Utos ng Diyos” ay ang huwag kang pumatay
nang kapwa mo tao. Sa pagpanig natin sa parusang kamatayan, tayo ay
sumusuway sa isa sa pinakamahalagang utos ng Diyos para sa atin. Sa paglabag
sa kautusang ito, hindi ba’t nagiging katulad na rin natin sila? Ano ang kinaiba
nila sa atin?

                Sa kasalukuyan, pinaniniwalaan ng Pangulong Duterte na para sa


ikabubuti ng bansa ang muling pagbabalik ng parusang kamatayan. Inaasahan
niyang mapapababa nito ang lebel ng krimen sa bansa, mababawasan ang laman
ng mga congested na mga kulungan, at maibibigay ang hustiya para sa mga
biktima.Matatawag bang tagumpay ang isang panukalang pambansa kung
pinapairal ito gamit ang takot? Makokonsidera bang tamang rason ang dami ng
mga tao sa kulungan para isa-isahin sila upang lumuwag? Mahirap ang proseso
ng hustisya, pero kailan nga ba masasabing nakamit na ang hustisya?Hustisya ba
ang maitatawag sa paglabag sa kautusan ng Diyos para lamang makaganti sa
ibang tao? Mapapagaan ba ang kalooban ng biktima kung makikita niyang wala
ng buhay ang gumawa sa kanya ng masama?

                Sa lahat ng mga bansang demokrasya sa mundo, ang Pilipinas ay ang


pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng nasa death row noon. Sa muling
pasusulong ng parusang kamatayan sa Pilipinas, unti-unti muling lalaganap ang
maling pag-iisip ukol sa hustisya. Ang buhay ng tao ay isang sagradong biyaya
mula sa Diyos. Wala sa ating mga kamay ang pagdedesisyon para sa magiging
katapusan nito. Binibigyan ng batas na ito ang tao ng kapangyarihan na hindi
kailanman ibinigay sa atin ng Panginoon. Sa paghahangad ng hustisya, hindi
kinakailangang gumawa ng karagdagang kasalanan. Hindi dapat tumbasan ng
kasalanan ang isa pang kasalanan. Ang akdang ito ay sumasalamin sa pagtutol ko
Page 2 of 5
Pangalan: Pangkat:
Talaan ng mga Gawain
(Worksheets)
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin kung anong uri ng Lihis na
Pangangatuwiran ang tinutukoy nito. Isulat ang titik ng iyong napili sa patlang. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Ayokong mag-aral sa UP dahil puro aktibista ang mga tao roon. Baka mapabayaan ko ang aking
pag-aaral.
a. False Dilemma b. Circular Argument c. Hasty Generalization d. Argumentum ad baculum
2. Karapat-dapat manalo ang mga batang iyan sa paligsahang ito dahil malaking tulong ang premyo
para sa kanilang pag-aaral.
a. ad hominem b. ad ignorantiam c. ad baculum d. ad misericordiam
3. Galit si Ma’am sa akin. Mula nang hindi ko siya batiin noong isang arang ay lagi na niya akong
tinatawag sa klase kahit hindi ko alam ang sagot.
a. post ergo propter hoc b. ad hominem c. Cum hoc ergo propter hoc d. Hasty
generalization
4. Naghimala sa akin gang Nazareno. Nang hawakan ko ang lalagyan ng kaniyang damit ay bigla
akong gumaling.
a. post ergo propter hoc b. ad hominem c. Cum hoc ergo propter hoc d. Hasty
generalization

5. Kapag ipinagpatuloy ang paglalathala ng iyong scientific findings, tiyak na tatanggaling ng


gobyerno an gating badyet.
a. ad baculum b. ad hominem c. ad ignorantiam d. ad misericordiam
6. Nakatapak ng nuno sa punso si Lotlot. Makalipas ang dalawang araw ay nilagnat siya.
a. ad hominem b. Cum hoc ergo propter hoc c. Hasty generalization d. post ergo propter
hoc
7. Dumarami ang masasama dahil talamak ang kasamaan.
a. False Dilemma b. Circular Argument c. Hasty Generalization d. Argumentum ad baculum
8. Hindi dapat paniwalaan ang sinasabi ni Jejomar Binay. Isa siyang di-mapagkakatiwalaang politiko na
nagpapaawa sa mahihirap.
a. ad baculum b. ad ignorantiam c. ad hominem d. ad misericordiam
9. Ayokong makipagkaibigan sa kaniya dahil baduy at kakaiba ang kaniyang mga hilig.
a. ad baculum b. ad ignorantiam c. ad hominem d. ad misericordiam
10. Hindi ako naniniwalang malubha pa rin ang kalagayan ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa
Tacloban dahil wala na akong naririnig na ganitong balita tungkol sa kanila.
a. ad baculum b. ad ignorantiam c. ad hominem d. ad ignorantium
11. Bagsak na ang industriya ng pelikulang Pilipino dahil sa nagkalat na ang pirated CD at DVD.
a. non-sequitor b. post hoc ergo propter hoc c. argumentum ad numeram d. cum hoc ergo propter hoc
12. Tiyak na pipilahan ang kanilang pelikula. Premier night pa lamang ay napakarami nang nanood.
a. non-sequitor b. post hoc ergo propter hoc c. argumentum ad numeram d. cum hoc ergo propter hoc
13. Napaka-playgirl mo naman! Linggo-linggo ay iba-iba ang naghahatid sa iyo.
a. non-sequitor b. post hoc ergo propter hoc c. argumentum ad numeram d. Hasty Generalization

Page 3 of 5
14. GMA Kapuso ang pinakasikat naistasyon ngayon dahil lahat kami sa bahay, maging ang aking mga
kamag-anak, at kapitbahay ay pawang sa mga palabas ng GMA Kapuso nakatutok.
a. non-sequitor b. post hoc ergo propter hoc c. argumentum ad numeram d. Hasty Generalization
15. Tiyak na kikita ang kanilang pelikula. Napakaraming dumalo sa Fan’s Day nila.
a. non-sequitor b. post hoc ergo propter hoc c. argumentum ad numeram d. Hasty Generalization

PAGSUSURI SA TAMPOK NA TEKSTO

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong bilang pagsusuri kaugnay sa binasang tekstong argumentatibo na
pinamagatang KASALANAN BA ANG KASAGUTAN? ni: SAZON, WAYNE FRANCIS.

1. Ano ang pamagat ng binasang teksto?

2. Ano ang proposisyon ng binasang teksto na nagsilbing pinagtatalunan nito?

3. Ilahad sa sariling pangungusap ang tatlong argumento ng may-akda kaugnay sa paksa.

a.

b.

c.

4. Ano ang argumento o panig ng katalo ng may-akda?

5. Ano naman ang panig ng may-akda?

6. Paano tinapos ng may-akda ang kanyang argumento?

Page 4 of 5
Page 5 of 5

You might also like