You are on page 1of 2

Pagbasa at Pananaliksik

Group 2

Bajo, Capote, Dayatan, Dela Calzada, Duka, Escobido, Ledesma, Magarao, Sieras, Sipin

Sistemang Politikal ng Sinaunang Asya: Ang Tsina Bilang Gitnang Kaharian at ang Banal na
Pamamahala ng mga Emperador sa Japan

Paghahambing

Ang paghahambing ay ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang


nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad ng anumang bagay, konsepto, o
pangyayari. Ang halimbawang teksto na aming ihahambing ay ang sinaunang paniniwalang
politikal ng mga bansang Tsina at Japan. Ang mga sinaunang sistemang politikal ng Tsina at
Japan ay mayroong mga pagkakatulad at pagkakaiba sa kanilang pagkakabuo at
pamamahala. Ang pagkakatulad ng sinaunang paniniwalang politikal ng mga bansang Tsina
at Japan ay makapangyarihan. Ang kanilang Emperador ay nakakaimpluwensiya sa mga
paniniwalang politikal ng sinaunang asya. Sila ang dalawang maunlad na sibilisasyon.
Pareho silang mayroong malakas na monarkiya o pamahalaan na nagsisilbing sentro ng
kapangyarihan sa kanilang nasasakupan. Parehong ipinaglalaban ang kanilang magkaibang
nakagawian na kultura.

Ang pagkakaiba naman nila ay ang bansang Tsina ay gitnang kaharian, ang kanilang
paniniwala ang pinakamataas sa ano mang lahi. Naniniwala ang mga tsino na ang kanilang
emperador ay anak ng langit. Ang emperador nila ay pinaniniwalaang anak ito ng langit.
Naniniwala silang ang kanilang paniniwala ang pinakamataas sa anumang lahi.
Hinuhusgahan nila ang ibang tao basi sa kanilang pananaw at itinuturing itong mga
barbaro. Habang ang Japon naman ay hindi naniniwala ang mga hapon ang kanilang
pananaw ang basihan kung sino ang sibilisado at hindi. Bukas sila sa ibang kultura at ibang
pamamaraan na makatutulong sa kanilang pamumuhay. Iba ang kanilang pananaw sa
kanilang emperador itinuturin nila itong sagradong posisyon. Naniniwala ang mga hapon
na ang kanilang lupain ay lupain ng mga Diyos. Banal na paniniwala ng mga emperador sa
Japan. Hindi sila(hapon) naniniwala sa mandatu ng kalangitan kung kayat hindi maaaring
alisin sa kapangyarihan ang emperador Sa kabuuan, bagamat mayroong mga pagkakatulad,
ang mga sistema ng politika sa sinaunang Tsina at Japan ay mayroong mga pagkakaiba sa
kanilang pamamahala at pamumuno ng nasasakupan. Sa halimbawang teksto, mas
natutuhan namin kung paano maghambing ng mga bagay o teksto. Maliwanag na ipinakita
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng paniniwala ng mga Tsino at Hapon pagdating sa
sinaunang pamamalakad ng gobyerno. Kapansin-pansin din na may magkaibang tradisyon
na pinagmumulan ng dalawang bansa ang nagtatakda sa kaayusan ng kasalukuyang
sistemang politikal ng bawat lipunan.

You might also like