Wright Mills (1959) sa kanyang aklat na Sociological
Imagination: "Neither the life of an individual nor the history of a society can be understood without understanding both." (20 puntos) - Sa kaisipang ito, naid imulat ni Dr. Mill ang relasyon ng panlipunang suliranin sa personal na karanasan ng mga mamamayan nito. Ang ating personal na suniranin at problema sa lipunan ay may kaugnayan na dapat maunawaan ng mga mamayan kahit hindi nila ito nauunawaan. Ang mga suliraning pinoproblema ng mga mamayan ay nakaugat sa suliraning umiiral sa lipunan nito. Isang halimbawa nito ang problema ngayon ng pandemya sa ating bansa na siyang suliranin ng bawat isa sa atin, Nakaugat ang suliraning ito sa problema sa disiplina at kakulangan ng maayos na pagkilos ng ating pamahalaan sa ating bansa. Bagaman ang pag-iingat sa kalusugan ay obligasyon ng bawat isa sa atin, pero ang kakungan sa disiplina at tugon ng bawat isa sa atin ay maaring makaapekto sa bawat taong nakikisalamuha sa lipunang ito. sa gayon, dapat ding magkaisa ang bawat indibidwal na mamayan upang tugunan ang suliraning kinahaharap ng lipunan.
2. Ano ang isinusulong ni Rizal sa kanyang pagsisikap na salungatin, basagin, o kontrahin,
ang dominanteng naratibo ng Kasaysayan ng Pilipinas na produkto tayo ng pagtuklas at benepisyaryo ng sibilisasyong dala ng mga mananakop? Ipaliwanag. (20 puntos) - Ang isinulong ni Rizal na mabigyan ng maayos na pagkilala ang Pilipinas ng mga dayuhang mananakop sa kanilang bansa. Ininagawa niya ito sa paraan ng kanyang pagtuklas at pagwawasto ng kasaysayan ng Pilipinas. Nag-aral si Rizal sa Madrid ng mga kursong may kinalaman sa kasaysayan at nanaliksik sa ibang bansa upang tuklasin ang mga nakatalang kasaysayan ng ating bansa. May iilan siyang nakitang mga sulatin tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa mga kanluraning manunulat. Ginamit naman niya ang kanyang mga natuklasan upang suriin ito sa kasalukuyan at iwasto ayon sa totoong pangyayari ayon sa kanyang karanasan. - Nagsulat din si Rizal ng mga pamanahunang nobela at artikulo o sanaysay na tumutukoy sa tunay na karanasan ng mga Pilipino sa ating bansa. Dito niya isinalaysay at isinadula ang kalupitan at hindi makaturangan pagtrato ng mga Kastila sa mga Pilipino noon sa mismong bansang Pilipinas. Ang kanyang pagkilos ay ang nagsilbing susi upang maiwasto ang maling kaisipan na nakatala sa lumang kasaysayan nilkha ng mga kanluraning manunulat. Naging daan din ito upang mahayag ang kalupitan ng mga Kastilang namamahala sa Filipinas noon. Dahil dito, nakilala siya ng iba pang mga tanyag na pantas at pilosopong banyaga at maging kapwa nila Pilipino. Sa gayon, nabigyan din ng pansin at pagkilala ang kanyang bayan, na siya naman niyang isinusulong.
3. Ayon sa lektura ni Dr. Alvarez, hinimok ni Rizal na magsulat pa si Ferdinand Blumentritt
ng tungkol sa kasaysayan ng Filipinas pero ang sagot ni Blumentritt kay Rizal, "Kayo (mga Filipino) ang mas mainam na magsulat dahil usapin ito ng PERSPEKTIBA o PANANAW, USAPIN ng IDENTIDAD..." Ipaliwanag. (20 puntos) - Ang pahayag ni G. Blumentritt ay isang paanyayang panloob. Hinihimok niya na mas mainam na magmula sa loob, o ang mismong mag Filipino, ang siyang magsusulat ng pagkakakilanlang panloob, o nang kasaysayan ng sariling nilang bansa. Dahil para sa kanya, ang gawaing ito ay usaping pangkalooban at pagpapakilala ng kaibuturan nito. Ang pagsusulat ng kasaysayan, na siyang pagkakakilanlan ng isang bansa, ay mas mainam na maipapahayag ng mismong umaangkin nito. Ang pagsusulat ng kasaysayan, para kay G. Blumentritt, ay usapin ng pananaw at pagkakakilanlan, kaya mas mainam na maipapahayag ang detalye ng isang kasaysayan ng mga mismong nagtataglay at umaangkin nito. Mas nakikilala din nang nasa loob ng kasaysayan ang sarili nitong pagkakakilanlan kaya mas mabuti na magmula ang pagsusulat nito sa loob.
4. Magbigay ng dalawang halimbawa ng pagsisikap ni RIZAL na muling maisulat o
maiakda ang bansa. Ipaliwanag. (20 puntos) - Si Rizal ay nag-aral at nagsulat tungkol sa kasaysayan para sa kanyang layuning maisalimbag muli ang kanyang bansa. Nag-aral at naliksik siya sa ibang bansa tungkol sa kasaysayan ng Filipinas bilang parte ng kanyang plano. Sa kanyang pananaliksik, natuklasan niya ang ilang mga lathalain tungkol sa pagsasalarawan ng mga kanluraning manunulat tungkol sa Filipinas. Sinuri niyang mabuti ang mga akdang kanyang nakita at nagbigay ng kanyang sariling paglilinaw at pagsasaayos nito. Ito ang kanyang naging unang hakbang upang ipakilalang muli at itala ang bagong kasaysayan ng Filipinas. Si Rizal ay nagsulat din ng panahunang nobela tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at ilang mahahabang sanaysay sa pahayagang La Soladaridad. Ang mga nasabing akda ay mga tala na siyang tumutuligsa sa kalupitan ng mga Kastila at mababang kalagayan ng mga Filipino noong panahon niya. Ang mga akdang ito rin ni Rizal ay isa sa kanyang paraan upang ipakilala at isulat ang bagong kasaysayan. Ang mga pagkilos na ginawa ni Rizal ay ang kanyang paraan ng pasusumikap na maitala muli ang tunay na kalagayan ng mga Filipino sa panahon ng Kastila, at kung paanong iwasto ang mga maling kaisipang nabuo sa kasaysayan sanhi ng maling tala sa kasaysayan ng mga manunulat ng kanluranin.
5. Bilang estudyante sa kursong RIZAL, paano ka ginabayan ng lektura upang maging
malay sa usapin ng Filipinong identidad? (20 puntos) - ang pagbabahagi ni Dr. Alvarez sa kanyang lektura na pinamagatang "Rizal and Reclaiming the World of Our Ancestors." ang siya kung naging gabay upang mulat sa tunay na kahalagahan ng pag-aaral sa buhay at mga gawa ni Rizal. Namulat din ako sa maling kaisipang itinala noon ng mga Kastila sa loob at labas ng ating bansa. Bagaman at tinuligsa rin ni Rizal ang ilang gawi at paniniwala ng ating mga ninuno noon, pero nagging hakbang lang ito kung paano dapat magsumikap ang mga Filipino noon upang maging malay at edukado sa tunay na kalagayan nila noon. Napagtanto ko rin sa Lektura ni Dr. Alvarez na ang edukasyon, na siyang isa sa mahigpit na isinusulong ni Rizal, ang isa sa pinaka epektibong paraan upang maging malay sa tunay nating pagkakakilanlan bilang isang Filipino. Edukasyon din ang susi upang maiwasan muling maulit ang kalupitan dinanas na ating mga nino sa kamay ng mga dayuhan. At ito rin ang paraan upang lumaya tayo mula sa pagkakakulong sa kolonyal na kaisipang itinala sa atin ng mga mananakop ng ating bansa noon.