You are on page 1of 14

4

EPP – Industrial Arts


Ikatlong Markahan – Modyul 5
Paggawa ng Sariling Disenyo sa
Pagbuo ng Produktong Gawa
sa Kahoy
Alamin

Ang modyul na ito ay mga gawaing pang-industriya na


malilinang ang iyong kakayahan at pagiging malikhain.
Matututunan mo ang paggawa ng mga kapakipakinabang na
gawain na ang mga kagamitan ay matatagpuan lamang sa inyong
paligid.

Ang proyektong iyong gagawin ay may kapakinabangan at


maaaring makatulong ng malaki sa pagkakaroon ninyo ng
hanapbuhay kahit nasa bahay lamang.
Dagdag pa rito, pagkatapos ng aralin sa modyul na ito,ikaw
ay inaasahang:
• nakikilala ang mga kagamitan sa pagbuo ng sariling
disenyo ng produktong gawa sa kahoy;
• nalilinang ang kakayahang sa paglikha ng disenyo;
• naisasagawa ang mga paraan sa paggawa ng sariling
disenyo sa pagbuo ng proyekto ng produktong gawa sa
kahoy; at
• napahahalagahan ang mga bagay sa paligid upang
makabuo ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong gawa sa kahoy. (EPP4IA-Of-6)

Subukin

Panuto: Masdang mabuti ang mga larawan sa ibaba at sa


susunod na pahina. Piliin sa mga ito ang proyektong gawa sa
kahoy. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. A. B. C. D.

1
2. A. B. C. D.

3. A. B. C. D.

4. A. B. C. D.

5. A. B. C. D.

Aralin Paggawa ng Sariling Disenyo sa

1 Pagbuo o Pagbabago ng
Produktong Gawa sa Kahoy
Bilang isang bata, mahalagang mapahalagahan mo ang mga
bagay sa paligid na maaari mong mapakinabangan. Maaari mo
ring ipakita ang iyong pagiging malikhain sa pagbuo ng mga
bagay mula sa kahoy. Sa ganitong paraan, makatutulong ka sa
pag-unlad ng kabuhayan ng inyong pamilya.

Balikan

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Hanapin sa kahon


ang angkop na sagot ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

compass divider lapis


2
protractor triangulo t-square
__________ 1. Ginagamit sa pagkuha ng mga anggulong hindi
masusukat ng alinmang trianggulo.
__________ 2. Ginagamit sa paghahati-hati ng linya at sa
paglilipat ng mga sukat.
__________ 3. Ginagamit sa paggawa ng linyang pahiga.
__________ 4. Ginagamit sa paggawa ng mga bilog at arko.
__________ 5. Ginagamit sa paggawa ng mga patayo at pahilis
na linya.

Tuklasin

Panuto: Suriing mabuti ang puzzle. Hanapin at bilugan ang mga


kagamitan sa pagbuo ng proyekto. Gawin ito sa iyong sagutang
papel na inihanda ng inyong guro para sa inyo.

R E T M A R T I L Y O S U W K

G P R I L Q T O I W E Y T B I

L A G A R I G D H Q R K H R K

A E G A R I D Y A P H A G O I

P T U Y R W Q Y P L G T K T L

I S K U W A L A M V Y A A S H

S S K A U A L A Q R F M T A T

1. Brotsa 4.liha 7.martilyo


2. iskuwala 5.lapis 8.paet
3. Lagari 6.katam 9.kikil

3
Suriin

A. Wastong paraan ng pagguhit upang makabuo ng disenyo o


krokis
1. Sa pagsisimula ng paggawa ng
disenyo siguraduhing iskwalado
ang inyong papel sa mesang
pagguguhitan gamit ang
t-square.

2. Upang matagumpay na makabuo


ng isometric drawing ng isang
disenyo ay kakailanganin mo ng
30 x 60 trianggulo upang
makabuo ng patayo at pahilis na
linya na katulad ng nasa larawan

3. Magsimula sa pagtukoy ng point


A. Ang point A ay ang gitnang
bahagi.
A

4. Simulan ang paggawa ng set square. Gamitin ang t-square


upang maging gabay sa trianggulo sa pagguhit ng mga
linyang pahilis at patayo upang makasiguradong iskwalado
ang gagawing krokis ng disenyo. Sundan ang nasa larawan.

A. B. C.

4
D. E. F.

G. H. I. Base
A line

5. Sa paggawa ng isometric drawing ng isang ortograhic na


disenyo na katulad ng nasa larawan, sundan ang
sumusunod na hakbang.
f

tanawing itaas tanawing harap tanawing pantagiliran

a. Magsimula gamit ang iskwaladong


kahon

b. Iguhit sa kaliwang bahagi ng kahon


ang front view at ang side view sa
kanang bahagi at ang top view sa
itaas na bahagi ng kahon. Gamitin
ang 30 x 60 na trianggulo sa tulong ng
t- square.

5
c. Kompletuhin ang sketch sa
pagdugtong ng mga linya na
magbubuo ng mga intersections of the
planes sa bawat bahagi ng kahon.

d. Linawan lamang ang bahaging bubuo


sa iyong disenyo gamit ang lapis.

e. Maaari mo nang alisin ang mga


linyang hindi kailangan sa pagbuo ng
disenyong iginuguhit upang mabuo
ang isometric drawing.

B. Mga Kagamitan sa Pagbuo ng Proyektong gawa sa Kahoy

martilyo iskwala kikil


lagari

katam paet
metro

Pagyamanin

A. Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang isinasaad


sa bawat pangungusap ay tama at ekis ( x ) naman kung mali.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

__________1. Makabubuo ka ng patayo at pahilis na linya kung


gagamitin mo ang 30 x 60 trianggulo upang
matagumpay na makabuo ng isometric drawing.

6
__________2. Sa paggawa ng isometric drawing ng isang
ortographic na disenyo ay may mga hakbang na
kailangang sundan katulad ng tanawing itaas,
tanawing harap at tanawing pantagiliran.
__________3. Magiging maganda ang iyong disenyo kung hindi
mo gagamitan ng iskwaladong kahon.
__________4. Ang iskwaladong kahon na iyong nagawa
angmagiging gabay mo sa pagguhit ng isometric
drawing.
__________5. Hindi na kailangang kompletuhin ang sketch
sapagdugtong ng linya na magbubuo ng mga
intersections of the planes.

B. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan upang makabuo


ng isang krokis o disenyo. Lagyan ng bilang 1-5 sa bawat
patlang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A B C
.

D E
. .

C. Panuto: Ang mga sumusunod na larawan ay nagpapakita ng


wastong paraan sa paggawa ng isometric drawing ng isang
ortographic na disenyo. Iugnay ang larawan sa Kolum A sa
salitang ipinahahayag nito sa Kolum B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Kolum A Kolum B

Kompletuhin ang sketch sa


1. A pagdugtong ng mga linya na
magbubuo ng intersections of the
planes sa bawat bahagi ng kahon.

7
2. B Magsimula gamit ang nabuong
iskwaladong kahon.

Alisin ang mga linyang hindi


kailangan sa pagbuo ng disenyong
3. C iginuguhit upang mabuo ang
isometric drawing.
Iguhit sa kaliwang bahagi ng
kahon ang front view at ang
4. D side view sa kanang bahagi at
ang top view. Gamitin ang
30 x 60 trianggulo sa tulong
ng t-square

Linawan lamang ang mga


5. E bahaging bubuo sa disenyo gamit
ang lapis.

Isaisip
Narito at pag- aralan ang pagbabago sa disenyo ng nabuong
proyekto mula sa kahoy.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang nasabing disenyo, iguhit mo


sa malinis na papel upang mapag-aralang mong mabuti ang
iyong gagawing proyekto.
8
Isagawa
Panuto: Sa tulong ng iyong mga magulang o ng sinomang
nakatatanda na miyembro ng pamilya na may kaalaman sa
pagkukumpuni ng gawaing kahoy. Humanap ng tabla o kahoy sa
paligid. Gumawa ng simpleng lalagyan ng liham. Sundan ang
mga paraan sa pagggawa ng disenyo upang makabuo ng
proyektong mula sa kahoy.
Mga Paraan sa Paggawa ng Proyekto
Lalagyan ng Liham
Mga Kagamitan
1. Brotsa 7. Martilyo
2. Iskuwala 8. Metro / Panukat
3. Katam 9. Pait
4. Lagaring panistis 10. Pako
5. Lapis 11. Varnish

6. Tabla / kahoy na
matatagpuan sa paligid

Mga Paraan sa Paggawa:


1. Ihanda ang disenyo ng proyekto at mga kagamitan sa
paggawa.
2. Sukatin ang kahoy ayon sa sukat na nasa disenyo.
3. Tabasin ang kahoy ayon sa disenyo.
4. Kinisin at lihain ang kahoy at lahat ng bahaging tinabas.
5. Buuin ang proyekto, gumamit ng pandikit at pako.
a. Pagkabitin ang dalawang bahaging tagiliran at ang
likuran.
b. Ikabit ang pinakasahig
c. Ikabit ang tatlong bahaging harapan.
6. Lagyan ng masilya ang mga upuan.
7. Lihain ang nabuong proyekto.
8. Barnisan, patuyuin at muling barnisan.
9. Lagyan ng sariling disenyo ang harapan upang mas higit na
gumanda

9
Rubriks

5 4 3 2 1
Kaaya-aya,maayos ang pagkakabuo ng
disenyo, at naipasa sa takdang-oras ang
proyekto. (5 pts.)
Maayos ang pagkakabuo ng disenyo at
naipasa sa takdang oras ang proyekto.
(4pts.)
Maayos ang pagkakabuo ng disenyo ngunit
lagpas na ng isang araw sa takdang oras
bago naipasa ang proyekto. (3pts.)
Nakagawa ng proyekto ngunit hindi
masyadong maayos ang disenyo at lagpas
na ng dalawang araw bago naipasa ang
proyekto. (2pts.)
Nakagawa ng proyekto ngunit hindi
masyadong maayos ang disenyo at lagpas
na ng isang linggo o higit pa bago naipasa
ang proyekto.(1pt.)

Tayahin

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang


titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa pagsisimula ng paggawa ng disenyo siguraduhing


_____________ ang iyong papel sa mesang pagguguhitan
gamit ang t-square.
A. iskwalado C. malaki
B. mahaba D. Tape Measure

2. Upang matagumpay na makabuo ng isometric drawing ng


isang disenyo ay kakailanganin mo ng _____________
trianggulo.
A. 30 x 45 C. 45 x 60
B. 30 x 60 D. 60 x 45

10
3. Kailangang kompleto ang ________________sa pagdugtong ng
mga linya ng mga intersections of the planes sa bawat
bahagi ng kahon.
A. design C. sketch
B. drawing D. sukat

4. Napansin mong walang maayos na lalagyan ang inyong mga


resibo ng bill ng koryente. Nakita mong may mga maliliit na
tabla sa tabi ng inyong bahay. Ano ang gagawin mo?

A. Itatapon ang mga resibo ng hindi pakalat-kalat.


B. Sasabihin sa kapatid na itago ang mga resibo
C. Kukuhanin ang mga maliliit na tabla at bubuoing
lalagyan ng resibo sa tulong ng magulang.
D. Ipagwawalang bahala lamang ang mga nakita, dahil hindi
naman sa iyo iniuutos.

5. Paano makakatulong ang iskwaldong kahon sa proyekto


mong gagawin?
A. Magiging patungan mo ito.
B. Ito ang magiging disenyo mo.
C. Ito ang gagamitin mong pansukat.
D. Ito ang magiging gabay mo sa pagguhit,

B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang kagamitan ay gina-


gamit sa kahoy at lagyan ng ekis (x) kung hindi.

__________6. __________9.

__________7.
__________10.
__________8.

11
12
Subukin Balikan
1. B 1. protactor
2. B 2. divider
3. C 3. t-square
4. A 4. compass
5. A 5. trianggulo
Pagyamanin Tayahin
A. 1. / A.
2. /
1. A
3. X
2. B
4. /
3. C
5. X
4. C
B. A. 1
5. D
B. 3 B.
C. 2
D. 5 6. /
E. 4
7. X
C. 1. E
2. D 8. /
3.A
4. C 9. /
5. B 10. X
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Cristobal, Guadalupe. C., Alladin G. De Guzman, Loida L. Hilario,


Harriet O. Pontigon, Rebecca T. Watson, at Efigenia P.
Pangilinan, (2005). Edukasyon Pantahanan at
Pangkabuhayan, Workteks sa Edukasyong Pantahan at
Pangkabuhayan para sa Ika-apat na Baitang. Manila: Rex
Bookstore.

Gabay sa Kurikulum ng K-12, MELCs, 2020. Pasig City:


Department of Education.

Samadan, Eden. F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Lagui,


Marilou E. Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C.
Dispababiladera, at mga kasama (2015). “Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan” (Patnubay ng Guro), Pasig
City: FEP Printing Corporation.

Samadan, Eden. F., Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Lagui,


Marilou E. Marta, Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C.
Dispababiladera, at mga kasama (2015). “Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan” (Kagamitan ng Mag-aaral),
Pasig City: FEP Printing Corporation.

Samadan, Eden., Marlon Lalaguna at Virgilio Laggui. (2015).


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Gabay ng
Guro). Pasig City: Vival Group, Inc.

Samadan, Eden., Marlon Lalaguna at Virgilio Laggui. (2015).


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Gabay ng Mag-
aaral). Pasig City: Vival Group, Inc.

You might also like