Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan 7
Araling Panlipunan 7
Ang heograpiya ay may kinalaman kung saan naninirahan ang tao, samantalang
ang ethnicity ay may kinalaman sa pagkakakilanlan ng tao. Natural lamang kung may
isang pangkat ng tao ay naninirahan sa lupaing mabundok, ang kanilang gawi at
tradisyon ay angkop sa mabundok na kapaligiran. Ganito rin ang nagaganap sa
naninirahan sa ibang lupain.
Makikita ang mga Han sa lahat ng bahagi ng China, subalit ang karamihan sa
pangkat nito ay nasa ibabang bahagi ng mga ilog ng Huang Ho Yangtze at Pearl at sa
kapatagan ng Hilagang Silangan ng Songliao.
Ang Achang ay may sariling wika at hindi naglaon ay ginamit ng pangkat Dai at
Mandarin. Magaling sila sa paggawa ng mga kagamitang bakal maipagmamalaki rin
ang ani nilang bigas at isda na nagmumula sa bukirin.
Ang mga Bai ay malikhain at mahilig sa puting damit at palamuti sanhi marahil
ng napakagandang kapaligiran ng mga Bai.
Ang iba pang pangkat tulad ng mga Miao, Tibetan, Mogol at Tar na
namumuhay sa lupaing steppe ng China ay karaniwang nagpapastol ng mga alagang
hayop at gumagawa ng mga produktong handicrafts.