1st Summative Test in Mapeh-4th Quarter

You might also like

You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV A – CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY
DISTRICT VIII
SOUTHVILLE 5A ELEMENTARY SCHOOL
SOUTHVILLE 5A, LANGKIWA, BIÑAN CITY, LAGUNA

FIRST SUMMATIVE TEST IN MAPEH 5 (4th QUARTER)


S.Y. 2022-2023
PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap o tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
MUSIC
I. Basahin ang pahayag at piliin ang sagot na nasa loob ng kahon.
A. Forte B. Piano C. Dynamics D. Malakas A & B. mahina
___________1. Tumutukoy sa tunog ng forte.
___________2. Tumutukoy sa tunog ng piano.
___________3. Ito ay tumutukoy sa malakas na tunog.
___________4. Ito ay tumutukoy sa mahinang tunog.
___________5. Ito ay tumutukoy sa paglakas at paghina ng isang awitin o tugtugin.
II. Panuto: Isulat ang simbolo ng sumusunod na antas ng Dynamics.
6. Piano 7. Pianissimo 8. Mezzo Piano 9. Forte 10. Mezzo Forte
ARTS
I. Tukuyin kung ano ang sinasaad sa bawat pangungusap. Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon.
A. 3D Art B. Mobile Art C. Paper Beads D. Magazine A & B. maaliwalas
1. Ang _____________ ay isang uri ng 3D art na maaaring gumagalaw.
2. Ang mobile art ay lubusang mahahangaan kung ito ay nakasabit sa _______na lugar.
3. Ang _____________ ay uri ng sining na may taas, lapad, anyong paharap, tagiliran, at likuran at maaaring malayang
tumayo sa isang lugar.
4. Ang pangunahing gamit sa paggawa ng paper beads ay ____________.
5. Ang mga ________ay likhang-sining na ginagamitan ng mga pinulupot na papel na may iba’t ibang hugis at kulay.
II. Ang sumusunod na mga salita ay lista ng mga materyales sa paggawa ng likhang-sining. Kilalanin at lagyan ng tsek
( ) kung ito ay kagamitan para sa paggawa ng 3D-craft na PAPER BEADS at ekis ( ) kung hindi.
6. Lumang magasin 7. Gunting 8. Pandikit 9. Linoleum 10. Barbecue stick

PHYSICAL EDUCATION
I. Ishade ang A kung TAMA ang pangungusap at B kung MALI.
____1. Ang katutubong sayaw ay sumasalamin sa mga tradisyunal na pamumuhay ng mga mamamayan sa isang rehiyon.
____2. Batay sa Physical Activity Pyramid Guide, ang pagsasayaw ay maaaring isagawa ng isang beses sa isang linggo.
____3. Sa sayaw na Cariñosa, gumagamit ng panyo ang lalaki at pamaypay naman ang gamit ng babae.
____4. Isa sa mga katutubong sayaw ng ating bansa ang Cariñosa.
____5. Malilinang ang mga sangkap ng physical fitness nang mabuti kung maisasagawa nang tama ang mga gawaing pisikal
gaya ng pagsayaw.
II. Isaayos ang mga ginulong titik upang mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel
6. Nagpakilala ng sayaw na Cariňosa sa ating bansa - - - - - - O A S E P N Y L
7. Kahulugan ng Cariňosa - - - - - - I B N G M A L A M
8. Pinagmulan ng sayaw na Cariñosa - - - - - - Y A I S V A S
9. Kagamitan ng lalaki sa sayaw - - - - - - P N A Y O
10. Kasuotang pambabae sa sayaw - - - - - - M A R A I C A L A R

HEALTH
I. Basahin ang pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang __________ ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong, kalinga at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o
karamdaman.
A. pangunang lunas B. pagpapanatili ng buhay
C. pagtaguyod sa paggaling D. pananggalang sa sarili
2. Sino sa mga sumusunod ang maaring magsagawa ng first aid o pangunang lunas?
A. doktor na may aparato B. nars na may mga dalang gamot
C. guro na may sapat na kasanayan D. karaniwang tao na may wastong kaalaman
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa dapat bigyan ng pangunang lunas?
A. natutulog B. nasugatan C. nawalan ng malay D. nabalian ng buto
4. Mahalaga ang pagbibigay ng pangunang lunas sa taong nangangailangan upang __________?
A. maging sikat B. maisalba ang buhay
C. makatulong sa mga doctor D. masigurado ang bisa ng gamot
5. Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing layunin ng pangunang lunas maliban sa isa?
A. Pagbigay ng gamot B. Pagpapanatili ng buhay
C. Pagtaguyod sa paggaling D. Pag-iwas sa paglala ng pinsala

II. Basahin ang pangungusap. Piliin ang A kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at B kung hindi wasto.
6. Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat nakapagpapanatili o nakakapagpatagal ito ng buhay ng tao.
7. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala.
8. Ang mga taong magbibigay ng pangunang lunas ay dapat may sapat na kaalaman at kasanayan.
9. Hindi natin alam kung saan o kailan mangyayari ang sakuna.
10. Maiiwasan ang dagdag pinsala kung ang taong tutulong may kaalaman o kasanayan sa pagsasagawa ng lunas.
ANSWER KEY

MUSIC PE
1. D 1. A
2. A & B 2. A
3. A 3. A
4. B 4. A
5. C 5. A
6. p 6. ESPANYOL
7. pp 7. MALAMBING
8. mp 8. VISAYAS
9. f 9. PANYO
10. mf 10. MARIA CLARA

ARTS HEALTH
1. B 1. A
2. A & B 2. D
3. A 3. A
4. D 4. B
5. C 5. A
6. / 6. A
7. / 7. B
8. / 8. A
9. x 9. A
10. / 10. A

You might also like