You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV A – CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY
DISTRICT VIII
SOUTHVILLE 5A ELEMENTARY SCHOOL
SOUTHVILLE 5A, LANGKIWA, BIÑAN CITY, LAGUNA

UNANG LINGGUHANG PAGSUSULIT SA ESP 5 (2ND QUARTER)


S.Y. 2022-2023

I. Piliin ang A kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at B kung hindi.
___1. Paglilingkuran ko ang mga nangangailangan sa mga hikahos na lugar.
___2. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao kapg nag-organisa ako ng mga programang
pangmisyon sa ibang lugar.
___3. Magbibigay lamang ako sa aking mga kamag-anak at kaibigan.
___4. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa mga batang
nabiktima ng kalamidad.
___5. Hindi ko papansinin at pag-aaksayahan ng tulong ang mga taong mahihirap dahil mapapagod
lang ako.

II. Piliin ang C kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong sa iba at D kung hindi.
___6. Ako ay maglilingkod ng hindi na nag-iisip ng kapalit.
___7. Sasali lamang ako sa mga outreach program kung ang talaan sa pagpasok o attendance ay
itsetsek ng guro.
___8. Magbibigay ako ng damit at sapatos para sa mahihirap.
___9. Higit kong paglalaanan ang tungkol sa ikasisikat ko sa paaralan.
___10. Sasali ako sa mga programa para sa mahihirap dahil gusto kong bigyan din ako ng mataas
na marka.

III. Piliin ang titik ng tamang sagot.


A-OPO B-HINDI PO C-WALA PO D-MERON PO
___11. Dapat bang limitahan ang karapatan ng iba?
___12. Mas nakahihigit ba ang karapatan ng mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap?
___13. Maaari bang bilhin ang karapatan?
___14. May karapatan ba ang ibang tao na angkinin ang karapatan ng iba?
___15. Ang mga matatanda lamang ba ang may karapatan?

IV. Piliin ang titik ng tamang sagot.


16. Bumili ka isang araw sa grocery ng gatas ng kapatid mo. Di sinasadyang nakakita ka ng isang
lalaking kumukuha ng paninda. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lang ang lalaki na magnakaw
b. Sasabihin ko sa tinder ang ginawa ng lalaki
c. Tutulungan ko ang lalaki na magnakaw
d. Gagayahin ko rin ang lalaki na nagnanakaw
17. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong naramdaman na
yumayanig ang kapaligiran. Ano ang iyong gagawin?
a. Tatakbo kami sa may bintana c. Magtatago kami sa may ilalim ng mesa
b. Pupunta kami sa ilalim ng mga puno d. Ipagpapatuloy ang pamamasyal
18. May kapitbahay kang hirap sa buhay. May sakit ang kanyang anak at nangangailangan ng
tulong upang ipambili ng gamot. Ano ang iyong gagawin?
a. Wala kang gagawin
b. Pagtatawanan mo sila
c. Kukutyain sila
d. Tutulungan sa pamamagitan ng paglapit sa munisipyo ng inyong lugar
19. Nakita mong hirap ang isang matanda sa pagtawid sa kalsada. Ano ang gagagawin mo?
a. Tutulungan mo siyang tumawid c. Pagtatawanan at pagagalitan ang matanda
b. Itutulak mo siya papuntang kalsada d. Pababayaan lang siya sa pagtawid
20. Nakita mo ang isang taong grasa na tinuukso ng mga batang damuho. Ano ang gagawin mo?
a. Sasamahan sila sa pagtukso
b. Sasawayin at pagsasabihan sila na masama ang kanilang ginagawa
c. Hahayaan lang sila
d. Papanoorin lang ang mga bata

You might also like