You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV A – CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY
DISTRICT VIII
SOUTHVILLE 5A ELEMENTARY SCHOOL
SOUTHVILLE 5A, LANGKIWA, BIÑAN CITY, LAGUNA

MAPEH 5
Ikatlong Lingguhang Pagsusulit
Unang Markahan

MUSIC
Basahing mabuti ang mga tanong.Ishade ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ____ time signature ay karaniwang ginagamit sa musikang pangmartsa. Sa time signature na ito, ang
bawat measure ay may dalawang beat lamang at ang quarter note ang tumatanggap ng isang bilang. Ang
accent ay matatagpuan at mararamdaman sa unang beat. Ang ikalawang beat ay walang diin.
A. 2/3 B. 4/4 C. 2/4
2. Ang ___ time signature ang pangkaraniwang ginagamit sa mga balse o waltz.
A. 3 ⁄ 4 B. 4/4 C. 2/4
3. Ang ___ time signature ay madalas ginagamit sa mga komposisyon. Sa time signature na ito ang accent ay
nasa unang beat ng bawat measure.
A. 2/4 B. 4/4 C. 2/4
4. Ang _____________ ang ginagamit na batayan upang maisaayos nang wasto ang pagpapangkat ng mga nota
at rest sa isang measure
A. meter B. accent C. time signature
5. Ang _______ ay ang batayan upang masundan nang wasto ng mga mang-aawit at mga manunugtog ang
musika at titik ng awitin na kanilang inaaral o itatanghal.
A. rhythmic pattern B. tie C. time signature
6. May dalawang bilang na matatagpuan sa bawat time signature na ginagamit na batayan upang
maipangkat ang mga nota at rest. Ang bilang na nasa itaas ay nagsasad kung ilang beat mayroon ang bawat
____________
A. time signature B. measure C. rhythmic pattern
7. Kapag ang isang nota ay may tuldok sa kanang bahagi nito, ang bilang ng kumpas ng nota ay
nadaragdagan. Ang kumpas o beat ng bawat tuldok ay katumbas ng kalahati ng bilang ng nota na
tinuldukan
A. Tie B. meter C. Dotted Note
8. Ang pagsama-sama ng mga beat ng dalawahan, tatluhan o apatan ay tinatawag na __________ sa musika
A. Meter B. rhythmic pattern C. time signature
9. Ang ___ ay ginagamit upang pagsamahin o pagkabitin ang dalawa o higit pang mga note na may parehas
na tono. Kapag ang dalawa o higit pang mga nota ay magkakakabit, ang bilang ng beat nila ay pinagsasama-
sam. Kung kaya’t humahaba ang tunog ng mga nota na ito.
A. Dotted Note B. accent C. tie
10.ang rhythmic syllable ay Isa sa mga aspekto ng rhythm na nakatutulong upang maging epektibo ang pag-
aaral ng awit o musika
A. time signature B. rhythmic syllable C. Dotted Note

ARTS
B. Ishade ang letrang A kapag ang pahayag ay TAMA at ishade naman ang letrang B kung ang pahayag
ay MALI .

___6. Sa pagguhit, mas madilim ang kulay ng mga bagay na mas malapit sa tumitingin habang mapusyaw
naman ang mga nasa malayo.
___7. Ang mga bagay na mas malaki ay magmumukhang malayo.
___8. Iniingatan at ipinananatili ang orihinal na anyo ng mga artifact ng ating bansa upang makita at
mapakinabangan pa sa susunod na henerasyon.
___9. Ang mga lumang bahay ay yari sa semento at kabilya at may malalaking bintana na pinapalamutian ng
kapis. Malalaki ang mga pinto at may maluluwang na silid.
___10. Kailangan nating pangalagaan ang mga bagay na naging simbolo ng kulturang Pilipino.
PE

Panuto: Ishade ang letrang A kung TAMA ang pahayag at ishade ang letrang B kung MALI ang
pahayag.

___1. Ang mga gawaing pisikal kagaya ng paglalaro ay isa sa nagpapabuti ng physical fitness o kakayahang
pangkatawan ng isang tao.
___2. Ang bilis, lakas, liksi, koordinasyon, at pagiging alerto ay mga skill-related component.
___3. Ang katatagan ng puso at baga o muscular endurance ay ang kakayahan ng ating katawan na
makagawa ng mga pisikal na gawain nang matagalan.
___4. Sa paglalaro ng larong agawang panyo ay dapat maging maliksi at mabilis ang iyong mga paa at kamay.
___5. Sa larong agawang panyo, ang nakakuha ng panyo ay kailangan makabalik sa pwesto bago maagaw ang
panyo ng kaniyang kalaban.
___6. Sa paglalaro ng agawan base ay kailangan mo ng liksi, koordinasyon, lakas at tatag ng puso at baga
upang makapaglaro ka nang maayos.
___7. Kung ikaw ay isang manlalaro ng agawan base, makakapuntos ka kung makakabalik ka sa iyong base
nang hindi nahuhuli o natataya.
___8. Ang larong lawin at sisiw ay isang uri ng lead-up game na tumutulong sa pagpapaunlad ng kasanayan
sa pagiging alerto, lakas, at koordinasyon.
___9. Nalilinang ng larong circle chase ang iyong bilis.
___10.Ang bawat laro ay may iba’t ibang layunin, alituntunin, at mga kasanayan, subalit pare-pareho itong
makapagpapaunlad ng ating pakikiisa, pagtutulungan, at sportsmanship.

HEALTH

I. Tama o Mali. Piliin ang A kung TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay tumatalakay ng
pamamaraan upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa kapwa at B kung MALI naman kung hindi.
________1. Marespeto at komportableng kasama si Bella kaya patuloy itong kinakaibigan ng kanyang mga
kamag-aral.
________2. Patuloy na nakikipag-ugnayan si Mika sa kanyang mga kalaro kahit siya ay binu-bully at
iniinsulto ng mga ito.
________3. Sinigawan ni Kiko ang nakikipagsagutan niyang kaibigan tungkol sa di-matapos nilang proyekto.
________4. Iniiwasan lagi ni Lino ang mga taong walang respeto at mapang-abuso.
________5. Ang kaibigan mo ay nakararanas ng di-mabuting pakikipag-ugnayan sa iba kaya pinayuhan mo
ito.

II. Panuto: Basahin ang bawat bilang. Piliin ang titik na katumbas ng tamang sagot.
6. Ito ay tumutukoy sa mga taong nakararanas ng ibang emosyon, pighati, lungkot, o pagkabalisa.
A. mood swings B. social anxiety C. teasing D. wala sa nabanggit
7. Ang panunukso ay may iba’t ibang kahulugan at epekto sa buhay ng isang tao na maaaring magdulot ng
_____________.
A. kasiyahan, sakit, o sama ng loob C. palaging masaya
B. pagkaroon ng mga kaibigan D. pagmamahal
8. Bakit kailangan ang komunikasyon o pakikipag-usap?
A. mapapalala ang mga alalahaning mental, emosyonal, at sosyal.
B. mapapanatili ang bangayan
C. para mawala ang mga kaibigan
D. upang masugpo o mapamahalaan ang mga alalahaning mental, emosyonal at sosyal.
9. Pinagtawanan ang isang bata dahil sa butas niyang tsinelas. Hinarap niya ang mga nagtatawanan sabay
tango at sabi, “Tama naman ang nakita ninyo, butas nga ang tsinelas ko.” Ano ang ginawa ng biktimang
bata?
A. nagbubulag-bulagan C. nagyayabang
B. naghari-harian D. umiwas sa gulo at nagpahayag ng nararamdaman
10. Palaging tinutukso at pinagtatawanan ang isang bata tuwing dumadaan siya sa eskinita. Hindi lamang
siya kumikibo o nagagalit dahil dito. Ano ang nais ipakita ng bata?
A. katatagan ng loob at pagpapahalaga sa sarili
B. pagbibingi-bingihan
C. pagbubulag-bulagan
D. pagyayabang sa sarili

You might also like