You are on page 1of 1

Abogado: Ang nasasakdal na si Don Rafael Ibarra ay naririto upang ipahayag ang kanyang panig sa

pagkamatay ng kastilang artilyero.

Don Rafael: Buong pangyayari aking isasalaysay at aking papatunayan na ako’y di nagkasala at mali ang
inyong paratang. Hindi kanais nais na pangyayari, naranasan ng batang musmos. Aking nasaksihan ang
batang ito na binubugbog ng isang artilyero. Isang Kastilang Artilyero na maniningil ng buwis, hindi
nakapag aral kaya’t madalas na kinukutya ng mga indio. Habang nagt’trabaho’y hindi na natiis ang galit
at hinanakit na nararamdaman sa mga batang sa kanya’y kumukutya. Mga bata na kumakaripas ng
takbo upang makalayo sa artilyero, ngunit sa buhos ng galit ay hindi lamang sila hinabol nito, may
inihagis na bato at tumama sa isang paslit na tumatakbo. Hindi napigilang pagbuhatan ng kamay ang
bata, binugbog at pinagsisipa, dito ako’y awang lumapit at umawat na. Inilayo ang paslit sa galit na
artilyero, ng hindi inaasahang maitulak ito papalayo, at tumama ang ulo sa bato na nagresulta sa
pagkawala ng buhay nito.

Abogado: Mula sa inyong isinalaysay na pangyayari paano ninyo mapatutunayan sa hukumang ito na
kayo ay walang kasalanan sa nangyari?

Don Rafael: Kay bigat na paratang saaki’y inihatol, ngunit ito’y walang katotohanang taglay. Sabihin
ninyo saakin anong motibo ang aking taglay? At ipakita ninyo sakin ang ibedensyang inyong hawak para
ako’y inyong hatulan at pagbintangan ng ganyang kabigat na kasalanan. Ang tanging intensyon ko
lamang ay ang tumulong, hindi karapat dapat ang Nakita ng aking mga mata. Anong laban ng batang
paslit sa dating miyembro ng militarya? Hindi ito makatarungan, nasa aking harap ang isang batang
inaapi at ni isa sa kanyang mga kasamahan o isa man lang sa nakakita ng panyayari ay walang nag lakas
loob na tulungan ang bata.

Abogado: May mga testigo po bang maaaring iharap sa hukumang ito?

Don Rafael: Kayrami ng aking naiisip. Mga batang kanyang kasama ay tiyak na nasaksihan din ang
pangyayaring iyon, na kung saan ay nakita nila iyon, at ni isa sakanila ay walang nagdalawang isip na
tumulong, marahil na rin siguro sa takot na kanilang naramdaman, sa takot na baka sila rin mismo ay
mapahamak at masaktan ng nag aamok na Altilyero. At ako’y naniniwala na marami rin ang nakasaksi
noon, sa kadahilanang Ito’y nangyari sa isang daan sa San Diego, At kung nais nila ng tamang hustisya at
malaman ang buong katotohanan ang ilalahad nilang pangyayari.

Hukom:

Batay sa iyong isinalaysay, mapapatunayan na ang iyong tanging intensyon lamang ay ang tulungan at
ipagtanggol ang batang musmos. At sa kadahilanang marami ang nakakita sa pananakit at pambubugbog
ng Artilyero sa bata na ni isa ay walang nangahas na tumulong. Malinaw ang iyong ipinakitang intensyon,
at dahil na rin sa mga akma at walang kasinungaligang iyong sinabi mapapatunyan lamang na ikaw, Don
Rafael Ibarra ay inosente at hindi isasakdal sa hukumang ito. Mapapawalang bisa ang mga akusa tungkol
sa iyo at ikaw ay makakalaya na.

You might also like