100% found this document useful (2 votes)
1K views4 pages

Filipino Script

Ang kwento ay tungkol kay Cjay na nagtatanong kung bakit pantay lang ang kanyang sahod kahit mas matagal siyang nagt-trabaho kaysa sa iba. Sinabi ng kanyang boss na wala siyang magagawa at dapat siyang magpasalamat na may trabaho pa rin siya. Sa huli, tinanggap na lamang ni Cjay ang kanyang sitwasyon at nagpasalamat na may trabaho pa rin siya.

Uploaded by

machi
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (2 votes)
1K views4 pages

Filipino Script

Ang kwento ay tungkol kay Cjay na nagtatanong kung bakit pantay lang ang kanyang sahod kahit mas matagal siyang nagt-trabaho kaysa sa iba. Sinabi ng kanyang boss na wala siyang magagawa at dapat siyang magpasalamat na may trabaho pa rin siya. Sa huli, tinanggap na lamang ni Cjay ang kanyang sitwasyon at nagpasalamat na may trabaho pa rin siya.

Uploaded by

machi
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Sa isang lugar kung saan nagt-trabaho ang

lalaking nangangalang Cjay Yalung, ay


marami na siyang pinagdadaanan na
problema at isa na rito ang kakulangan sa
kanyang sahod, paano niya kaya ito
malalagpasan? at tatanggapin niya ba ito?

[Nakaupo sila habang nakatingin sa kanilang sahod]

Cjay: (sighs) Ang hirap na talaga ng buhay ngayon,


hindi sapat itong aking sahod para sa aking
pangangailangan.
JM: Oo nga, Kakaonti lang ang ating sahod.
Cjay: Ilan ba ang inyong sinasahod? Diba kayo yung
mga half day lamang sa trabahong ito?
Mark: Oo kami nga ‘yon, umaga hanggang hapon lang
kami rito.
Cjay: Ay ganon ba, ilan ang inyong sinasahod?
JM: 5k lang kada linggo
Mark: Ganon din sakin
Cjay: Huh? Bakit ganon, pare-parehas ang ating sahod
ngunit mas matagal akong nagt-trabaho kaysa sa inyo.
Dapat mas mataas ang aking sahod pero bakit pantay
lang?
Jonalyn: May problema ba tayo rito? Bakit parang may
nagkakaguluhan?
Cjay: Meron malaking issue at gusto kong makausap si
sir
Jonalyn: At bakit naman?
Cjay: Basta
Jonalyn: Edi okay, ang pagkakaalam ko ay nasa office
Siya ngayon kaya’t pwede mo siyang kausapin.
Cjay: Sige, salamat

[Cut scene, kumatok si Cjay sa pintuan]


Ej: Pasok
Cjay: Sir, pwede ko po ba kayong kausapin?
Ej: Oo, anong problema mo?
Cjay: Tungkol po kasi ito sa aking sahod, napansin ko
po na kulang ang aking sinasahod para sa aking mga
gastusin, ngunit bakit pare-parehas ang sahod naming
lahat?
Ej: Ano gusto mong ipahatid?
Cjay: Ang gusto ko pong ipahatid ay bakit pantay
pantay ang aming sahod? Hindi ba’t dapat ay mas
mataas ang aking sinasahod dahil matagal na akong
nagt-trabaho rito, umaga hanggang gabi ako nagt-
trabaho hindi po ba dapat mas mataas ang aking
sahod?
Ej: Naiintindihan ko ang iyong sitwasyon ngunit wala
akong magagawa. Ganyan talaga ang sahod na biibigay
sa inyo

[Napatahimik si Cjay at umalis]


Cjay: (sinabi sa sarili) Paano na ako at ang
pangangailangan ko?
Jonalyn: Kamusta, okay naba?
Cjay: Hindi malamang, walang magagawa si sir.
JM: Bakit naman ganon, tama ka naman eh matagal
kanang nagt-trabaho kaya dapat mas mataas ang
sinasahod mo kaysa sa amin.

Mark: Oo nga lalo na nagt-trabaho ka hanggang gabi,


kami nga hanggang hapon lang.
Cjay: Kaya nga eh, nakakainis. Sayang lang ang aking
pagod at pagtitiis, nakakasawa na ang trabahong ‘to
hindi man lang nila taasan yung sahod natin.
Jonalyn: Ano na nyan gagawin mo?
Cjay: Hindi ko na rin alam, aalis nalang siguro ako sa
trabahong ‘to.
Jonalyn: Agad agad? Malay mo ito lang ang trabahong
nakakapagbigay pa ng sahod sa’yo
Cjay: Anong ibig mong sabihin?
Jonalyn: Ibig kong sabihin ay baka may mga trabaho na
hindi na pwede dahil sa sobra na ang kanilang mga
trabahador o kaya’t sadyang hindi ka lang pwedeng
magtrabaho.
JM: Oo nga no, mahirap na rin makahanap ng trabaho.
Mark: Mabuti ngang may trabaho tayo kaysa sa wala.
Ej: Tama sila, ang kumpanyang ito ay para sa mga
taong hindi makahanap ng trabahong pwedeng
mapasukan, kaya’t magpasalamat ka nalang na
binigyan at tinanggap pa kita sa kumpanya ko.
Cjay: Salamat, tama nga kayo magstay nalang pala ako
at pagbubutihan ko nalang ang aking pagt-trabaho
kahit na mababa ang ibinibigay niyong sahod ay basta’t
may pera ako para sa mga kailangan ko.

At doon na nagtatapos ang ating kwento,


Sa kwentong ito ay iyong matututunan na sa
ano mang problema na ating madaraanan
ay dapat natin itong tanggapin at labanan,
kailangan nating pagbutihan pa ang ating
sarili upang ang mga ganitong klaseng
problema ay mawala. Gayundin ay matuto
tayong maging mapagpasalamat sa mga
bagay na meron tayo dahil malay mo ay
wala ang iba.

You might also like