You are on page 1of 2

Gintong Sibuyas

Maraming mamamayan ang naiiyak sa nangyayaring


pagtaas ng presyo ng Sibuyas. Ang presyo ng Sibuyas ay umabot
na sa 720 pesos kada kilo. Sino ang hindi maiiyak sa presyong
ganito? Sagana ang bansa sa taniman ng Sibuyas kaya hindi na
maganda ito. Maraming nagtatanim nito lalo na sa Hilagang
bahagi ng Luzon. Hindi kapani – paniwala pero maraming
palengke ang mahal ang Sibuyas. Dinaig pa nang Sibuyas ang
presyo ng karne ng mga baboy. Noon ang inirereklamo ay ang
mataas na presyo ng karne, pero ngayon Sibuyas na ang
nirereklamo dahil sa pagkataas – taas ng presyo nito.
Ayon sa mga bali – balita ay may maitataas pa din ang
presyo ng mga Sibuyas sa mga susunod na araw o buwan. Ano
na ang nangyayari? Bakit pataas nang pataas ang presyo ng mga
Sibuyas kung ano nalang ang idikta ng mga nagtitinda sa mga
palengke ay yun na yun ang nasusunod? Nag isyu ang
Department of Agriculture (DA) ng price cap sa Sibuyas na 250
pesos bawat kilo. Subalit marami pa din ang umaberya dahil
mahal pa rin ito.
Nang lomobo ang pagmahal ng mga Sibuyas sa bansa, ang
anunsyo ng mga taga – DA sa publiko ay huwag na muna saw
bumili ng mga kilo – kilo kundi kung ano lang daw na muna ang
kailangan,yun lang daw muna ang bilhin.
Ibinunyag no Senador Cynthia Villar Chairman ng Senate
Committee on Agriculture Food and Agrarian Reform. Ito raw ay
kagagawan umano ng Kartel ang mataas na presyo at kakapusan
sa supply ng sibuyas. Ayon kay Villar, noong 2013 pa nila
natukoy ang Kartel at siyang binabarat ang mga magsasaka ng
mga namimili ng Sibuyas.
Kailangan na sa lalong madaling panahon ay gawan na
nang gobyerno ng paraan o hanapan ng solusyon ang
pangyayaring ito, dahil marami nang mamimili ang
nagrereklamo,dahil sa sagad – sagad na presyo ng Sibuyas sa
bansa. Nakakaiyak na ang problems sa sibuyas.
By: Irish Aquino

You might also like