You are on page 1of 12

Tahanan ng Pagkakaisa

Ang panitikan ay tahanan ng pagkakaisa,


Mga pahina ng kasaysayan, kasalukuyan, at hinaharap,
Pinagsama-sama sa isang magandang tula
Likhain natin ang pagkakaisa sa bawat titik ng panitikan,
Sa bawat pagbasa at pagtula, tayo’y nagkakaisa.

Kaya’t magbigay-pugay tayo sa mga


Mandirigmang manunulat,
Sa bawat lumikha ng tula, kwento, o nobela,
Na nagtutulungan at nag-uugnay.
Sa pag-ibig at pagsasama naisasabuhay.
Tulay ng Panitikan

Sa ating mundo pilit binabago at hinuhubog ng agos ng makabagong panahon


Kultura at tradisyon ang nanatiling sariling atin.
Hindi maikukubli na sa pagdaan man ng mahabang panahon
Ay patuloy pa ring nananalaytay sa ating dugo.
Ang kagustohang mapahalagahan at mabigyang pugay ang ating kultura.

Sapagkat kung tutuusin,


Ito lamang ang nanatili sa atin.
Dahil parte ito ng ating buong pagkatao,
Lalo na’t ito ang nagbubuklod sa atin,
Bilang iisang bayan.
Susi sa Pagkakaisa

Pagkakaintindihan ang susi sa pagmamahalan.


At ang pagmamahalan naman ang susi sa matatag na samahan.
Matatag na samahan naman ang kailangan sa kaunlaran ng bayan.
At kaunlaran ang kailangan ng mga katabataan at pamayanan.
Kapayapaan ay panatilihin.

Pamayanan na puno ng pagmamahalan,


At pagkakaintindihan kay sarap pagmasdan.
Ito'y yamang walang katumbas.
Protektahan ang bawat isa
laban sa mapang abuso't mapanghusga.
Buhay na Pagkakaisa

Buksan ang damdamin ng bawat isa


Hatid ng mensaheng binigay
Panitikan ating pahalagahan
Gawa ng tao ating mahalin
Panatilihin ang alab ng ating pagkakaisa

Isa, dalawa, tatlo tayo ay iisa,


Sa isang simpleng salita
May malalim na kahulugan,
At ito ay gawa ng panitikan.
Panitikan na siyang kumukulay sa ating tahanan.
Mundo ng Panitikan

Sa mundo ng panitikan,
Sari-saring kwento ang binibigyan.
Mayroong mga tula’t nobela
Na puno ng damdamin at saya
Na hindi kayang tumbasan ng iba.

Ang bawat salita ay may saysay


Sa kultura nating kayamanan.
Ipinapakita ng panitikan
Ang kagandahan ng ating wika,
At ang lawak ng ating kaisipan.
Pahina ng Pagkakaisa

Tayo’y magsama-sama at magtipon-tipon


Gamit ang mga aklat na nagbibigay-inspirasyon
Mga tula at nobela, mga sanaysay at kwento
Lahat ng ito’y makakatulong
Upang maipakita natin ang tunay na pagkakaisa sa mundo

Sa bawat pahina ng bawat aklat


Mayroong mga aral na maaaring matutuhan
Kaya’t ipagpatuloy natin
Ang pagbasa at pag-aaral ng panitikan
Upang mas mapalawak pa ang ating pagkakaisa at pagmamahalan.
Magkakaisang Diwa

Sa ating pagbabasa
At sa pagpapaalab ng ating pagkakaisa
Tayo’y magiging mas matatag na bansa
Ang bawat puso’y mayroong layunin
Na magtagumpay at magtaguyod ng kahulugan

Magtulungan tayo’t magkakaisa


Upang sa ating bansa’y magkaroon ng
Tunay na pagbabago’t pagkakaisa
Kaya’t sa bawat hakbang na ating gagawin
Isabuhay natin ang diwa ng pagkakaisa
Pag-ibig sa Panitikan

Sa panitikan, kultura ng pagkakaisa


Iisa ang layon, ang pag-ibig sa bayan
Mga manunulat, nagkakaisa
Upang ipakita ang kahalagahan
Ng ating kultura at mga karanasan.

Nagsusulat tayo, upang mapaalala


Ang kagandahan ng ating nakaraan.
Sa pagkakaisang ito, bagong kasaysayan
Sa bawat tula at salita,
Sa panitikan, tayo ay magtipon-tipon
Tinig ng Panitikan

Sa pagbasa ng ating literatura,


Natututo tayo ng maraming bagay sa buhay.
Lumalawak ang ating kaalaman,
Mula sa tula hanggang nobela,P
Napapakita ang kahalagahan ng bawat wika.

Sa pagkakaisa ng mga manunulat,


Nagbibigay daan tayo sa pag-unlad.
Hindi lamang ito tungkol sa pagbasa,
Sa paglikha rin ng ating mga akda,
Na nagbibigay ng mga aral at inspirasyon.
Buhay ng mga Salita

Mga salita’t tula ang kanyang sandata,


Upang makapagsalita ng mga damdamin at diwa,
Sa kanyang mga titik at salita,
Laging may bagong bukas na naghihintay sa puso’t isip,
Pagkakaisa at pag-ibig ay walang hanggan.

Sa bawat pagsapit ng dilim,


Tayo’y magsilbing ilaw ng bawat nakaraan at hinaharap,
Na sa bawat paglalakbay ay patuloy na sumusunod,
Sa pamamagitan ng mga taludtod at pagkakaisa,
Pagpapaalab ng panitikan ay laging nangunguna.
Kompilasyon ng mga
Tula
Kultura ng Pagkakaisa: Pagpapaalab ng
Pagkakaisa sa Pamamagitan ng
Panitikan

PANGKAT 3
Hinayon, Angelli O.
Exclamador, Jerrica Bianny S.
Nepomuceno, Eunice G.
Cutin, Zoren L.
Tagsip, Mikee T.
Milana, Francis Lorenz
Milana, John Virl O.
Nituda, Dindo E.
Olandria, Angelito J.
Olandria, Christian Jay S.

You might also like