You are on page 1of 18

A coffee shop on top of a mountain

Jessica Rose Tinio


(with permission from the author)

When we are talking about the mountains of Benguet, the first thing that would come to our minds
would be Mt. Pulag. Holding the highest peak at 2926 meters above sea level, this is definitely a
climber’s goal to reach the summit of this mountain.

With all amazing details being said, not all are capable of hiking mountains that high. There might be
first time hikers who want to have a quick and day hike without hurting their budget as well as shock
their bodies to the impact of the hike.

From Baguio City, two 30-minute jeepney rides will take you to Barangay Cruz where Mt. Kalugong is
accessible. This will take an hour trek up with steep trail and stunning view.

View from the trail to Mt. Kalugong

It is perfect to start hiking around 1 pm to reach the top before sunset. Upon arrival at Mt. Kalugong,
you’ll see picnic areas, chairs and a house where you will be required to pay an environmental fee of
50php. It is up to you if you want to spend an hour in the picnic area or continue hiking to the peak of
the mountain.
Picnic and registration area

We decided to continue hiking since we crave for a hot coffee and we did not brought any picnic
equipment with us. After a few minutes, you’ll find yourself here.
The wheels will be your way up to the peak of the mountain where a wonderful café lies. Be extra
careful especially when rain is present since it will be extra steep and muddy. It is safer to step in the
middle of the wheels so your feet can balance better. You may bump to some hikers along the way so it
is better to have a give and take attitude towards everybody.

Reaching the top would reward you this café:


Mt. Kape-an, the coffee shop at the top of Mt. Kalugong

The ambiance of the coffee shop was more than relaxing. Woods, smell of coffee beans, chill weather
all comes in one. It is astonishingly rewarding. We ordered a matcha cake and a carrot cake together
with their newly brewed coffee.

Right after filling the stomach with the sweet treats and warm coffee, you may take a look at the café’s
roof deck overviewing the province of Benguet.
If you are lucky enough, fog will come your way. The whole coffee shop will be enveloped by a cold fog
and you won’t be able to see anything through the windows or deck view. Temperature will be
extremely high so do not forget your jacket with you. Afterwards, you’ll hear loud drops of rain that will
lead you to ordering another warm cup of coffee. The rain is usually quick so you do not have to worry
about not being able to hike down.

It will be your choice if you will be back to the picnic area where you can rent rooms for an overnight
stay or just hike down to return to the city. Don’t forget to watch the sunset along the trail down.
ANG IKATLONG ANTI-KRISTO
Eros S. Atalia (Vispint, 2017)

Ni Doni Oliveros
(Appeared in ‘Goodreads’, With Permission from the Author)

Paano nga kung may pangatlong anti-Christ? At paano kung dito nga sa Pinas magmumula ito?

Ito kasi yong hula ni Nostradamus (1503-1566), isang doktor sa France at famous sa kanyang mga hulang
nagkatotoo na. Ang unang dalawa ay sina Napoleon Bonaparte (1769-1821) at si Adolf "Hisler" Hitler
(1889-1945). Dahil naging Hisler ang Hitler, ginawang Markus ni Eros Atalia ang "Mabus" na pangalang
hinulaan ni Nostradamus na syang pangatlong anti-Kristo.

Ang setting ay sa San Isidro na tipong isang mikrokosmo ng pananampalatayang Kristiano: nakakabit ang
pananampalataya sa biyaya. Na nananalig tayo dahil nakakatanggap tayo ng biyaya mula sa Diyos.
Parang mamahalin kita kung mamahalin mo muna ako. Sabi ng mga taga-San Isidro sa umpisa ng
kuwento: bakit pa sila magsisimba kung hindi naman sila binibiyayaan ng ulan para matapos ang tag-
init?

Mahilig ako sa horror noong kabataan ko. Minsan, nanonood pa rin pero para ibalik lang yong
pakiramdam noong bata pa ako. Kagaya lately, pinanood ko yong "It" na base sa nobela ni Stephen King
na nabasa ko mga isang dekada na ang nakakaraan. Pero ang kuwento, buong-buo pa sa isip ko. Ibig
sabihin,kumintal. Ibig sabihin, natakot ako. At hindi lang nagandahan sa mahabang nobelang yon. Bale
ganoon. Mapa-aklat o pelikula, dapat matakot ako sa horror para magandahan at maiwan ang kuwento
sa isip ko. Pasok ang kuwentong rito ni Eros Atalia. Natakot ako at nagandahan. Sumunod pa ito sa
"Charged Volume 1" ni Siege Malvar. Kaya noong Thursday, pagpasok ko sa wala pa halos taong
(kabubukas pa lang) Starbucks sa Mega (hilera ng Fitness First), ay naalala ko yong Cafe Amerikano na
madalas orderin ng serial killer tapos parang may naririnig akong nagsasalita ng Latin. Susko, sabi ko, ano
na ba itong mga binabasa ko.

May pagtitimpi pa si Eros Atalia rito. Hindi pa nga sinabi na ang pagkamatay ni Mabus ay magtri-trigger
ng World War III. Na pagsisimulan ng gunaw. So, malamang may kasunod pa ito. At wala pang
nakakapagsulat ng mga iyan sa Pinoy lit.

Pero paano nga kung magkatotoo ito? Paano kung nasa Malacanang na ang Ikatlong Anti-Kristo?

September 29 at 12:22pm ·
#PinoyReadsPinoyBooks
#2017MIBFHauls
#SinglesRepresent #NoToJustOne #IDeserveAnExplanation
Giselle Dela Cruz
https://www.facebook.com/giselledc
(with permission from the author)

"Oo na! Ako nang walang boypren!" First time kong mapasigaw sa mall, at sa Glorietta pa.

Paano napadaan ako sa McDonalds kanina at tuwang-tuwa na makakita ang bagong flavors nila. Wow,
Red Velvet float! Taray, Strawberry Kiss Oreo Sundae! Love is in the air nga talaga.

Tas nakita ko 'tong price. Teka, teka, teka. Ano 'tong nakasulat, 'by the pair' at 'just one'? Kapag 2 ang
binili mo makakamura ng ilang piso, at kapag isa lang ang bibilhin mas mahal.

At look, ang term na ginamit ay 'Just one'. Just. One. Grabe ang sakit! Paano ang direct translation nito
sa Filipino, 'Isa lang'.

Ouch. Medyo brutal ah.

Eh kung pinangalanan na lang nila na 'single order' o 'happily single'? O kaya, 'Mag-isa pero kaya pa!',
"Loving myself before I love somebody else," o "Naghihintay ng tamang panahon, tamang rason at
tamang tao".

Just one? Bakit parang kaming mga single pa ang nagkulang? At tignan mo ang presyo, mas
mapapamahal ka pa pag mag-isa ka lang, so ano, kami na naman talo? Talo na nga sa pag-ibig
magbabayad pa kami ng extrang 2 pesos para sa ice cream?

Susmarya, kasalanan ko pa ata na single ako. Paano oorder ang mga kapwa kong singles nyan, "Miss
isang sundae, just one. Iniwan kasi ako sa ere ng nililigawan ko" o "Ate isang cone please, 'yun pang-
single kasi pinagpalit ako ng mahal ko" o "Kuya, malamig na Mcfloat na pang-isa, sobrang sakit na kasi
pakiramdam ko natutunaw na 'tong puso ko."
Pambihira Mcdo, kaya nga ako bibili ng ice cream para maibsan ang lungkot at sakit. Bibili ako ng ice
cream dahil malamang walang magbibigay ng bouquet ng roses o box ng chocolates sa Valentine's. Bibili
ako ng ice cream dahil umaasa akong makakatikim ng kaunting tamis ang bitterness na bumabalot sa
pusong ito. Pero ano, ipaparamdam mo pa sa akin na mas malala ang walang syota?

Oo, galit ako. Hindi dahil wala akong kalandian sa Valentine's na pabebeng kumakain ng ice cream niyo,
kundi tinawag niyo kaming "Just One" at papabayarin pa ng mas mahal kaysa sa mga nakahanap na ng
kanilang The One.
"I am the son of a dead '80s bold star."
In "Origin Story," Chuck Smith talks about growing up thinking he was Pepsi Paloma's son.
By CHUCK D. SMITH | Jul 20, 2017
Appeared in Esquire Magazine
(with permission from the author)

Here’s a confession: I am the son of a dead ’80s bold star. Until, one day, I was not. But, by then, it was
too late to take it back.

You see, I’m adopted. It’s not hard to tell that I am. One look at my adoptive family and you will see I
don’t look like them. They have brown skin, I am white; their eyes are brown, mine is probably hazel or
green; their hair is black, I have black hair, too, but with a few strands of red.

And perhaps the most telling: my last name is Smith; theirs is not.

So maybe I should have easily figured out that these people—my family—are not actually my biological
family. But no. I was seven or eight years old when I found out.

A neighbor’s maid asked me if I was the son of the dead ’80s bold star.

“Sino ’yun?” I asked upon hearing the dead bold star’s name. The question evoked a feeling I would
experience several times more as an adult—that other people know more about me than I do.
Then I remembered all the reasons my parents gave me and other people about why I do not have their
surname: My oldest brother and his American wife wanted to adopt me and being a Smith would make
the process easier. I am my mother’s illegitimate son with a Puti. I am my father’s illegitimate son with
his kabit na ’Kana.

So, one morning, I asked my mother.

“Ampon ba ako?”
“Oo, anak,” she answered. There was no hesitation in her voice, as if she was anticipating this question
all my life.
I asked if I was the son of the dead ’80s bold star.

“Chuck,” she said, pausing this time, “Anak ka ng Diyos.”


Her response, I learned years later, was an assurance, a guarantee that I, with my white skin and
American surname belonged to their Filipino-as-a-jeepney family. That I was meant to be here. That this
is my fate.

Of course, it also meant that, yes, I am the son of a dead ’80s bold star.
We almost never talked about this “issue” at home. My mother—my adoptive mother, the one who
raised me—would turn melodramatic every time I asked about my parentage.
“Bakit mo tinanong, ayaw mo na ba sa amin?” she said when I asked who my biological father was. The
one listed as my mother on my birth certificate is Delia Smith, the dead bold star’s real name. But my
father? Blank. My mother claimed she did not know; no one told them and no one knew. And because
she had no answer to offer, she chose not to talk about it.

You cannot blame me for wanting to know.

At the very least, I wanted to know what answer to give every time someone asked for the identity of
my father. As a kid growing up in downtown Manila, I wanted to have a defense against classmates who
teased me that my father left the Philippines when the US bases left the country during the early ’90s in
a helicopter. Caucasian-looking kids in the Philippines during the ’90s were automatically assumed to be
children of G.I.s.

“Chuck Chuck helicopter, Chuck Chuck,” they said in singsong unison.

I hated my name; it made insulting me so much easier. I hated that I do not know why I was named this
way. My parents have four biological children and their names all start with the letter R; even in this
smallest of details, I couldn’t be like my siblings. Also, the helicopter joke? I had no idea where that
came from. And even I knew it was not true. My oldest brother was part of the U.S. Army; he did not
ride a helicopter when he left the Philippines to serve in the Gulf War. But jokes do not need to be
factual in order to hurt you. It surely did not hurt less when my classmates started singing “Leaving on a
Jet Plane” by John Denver to me.

I did not tell my parents about the teasing. They would only worry about me. But also, they would worry
that they wouldn’t be able to do anything about it.

Here’s what I have learned to accept about being the son of a dead ’80s bold star: your past is a myth,
and the building blocks of your origin are urban legends.

What I knew for majority of my life is mostly what you know: maybe mentioned to you by your parents
while you were watching that TV show; or what your brother told you while you were listening to that
song by the Eraserheads; or—and this is a recent phenomenon—what you read on Twitter or Reddit
every time that senator would say something stupid. What I know—what you may already know—is that
Pepsi was 16 years old (14, according to some reports) when she entered show business and became
part of a trio of starlets called the Softdrink Beauties. She made a few movies—but her most popular
was the one that came after she accused two TV show hosts and a comedian of drugging and raping her.
She later dropped the rape complaint.

She killed herself at her apartment in Quezon City three years later. She was 18. I was three months old.

According to my mother, the dead ’80s bold star left me to her care a few days (a few hours, in other
versions of the story) before she died, making her promise to take care of me. They met because of Rey
dela Cruz, Delia’s manager. She was a small-time project contractor in Manila; he was a barangay
chairman in Quiapo and discovered actresses such as Rio Locsin, Olivia O’Hara, Mitos del Mundo, and
Susan Henson. Rey was murdered years after Delia took her life, a case that remains unsolved to this
day. Here’s another thing I learned to accept about being the son of a dead ’80s bold star: it can
consume your life, because everybody knows about a part of your life you do not know a lot about.

Growing up, I had no idea how people found out I was Delia’s son. Later on, I realized that she was sort
of famous; years later, I found out that ‘famous’ and ‘infamous’ mean two entirely different things. It
was probably the fact that I look nothing like my parents; maybe a white boy playing on Dapitan Street is
one of the weirdest things you would see in Sampaloc, Manila, during the early ’90s. But, mostly, it was
the fact that people love tsismis. And I am gossip fodder. The neighbor’s maid? It was my aunt who told
her, and then proceeded to tell my story to anyone willing to listen. The teachers in elementary school?
It was probably one of my brothers—the ones who took care of my sister and I when my parents
decided to go to the United States to work in order to support their sudden, ill-advised adopted son—
who told them. No one told us to keep it a secret anyway, and there was no harm in sharing a bit of
family trivia.
Isang araw sa buhay ng maliliit na tao sa labas ng simbahan

Ni Ricky Lee

Alas singko ng madaling araw.

Kausap ko si Mang Ben, tindero ng medalya at anting-anting sa labas ng simbahan ng Quiapo. Sa palibot,
humuhugos sa lahat ng direksyon ang mga tao, parang walang natulog, naghahabol sa kung ano. Abot
hanggang maputik na kalsada ang dalawang pila ng mga magsisimba't hahalik sa paa ng Nazareno. Isang
pulubing putol ang dalawang paa't dalawang kamay ang nakatali sa kariton, may nakasabit na lata sa
leeg, paulit-ulit na ikinakantang "nagmamakaawa naman po ang kawawang pilay, mga magulang at
kapatid ko, limusan naman po ang kawawang pilay." Sa bakod na bakal ay ibinebenta lahat ng klaseng
cards, nobena, istampita, kandila at gamot. Marami nang naglalako ng lobo pero wala pa ang mga bata.

"Biyernes ngayon kaya pinakamaraming tao," ani Mang Ben. Kapag ganitong araw, hinahakot ng mga
tao ang kanilang problema sa puso, sa katawan o sa kaluluwa at dinadala sa Quiapo, sa loob at labas ng
simbahan; mayayamang nagbibilang ng calories at kulubot sa mukha, mahihirap na walang mabilang
kundi mga anak, mga maysakit o nagsasakit-sakitan, may nabuntisan o hindi makabuntis, biyak ang
ilong, overdue na ang galis, nagloloko ang mister, may nerbyos o byenan, gusting manggayuma ng
manhid, magpahula sa baraha. Quiapo ang pinaghalong Tiya Delly, Kahapon Lamang at Seryong
Albularyo ng Maynila. Dito nagpupunta ang lahat.

Tiangge is short for "araw ng tiangge" or market day, the word coming from the Chinese and meaning
market or marketplace. During the Spanish period farmers used to bring in their produce (vegetables,
fruits, chickens, pigs, eggs, panocha, kakanin and seasonal local delicacies like pinipig or the Ilocanos’
inuruban and tupig) to an area close to the church or municipio. In Victoria, Tarlac where I grew up,
tiangge was held every Saturday in the town plaza. Farmers in their cars came to town as a family on
Friday night or very early Saturday morning. Other towns had different tiangge days, so that itinerant
vendors were busy the whole week, moving from one town to the next. These market sold, as well,
goods which were not produced by farmers, like ready-to-wear clothes, aluminum containers and
slippers.

In the 1970s, the present town market building was constructed on the site of the old market. It is
now a roofed structure divided into stalls that are rented out by the municipal government. The tiangge
in the town plaza has disappeared, but Saturday is still market day, and the farmers still bring their
produce to the palengke, and out-of-town vendors still come to Victoria on that day.

—Doreen Fernandez, "Tiangge, Talipapa, Palengke," Sarap: Essays on Philippine Food (Mr. & Ms.
Publication 1988, p. 132)
Maganda Ako. Magandang-maganda Ako. (Repeat Until Believable.)
Iza Maria Gonzalez
Unang Pambansang Palihang Multi-Genre ng Creative Writing Center,
Polytechnic University of the Philippines
(With permission from the author)
Galit ako sa magaganda.
Lalo na dati. Bata pa lang ako, alam ko na na hindi naman ako kagandahan talaga. Unang-una sa
lahat, ako lang ang hindi maputi sa’ming tatlong magkakapatid. Actually, pati mga magulang ko,
mapuputi. Ako, morena. Ako ang bukod-tanging morena sa pamilya. Dahil do’n, nu’ng sobrang bata pa
ng bunso kong kapatid, ‘di niya raw ako mahal. “Maitim” daw kasi ako.
Cute ako pero hindi ako magandang bata. Ang nakakatawa pa, ang lagi kong “best friend” sa
klase, ‘yung pinakamagaganda at crush ng halos lahat ng lalaki sa room. Natural na kung sino man ang
maging crush ko, crush niya ang best-friend-ko-of-the-phase-of-life. Matalino ako (henyo levels pa nga)
magaling akong kumanta, at nu’ng bata ako, sumasayaw pa nga ako. Nagho-host pa ako ng mga
program sa school, elementary pa lang ako. Pero hindi ko nagawa, kahit isang beses lang sa buong
kabataan ko ang isa sa mga childhood dreams ko — ang mag-muse o lumaban sa mga Little Miss
Pageants.
Uso sa mga bata ang kantiyawan at asaran. Usually, may isang grupo ng mga lalaki sa room na
nagbibigay ng bansag sa halos lahat ng kaklase. Si Daniele na chubby, baboy. Si Timmy na mas chubby,
baka. Si Grace na may puting buhok, lola. Si Alvin na crush si Sharmaine Sabado, Domingo
(kapampangan ng Linggo). Si Dirky na kalbo, Mr. Clean. Si Pearl na kinurot ang ilong at nagkaro’n ng
pulang marka na ayaw matanggal, kamatis, kahit nu’ng natanggal na ang bakas sa ilong niya.
Inasar man ang ilong ni Pearl, paborito ng sambayanang classmates ang ilong ni yours truly. Aba!
‘Yung ibang mga kaklase ko, iisa lang ang bansag hanggang grumaduate kami ng elementary. Ako lang
ang bukod tanging nag-eevolve sa kanilang lahat. Kumusta naman, mula dwende at unano (maliit), buko
(malapad ang noo), isa-dalawa-tatlo o dalawa (duh, Iza kasi) hanggang sa iba’t ibang versions nila para sa
ilong ko, mula sa pinaka-obvious — ilong, hanggang sa hindi masyado — Neozep, at obvious ulit — Ilong
Ranger. Nu’ng grumaduate ako, ang tawag na sa ‘kin, tuko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam bakit
o paano ako naging tuko. Basta nu’ng Grade 6 ako, ‘pag dadaan ako o mapagti-tripan bigla ng bully boys,
gagawa na sila ng tuko sounds. “Tukooooooooooooooo. Tukooooooooooooo.”
Syempre, ang ganu’ng klaseng bullying, parte naman ng buhay ng lahat ng bata, eh. ‘Yung iba
nga, sasabihing pambubuska o “teasing” lang naman ‘yun. Sa katunayan, kapag hindi ako binubully o
sige, binubuska, ng bully boys, o kapag hindi ko sila sinusulat sa ‘Noisy’ at ‘Standing’, o sinasabunutan at
hinihila pabalik ng upuan nila dahil officer ako (officer na iyakin), tropa tropa chill ko naman sila.
Hanggang ngayon, mga kaibigan ko pa rin ang mga lokong ‘yon, kahit 75% ng mga luha ko nu’ng
elementary, dahil sa pagkantiyaw at pagpansin nila sa panlabas na itsura ko… mostly, sa ilong kong cute
na cute.
Hindi lang ilong ko ang pinansin. Grade 5 ako nu’ng umuwi akong umiiyak dahil may putok daw
ako, sabi nu’ng crushie-of-the-moment ko. Tapos naghanap ako ng deodorant.
Pero mas hindi ko pa rin makakalimutan nu’ng sinabi ng ibang-Grade-5-crushie-of-the-moment-
na-as-usual-crush-si-best-friend, “Maganda sana si Iza, kaso malaki ilong niya.” Oh God, parang
pinaulanan ng sibat ng isang buong tribo ang fragile-Grade-5-heart ko. Okay lang siguro ang may putok,
basta maganda. (DISCLAIMER: Nawala agad ‘yung putok, ha, as in days lang siya.)
Nu’ng Grade 6 ako, may one time na hindi makakapag-parada ang muse namin para sa
Foundation day ng school. Iprinisinta ko ang sarili ko as substitute dahil ako naman talaga ang pinipili
nila para sa lahat – writing contest, spelling bee, quiz bee, bible quiz bee, mag-print ng pandisenyo sa
bulletin board, magpa-print sa nanay ko ng tarpaulin para sa school – pero natawa ang teacher ko nang
mag-volunteer ako. Half-tawa, half-ngisi na parang sinasabi sa ‘king, matalino ka lang, masipag ka lang,
may printer lang kayo sa bahay kaya ka naming pinipili.
Ang mama ko, maganda. At sabi nila… mini-version niya raw ako. Kamukha ko raw siya. Mas
payat lang daw siya sa ‘kin sa ganu’ng edad, pero kamukhang-kamukha ko raw siya. Kaya naniwala
akong gaganda din ako. Nauna lang lumaki ang ilong ko, makakahabol ang ibang facial features.

Nu’ng high school, umasa ako na wala ng asaran. Bagong eskwelahan, mas sosyal, first section pa ako.
Mature na siguro ang mga tao.
Masama talaga ang assuming.
Simula first day, omagad, natatakot ako. Pinagdarasal ko sana walang makapansin… na medyo
may kalakihan ang cuteness overload kong ilong. Pero napansin pa rin, syempre.
Hindi ako masyadong bullied at medyo milder ang bully boys ng section. Kadalasan, maglalaro
lang sila ng nose-nose-nose sa harap ko, at isasali ako. Wala akong maalalang bagong pang-asar sa ilong
ko nu’ng high school. Ilong Ranger lang din.
Pero grumaduate akong Pugo dahil hugis itlog daw ang ulo ko.
Kahit takot sa pang-aasar, excited ako nu’n na mag-high school. Lagi ko kasing naririnig sa mga
tao na ang high school daw ang pinaka-unforgettable sa lahat ng phase ng pag-aaral, at isa raw na
dahilan ang high school love, o pag-ibig. Confident ako nu’n na may magkakagusto naman siguro sa ‘kin
at mararanasan ko ang isang great high school love. 31 lang kami sa klase nu’ng elementary kaya
understandable kung walang nagka-crush sa ‘kin. Pero mahigit dalawandaan kaming first year sa
paaralan ko nu’ng high school, kaya Lord, please naman.
Pero, hindi. Marami akong naging crush nu’ng high school – sa katunayan, sobrang dami. Wala
ni isa sa kanila ang nagkagusto rin sa ‘kin. For example, nu’ng first year, natipuhan ko si Joed, na naging
seatmate ko pa (dahil pinagkalat kong crush ko siya at nag-connive ang mga seatplan makers). Nagiging
close na kami nu’n, pero bago matapos ang second quarter, nagbalikan sila ng ex niya, na “leader” ng
cool na grupo ng mga magagandang babae sa buong first year batch. (Yes, ganu’n siya ka-gwapo.)
Inutusan siya ng ex-jowa na ito na ‘wag na akong kausapin. Naudlot ang pagkakaibigan namin at kahit
katabi ko pa rin siya buong third quarter, hindi na kami nag-usap. Naging magkaibigan naman kami ulit,
syempre, nang mag-break sila nang tuluyan.
Second year to third year high school, may nagustuhan naman ako na akala ko, may pag-asa – si
Jomil. Magkaibigan kami at alam niyang may gusto ako sa kanya. Uso na no’n ang text-text at minsa’y
hinaharot niya naman ako. Lagi niya akong inaasar – ang ilong ko, syempre – at siya ang nagbansag sa
‘king Pugo. Minsan, sweet siya – binigyan niya pa nga ako ng regalo nu’ng 15th birthday ko.
Nu’ng prom namin (at sa prom siguro ng lahat), big deal kung sino ang magiging first and last
dance, dahil special kumbaga. Dahil hinaharot niya naman ako, umasa ako na baka ako ang piliin niya.
Hindi siya ang naging first dance ko pero pinagmamasdan ko siya nang palihim buong prom, hinihintay
na isayaw niya ako. Minsan, nasa dance floor siya pero napansin kong lagi siyang nakaupo, tutok sa
cellphone niya.
Nang mag-annouce na last song na, nakaupo na ako, naghihintay, nakayuko. Hindi na nga siguro,
pinilit ko ang sarili ko.
Pero maya-maya’y may humila ng kamay ko. Siya.
Sobrang bilis nang tibok ng puso ko nu’n, at pakiramdam ko boring akong tao kaya sinubukan
kong magsimula ng pag-uusapan. Sabi ko, “ang ganda ng stars, ‘no?” (Shet, I know, super baduy.) Sabi
niya, “shut up,” tapos marahang isinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Maiihi yata ako sa kilig no’n.
Pero hindi pa rin natapos sa happy ending kahit ga’no pa ka-sweet ang eksena. Hindi pa tapos
ang kanta, umupo na kami. May nag-alok sa ‘kin ng sayaw – close friend kong lalaki na nangakong siya
ang last dance ko – pero tinanggihan ko. Gusto ko kasi, last dance ko na ‘yon, para special. Pagtingin ko
sa dance floor, ando’n uli si Jomil, ang “special last dance” ko. May kasayaw na taga-ibang section. Ni
hindi ko alam ang pangalan niya.
Months after, malalaman kong kaya text nang text si Jomil nu’ng prom, ay dahil hindi umattend
‘yung kaklase naming matagal na niyang nililigawan. Chikahan galore lang sila sa phone. Nalaman ko
‘yon kasi naging sila. Clueless ang buong klase na nagliligawan pala sila nang pa-sikreto. Syempre, mas
maganda siya. May nagsabi pa nga na kaibigan ko, “Alam mo, ikaw naman ang second choice niya.”
(Pero baka sinabi lang niya ‘yon dahil friends kami, at lalo ‘atang bumigat ang loob ko nang marinig ko
ang phrase na “second choice.”)
Nu’ng high school din (2nd year, bandang November), may panahong ‘di ako kinausap ng
maraming-maraming lalaki sa classroom dahil pinagkakalat ko raw na Porky ‘yung isa naming kaklaseng
babae. Pinaboran siya. Kinampihan siya ng halos lahat ng lalaki sa classroom. Isang araw, pagpasok ko,
hangin na ang turing sa ‘kin ng iba kong mga kaklase dahil sa Porky — na hindi naman ako ang nagkalat,
chinismis lang naman sa ‘kin, at ngayong iniisip ko, napakababaw na dahilan para bigla na lang akong
isnabin.
Close ako nu’n sa ilan sa mga lalaking wag-nating-kausapin-si-Iza-dahil-pinagkalat-niya-ang-
Porky. Syempre, kamalas-malasan ko, isa sa kanila crush ko (crush na naman, yes). At kaka-text niya pa
lang sa ‘kin bago ang Porky incident ng quote na may “I miss you.” (Malanding bata pala.) Iniyakan ko pa
sila sa harap ng mga kaklase ko. Umiiyak akong parang gaga sa classroom. Pero hindi na nila ako
kinausap. Syempre, kinausap din ako nu’ng iba, eventually. Pero may iilan na pinatagal talaga. May isa
nga next year na ako kinausap, nu’ng hindi na namin siya kaklase.
Lumaki akong may mindset na may mga taong pinapaboran. May mga babaeng mas maganda,
kaya mas pinapansin at mas binibigyan ng pagkakataon. Sabi nga ni Kathryn Bernardo sa Must Be Love,
na pinapanood sa ‘kin ng kapatid kong KathNiel fan, “Mata naman talaga ang unang nagmamahal,” dahil
hindi siya napapansin ni Daniel Padilla kahit ilang taon na silang best friends, pero nu’ng ma-sight ng
kuya mong boy ang Liza Soberano mong pagkaganda-ganda, “hindi mo pa siya nakikilala, mahal mo na
agad!”

Gusto kong maging maganda. Kaya nagpaganda ako. Grade 6 ako unang nagpa-relax ng buhok. Maganda
raw (ang buhok ko) sabi ng mga kaklase ko. Nu’ng bumalik ang buhok ko sa dati, nagpa-rebond naman
ako. Pakiramdam ko, gumaganda ako ng 100x kapag diretso ang buhok ko. Pero ‘pag tumutubo at
nagiging half-buhaghag, half-straight na ang buhok ko, pakiramdam ko naman, pangit na ako ulit. Lalo na
kapag kailangan ko nang ipitan ang buhok ko. Ang nakikita ko sa salamin, bilog na bilog na mukha na
may bilog na bilog na ilong sa gitna.
May nagkakagusto naman sa ‘kin pero hindi ko nga lang gusto. Pero guilty naman tayong lahat
of wanting someone we can’t have. Lagi kong crush, every phase of my life, ‘yung pinaka-gwapo,
pinakamatalino, na syempre, pinakamaganda naman ang gusto.
Second year college sinabi sa ‘kin na hindi na raw pwede i-rebond ang buhok ko dahil sobrang
sira na raw. Buong second year college, nakaipit lang sa isang bun ang buhok ko. Bago third year
college, nagpagupit ako. At nagdesisyong oras na para i-embrace ang katotohanang wild ang buhok ko.
Naglugay ako. Niregaluhan din ako ng makeup ng nanay ko at sinabi niyang mag-aral akong mag-ayos.
Third Year College, pumapasok akong nakalugay, at naka-eyeliner minsan. Dumalas ang pansin.
Hindi naman sa hindi ako natatawag na maganda bago ako mag-third year, pero nu’ng mga panahong
‘to, sinabi sa ‘king (legit, ha!) na gumanda raw ako. Palakpak naman ang tainga ko sa tuwing may
pumupuri. May nag-PM na at nagtext. May nangulit. May lumaro-laro na ng buhok kong alam kong sira
naman na talaga, pero kinarir ko na.
Fourth Year College, naging prince charming ko ‘yung lalaking madalas humawak-hawak ng
buhok ko. Hindi ko talaga alam anong nakita niya sa buhok ko na lagi niyang hinahaplos at inaamoy.
Minsan nga siyang nabawalan sa klase. “Hoy, Fanny Serrano, mamaya na ‘yan.”
Medyo pogi ang boyfriend kong Fanny Serrano. Nu’ng una, walang masyadong nakakaalam na
kami. Pero nu’ng ni-reveal ko sa grupo ng mga kaibigan naming writer, hala na siya, hindi sila
makapaniwala. Inaasar pa ako ng mentor namin na ‘wag ko raw siyang pakainin ng carrots. At wag
paiinumin ng Optein. Malabo raw mata.
Ako raw ba ang nanligaw sa kanya. Turuan ko raw sila.
Hindi pa pala tapos ang ganda problems ko.

Nu’ng una akong nag-blog ever in my blogging life, tungkol sa pagiging maganda ang blog post ko.
Kinowt ko pa nga ang idol kong si Toni Gonzaga.
“Minsan, kahit pinipilit mong ikaw na lang ‘yung mabait, hindi pa rin nila napapansin ‘yun.”
Sabi ko du’n, “Minsan, hinihiling ko, sana ako na lang yung maganda. O kaya yung magaling. O
‘di kaya, yung matapang. Sana ako na lang yung palaban. Pero hindi. Ako? Mabait. Sabi ng kaibigan ko,
ako na raw yata ang pinaka-nice sa buong mundo. Hindi niya raw ma-imagine na nagagalit ako. O
nagsusungit. Kasi sobrang bait ko raw.”
Inuuna ko lagi ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili ko, gaya ng pag-ako ng lahat ng
responsibilidad sa isang group work o project, pagpapakopya ng assignment, pagpapahiram ng lectures
at notes kong sobrang organisado at pati pagsusulat ng essay para sa ibang tao. Ang gusto ko lang, ma-
appreciate. Mabilis din akong magpatawad kahit ako ang agrabyado. Ayaw ko ng conflict o kahit anong
klase ng away dahil hindi ko kayang ipagtangggal ang sarili ko. Imbis na magalit, magbibigay na lang o
palalampasin ko na lang. Okay na sa ‘kin ‘yung “Ang bait mo talaga, Iza.” Palakpak-tainga na ako sa
ganu’n; busog na ang self-esteem ko.
May nagsabi rin sa ‘kin na mahilig ako sa ‘paawa effect’ lalo na sa mga sinusulat ko. ‘Defeatist’
daw. Para bang lagi na lang akong kawawa. Siguro, natural na sa ‘kin ang pagiging mahina. Kapag
tinatanong sa ‘kin kung ano ang ‘weaknesses’ ko, ang lagi kong sagot, mababa ang self-esteem ko, at
pakiramdam ko may inferiority complex ako.
Corny and romantic din ako mula pagkabata. Gusto ko ng fairytales, happy endings, prince
charmings. Gusto kong maging leading lady. Kaso lumaki akong na-instill sa ‘kin na hindi ako leading lady
type.
Usong-uso pa rin hanggang ngayon ‘yung mga pelikula na may pangit na girl na mai-inlove sa
poging boy. Magkakatuluyan sila, yes, pero may makeover munang magaganap. Kailangang maging
mainstream chicks si girlaloo bago siya mapansin ni boylet. Type na type ko rin ang ganu’ng tipo ng mga
kwento nu’ng high school. ‘Yung gaganda bigla mula sa pagiging lame at pangit like Princess Diaries o
Kampanerang Kuba. Iniimagine ko pa nga nu’ng bata ako na gigising akong mestisa at ‘yun naman ang
itsura ko talaga. ‘Yung ako lang ang makakapansin na may nagbago at mestisa naman talaga ako.
Sa palagay ko may mali sa ganu’ng mga ideolohiya. (Naks.) Hindi mo kailangang gumanda para
mapansin. Lalong-lalo na para mahalin. Hindi totoong hindi bagay kapag gwapo tapos hindi maganda
ang girlfriend. Hindi lang mga gandang ‘mainstream’ ang maganda. Lahat ng nanalo sa Miss Universe na
mga Pilipina ay hindi mainstream ang mga ganda. Lahat sila, hindi ‘yung tipikal-mestisa-maputi na para
sa karamihan ay depenisyon ng maganda.
Sabi sa ‘kin ng boypren ko nu’ng inaasar akong ‘wag siyang pakakainin ng carrots at paiinumin
ng Optein, “Kung maganda lang ang hanap ko, ‘di sana pinili ko na si toot or si toooot over you. Pinili kita
dahil ikaw ang kailangan ko.”

Hindi ko alam kung bakit ko ‘to sinusulat. Ang tagal ko na kasing hindi inaatake ng insecurities na ganito
kasi na-realize ko na rin naman na maganda ako, regardless of nose size (Beauty is in the eye of the
beholder). Siguro dahil na-insecure na naman ako kanina at nanumbalik ang galit ko sa mga magaganda.
Siguro dahil hindi na nawala sa uso ang mga pelikula na okay fine, maiinlove nga ‘yung gwapong-gwapo
sa pangit pero gaganda rin naman si ateng pangit at magiging mainstream chick sa huli.
Galit ako sa mainstream na kagandahan na pinaparamdam sa mga kababaihan na kailangan
nilang maging mestisa-maputi-tangos-ilong-nipis-labi para matawag na maganda.
Alam ko, maganda ako. Sabi ‘yan ng nanay ko, ng driver namin, nu’ng baklang nagmake-up sa
‘kin nu’ng grad, nu’ng mga manliligaw ko, ng mga kaibigan kong honest, ng mga taong ngayon lang ako
nakita ulit simula high school (“O ba’t gumanda ka?”), ng mga salesperson na ang tawag sa ‘kin ‘pag
namimili ng damit ay ‘ganda’ o ‘malagu’ (maganda sa Kapampangan), at higit sa lahat, sabi sa ‘kin ng
salamin.
Sabi rin ‘yan sa ‘kin ng medal na nakuha ko nu’ng grad, na sa palagay ko, nakakadagdag ng
ganda points. Sabi rin ng 100 na score ko lagi sa videoke, at ng kabaitan ko. (Dagdag ganda points ulit.)
Pero nabawasan ng konti dahil sa humility, na non-existent na sa paragraph na ‘to. (Sorry, nag-compute
ako ng ganda points).
So thank you, sa lahat ng bully boys of my life. Thank you sa lahat ng taong pinili ang iba dahil
mas maganda sila. Napababa niyo man ang self-esteem ko, binigyan niyo naman ako ng dahilang
magpapansin sa iba, magpapansin sa mas makabuluhang paraan at hindi lang dahil sa kapansin-pansing
pisikal na kaanyuan.
At salamat sa lahat ng mainstream chicks na dahilan ng insecurities ko. Pagod na akong maging
defeatist, at mag-paawa effect.

Gusto ko lang sabihin na, dahil sa inyo, na-realize ko na mas maganda ako sa inyong lahat.
Actually? Mas sexy pa.
The only project you actually need
Jessica Rose Tinio
(With the permission from the author)

In an establishment along Kalayaan road in Kawit, Cavite, hides Coffee Project. The catchy coffee shop
can easily be seen at the second floor of AllHome, A home improvement store owned by the Villar
Group of Companies. Comparably, it may leverage itself with the excellence of Starbucks and Coffee
Bean and Tea Leaf, but Coffee Project, with its vintage bikes hanging on its walls and ceilings, knows how
to strike you initially at the moment came for it to impress.

It may not be hard to understand that coffee shops give us feeling of warmth and comfort. But to
elevate coffee shops into something strikingly beautiful as an art fair, Coffee Project will be a
reminiscent of French classic studios adorned with exquisite furniture and lush of indoor plants.

If Coffee Project would be a candidate in a beauty pageant, it will be someone who’s proud, well-
dressed, and gorgeous not just because you put some good lighting to it. The generous amount of
exquisite pieces like eclectic bulbs blooms and inspirational quotes make Coffee Project an IG worthy to
go place.

If you wanted to squeeze some quite time to your week or reserve a night for your date, this can be a
place to visit as it offers a homey and comforting vibe.

Perfect for more quite time for families and friends, Coffee Project also offers an array of comfort foods
such as pastas, sandwiches, cakes, brownies and salads. All breakfast meals were also served for those
who are looking for full meals.

Coffee Project definitely knows how treat veggies with utmost care. The perfect combination of kani and
fruits make a show off. This may seem a not-so-extraordinary meal but the freshness of Kani blends
perfectly with creamy sauce as it melts in your mouth.

Their cupcake comes with a not so typical combination, almonds and blueberry. Taming the tangy taste
of the blueberry, the balance of sweetness and crisp taste of the outer part, this blue berry almond
cupcake will serve as a fine dessert.

Overall, Coffee Project is not just a pretty and picturesque café for Cavitenos. It feels like your own
private hideaway for special someone and friends. The dishes and meals aim to make you happy and
refreshed for the upcoming work and study week.

Guess it will make you a special guest on a night that wants you to stay in.

You might also like