You are on page 1of 1

Alamat ng Niyog

Noong unang panahon ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa


kanyang mga anak.. Napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak.

Dahil sampu ang kanyang mga anak, nahirapan na siya sa pag-aaruga sa mga ito.

Isang araw, nagkasakit ang ina at na namatay. At ang mga bata ay nag-iyakan at
ang sabi nila ay “Sino na ang magapakain sa amin?” tanong ng isang anak.

“Sino na ang mag-aalaga sa amin?”

Habang sila ay umiiyak, may dumating na isang babae ,.

“Huwag na kayong umiyak,” sabi niya. “Di kayo pababayaan ng inyong ina.
Ilibing niyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may
tutubo doon na puno. Ang punong yon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-
araw.

Biglang nawala ang maputi at magandang babae.

Sumunod ang mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libing ,araw
at gabi at pagkatapos ng maikling panahon ay may nakita silang isang halaman
na tumubo.

Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging mataas na puno. at sa dami ng bunga
nito.kakasya ang mga bunga sa kanilang lahat

aakyatin ko na lang itong puno,” sabi ng pinakamatanda na anakat umakyat siya


at pumitas ng bunga. “Ibabagsak ko ito at buksan
ninyo.”
Nang biyakin ng isang anak ang bunga, nakita niya na may tubig ito.

“Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,” sabi niya. Kaya tumukim rin ang mga
kapatid niya.

Nadagdagan pa ang mga bunga na nahuhulog.

at di na sila nagutom pang muli. Ang mga bungang iyon ay kauna-unahang niyog
dito sa mundo

You might also like