You are on page 1of 9

ST. RITA’S COLLEGE OF BALINGASAG, INC.

Balingasag, Misamis Oriental 9005


PAASCU Level II Re-Accredited: Junior High School
(Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities)

Filipino 8
Unang Markahang Pagsusulit

Pangalan: _________________________________ Iskor: __________


Baitang at Sekyon: _________________________ Guro: Bb. Hubilla

PANGKALAHATANG PANUTO:

Basahin para maliwanagan. Wag ka palaging padalos-dalos kaya ka NASASAKTAN.

 FOCUS ON YOUR TEST PAPER - Huwag kang lilingon sa katabi mo, baka magkatitigan pa kayo mainlove ka
pa… Eww di ba?
 WRITE YOUR ANSWERS CLEARLY - Yung malinaw! Hindi katulad ng feelings niya sayo na MAGULO NA!
MALABO PA!
 DO NOT CHEAT - Naranasan mo na bang maloko, ANG SAKIT DI'BA? All caps yan para ramdam mo.
 NO ERASURES - Mag-isip kang mabuti, kaya ka naloloko eh, siya na nga yung the RIGHT ONE PINALITAN MO
PA!
 FINISH THE EXAM ON TIME - Alam mo dapat kung kailan lumaban at kailan sumuko. Pag tapos na, edi tapos.
Don't beg for another chance, Wag mo nang pilitin pa MASASAKTAN ka lang. 
 RELAX - Relaks ka lang. Exam lang to. Mas malaki ang chance na pumasa ka dito kesa pumasa sa puso ng crush
mo. 

I. Multiple Choice:
Panuto: Para sa bilang 1-20, Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.
1. Ito ay tinatawag ding kaalamang bayan na kung saan ay hango sa mahabang tula.
a. Sawikain b. Kasabihan c. Karunungan-bayan d. Salawikain
2. Ito ay karaniwang pumapaksa sa kanilang mga Diyos at mga espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran
ng tao.
a. Karunungan-bayan b. Kwentong-bayan c. Kasabihan d. Sawikain o Idyoma
3. Ito ay sumasalamin ng mga palaisipan o tanong na may doble o nakatagong kahulugan,maaaring pag –
uugali pang araw-araw na pamumuhay at katutubong kapaligiran ng mga Pilipino.
a. Bugtong b. Salawikain c. Kasabihan d. Kwentong-bayan
4. Ito ay mga tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda, karaniwang ginagamit sa panunukso o
pagpuna sa kilos ng isang tao.
a. Kasabihan b. Karunungang-bayan c. Pasalindila d. Kasabihan
5. Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng matalinhaga, karaniwang hindi-tiyak ang kahulugang
ibinibigay.
a. Pasalindila b. Kasabihan c. Salawikain d. Sawikain o Idyoma
6. Paraan ito ng paglalahad na nakatutulong sa pagbibigay linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng dalawang bagay.
a. Pasalindila b. Pasalaysay c. Pagpapahayag d. Pahambing
7. Isa itong uri na magkatulad na katangian na ginagamitan ng panlaping magka-, sim-, magkasim-, o
pareho.
a. Pahambing na di-magkatulad b. Pahambing na magkatulad c. Pahambing d. Pagpapahayag
8. Kulang sa katangian ang isa sa dalawang paghahambing, ginagamit ang di-gaano, di-gasino o di-
masyado.
a. Palamang b. Pahambing na di-magkatulad c. Pahambing na magkatulad d. Pasahol
9. Isa itong nakakahigit sa katangian ng isa sa dalawang pinaghahambing na ginagamit ang higit, lalo, mas,
di-hamak.
a. Pasahol b. Palamang c. Pahambing d. Pahambing na magkatulad
10. Isa itong halimbawa na ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
a. Salawikain b. Sawikain o Idyoma c. Bugtong d. Kasabihan
11. Lumipat ng tirahan ang mag-anak na Padilla dahil di na maganda ang sinasabi ng mga
taong nakapalibot sa kanila. Halos sa araw-araw na ginawa ng Diyos, puro nakasusugat-puso
ang maririnig sa mga tao laban sa pamilyang ito. Alin sa mga sumusunod na sawikain ang
pinakaakma sa sitwasyon ng pamilyang ito?
a. ngiting-aso” b. “nagtataingang-kawali” c. “basa na ang papel” d. “itaas ang watawat”

12. Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang umusbong at lumaganap sa


Panahon ng Katutubo?

a. Huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang mga ito yamang ibang-iba na ang lagay natin sa
ngayon kumpara sa kanila.
b. Patuloy na pag-aralan ang mga ito at tingnan ang mga aral na maaaring isabuhay
tungo sa positibong pagbabago.
c. Magsawalang-kibo at hayaang gawin ng mga guro at iba pang pinuno ang pagpapanatili at
pagpapaunlad sa mga ito.
d. Ipaubaya na lamang sa Maykapal kung anong kapalaran ang naghihintay sa mga
panitkang umusbong sa Panahon ng Katutubo.

13. Ano ang pangunahing mensahe ng alamat ng Pinya na kailangang maikintal sa


puso’t isipan ng bawat Pilipino?
a. Pagmamahal ng ama sa kaniyang anak
b. Pagmamahal sa tribong kinabibilangan nang higit sa lahat
c. Pagmamahal ng lalaki sa babae at magsamang maligaya
d. Matutong maghanap at huwag puro bibig ang ginagamit

14. Alin naman sa mga sumusnod na pahayag ang pinakamahalagang kaisipang nais
ipaunawa at bigyang-halaga ng epikong Bidasari?

a. Nagdudulot ng kapahamakan ang pagkukunwari kaya huwag itong hayaang maghari sa


sarili.
b. Anumang likas-yaman ng bansa ay pangalagaan upang mapakinabangan
nang matagalan.
c. Matutong pahalagahan at masiyahan sa mga bagay na taglay, ito ang pundasyon ng saya.
d. Likas sa tao ang makaramdam ng takot lalo na kung sariling buhay ang nasasangkot.

15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang pinakaangkop na maglalarawan sa kahulugan


ng sawikaing “paglulubid ng buhangin”?

a. Pagkatapos ng klase, nagkayayaan ang magbabarkada sa isang computer shop. Gabi na


nang umuwi ang mga bata. Dahil sa ayaw mapagalitan, nagsinungaling na lamang sa kani-
kanilang magulang.
b. Hindi na matiis ni Daniel ang sakit ng katawan dala ng pag-eensayo ng taekwondo. Kaya
kinausap ang mga magulang na itigil na ito at maghanap na lamang ng ibang
mapagkakaabalahan.
c. Lumaki si Brygee sa piling ng lolo’t lola dahil maaga siyang naulila sa ama’t ina. Wala rin
siyang kapatid na kalaro sana. Sa paaralan, binu- bully pa siya. Lungkot at awa sa sarili ang
nararamdaman niya.
d. Naglalaro sa kompyuter si Donna nang marinig ang utos sa kaniya ng ina. Di niya ito
pinansin. Muling inulit ng ina ang utos ngunit si Donna ay nagpatuloy sa paglalaro. Paulit-
ulit siyang inutusan ngunit tila walang naririnig si Donna.

16. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamitan ng paghahambing?

a. Ayaw man sanang gawin ng ina ngunit kailangan niyang lumayo at magtrabaho sa
ibang bansa upang matustusan ang lumalaking pangangailangan ng apat na anak.
b. Ipinadama ng anak ang pagmamahal sa mga magulang na nagtatrabaho araw-araw sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti sa paaralan at pagtulong sa mga trabaho pag-uwi sa
bahay.
c. Sa tuwing sasapit ang buwan ng Pebrero, totoong dinarayo ang Lungsod ng Baguio
dahil sa kagustuhang masaksihan ang naggagandahang parada ng mga sariwang
bulaklak.
d. Napakanda talaga ni Dawn kaysa kay Grace.

17. Bilang isang mabuting mamamayan at anak ng Diyos, makatuwiran bang ibahin ang
pagtrato sa mga tunay na anak at sa mga ampon lamang? Bakit?

a. Oo dahil blood is thicker than water ika nga sa Ingles. Kadugo ng ama’t ina ang mga
tunay na anak samantalang malayong mangyari ito sa mga ampon.
b. Oo dahil kung hindi, lilikha ito ng hidwaan sa pagitan ng mga tunay na anak at ng
kanilang magulang o kaya’y hidwaan sa pagitan nilang magkakapatid.
c. Hindi sapagkat karapatan ng bawat isa na tumanggap nang pantay na pagtrato, ayon ito
sa batas ng tao at lalong-lalo na sa batas ng Diyos.
d. Hindi sapagkat ito ang ginagawa ng iba at matutong gumaya sa kanila kahit di lubos na
maunawaan ang dahilan sa paggawa nito.

18. Isa sa iyong kaklase ang napansin mong walang kainte-interes sa pag-aaral ng mga
panitikang umusbong at lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Sa tuwing talakayan sa klase,
napupuna mong di niya pinakikinggan ang paliwanag ng guro. Hanggang sa malaman mong
nagbibigay ito ng mga negatibong komento sa mga paksang tinatalakay. Ayaw mong malaman
ito ng iyong guro dahil ayaw mong madagdagan pa ang pinapasan nilang trabaho. Anong
pasiya ang pinakamainam mong gawin?

a. Magsawalang-kibo na lamang dahil sa panahon ngayon, matutong huwag makialam sa


problema ng iba at baka ika’y awayin pa.
b. Buong suyong kausapin ang kaklaseng ito upang malaman at maunawaan ang tunay na
dahilan ng gayong negatibong ugali.
c. Hintayin na lamang kung kailan mapapansin ng guro ang negatibong reaksyon ng
kaklase at hayaang siya ang lumutas nito.
d. Sugurin ang kaklase at sabihin sa harapan ng mga kaklase na huwag nang pumasok sa
paaralan kung ganyan din lang ang ugali.

19. Ilang taon na ang nakalilipas nang ika’y huling bilhan ng bagong gadyet ng iyong
magulang. Sa tuwing magpapabili sa mga magulang, lagi na lamang nilang sinasabi na
magtipid dahil marami kayong pinaggagastusan. Ngunit taliwas sa sinasabi nila, tila
napapansin mong paiba-iba ang gadyet ng iyong nakababatang kapatid. Nag-usisa ka sa iyong
kapatid at napatunayan mong lagi pala siyang binibilhan ng bagong gadyet. Anong pasya ang
pinakamakabuluhan mong isasagawa?

a. Aawayin ang kapatid at ipamukha sa kaniya na ikaw dapat na panganay ang unang
magkaroon ng bagong gadyet bago siya.
b. Susumbatan ang ama’t ina sa harapan ng maraming tao para kapag sila ay
napahiya, mapipilitan silang bilhan ka ng bagong gadyet.
c. Maglalayas sa bahay upang ipadamang galit ka sa mga magulang at babalik
lamang kung mangangako silang bibilhan ka ng bagong gadyet.
d. Buong paggalang na kakausapin ang mga magulang at ipabatid sa kanila ang
nalaman upang mabigyang-paliwanag ang lahat at magkaunawaan

20. Ang nakararaming atensyon ng iyong mga kaibigan ay lagi mong nakukuha. Laging
pagsang-ayon sa kanila ang anumang sabihin mo. Lagi ka ring umaani ng papuri mula sa
kanila kahit sa mga mumunti mong kabutihang nagagawa. Ngunit mula nang dumating ang isa
pang kaibigan sa grupo ninyong magkakaibigan, napasakanya ang kinagigiliwan mong
atensyon. Siya na ang sinasang-ayunan at pinupuri at tila mali ang bawat mungkahi na iyong
sinasabi. Napuna mo ring higit na masaya ang inyong samahang magbabarkada kapag siya na
ang kasama at tila malungkot kung wala siya. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam
mong pasya?

a. Umalis na lamang sa grupo at bumuo ng iba na ang mga miyembro’y sasang-ayon at


pupuri sa’yo sa lahat ng pagkakataon.
b. Magkalat ng kasinungalin tungkol sa kaibigang ito upang masira ang kaniyang pangalan
at ikaw na muli ang pagkatiwalaan.
c. Ipagpatuloy na gawin kung ano ang kaaya-aya sa lahat at matutong makipagkaibigan sa
lahat nang walang halong pagkukunwari.
d. Kumprontahin ang kaibigang ito, sabihan ng mga masasakit at nakakukunsensyang mga
salita hanggang sa maisipang umalis sa grupo.

II. Panuto: Para sa bilang 21-30, Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat
bilang. Pagkatapos, isulat ang buong pahayag na nagsasaad ng sanhi, at bunga.

21-22. Isang araw akong hindi naligo kaya hindi kaaya-aya ang amoy ko ngayon.

SANHI:_____________________________________________________________
BUNGA:____________________________________________________________

23-24. Dahil sa aking kapabayaan, nawala ko ang babaeng aking pinakamamahal.

SANHI:_____________________________________________________________
BUNGA:____________________________________________________________

25-26. Kung hindi lang sana madalas lumiban sa trabaho si Jaydeen, may trabaho pa sana siya ngayon.

SANHI:_____________________________________________________________
BUNGA:____________________________________________________________

27-28. Hindi masyadong nagkakasakit si KhrisKhate dahil masustansiya ang kanyang mga kinakain.

SANHI:_____________________________________________________________
BUNGA:____________________________________________________________

29-30. Kung hindi lang sana ako torpe, nobya ko na sana siya ngayon.

SANHI:_____________________________________________________________
BUNGA:____________________________________________________________

III. Panuto: Para sa bilang 31-40, basahin ang tula at ibigay ang kahulugan ng matalinghagang
pahayag na nakasalungguhit. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at isulat lamang ito sa patlang.

Kaibigan
ni: TJ Demetillo

Kambal-tuko sa bawat kilusan


31
di alintana krus sa balikat
32
Ang nunal sa dila ay balat sa puwet
33 34
Haba ng buhok mo
35
kapag ako ang kautotang dila.
36
Kaparehas kitang hindi itim na lupa
37
kaya tayo ay sanggang dikit.
38
Kapag inaway ka ay balat sa tinalupan
39
Pagkat ika’y ipagtatanggol tuwina.

Sa lahat ng matapobre
40
31.__________________________________ 36. _________________________________
32. _________________________________ 37. __________________________________
33. _________________________________ 38. __________________________________
34. _________________________________ 39. _________________________________
35. _________________________________ 40. _________________________________

 mapanglait
 pabigat o pasanin
 di-makapaghiwalay
 pakiramdam ay maganda
 matalik na kaibigan
 may dalang malas sa buhay
 madaldal
 paglalarawan sa damdamin ng taong galit
 kakwentuhan
 suwail na anak
IV. Panuto: Para sa bilang 41-45, hanapin sa hanay A ang mga kasalungat na salita na
may salungguhit na nasa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
______41. Sabi nila mataba daw ang iyong a. Pangit
alagang aso.
______ 42. Maganda ang babaeng nasa iyong b. Mataas
likuran.
_____ 43. Ang aking nakuhang grado ay c. Payat
masyadong mababa.
_____ 44. Mabilis tumakbo si Shara d. Malungkot
_____ 45. Masaya ang mga mag-aaral sa
SRCB dahil sa malapit na ang araw ng mga e. Mabagal
puso.

V. Panuto: Para sa bilang 46-50, Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagyarismo o pagnanakaw sa ideya
ng iba lalo na sa pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananaliksik?

______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

7 |U n a n g M a r k a h a n
Inihanda ni:   Iniwasto ni:                                  

Ms. Clarence G. Hubilla                       Ms. Aimee Jane P. Pacana


GURO     KOORDINEYTOR NG
ASIGNATURANG FILIPINO

                                    Sinuri ni:

Mrs. Loue A. Joseph                       


                                PUNONG-GURO

You might also like