You are on page 1of 3

St.

Rita’s College of Balingasag


Balingasag, Misamis Oriental 9005,
Email: srcbignacian@srcb.edu.ph Website: srcb.edu.ph
PAASCU Level II Re-Accredited: High School Department
(Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities)

BUWAN NG WIKA 2021


“FILIPINO AT MGA WIKANG KATUTUBO SA DEKOLONISASYON NG
PAG-IISIP NG MGA PILIPINO.”

ISKRIP NG GURO NG PALATUNTUNAN

PAGBUBUKAS NG PALATUNTUNAN

Clarence: MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT! PURIHIN SI HESUS


AT MARIA.
Joseph: Ngayon at magpakailanman

Clarence: Ako po si Bb. Clarence Hubilla

Joseph: At ako naman po si G. Joseph Zaportiza

Clarence at Joseph: At kami ang inyong guro ng palatuntunan sa


pagdiriwang ng BUWAN NG WIKA 2022.

PANIMULA
Clarence: Sa pagdating ng Buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang
Buwan ng Wika upang mabalik-tanaw ang kadakilaang ginawa ng ating
itinuring na Ama ng Wikang Pambansa, Manuel L. Quezon. Siya ang naging
tulay upang magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa sa pagtalaga ng
isang pambansang Wika ang Filipino.
Joseph: Sa taong ito, ang St. Rita’s College of Balingasag ay nakikiisa sa
buong bansa upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang,
“FILIPINO AT MGA WIKANG KATUTUBO SA DEKOLONISASYON NG
PAG-IISIP NG MGA PILIPINO.”

Clarence: maraming salamat ginoong zaportiza sa pagpapakilala sa ating


tema ngayong Agosto.

PAMBUNGAD NA MENSAHE
JOSEPH: Sa puntong ito ay makinig naman po tayo sa isang Pambungad na
Pananalita mula sa ating pinakamamahal na Presidente ng paaralan na si S.
Ma. Anecita C. Navaja, RVM. Bigyan po natin siya nang masigabong
palakpakan.

(Message ni Sister)

Clarence: Maraming Salamat po, sa inyong pananalitang nakapagbigay


kaalaman at inspirasyon sa ating mga mag-aaral.

PAGLULUNSAD NG MGA PATIMPALAK


Clarence: Isang paraan ng pagdiriwang ng ating paaralan ay ang iba’t ibang
patimpalak na kung saan maipapahatid ang layunin ng nasabing tema ng
Buwan ng Wika. Ngayon ay tawagin natin ang presensya ni Bb. Dapat
upang mailunsad ang mga patimpalak.

(PAGPAPAKILALA SA MGA GURO AT IILANG TAUHAN NA BUMUBUO SA


PAARALANG SRCB)
WAKAS

Joseph: At dito na po nagtatapos ang ating munting palatuntunan ngayong


araw. At nawa po ay nagalak at muling nabigyang halaga ang ating Inang
Wika, ang Wikang Filipino na siyang kayamanan na hindi maaagaw ninuman.

Clarence: Muli, ako po si Clarence Hubilla


Joseph: At ako naman po si Joseph Zaportiza
Clarence at Joseph: At kami ang inyong guro ng palatuntunan sa Buwan ng
Wika sa taong 2021.

Maraming salamat at pagpalain pa po kayo ng ating Panginoon.

You might also like