You are on page 1of 1

ARALING PANLIPUNAN 7

Fourth Quarter
Quiz No. 1

I. Punan ang talata,kumuha ng sagot sa ibaba.

Sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nag- unahang manakop ang mga bansang Espanya at
Portugal.Sinakop ng Espanya ang (1) __________sa Timog Silangang Asya dahil nakita nila ang
kagandahan nito na may mahusay na(2)_________________ para sa mga barko tulad ng sa Maynila at
mayaman din ito sa(3) ______________________Para makuha ang loob ng mga katutubo ay
(4)___________ sila sa mga pinunong katutubo sa pamamagitan ng (5) ___________, ito ay pag- inom ng
alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo.Maraming patakaran ang ipinatupad ng mga mananakop sa Pilipinas
gaya ng sapilitang pagbabayad ng(6) __________at sapilitang pagtratrabaho ng mga katutubo na edad 16
hanggang 60 na tinawag itong (7) ______. Kinontrol din ng mga Espanyol ang (8) na lalong
nagpahirap sa mga Pilipino. Sa kabilang banda, dahil sa paghahangad na makakuha ng mga (9)__________
ang mga Europeo ay narating ng mga Portuges ang (10) _______na tinatawag na spice island noong 1511.

Mga Pagpipilian:

Kalakalan Pampalasa America Moluccas


Buwis Malaysia Pilipinas daungan
Ginto nakipag-kaibigan Sanduguan polo y servicio

II. Tama o Mali


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung
ito ay mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin dahil sa
malakas nitong pamahalaan.
2. Ang isang nagpahirap sa mga katutubo noon ay ang patakarang tributo na kung saan ay sapilitang
pinagbabayad ang mga katutubo ng buwis.
3. Ang mga katutubo ay hindi kailanman natuto ng salitang Kastila.
4 .Nagkaroon ng tinatawag na monopolyo sa panahon ng kolonyalismo sa Silangan atTimog Silangang Asya
para makontrol ng mga mananakop ang kalakalan.
5. Mababa ang paghahangad at pangangailangan ng mga kanluranin sa mga pampalasang makukuha sa
Asya.
6. Ang bansang Portugal ang sumakop sa bansang Pilipinas.
7. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas ay nasakop nilangbuo ang Mindanao.
8. Nagpatupad pa rin ang mga mananakop sa mga bansang kanilang sinakop ng mgapatakaran na lalong
nagpahirap sa mga tao. Ang Polo y servicio ay ang sapilitang pagtatrabaho sa mga kalalakihan na may edad
16 hanggang 60.
9 .Ang Netherlands ay nagtatag ng isang kumpanya na tinatawag na Dutch East India Company na layuning
pag-awayin ang mga kumpanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya.
10. Sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nakuha ng Portugal ang daungan ng Macao sa China at
Formosa (Taiwan).

You might also like