Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Villa de Bacolor, Pampanga
MASUSING BANGHAY-ARALIN
I. Layunin
Sa loob ng isang oras ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakapagbibigay ng mas malalim na pakahulugan sa malikhain kwento na isinulat ni
Eileen G.C Tarnate;
B. Nakabubuo ang mga mag-aaral ng isang maikling kwento pagkatapos ng talakayin ang
nabasa at napakinggang kwento;
C. Napahalagahan ng mag-aaral ang importansya ng maikling kwento at nabigyang pansin.
II. Paksang Aralin:
Paksa: Ang Higad at Ang Paruparo ni Jerwin Eileen G.C Tarnate
Mga Kagamitan:
Pisara
Yeso
Visual Aids
Laptop
Power Point
Aklat
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
- Panalangin:
- Tumayo tayong lahat at maghanda - (Tatayo ang mga mag-aaral,
para sa ating pagbungad na yuyuko at mananalangin)
panalangin na pangungunahan ni
C. Lopez
- Magandang Umaga!
- Magandang Umaga, Ginoo.
- Pagsasaayos sa klase
- Bago kayo umupo ay maaari bang
pakiayos muna ang inyong mga
- Opo, Ginoo. (Aayusin ang mga
upuan at pakipulot na rin ang mga
upuan at pupulutin ang mga
kalat sa ilalim.
kalat)
- Pagtala ng Lumiban sa klase
- Tagpagtala, sino ang lumiban
ngayon sa ating klase?
- Mahusay, Maraming Salamat!
D. Pambungad na pagbati:
-Isang masiglang umaga sa - Wala po, Ginoo.
inyong lahat mga anak ko!
- Pagbabaliik Aral:
- Isang masiglang umaga po,
- Bago tayo dumako o pumunta sa
Ginoo!
ating talakayan ay maaari bang
magbalik-tanaw mu na tayo. Sino
ang nais mag bigay ng kasagutan?,
- ( Nagtaasan ng mga kamay)
mag taas lamang ng kamay mga
baby ko.
- Sige nga baby ko, ibahagi mo nga
ang iyong kasagutan.
- Noongg nakaraan po ay
tinalakay na tin ang kwentog
- Mahusay! Sige anak ko ipag
‘Ang Mang-mang at Ang Pari’,
patuloy.
na kung saan ay nanalangin
ang isang lalaki sa diyos para
sa isang daang piso po
- Ayon nga po Nakita ito ng pari
at nakuha nito ang atensyon
nito kaya kinabukasan ay
inabangan ito ng pari sa
kanyang pwesto kung saan lagi
- Napakahusay! Tama ang kanyang
nag dadasal ang lalaki. Isang
tinuran palakpakan mga bebe!
araw ay narinig ng pari kung
anong dinadasal nito, iyon nga
- Pagganyak
ay humihingi ito ng isang daan
- Ngayon, bago tayo dumako sa
piso sa diyos.
ating talakayan, magkakaroon
- (Pumalakpak)
muna tayo ng isang munting
gawain na kung saan ang lahat ay
makakasama. Tatawagin itong Go
Go Go Sir! Sa larong ito ay
magkakaroon kayo ng ideya
patungkol sa ating tatalakayin na
paksa o malikyaing kwento.
- Simple lamang ang ating laro na
kung saan ay huhulaan niyo ang
mga ipapakitang larawan at kung
sino man ang makasasagot ay
magkakaroon ng karagdagang
puntos. Maliwanag ba? - Opo, Ginoo
- Sige, Unang Larawan, ano ang
nakikita mo? G. Miclat
- Mahusay! Ito ang iyong
karagdagang puntos.
- Malikhaing kwento po.
- Pangalawang Larawan, G.
Manese.
- Magaling! Para sa pangatlong
- Isang Higad po, Ginoo.
larawan, ano kaya ito? G. Eurie
- Tama ang galing! Ito ang iyong
papremyo, para naman sa ika-apat
na larawan G. Magcaling
- Isang hardinero po, Ginoo.
- Magaling! Para sa ating paghuling
larawan, handa na ba kayo? ano
- Isang hardin po.
kaya ito? BB. Palo
- Mahusay! Ito ang iyong premyo.
Binabati ko lahat ng mga nanalo.
- Isang paruparo po, Ginoo.
Bigyan ng dalawang bagsak ang
bawat isa.
Paglalahad - (Pumalakpak ng malakas)
- Sa tingin ninyo, saan kaya
patungkol ang ating paksa o
malikhaing kwento ngayon mga
- Sa tingin ko po na patutungkol ito
anako ko? sa higad at paruparo.
- Ang galing!
- Mahusay, bigyan ng isang palakas
na palakpak yan!
- Ang ating paksa o malikhaing - (Pumalakpak ng malakas)
kwentong tatalakayin na’tin
ngayon ay pinamagatang “Ang
Higad At Ang Paruparo” Isang
Maikling kwento na isunulat ni
Jerwin Eileen G.C Taernete
- Ngayon ay ipapakilala ko sa inyo
ang sumulat ng Ang mga anak ni
mang gustin, ito ay si Jerwin
Eileen G.C Taernete ay
pinanganak sa Bulacan, Pampanga
at Isa siyang guro sa DepEd ay
nanalo sa gawad palangcanoong
2016 at isa siyang mahusay na
manunulat ng mga maikling
kwento.
- Talasalitaan
- Pero bago tayo dumako sa ating
aralin ay atin munang alamin ang
mga talasalitaan na maaaring
maging balakid sa ating pag-
unawa.
- Ano kaya ang kahulugan ng
Diwa?
- Magaling! Bigyan ng isang isang
malakas na palakpak
- Maaari mo bang gamitin ito sa
Pangungusap Bb. Jenny
- Ito po ay isang kaisipan na
bumubuo sa tao.
- Magaling! Bigyan ng isang isang
malakas na palakpak
- Isang lalaki ang nawawalan ng
- Ngayon naman ano naman kaya diwa sa tuwing nagagalit.
ang kahulugan ng mago kaya ?
- Magaling! - (Pumalakpak)
- Maaari mo bang gamitin ito sa
Pangungusap Bb. Jenny - Isa po itong mahika
- Magaling! Bigyan ng isang isang
malakas na palakpak
-
- Tila ang husay niyang gumawa
- Ayan napakahusay at kagilas-gilas
ng samut saring magosa
naman talaga. Ngayon, sabay-
kaniyang palad.
sabay nating basahin ang mga
talasalitaan. - (Pumalakpak)
- Ngayon ay malinaw na sa inyo
- (Babasahin ang mga
ang mga matatalinghagang salita, talasalitaan sa pisara)
Diwa
dumako na tayo sa ating tunay na Mago
aralin.
- Ipapakilala ko sa inyo ang sumulat
ng Ang mga anak ni mang gustin,
ito ay si Jerwin Eileen G.C
Tarnete
- Isa siyang guro sa elementarya at
mahusay na manunulat ng mga
maikling kwentong pambata.
- Minsan na rin siyang nanalo sa
gawad palanca noong 2016 sa
akdang Ang Higad At Ang
Paruparo.
- Pinanganak sa lungsod ng Bulacan
Pampanga.
- Matapos kong ipakilala sa inyo
ang may-ari ng akda. Hayaan niyo
akong ipakilala ang mga tuahan sa
tula. Kung inyong napapansin ay
mayroong tauhan sa ating
kwentong pambata na si diwa at
mago
- (Ipapakita ng guro ang mga
larawan sa powerpoint)
- Ang unang tauhan ay si mago isa
siyang higad at nais niya lamang
maging higad panghabang buhay
at wag maging paruparo.
- Pangalawa, ay si Diwa isa siyang
higad na pinili niyang maging
paruparo upang makatulong sa
hardinero.
- May katanungan ba?
- Wala po, Ginoo.
- Ngayon naman ay tatalakahin na
natin ang kwentong Ang Higad At
- (Naghanda para makinig)
Paruparo.
- ANG HIGAD AT ANG PARU-
PARO
Minsan ay may dalawang itlog ng
paru-paro sa isang dahon na sabay
napisa. Diwa ang
pangalan ng dilaw na higad at
Mago naman ang pangalan ng
kayumangging higad. Dahil ang
isa’tisa ang una nilang nasilayan
pagkalabas sa itlog, nagkaroon sila
ng agarang ugnayan. Nagturingan
silang parang magkapatid at sabay
na nanghinain ng mga dahon sa
Hardin. Nagkahiwalay si Diwa
at Mago ng hindi nila
namamalayan noong magpalipat-
lipat sila ng halamang kinakainan.
Isang
araw, muli silang nagkita.
“Ang sarap ng mga dahon sa lugar
na ito, ‘di ba?” ang sabi ni Diwa.
“Oo nga. Ginaganahan tuloy ako
lalong kumain,” ang sagot ni
Mago habang punung-puno
ang bibig.
“Kaya lang minsan pakiramdam
ko peste tayo. Nasisira kasi natin
ang mga dahon ng isang
magandang halaman.”
“Pasalamat tayo dahil mabait ang
Hardinero sa atin.”
“Oo nga. Hinahayaan Niya tayong
lumaki. Buti na lang at sa
sandaling panahon pwede na
tayong maging paru-paro.
Makakatulong na tayo sa Hardin”
“Ayoko ngang maging paru-
paro!” ang pahayag ni Mago.
“Ha? Bakit? Ang ganda kayang
maging paru-paro. Matamis na
nektarya ang kakanin natin
araw-araw. Higit sa lahat, hindi na
tayo pabigat dahil magiging
kapaki-pakinabang na bahagi na
tayo ng Hardin,” ang paliwanag ni
Diwa.
“Hay…malaking kalbaryo ang
maging paru-paro. Kailangan
mong gumawa ng sisidlan
kung saan ibabalot ang sarili mo.
Nakabitin ka ng patiwarik at
maghihintay sa loob ng mahabang
panahon bilang isang pupa o tilas.
Pagdating ng oras, ang hirap-hirap
pang lumabas mula sa
You sent
pinagbalutan mo. Pagkalabas,
kailangan mo pang magpalipat-
lipat ng bulakak para lang
makakain.
Hindi katulad ng pagiging higad
na pwedeng kainin ang
pinaghigaan pagkagising na
pagkagising
pa lang. Higit sa lahat, dalawang
linggo na lang ang magiging
buhay mo kapag naging paru-paro
ka. Ayoko ngang mawala agad.
Gusto ko ng mahabang buhay
kaya hindi ako magbabago.
Mananatili akong higad,” ang
pagmamatigas ni Mago.
Natigilan si Diwa. Nagsimula
siyang mag-alinlangan sa balak
niyang gawin sa buhay.
‘Tutuloy pa ba akong maging
paru-paro?’ ang tanong ni Diwa sa
sarili.
Isang araw, nakakita siya ng paru-
paro. Naakit siya sa taglay nitong
kagandahan at
kaligayahan sa paglipad. Higit sa
lahat, nakita niya kung paano
ngumiti ang Hardinero habang
nagpapalipat-lipat ito ng bulaklak
na dadapuan. Ang masipag na
paru-paro ay naghatid ng polen o
mawo sa bawat bulaklak upang
tulungan ang mga halamang
mamunga at makapagparami.
Dahil
sa mga nasaksihan, nawala ang
pag-aalinlangan ni Diwa.
“Mahirapan man, magtitiyaga ako.
Balang araw, lilipad din ako.”
Araw-araw ginawa ni Diwa ang
trabaho niya bilang higad.
Ngumuya siya ng ngumuya ng
mga dahon. Kailangan niyang
mag-imbak ng lakas bilang
paghahanda para sa haharaping
metamorposis o banyuhay. Isa
itong mahabang proseso ng
pagbabagong anyo ng isang higad
patungo sa pagiging paru-paro.
Kahit nangangawit na kangangata
ng dahon at nabibigatan na sa
laki ng katawang pinapasan,
nagpatuloy pa rin siya. Walang
oras na pwedeng sayangin.
Sa isang banda, madalas na
magpagulong-gulong lang sa
dahong kinalalagyan si Mago.
Madalas din siyang magpalundag-
lundag sa ibat’ibang halaman para
maglaro. Nagpakasaya siya
ng labis sa kanyang oras.
Nang nasa sapat na laki na si
Diwa, sinimulan niyang balutin
ang sarili ng bahay-uod. Bago
siya matakpan ng tuluyang, nakita
siya ni Mago at muling siyang
binalaan nito.
You sent
“Sinabi ko na sa iyo. Kapag
naging paru-paro ka, katakot-takot
na hirap ang dadanasin mo
para magbago. Sandali rin lang
ang itatagal ng buhay mo.”
Ngunit hindi nasiraan ng loob si
Diwa. Ningitian niya ang kaibigan
at saka nagwikang,
“Alam ko iyon. Pero
nararamdaman kong ito ang dapat
kong gawin kaya gagawin ko ang
nararapat. Paalam na kaibigan.”
Natulala si Mago. Sa isip-sip niya,
‘Saan kaya niya nakuha ang
ganoong tapang na suungin
ang hirap at maging handa sa
katapusan?’
“Hay naku! Bahala ka sa buhay
mo. Pinili mo iyan. Wala na akong
magagawa kung iyan
ang paniniwala mo!” ang hiyaw ni
Mago sa pupang si Diwa.
Nagpatuloy si Mago sa
pangkaraniwan niyang ginagawa
subalit hindi niya maialis sa isipan
ang sinabi ng kaibigan. Araw-
araw niyang sinisilip kung may
pagbabagong nagaganap sa
bahayuod nito.
“Parang wala namang
nangyayari”, ang dismayadong
komento ni Mago.
Subalit isang araw, napansin
niyang tila gumagalaw ang bahay-
uod ni Diwa. “Ngayon na
kaya ang araw ng paglabas niya?”
Mula sa matagal na pagtitiis sa
masikip at madilim na
kinalalagyan, unti-unting lumabas
si Diwa. Naawa si Mago sa
kaibigan nang makita niyang
nahihirapan itong kumawala.
Buong gilas
siyang gumapang papunta sa
kinaroroonan nito upang
sumaklolo. “Nandiyan na ko
kaibigan!
Tutulungan kita!”
“Huwag!” ang nanghihina subalit
madiing sambit ng palabas na
paru-paro.
Napahinto si Mago at nangilid ang
luha sa kanyang mga mata.
“Pero…hirap na hirap ka
You sent
“Ang labang ito ang magpapatibay
sa akin para makalipad. Kailangan
ko itong haraping
mag-isa.”
Walang nagawa si Mago kun’di
ang manood. Kailangan niyang
igalang ang pasya ng
kaibigan na dumaan sa likas na
landasin ng sinumang nais maging
paru-paro.
‘Kayanin po sana ito ni Diwa.
Maitawid po nawa niya ang
yugtong ito,’ ang tahimik na
usal ni Mago.
Nang makalabas na si Diwa, hindi
naman siya agad nakalipad dahil
maliit at lukot na lukot
pa ang kanyang mga pakpak.
Kitang-kita ang pagod sa itsura
niya. Nais sana muli ni Mago na
lumapit at tulungan si Diwa, pero
wala din naman siyang magagawa.
Kaya nanahimik na lang siya
sa isang tabi pero hindi siya
umalis. Nanatili siyang nakamasid
bilang suporta sa kaibigang may
matinding pinagdadaanan.
Makalipas ang ilang oras, unti-
unting naunat at lumaki ang lukot
na pakpak ni Diwa.
Dahan-dahan niya itong
ikinampay at maya-maya pa’y
lumipad na siya sa kalangitan.
“Whihh...” masayang-masaya
siyang nagsayaw sa hangin. Ang
ganda-ganda niya. Hindi
na siya si Diwa, ang dilaw na
higad. Siya na si Diwa, ang
ginintuang paru-paro.
Nagpalipat-lipat siya sa iba’t-
ibang bulaklak at nilasap ang
tamis ng nektaryang tila ba
pagkain ng mga diwata. Higit sa
lahat, marami siyang nabisitang
mga bulaklak. Dahil dito, may
mga puno siyang natulungang
mamunga at mga halamang
natulungang magparami. Tuwang-
tuwa
ang Hardinero sa kanya. Marami
rin siyang nakasalamuhang kapwa
paru-paro na may iba’t-ibang
makukulay na pakpak. Pagkatapos
ng kanilang pagsisilbi sa
maghapon, napagkukwentuhan
nila
ang kanilang mga naging
paglalakbay. Aliw na aliw siya sa
bago niyang buhay.
You sent
Subalit makalipas ang ilang araw,
unti-unting nasira ang mga pakpak
ni Diwa. Nagsimula
na siyang manghina hanggang sa
hindi na siya makalipad. Malapit
nang sumapit ang araw ng
kanyang paglisan. Naabutan siya
ni Mago sa ganitong kalagayan.
“Sabi sa iyo, maikli lang ang
buhay ng paru-paro. Hindi ka ba
nagsisisi at tumuloy ka?”
ang tanong ni Mago.
“Ikaw ba, hindi ka ba nagsisisi at
nananatili kang higad?” ang balik
na tanong ni Diwa.
“Hindi ka isang basta-bastang
paru-paro. Sa hubog na mayroon
ka, alam naming isa kang
Mariposa. Bakit nakuntento kang
manatili bilang higad lang?”
Natahimik si Mago. Nakadama
siya ng inggit at hiya. Aminado
siya sa kanyang sarili na
nagsayang lang siya ng oras.
Malayong-malayo siya sa naging
lakbayin ng kaibigan niya.
“Wala akong pinagsisisihan,” ang
nakangiting sambit ni Diwa. “Mas
masayang lumipad
kaysa gumapang. Mas mainam
kumayod kaysa kumain lang.
Masaya akong maging paru-paro
dahil dito ko natagpuan ang
dahilan kung bakit ako nabuhay.
Isa itong bagay na hindi ko
makikita
kung nanatili akong higad.”
Pagkasabi nito’y unti-unting
pumikit ang mga mata ni Diwa.
Wala na siya. Bumalik na ang
kanyang enerhiya sa kung saan
nagsimula ang lahat. Lumuha si
Mago ngunit hindi dahil lumisan
na ang kanyang kaibigan. Maikli
man ang naging buhay ni Diwa,
naging makabuluhan naman ito.
Hindi katulad nang sa kanya.
Lumuha siya para sa buhay niyang
walang pinatutunguhan.
Dahil dito, nawala ang takot ni
Mago. Sinimulan niyang gawin
ang trabaho niya bilang
isang higad. Ngumuya siya ng
ngumuya ng dahon hanggang sa
bumigat ang pinapasang katawan.
Binalot niya ang sarili ng bahay-
uod at hinarap ang pagiging pupa.
“Maging maikli man ang buhay ko
bilang paru-paro, kahit isang
linggo o kahit isang araw
man lang, kaya ko nang
makuntento basta’t natupad ko
ang dahilan kung bakit ako
naririto.”
You sent
Makalipas ang ilang araw, isang
bagong katuwang ng mga
bulaklak at kaibigan ng
Hardinero ang natunghayan sa
Hardin, si Mago ang
nakamamanghang Mariposa.
Masaya niyang
ikinampay sa hangin ang maganda
niyang pakpak.
“Ganito pala ang paglipad. Ang
sarap sa pakiramdam.”
Nagsimula siyang magpalipat-
lipat ng bulaklak. Naglakbay siya
kung saan kailangan ng
manggagawa gaano man ito
kalayo upang pamungahin at
paramihin ang mga halaman.
Nakakilala
rin siya ng maraming kaibigan
tulad ng mga kapwa manggagawa
at ng mga halamang kanyang
natutulungan. Araw-araw na
niyang nakikita ang Hardinero sa
paglibot niya sa Hardin. Masaya si
Mago na makita Siya dahil sa
Kanyang maamong mukha at
magaan na presensya. Namangha
rin
si Mago nang masaksihan kung
paano pangalagaan ng Hardinero
ang lahat ng nasa Hardin.
Sa araw-araw niyang paglipad,
napagmasdan ni Mariposa ang
mga bagay na hindi niya
makikita kung nanatili siyang
higad, katulad ng kagandahan ng
namumukadkad na bulaklak, saya
na dulot ng paglalakbay sa ihip ng
hangin, kagaanan sa puso na
nagmumula sa pagtulong at ang
maningning na mukha ng
Hardinero. Ngayon lang niya
naunawaan ang ligaya ng
lumisang
kaibigan sa araw-araw nitong
lakbayin.
Nagbalik sa kanyang alaala ang
nakaraan. Isang araw, habang
nakadapo sa isang bulaklak
si Diwa, tinanong niya ito.
“Hindi ka ba napapagod? Araw-
araw mo na lang ikinakampay ang
pakpak mo. Halos hindi
na kita nakikitang nagpapahinga.
Lagi ka na lamang nagtatrabaho.
Magbakasyon ka naman.”
“Bakit naman ako mapapagod
gawin ang isang bagay na gusto
kong gawin?” ang
nakangiting sagot ni Diwa sabay
lipad ng mas mataas pa.
Napanganga noon si Mago.
“Kakaiba talaga siya. Para siyang
taga-ibang mundo. Hindi ko
siya maintindiha
You sent
Ngayong isa na rin siyang paru-
paro, naiintindihan na niya ang
dating kaibigan. Mula sa
kawalan, tila ba narinig niya ang
tinig ni Diwa. “Ang gawain ang
nagbibigay ng kahulugan sa
buhay natin. Hangga’t gusto mo
ang iyong ginagawa, pakiramdam
mo, nasa bakasyon ka. Ang
tanging paraan lamang para
mangyari iyon ay mahalin mo ang
gawaing inatang sa iyo.”
Natawa si Mago, “Hay naku,
Diwa. Hanggang sa guni-guni ba
naman nangangaral ka pa
rin. Pakiramdam ko tuloy kasama
pa kita. Salamat sa alaala,
kaibigan.”
Hindi rin naman sa lahat ng
pagkakataon maayos ang lahat.
May mga panahon na inaabot
siya ng bagyo. Hindi siya
makalabas at walang magawa
kundi ang maghintay. Subalit
anumang
unos ang dumaan, lumilipas din
naman. Buong pananabik niyang
inaabangan ang pagdating ng
bukang-liwayway.
Hindi namalayan ni Mago ang
paglipas ng panahon. Tila ba
lumagpas siya sa dalawang
linggo. Hindi rin niya alam kung
gaano ba talaga katagal ang buhay
ng mga Mariposang tulad
niya. Subalit hindi na niya
inintindi ang oras. Ang mahalaga
walang siyang sinayang na
sandali.
Sinigurado niya na may katuturan
ang bawat araw na magdaan.
Dumating ang pagkakataon na
naging marupok ang kanyang mga
pakpak. Hindi na siya
makalipad. Alam niyang dumating
na ang kanyang oras. Habang
nakadapa at naghihintay, isang
maliit na kayumangging higad ang
lumapit sa kanya.
“Ahmm…mawalang-galang na po
pero ayos lang po ba kayo?
Mukhang masama po ang
pakiramdam ninyo,” ang may
pangambang tanong ng batang
higad.
“Ayos lang anak.”
“Pero mukhang ang lata-lata
ninyo. Paano po kayo naging
maayos?”
You sent
“Ayos lang dahil nakahabol ako.
Akala ko mauubos ang panahon
ko ng walang saysay.
Ngayon, lilisan ako nang walang
pagsisisi dahil masasabi kong
ibinigay ko lahat. Naubos ako at
wala kong itinira.”
“Hindi ko po kayo maintindihan.
Hindi po ba ninyo ginusto na
magkaroon ng mahabang
buhay?”
“Ginusto, kaya nga ayokong
maging paru-paro noong una dahil
akala ko iikli lang ang
buhay ko. Pero nagawa ko kung
para saan ako nilikha. Hindi
nasayang ang buhay na binigay sa
akin. Kaya masaya akong aalis.
Ikaw, anak? Sa tingin ko’y isa ka
ring Mariposa.”
Namula ang batang higad. “Ah…
opo. Kaya lang natatakot po akong
maging paru-paro.
Nahihiya rin po ako dahil hindi ko
po alam kung para sa akin po ba
iyon.”
Kaunti lamang ang nais maging
ganap na paru-paro. Hindi lahat
nangangahas, lalo na ang
mga kayumangging higad.
“Huwag mong ikahiya ang iyong
sarili,” ang madiing pahayag ni
Mago. “Tandaan mo, isa
kang marikit na Mariposa. Hindi
ka magiging ganap na nilalang
kung hindi mo tatahakin ang
landas patungo sa pagiging paru-
paro. Huwag kang makuntento na
manatiling higad lang. Liparin
mo ang kalangitan, dahil ito ang
iyong kapalaran.”
Matapos mangganyak, huminga
siya ng malalim at ibinuga ang
huli niyang hininga.
Namaalam na nang tuluyan si
Mago. Gayunpaman, hindi
nasayang ang kanyang buhay.
Natupad
niya ang kanyang misyon at higit
sa lahat, naipasa niya ang apoy na
iyon sa puso sa isang batang
higad. Isang bagong henerasyon
ng mga manggagawa ang sumibol
upang maglilingkod sa
Hardinero at magpapatuloy sa
pangangalaga sa mahal nilang
Hardin.
- Nais ko malaman kung mayroon
ba kayong nahinuha sa ating
talakayan ngayon
- Bb. Cruz maaari kabang magbigay
ng hinuha.
- Napaka husay!!!
Pangkatang Gawain
- Sa pagkakataong ito, hahatiin ko
ang klase sa limang grupo para sa
ating pangkatang Gawain.
- Ito ang unang pangkat, ikalawang
pangkat, ikatlong pangkat, ika-
apat na pangkat at ang ikalimang
pangkat.
- Dito ay magkakaroon tayo ng
Role Playing na kung saan ay
kukuha ng 3 hanggang 5 saknong
sa akdang Ang Higad At Ang
Paruparo para bigyan ng buhay.
- Maliwanag ba?
- Kung ganon, maari niyo nang
- Busog po ito sa kaalaman at ideya
ibilog ang inyong mga upuan. hindi lang po sa pakikipagkaibigan
pati na rin po sa tunay na buhay
halimbawa rito ang mga
desisyong kinakaharap po ntin sa
- Maaari bang pumunta ang buhay.
representante ng bawat grupo sa
harapan upang bumunot ng
envelop na aking hawak na may
lamang numiro kung sino ang
mauuna.
- Para sa inyong magiging
pamantayan:
Pagkamalikhain: 30%
Emosyon at Tindig: 30%%
Pagkakaisa: 30%
Katahimikan: 10% - Opo Ginoo
Kabuuan: 100%
- Mayroon lamang kayo ng
- (Bibilugin ang mga upuan
dalawampung minuto para sa
kasama ang mga kagrupo)
Gawain na ito. Anumang uri ng
ingay ay mababawasan sa inyong
puntos. Maliwanag ba? - (Pupunta ang mga
representante ng bawat grupo
- May katanungan?
sa harapan upang bumunot ng
envelop)
- Kung ganon ang inyong ay
magsisimula na.
- Natapos na ang inyong oras,
handa na ba ang unang pangkat
para ipakita ang kanilang
inihanda?
- Ayan pakinggan at panoorin
naman angUnang Pangkat
- Napakahusay naman ng unang
pangkat, bigyan natin sila ng angel
clap.
- Sa unang pangkat ay nakita natin
ang masayang pagsasama ng
dalawang mangkaibigan sa hardin
ng hardinero mababatid natin ang
saya sa bawat pagbigkas ng mga
linya sa kanilang muka at dahil - Opo
dyan bibgyan ko sila ng karapat - WalaPO
dapat na grado.
- (Magsisimula na ang bawat
- Ngayon naman ay dumako na tayo grupo)
sa ikalawang-pangkat, handa na ba
ikawwalang-pangkat?
- Ayan pakinggan at panoorin
- Opo Ginoo
nanatin ang ikalawang pangkat
- Isa lang masasabi ko mga anak ko - (Nagsimula na ang unang grupo,
Punong-puno ng puso ang
ang huhusay ninyo! kanilang reaksyon sa bawat
eksena)
- Bigyan ng isang malakas na
- (ANGEL CLAP CLAP CLAP)
bagsak angIkawalang- Pangkat
- Sa puntong ito makikita natin ang
pagtatalo ni Diwa at Mago sa
- Maraming salamat po Ginoo sa
usaping paruparo. Hati ang inyong positibong kumento
kanilang swesyon patungkol ditto.
- Ang ikalawang- Pangkat ay
mahusay pagdating sa pagbibigay
ng impormasyon ngunit dahil
siguro sa hiya at di maiwasang
tumawa ng iilan ngunit kahit
ganoon napabilib nyo pa rin ako - Opo Ginoo
dahil sa husay niyo pag dating sap
ag arte kaya’t narito ang inyong
puntos
(Nag tanghal na ang ikalawang pangkat at
- Ikatlong pangkat handa na ba? punong-puno ito ng mga pagtatalo ukol
sa pagiging paruparo ni mago at diwa)
- Iba talaga ang section na ito ang - (binigyan ng isang bagsak at
malakas na palakpak)
huhusay. Hindi na ko
magpapaligoy-ligoy pa napaka
galing niyo ikatlong- pangkat
- At ngayon ay dumako na tayo sa
panghulinng pangkat. Hnada na
ba?
- Maraming salamat po
- Hindi ako nagsisisi na hinawakan
ko sayo mga anak ko dahil sa
inyong husay ay napapawi ang
pagod na nararamdaman ko.
Napakagaling niyo ikaapat na
pangkat lahat kayo mahusay sa
aktibitad na ito
- Kung makikita niyo sa parting ito - Handang-handa na po!
ay nalaman di n imago ang tunay
na layunin nya kung bakit nagging - (Nagtanghal na ang ikatlong-
pamngkat. Puno ng iemosyon at
siyang isang higad. Ganon pa man galit ang bawat pagbitaw nila ng
salita sa bawat isa)
masaya ako dahil napaka husay ng
inyong ginawa palakpakan ninyo
- (Nagsigawan sa tuwa ang
ang inyong sarili
ikatlong-pangkat)
- May katanungan ba mga anak ko?
- Mahusay! Maraming Salamat..
- Handan a po
- Paglalagom
- Para sa paglalagom Marahil ang
buhay natin ay punong-puno ng
- (Nag tanghal na ang panghuling-
hirap at pasakit ngunit wag natin pangkat. Sa puntong ito binigay
ng huling pangkat ang kanilang
kakalimutan na mayroon tayong makakaya upang mabigyan ng
hustisya ang kanilang parting
isang layunin para mabuhay at yon nakuha)
ang gawin natin ang tama at
iwaksi ang kasamaan.
- Maliwanag ba klas?
- Ebalwasyon
- Maraming salamat. Ngayon ay
kumuha kayo ng isang malinis na
papil at gumawa kayo ng isang
- (Pumalakpak ng malakas ang
maikling kwento. buong klase)
- (Paglipas ng kalahating oras)
- Tapos na baa ng lahat? Kung
ganon ay magpasa na kayo
- Takdang Aralin
- Kunin ninyo ang inyong - Wala po Ginoo
kuwaderno para sa inyong takdang
aralin.
- Gumawa ngisang maikling kwento
na napatutungkol sap ag-ibig na
wagas ngunit natapos sa
kalungkutan
- Tayo na at tumayo para sa atinga
pangwakas na panalangin. Bb.
Manalang pangunahan mo.
- Magandang Araw!
- Maliwanag na maliwanag po!
- (Gumawa ng isang maikling
kwento ang buong klase)
- (Nagpasa na ang buong klase)
- (Magdadasal ang bawat isa)
- Magandang araw din, Ginoo.