Professional Documents
Culture Documents
i
TALAAN NG NILALAMAN
Page
Balangkas ng Kurso ........................................................................................................... 1
Course Outline Policy ........................................................................................................ 5
ii
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
3
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
4
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
BSED Program
Email: bsed@umindanao.edu.ph
Phone: 082-3050647 local 102
5
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
6
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Pangkalahatang Pananaw
PAHAYAGAN
Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman
ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay
maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-
araw o lingguhan.
Ang kauna-unahang naimprentang peryodiko ay inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan
pa rin kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at
ang internet. Dahil sa mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon ng pagsubok sa
industriya ng mga peryodiko. Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't ang iba ay
lumilipat mula imprenta patungo sa internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa mga
peryodiko. May mga lumalabas ng mga prediksiyon na baka lumiit o mawala na ang halaga
nito, ngunit batay sa kasaysayan, hindi nalagpasan ng mga bagong teknolohiya tulad ng
radyo at telebisyon ang mga nakalimbag na media.
Simula nang maging "journal" (talaan ng pangyayari) ang pahayagan, ang
propesyong may kinalaman sa paggawa ng diyaryo ay tinawag na peryodismo.
Sa panahon ng "Dilaw na Peryodismo" noong ika-19 na siglo, madaming pahayagan sa
Amerika ay bumase sa mga nakaliligalig na mga kuwento, sinadya ito upang galitin o
pukawin ang madla imbes na magbigay impormasyon. ang mahigpit na pamamaraan ng
pag-ulat na nakabase sa pagsisiyasat at kawastuhan ay muling sumikat bandang ikalawang
pandaigdig.
7
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Pahayagang Pangkampus:
8
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
TUNGKULIN NG PAHAYAGAN
(Functions of a newspaper)
1.Maging mata at tainga ng mambabasa (information function)
2.Maging tagapagturo (education function)
3.Pumuna ng balita sa pamamagitan ng mga tadling at pitak (interpretation function)
4. Tagapaglahad ng mga kurokuro (opinion mouder)
5. Maging tagapaglibang o taga aliw (entertainment function)
6. Gumanap bilang tagapag alaga ng karapatan ng mambabasa. (watchdog function)
7. Bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayaring naganap (documentation
function)
9
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Ang Balita
Pagsulat ng Balita
Katuturan
Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay-impormasyon
Halimbawa:
Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi-
gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon sa isang
bagong pag-aaral.
2. Nagtuturo
Halimbawa:
Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang stress at
mapapanatili ang magandang kalusugan.
3. Lumilibang
Halimbawa:
Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys
Reyes sa Presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling
eksena para mapansin niya.
4. Nakapagpapabago
Halimbawa:
10
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
• Kawastuhan. Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
• Katimbangan. Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig ng
sangkot.
• Makatotohanan. Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
• Kaiklian. Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.
Ang isang balita ay magiging balita lamang kung ito ay nakakapukaw ng interes ng mga
tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang anumang kaganapan na balita para
sa isa ay hindi balita para sa iba.
11
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
C. Ayon sa Nilalaman
• Pang-agham at teknolohiya
• Pangkaunlarang Komunikasyon
• Pang-isports o pampalakasan
12
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Katuturan
Ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng lalong malaking titik kaysa
teksto o katawan nito.
1. Malalaking Titik
13
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
2. Malaki-Maliit na Titik
3. Pababang Istilo
Pag-aanyo ng Pahina
Ang pag-aanyo ng pahina ay ang kaayusan ng mga larawan at mga iba’t ibang
lathalain sa pahina upang maging kaakit-akit at kawili-wiling tunghayan ito.
14
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Kahalagahan ng Pag-aanyo
Pamamaraan ng Pag-aanyo
1. Timbang na kaanyuan
- Lumang paraan ng pag-aanyo. Ang isang malaking ulo ng balita sa
gawaing kanan ng pahina ay tinitimbang ng isa ring malaking ulo sa
katapat ng gawing kaliwa.
2. Bai-baitang na kaanyuan
- Nasa bai-baitang na ayos ng parang isang suhay ng bahay, pakanan
o pakaliwa. Mainam ang paggamit nito kung ang isang balita ay
lubhang napakahalaga kaysa ibang mga balita.
3. Bali-baling kolum
- Ang pahina ay pinaghatihati sa maraming maiikling bahagi upang
magkaroon ng ispasyo para sa maraming maiikling balita.
4. Natatago o Di-karaniwan
- Magkalayo ang malalaking ulo pati na ang kanilang teksto, at ng mga
larawan o ilustrasyon.
5. Kaayusang Sirkus
- Magulong kaanyuan. Nagpapahiwatig ito ng paghi-himagsik sa dating
kaanyuang may timbang. Malalaki t maraming uri ng tipo ang
ginagamit sa pag-uulo ng balita. Walang kaayusan ang mga
larawan, teksto na para bagang nagpapaligsahan ang mga ito sa
pagtawag ng pansin.
1. Ayos X
2. Ayos Paliko
3. Ayos L
4. Ayos J
5. Ayos Payong
15
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
4. Pahinang Sports
a. Lalaking-lalaki (very masculine) buhay na buhay.
b. Nagtataglay ng aksiyon, bilis at kulay.
c. Malalaki at maiitim na tipo
d. Nakakahon ang mga iskor, tabulasyon at istatistika.
e. Mga larawang may aksiyon (action pictures)
1. Kaisahan (Unity)
• Paglalapit ng mga balita at larawang magkakaugnay.
• Magkaharap na mga pahina ay dapat may kaugnayan sa isa’t isa.
• Iwasan ang paglamang ng isang pahina sa kaharap na pahina.
• Iwasan din ang labis na paglamang sa paningin ng larawan sa tekstong kaugnayan
nito.
2. Timbang (Balance)
• Ang paraang ito ay tulad ng see-saw, na kung malapit sa gitna ay mabigat, ang
malayo sa gitna ay nagiging magaan sa mata.
• Ang larawan ay dapat timbang sa paningin; di dapat mabigat sa iisang panig lamang.
• Pag-timbangin ang larawan sa kapwa larawan; ang isang larawan sa isang
nakakahong balita; o ang isang larawan sa isang balitang may ulong tatlong kolum
ang sukat na may malalaking tipo.
3. Diin (Emphasis)
• Ang kahalagahan ng isang balita ang magbabadya:
• Kung saang pahina ito ilalagay,
• O kung saang bahagi ng pahina ito iaayos
• At kung anong istilo at laki ng tipo ang gagamitin.
5. Proporsyon
• Dapat maging proporsiyunal ang laki ng larawan sa haba ng teksto at ang laki ng ulo
sa kahalagahan ng balita.
• Hangga’t maaari, iwasan ang pagputol ng balita upang ituloy sa ibang pahina (jump
story).
6. Pagkakaiba o Kontras
Nagbibigay ng kaakit-akit na anyo ang Kontras.
• Iwasan ang nagbubungguang ulo (tombstoning or bumping heads), kung saan ang
dalawang ulo ng balita na may magkakatulad at magkasinlaking tipo ay pinagtabi sa
isang hanay.
• Labag din sa kontras ang pagkuha ng larawan sa may pondong puti (white
background) kung puti rin ang kasuotan (no contrast).
16
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Pagbubuo ng Patnugutan
Mga Bahagi ng Pahayagang Pampaaralan
Pangalan ng Pahayagan
• Ito ang nagtataglay ng pagkakakilanlan ng isang Pahayagan
Larawan
• Ito ang nagpapatunay sa isang pangyayari na nakikita sa loob at labas ng
pahayagan.
Pangalan ng Sumulat
• Ito ang nagtataglay ng pangalan ng sumulat ng balita. Maari itong ilagay pagkatapos
ng ulo ng balita o pagkatapos ng balita.
Ulo ng Balita
• Ito ang mga pangunahing pamagat ng pinakamainit at pinakamahalagang balita na
naganap. Nasusulat ito sa tipong malalaki.
Tainga ng Balita
• Maaaring mayroon o wala nito ang pahayagang pampaaralan. Matatagpuan ito sa
gilid na itaas na bahagi ng pangalan ng pahayagan sa kanan o kaliwang bahagi o
parehong sa kanan o kaliwa.
Payong
• Matatagpuan ito sa itaas na bahagi ng pahayagan, sa itaas ng pangalan ng
pahayagan.
17
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Pahina ng Lathalain
Tinatalakay dito ang mga artikulong kapaki-pakinabang sa mambabasa na maaaring
makapagdagdag-kaalaman, makapagturo o makapagbago sa tao o maging daan ng
panlibang.
Lathalaing Panlibang
Maaaring taglayin nito ang palaisipan, larong pang-isipan, mga kwentong
nakakatawa, komiks, palabas sa pelikula at iba pa.
Lathalaing Pang-agham
Mga artikulong nahihinggil sa agham o siyensya gaya ng mga baong imbensyon,
gamut, medisina, at kalusugan.
Lathalaing Pampanitikan
Nakapaloob dito ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, dula, haiku, impresyon,
pabula at iba pa.
Natatanging Lathalain
Nahihinggil sa pagtatampok ng kabayanihan, kakaibang karanasan o kapangyarihan
na kawili-wiling basahin
Pahina ng Isports
Inuuri ang mga artikulong isports gaya ng balitang pampalakasan, editoryal na
hinggil sa isport, lathalaing pang-isport at panlibangan.
Pamatnubay
ANG PAMATNUBAY
-Ang panimula ng balita ay tinatawag na pamatnubay ,sa wikang ingles “Lead”.
SIMULA NG PAMATNUBAY
Pinipilit ng reporter na mailagay ang malaking lathalain sa simula ng 6-8 salita,na
karaniwang bumubuo sa unang linya ng balita .Ito ay karaniwang nasa kumbensyonal na
balitang pamatnubay.
1.Batay sa layunin
18
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
2. Katanungang Pamatnubay
Ang uring ito ng pamatnubay ay ang pinakamatanda sa lahat ng uri na ginagamit ng
mamamahayag tulad ng Sino,Ano,Bakit,Paano,Kailan at Saan (5 W's and an H.
F. Pamatnubay na saan (Where Lead)- Ginagamit kung ang mga naganap ay hindi sa
pangkaraniwang lugar.
3. Batay sa kabuuan
A. gramatikong panimula
B. Unorthodox o Di-pangkaraniwang pamatnubay.
19
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
1. Pag-aralang mabuti ang mga datos na nakalap mula sa balita. Para sa mga
baguhan ,Itala ang mga katanungan sa isang pirasong papel at sa tapat ng bawat isa
isulat ang angkop na pangyayari.
2. Pumili ng itatampok batay sa kahaalagahan at interes ng mga mambabasa.
3. Ayusin aang mga katanungan baatay sa kahalagahan.
4. Alamin ang pinalaamabisang paraan sa panimula ng pamatnubay na pangungusap.
5. Isiping lahat ang mgaa katangian ng isang mabuting buod ng pamatnubay.
20
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Halimbawa:
“Huwag mong gawin sa iba ang hindi mo nais na gawin ng iba sayo.
2. Paglalarawang pamatnubay
Ang maganda at makahulugang paglallarawan o disenyo ng pangyayari.Ginagamit sa
pamamaagitan ng ilang salita upang makabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng
bumabasa.
3. Kakatwang pamatnubay
Ang kakaibang paraan sa paggamit ng tipograpikong epekto o hindi pangkaraniwang mga
pangyayari.
Halimbawa:
Bininyagan :Anak ng Hito
Wanted:Isang Asawa
Halimbawa:Mabuti pa sumama kaa sa pagbisita ko sa slum areas nang ang mga butangero
roon ay magsanay na lang ng boksing,”sabi ng Pangulong Gloria M.Arroyo kay CBF World
Super Bantamweight champion Manny Pacquiao.
21
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Ang bilang ng bulkan ay 455 , at may tinatayang 80 pa nag nakalubog sa tubig ! At ang
bansang may pinakamaraming bulkan ay ang indinesia ,77 sa kanya ng 167 na bulkan
ay pumutok na.Ang tawag ng bulkan ay unang ginamit sa dormant Volcano Island na
Aeolian group sa Meditererranea ,at ang pangalan ay mula kay Vulcan , isang Roman
god ng mapaminsalang apy.
5. Pagkakaibang Pamatnubay
6. Pagsasalarawang pamatnubay
7. Paggulat na pamatnubay
22
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Halimbawa
Ang bagyong Feria ay rumagsa sa hilagang Luzon .May dalang malakas na ulan at hangin
na tinatayang 170 kilometro bawat oras.Kahapon,ito ay pumatay ng 13 katao,na nagpatigil
sa biyahe ng mga sasakyang panghimpapawid,panlupa at pandagat.Ang buong lungsod ng
Baguio ay nahiwalay.
Halimbawa:
Ang piyesta sa Vigan ,Cantanduanes ay ipinaagdiriwang sa pamamagitan ng sayawan
,tugtugan at awitan na nilalahukan na ibat ibang barangay.Magsisimula sa gawain ang mga
kalahok mula sa kanilang pook patungong [plasa ng naturang bayaan.
Halimbawa :
Sunugin ! Ang utos ni Heneral Gumersindo Abad sa mga pulis habang sinusuri nila ang mga
shabu na nasamsam sa pagsalakay.
Halimbaw: Krimen ! Basura! Hold-up!Adiksyon! Ito y ang mga dahilan kung bakit nalulugmok
ang ating ekonomiya.
Halimbawa:
Bawal sa Casino ang mga nasa Gobyerno ,Ngunit may pagkakaiba .Ang mga kasino ay
magiging sarado para sa mga nagtatrabaho o nanunungkulan sa gobyerno kung magiging
isang batas ang panukala ni Senador Juan Flavier.Ngunit ang “Senate bill no.8 “ na
nagbabawal sa mga tinatalagang opisyales na hindi kasama sa mga inihalal na ,gaya ng
senador at kinatawagan sa kongreso.
Halimbawa:
23
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na resorses upang higit na maunawaan ang aralin:
https://www.slideshare.net/mobile/alexander014/pahayagang-pangkampus
http://quod.lib.umich.edu/p/philamer/ACR6448.0001.001?rgn=main;view=fulltext
http://newspaper.philippinecentral.com/
http://cegpst.wordpress.com/about-the-guild/history/
https://www.google.com.ph/search?q=Yank+Philippines&tbm=isch&ei=KavZU6iZHpSMuATWy4CoAg
#q=guerill
a+newspaper&tbm=isch&imgdii=_
https://sites.google.com/a/upou.edu.ph/mms-100-final-project-topic-2-old-news-new-news/home-
page-
1/Newspaper-in-the-Philippines/History-of-newspaper-in-the-Philippines
http://ejournals.ph/index.php?journal=malay&page=article&op=view&path%5B%5D=62
Subukin Mo
Nakuha mo ba ang mga mahahalagang punto ng unang aralin? Sana’y nagbigay ito
sa iyo ng higit na pag-unawa sa kahulugan at kahalagahan ng pahayagang pangkampus at
sa pahayagan sa iyo bilang mag-aaral at guro sa hinaharap. Upang palawigin pa ang iyong
pag-unawa, gawin ang kasunod na gawain.
Gawain: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.
_____________________________________________________________________

24
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Suriin Mo
Pagkatapos mong sagutan ang gawain, nadagdagan ba ang iyong kaalaman sa kulturang
popular? Upang mas lalo mong maunawaan ang katuturan at kahalagahan ng kulturang
popular mabuting gawin ang nasa ibaba.
Gawain:
1. Saliksikin sa internet ang Campus Journalism Act of 1991. Ano-ano ang mga
mahahalagang probisyon dito? Ilista ang mga ito at i-post sa inyong LMS.
Palalimin mo
Gawain 1
1. Pumili ng isang uri ng lathala sa mga online na pahayagan. Maaring ito ay balita,
editorial, uri ng pamatnubay, kolum.
2. Basahing Mabuti at suriin ang mga pamamaraang ginamit sa pagsulat nito.
3. Bigyang puna ang pagkakasulat ng balita. Ginamit at sinunod ban ang tama ang mga
tuntunin nito?
4. Ipaliwanag ang pamamaraang ginamit ng manunulat upang mailarawag Mabuti ang
balita.
Gawain 2
1. Sumulat ng isang balita at sundin ang pamamaraang natutunan. Gumamit ng mga
sumusunod na tala:
a. Ang Pandemic na kinakaharap ng Pilipinas
b. Online Class
c. Paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral
d. Ang mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan sa panahon ng pandemya
25
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Gawain 3
1. Pumili ng limang balita makikita online mula sa mga pangunahing TV stations sa
Pilipinas. Lagyan ng highlight ang pamatnubay at sa bawat tapat ng pamatnubay,
magtala ng tiglilimang katanungan batay sa pagkakalahad. Itala rin ang mga element
ng balita na nakatulong sa mga mambasasa.
Pangkalahatang Pagtatasa
Sumulat ng isang news-feature na balita. Sundin ang tamang pagsulat ng balita at
pamatnubay.
Tanong-Sagot
Maaari mong ilahad ang ilan sa iyong mga katanungan, kung mayroon man, bago
tayo magpatuloy sa sa kasunod na bahagi.
1.
2.
3.
4.
5.
Pangkalahatang Pananaw
Linggo 4-5: Mga Layuning Pampagkatuto sa Bawat Yunit (ULO): Sa katapusan ng yunit,
ikaw inaasahang:
26
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Paglinang ng Talasalitaan
Gawain
Sa tulong ng KWL chart, alamin kung anong natutuhan, gustong matutuhan at alam nang
mga konsepto ng iba’t ibang anyo ng mga sumusunod na sulatin:
Pangulong
tudling
Lathalain
Artikulong pang-
agham at
teknolohiya
Artikulong
Isports
Larawang
Cartoon
➢ Ang bahaging natutuhan ay sasagutan mo lang matapos mong mabasa ang ilan sa
mahahalagang konseptong ilalahad sa kasunod na bahagi ng modyul na ito.
Pangunahing Kaalaman
1. Panimula. Ang bahaging ito ang nagpapakilala ng paksa. Kailangang magtataglay ito ng
sariling tayo sa unang bahagi pa lamang ng pahayag. Dito makikita ang balitang bibigyan ng
opinion o editoryal.
Halimbawa:
Higit kailanman, ngayon kinakailangan ng bansa ang pagkakaisa upang
27
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Halimbawa:
Ang gobyerno ay isang maliit na sektor lang ng lipunan bagama’t ito ang
pinamamahala natin sa pondo, sa batas, sa pangunahing serbisyo at sa
pangkalahatang kalakaran. Gayundin ang mga negosyante at kumpanya. Pero
ang pinakamalaking sektor ng lipunan ay tayong masa.
3. Wakas. Sa bahaging ito ay mababasa ang huling mungkahi o tagubilin at buod ng isyung
nais ibigay.
Halimbawa:
Iyan lang naman ang kailangan nating solusyon, ang hind imaging bingi
sa anumang problema at pangyayari sa ating lipunan. Laging makialam.
Kabilang ang mga bumbero na nasa frontline kapag may sunog. Sila ang
unang-unang inaasahan na reresponde sa mga ganitong insidente.
Maliban sa sunog ay mayroon pang ibang pakinabang sa kanila kapag may
emergency. Subalit dahil na rin sa kakulangan ng sapat na mga kagamitan ay
hindi matupad nang husto ng mga bumbero ang kanilang mga tungkulin.
Kadalsan pa na sila ang sinisisi kapag hindi agad naagapan ang isang sunog. Kung hindi
man ay mayroong pang mga nasusugatan o kaya’y nasasawi sa kanila habang tumutupad
sa tungkulin. Kaya nga malaking bagay itong napansin na rin ngayon ang kalagayan ng
Bureau of Fire Protection. Sana lang aytotohanin ng mga mambabatas na isulong ang
modernisasyon sa hanay na itong mga manggagawa ng gobyerno.
28
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Halimbawa:
Nokia. Bosch. Ericson. Siemen. Ilan lamang sa mga klase ng cellphone na “in” ngayon at
pinagkakagastusan ng maraming Pilipino. Talagang popular na popular na ito sa ating
bansa dahil ultimo nga mga kabataan o estudyante ay may sarili nang gamit na cellphone na
ikinabahala naman ng mga namumuno at guro ng paaralan. Simula noong taong 2001 ay
ipinagbabawal na ang paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan. Talagang hindi kayang
pagbawalan ang mga estudyante na magdala ng cellphone sa paaralan dahil karapatan nila
iyon, subalit ang paggamit ng cellphone at pagpapadala ng mga text messages sa loob ng
silid-aralan ay bawal. Ayon kay National
Halimbawa:
MMFF 2002
29
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Halimbawa:
Sindikato sa Squatting
Kahalagahan
Mga Katangian
30
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
1. Lathalaing Pabalita (News Feature) – Ang lathalaing ito ay batay sa isang balitang
nakapupukaw ng damdamin. Pinalalawak sa uring ito ang bahagi ng balita na ang mga
pangyayari ay di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha na
nakapagbibigay kaalaman at kawilihan sa mambabasa. Ex. Demolisyon o dengue
outbreak
➢ Panimula o introduksiyon
➢ Katawan
➢ Kongklusyon o katapusan
Ang introduksiyon ang pinakamahalagang bahagi ng lathalain. Ito ang magsisilbing
pamukaw sa atensiyon ng inyong mambabasa. Upang maging mabisa ang inyong
introduksiyon, lagyan ito ng emosyon, drama, mga siniping pahayag na interesante, malinaw
(vivid) na deskripsiyon ng pangyayari, etc.
31
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
1. Tiyaking ‘kapani-paniwala’ ang tauhang inyong inilagay sa istorya. Ibig sabihin, dapat
na buhay at gumagalaw ang tauhan sa inyong lathalain. Huwag MAG-IMBENTO
para hindi masakripisyo ang inyong integridad bilang mamamahayag/manunulat.
Katawan
Upang maging mabisa ang pagsulat ninyo ng pinakakatawan ng inyong lathalain, dapat
tandaan ang mga sumusunod na mga bagay:
4. Tiyaking hindi naman siksik na siksik ang mga impormasyon para hindi magsawa
ang mga mambabasa. Sa pagtalakay, mahalagang ilagay lamang ang
pinakanakauugnay (relevant) o pinakamahalagang impormasyon.
Kongklusyon
32
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Paghahanda
Ang manunulat ay kailangang batid kung ano ang isusulat. Kailangang may malawak
na kaisipan at ang paksa ay malapit sa puso ng mga tao.
Ang pagpili ng paksa ay bahagi rin ng paghahanda sa pagsulat. Ang paksa ay ang
nagbibigay ng disenyo sa balangkas ng mga pangyayari na nais buhayin.
Ang publikasyon ay kailangang mabatid ang interes ng iba’t ibang sektor ng lipunan
at may malawak na kaalaman sa pagpili ng paksa. Ang sakop ng mga pangyayari ay higit na
mahalaga. Sa pampaaralang publikasyon, ang itinatampok ay ang mga nasyonal na isyu na
may kinalaman sa mga estudyante. Ang mga balitang tampok o artikulong lathalain ay batay
sa pangangailangan upang higit na epektibo.
33
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
pananaliksik sapagkat mahalaga ang mga tala. Ang pagkuha ng mga patunay at
impormasyon ay kailangang masistematiko upang madali ang pagsasaayos ng mga iyon.
Ang maayos na sistema ay makatutulong nang malaki sa pagbuo ng pahayag.
Pagsasaayos at Pagsusuri
34
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
EDITORIAL CARTOONING
Isang anyo ng political cartoon na nakabatay sa isang isyu, isang opinyon o isang
pangyayaring napapanahon;
Ito ay karaniwang gumagamit ng paraang caricature kung saan ay inilalagay na
nakakatawa ang isang pangyayari/sitwasyon;
Gumagamit din ito ng mga representasyon para ilarawan ang isang isyu, opinyon o
pangyayari.
ANO ANG EDITORIAL CARTOON?
35
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
• Kung gaano kahalaga ang editoryal ng isang pahayagan ay gayundin kahalaga ang
editorial cartoon;
• Kinakatawan nito ang opinyon ng patnugutan;
• Ito ang “puso” ng pahayagan (kung ang editoryal ang “utak” nito.)
Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na resorses upang higit na maunawaan ang aralin:
https://brainly.ph/question/15494
http://mykhelism316.blogspot.com/2010/10/normal-0-false-false-en-us-x-none.html?m=1
https://slideshare.net/mobile/ghiemaritana/pagsulat-ng-tanging-lathalain
https://prezi.com/idollrkgjj/pagsulat-ng-akdang-angham
https://slideshare.net/mobile/jake292014/balitang-isports
https://slideshare.net/mobile/ronelcana/editorial-cartooning-14311021
36
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Subukin Mo
Sa puntong ito, pihadong may alam ka na sa ilan sa mga halimbawa ang sulating
pangkampus. Makakatulong ito upang ikaw ay lalong mahasa bilang tagapayo ng
pahayagang pangkampus bilang guro ng hinaharap. Sa puntong ito, susukatin natin ang
inyong kaalaman sa pamamagitan ng isang pagsasanay.
Gawain 1:
Gawan ng balita ng mga sumusunod na mahahalagang impormasyon.Huwag
kalimutang lagyan ng headline.
1.Ayon kay Balba, hinihintay lang nila ang listahang isusumite ng Department of Social
Welfare and Development (DSWD) at lokal na pamahalaan para malaman kung sino ang
mga qualified.
2. Paliwanag sa TeleRadyo ni NHA Assistant Manager Vic Balba, nasa P5,000 ang ilalaan
sa mga partially-damaged na bahay habang P10,000 naman sa mga totally-damaged.
4. Bukod sa financial assistance, may iba pang programa ang ahensiya para sa mga
naapektuhan ng bagyo.
5. Plano rin daw ng NHA na i-relocate ang mga pamilyang naninirahan sa "no build zone"
para matiyak na ligtas sila tuwing may kalamidad.
6. May tulong-pinansiyal na iaalok ang National Housing Authority (NHA) para sa mga
naapektuhan ang bahay dahil sa sunod-sunod na kalamidad.
8. Posible aniyang mauna rito ang mga nasalanta sa Marikina na nalubog sa baha
matapos ang hagupit ng Bagyong Ulysses.
Suriin Mo
1. Pumili ng isang karikatura na napapanahon at ipaliwang bakit ito ang napili mo.
2. Pumili ng isang lathalain na nagustuhan mo at ipaliwanag kung paano ito sinulat ng
may-akda
3. Sa pamamagitan ng koseptong mapa ipakita ang balangkas ng istruktura ng balitang
pampalakasa.
37
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Palalimin Mo
Tanong-Sagot
Ilahad mo ang ilan sa iyong mga katanungan, kung mayroon man, bago tayo
magpatuloy.
1.
2.
3.
5.
Pangkalahatang Pananaw
Linggo 6-9: Mga Layuning Pampagkatuto sa Bawat Yunit (ULO): Sa katapusan ng yunit,
ikaw inaasahang:
38
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Paglinang ng Talasalitaan
Sa tulong ng KWL chart, alamin kung anong natutuhan, gustong matutuhan at alam
nang mga konsepto ng iba’t ibang anyo ng mga sumusunod na sulatin:
Pangunahing Kaalaman
1.Siguraduhing may doble o tripleng espasyong ang iwawastong kopya. Ito ay upang
masulatan ng mga pagwawasto at pagbabago ng kopya.
2.Sa itaas ng kaliwang sulok ng papel, mga isang pulgada lamang sa pinakaitaas, isulat ang
pangalan at gabay o slug. Ang slug ay karaniwang isa o dalawang salitang kumakatawan sa
pinakanilalaman ng balita.
Halimbawa:
New Zealand para sa balita tungkol sa 30,000 trabahong inilarga ng sa New Zealand
at Grace para sa balita ng patakbo ni Grace Poe bilang pangulo.
3.Simulan ang pagsulat ng istorya mga tatlo hanggang apat na pulgada mula sa pinakaitaas
ng pahina at maglagay ng isang pulgadang palugit sa kaliwa at kanang bahagi ng papel.
Ang malaking palugit sa itaas ay para sa tagubilin para sa typesetter at sa ulo ng balita. Ang
isang pulgadang palugit sa bawat gilid ng papel ay upang matantiya ang kahabaan ng
istorya. Ang apat na makinilyadong linya ay katumbas ng isang pulgadang makinilyadong
kolum na laki sa pahayagan.
39
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
5.Wakasan ang bawat pahina sa talata. Huwag putulin ang talata at ituloy sa kasunod na
pahina. Ang dahilan nito ay maaaring mapunta sa ibang istorya ang karugtong ng talata.
6.Kung ang istorya ay sobra sa isang pahina, sulatan ng “pa” sa ibaba at ituloy ang istorya
sa ikalawang papel. Huwag gamitin ang likuran ang pahina.
7.Sa halip na sulatan ang ikalawang pahina, labelan ito ng Unang dagdag o Dagdag isa at
susundan ng slug. Halimbawa, Unang dagdag, Lindol.
9.Matapos makompleto ang istorya, iwastong mabuti sa pamamagitan ng lapis ang mga
mali.
11.Kung hindi gaanong mabasa ang kopya dahil sa maraming pananda at dagdag,
imakinalyang muli kung mayroon pang panahon. Ang maruming kopya ay mahirap iwasto,
nagpapatagal sa typesetting at maaaring magbunga ng mga kamalian sa pag-imprenta ng
teksto.
40
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
8. Hammer- ang tawag kung ang kicker o tagline ay mas malaki kaysa sa ulo ng
balita.
10. Talong ulo o jump head- ang tawag sa ulo ng karugtong na istoryang hindi
natapos sa pahinang kinalimbagan dahil sa kakapusan ng espasyo
PAGSULAT NG KOLUM:
Kolum
- regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pang kauri nito
- naglalaman ng mga komentaryo o opinyon
-madalas mayroon nang kilalang heading at byline ng manunulat o editor, na nagbibigay ng
ulat o komento ukol sa isang lawak ng interes, politika, teatro, at iba pa maaaring makita sa
pahayagan, magasin, at iba pang publikasyon, kasama na ang blog
-maaaring isulat ng isang tao o isang grupo na gumagamit ng katawagan
MGA HALIMBAWA:
•Nagpapayo
•Show business column
•Community correspondent
•Critic's review
•Fashion column
•Food column
SPORTS COLUMN/KARIKATURA
-nanggaling sa Italyanong salitang "caricare" na ang ibig sabihin ay "to charge or to load" o
"loaded portrait"
-tumutukoy sa mga tao sa tunay na buhay at hindi sa likhang cartoon na fiksyunal na tauhan
41
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Larawang pampahayagan
1. Tunggalian (Struggle)
2. Takot o sindak (Fear)
3. Pagdamay o simpatya (Sympathy)
4. Mga bata (children)
5. Mga hayop
6. Kasarian
7. Ganda ( Beauty )
8. Lubos na pagkakilala (Familiarity)
9. Galaw, aksyon (action)
10. Kahalagahan ng Balita (news value)
Mga larawang ukit (Types of newspaper art engravings in letter press printing)
1. Half tone
2. Line etching
3. Linoleum
• Gawing maikli lamang ngunit hindi gaanong maikli na nabibitin ang mambabasa
tungkol sa napapaloob na sitwasyon
42
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
• Punan at ipaliwanag ang nasa larawan, ngunit huwag nang sabihin ang anumang
kitang-kita na
• Ipakilala ang mga taong nasa larawan. Kung marami ang taong nasa hanay ay
nanggitin sila isa-isa ang buong pangalan mula kaliwa pakanan. Kung may
maraming hanay, unahing ipakilala ang nasa harapan. Kung ang tao ay nasa pabilog
na posisyon, unahin ang sa gawing kaliwa.
• Hanggat maaari sabihing kung saan at kailan kinunan ang larawan lalo na ang
larawang pambalita.
Ang mga halimbawang anyong inilahad ang siyang gagamitin para sa paggawa ng
iba pang anyo ng pamahayagan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
• T.V. Broadcasting and Scriptwriting- ito naman ay isang uri ng broadcast media
kung saan madalas na ginagamit ang telebisyon sa paghahatid ng balita.
Kumpara sa Radio Broadcasting, higit na mabusisi ang paggawa nito at
nangangailangan ng maraming kagamitan upang maisagawa nang maayos.
Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na resorses upang higit na maunawaan ang aralin:
https://www.slideshare.net/mobile/MilaSacluso/pagwawasto-at-paguulo-ng-balita-sipi-o-kopya-mila-
pagwawasto
https://prezi.com/vu1osgdm9cu3/larawang-pampahayagan/
https://www.slideshare.net/mobile/tineachica04/pagsulat11kolm-at-karikatura
https://www.academia.edu/35519342/CollaborativeDesktopPublishing
43
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Sukatin Mo
Batid kong nadagdagan pa ang inyong kaalaman hinggil sa iba pang anyo ng
sulating may kinalaman sa pahayagan. Sa puntong ito, susukatin natin ang inyong sariling
kaalaman hinggil sa tinalakay nating paksa.
Gawain A:
Saliksikin buhat sa internet ang iba’t ibang mga simbolo na ginagamit sa
pagwwasto ng sipi. Pag-aralan ang mga ito at matapos pag-aralan, iwasto ang
sumusunod na balita:
kabilang dito ang Lopez Group of Companies, San Miguel Corporation, Ayala corporation,
Gokongwei Group, at iba pa.
"We are working closely with regulatory authoritiesacross the globe and we really hope to
bring in a solution here to end COVID-
Dinepensahan naman ng gobyerno ang pag-order agad ng bakuna kahit hindi pa tapos
ang clinical trials at kahit may
ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, dadaan pa naman sa clinical trials sa bansa ang
bakuna kaya masusuri pa ang efficacy nito.
"the degree of confidence will increase over time because we have a lot of strategies, all
the five vaccines will undergo clinical trial
here so we will see the results, at the same time, those vaccine that will be rolled out will
undergo stringent regulatory procedures, wherein they will undergo scrutiny and selection,"
sabi ni Galvez.
44
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Gawain B:
Kumuha ng mga larawan sa alinmang batis ng impormasyon at gawan ito ng
kapsyon. Maaring pumili sa mga sumusunod na paksa:
Pagkatapos nito, gawan ng kolum ang alinman sa mga sumusunod na paksa:
1. Kahirapan
2. COVID 19-pandemic
3. Teenage Preganancy
4. SOGIE Bill
5. Economic recession
____________________________________________________________________________________

Suriin____________________________________________________________________________________
Mo
Gawain____________________________________________________________________________________
1: Sagutin ang mga sumusunod ng masusi
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
1. Bakit kailangang nakaayos ang punong taggapan ng pamamahayagang
pampaaralan?
2. Anu-ano ang mga bagay ang lubhang kailangan sa tanggapan ng pamahayagang
pangkampus?
3. Ano ang lawak ng tungkulin ng pamahayagang pampaaralan?
4. Paano lalong mapabuti ang isang pahayagan?
45
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Palalimin Mo
Binabati kita at natapos mo ang naunang gawain. Ngayon, sikapin mong matupad
ang kahingian ng kasunod na pagtataya.
Tanong-Sagot
Ilahad mo ang ilan sa iyong mga katanungan, kung mayroon man, bago tayo
magpatuloy.
1.
2.
3.
5.
46
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/mobile/MilaSacluso/pagwawasto-at-paguulo-ng-balita-sipi-o-kopya-mila-
pagwawasto
https://prezi.com/vu1osgdm9cu3/larawang-pampahayagan/
https://www.slideshare.net/mobile/tineachica04/pagsulat11kolm-at-karikatura
https://www.academia.edu/35519342/CollaborativeDesktopPublishing
https://brainly.ph/question/15494
http://mykhelism316.blogspot.com/2010/10/normal-0-false-false-en-us-x-none.html?m=1
https://slideshare.net/mobile/ghiemaritana/pagsulat-ng-tanging-lathalain
https://prezi.com/idollrkgjj/pagsulat-ng-akdang-angham
https://slideshare.net/mobile/jake292014/balitang-isports
https://slideshare.net/mobile/ronelcana/editorial-cartooning-14311021
47
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
Narito ang iskedyul ng mga inaasahang gawain, pagsasanay at/o awtput sa bawat
yunit ng modyul na ito. Suyurin ang manghad upang ikaw ay magabayan nang maayos.
Inihanda ni:
Sinuri ni:
GIOVANNI PELOBILLO
BSED-Program Head, CTE
Pinagtibay ni:
JOCELYN BACASMOT
Dean, CTE
48
College of Teacher Education
Ground Floor, GET Bldg. Matina Campus, Davao City
49