You are on page 1of 37

UNIVERSITY OF MINDANAO

College of Teacher Education


Program: BSED - Filipino

Physically Distanced but Academically Engaged

Self-Instructional Manual (SIM) for Self-Directed Learning (SDL)

Course/Subject: FIL 214 – Panitikan ng Rehiyon

Name of Teacher: Katherine L. Llup

THIS SIM/SDL MANUAL IS A DRAFT VERSION ONLY; NOT FOR


REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OUTSIDE OF ITS INTENDED USE.
THIS IS INTENDED ONLY FOR THE USE OF THE STUDENTS WHO ARE
OFFICIALLY ENROLLED IN THE COURSE/SUBJECT.
EXPECT REVISIONS OF THE MANUAL.

Talaan ng Nilalaman

Part I
Course Outline 4
Course Outline Policy 4

Part I 8
ULO for Week 1-2
ULO 1 8
Metalanguage 8
Essential Knowledge 8
Self- Help 19
Let’s Check 20
Let’s Analyze 22
In a Nutshell 23
Q & A List 24
Keyword Index 24
ULO 2 25
Metalanguage 25
Essential Knowledge 25
Self- Help 35
Let’s Check 36
Let’s Analyze 37
In a Nutshell 38
Q & A List 39
Keyword Index 39
Course Outline: FIL 214 – Panitikan ng Rehiyon

Course Coordinator: Katherine Llup


Email: kllup@umindanao.edu.ph
Student Consultation: Call, Chat or Message (8:00pm – 9:00pm)
Mobile: 0936-957-1069
Phone: (082) 287-2478
Effectivity Date: May 25, 2020
Mode of Delivery: Blended (On-Line with face to face or virtual sessions)
Time Frame: 54 Hours
Student Workload: Expected Self-Directed Learning
Requisites: None
Credit: 3
Attendance Requirements: A minimum of 95% attendance is required at all
scheduled Virtual or face to face sessions.

Course Outline Policy


Areas of Concern Details
Contact and Non-contact Hours This 3-unit course self-instructional manual is designed
for blended learning mode of instructional delivery with
scheduled face to face or virtual sessions. The
expected number of hours will be 54 including the face
to face or virtual sessions. The face to face sessions
shall include the summative assessment tasks (exams)
since this course is crucial in the licensure examination
for teachers.
Assessment Task Submission Submission of assessment tasks shall be on 3rd, 6th and
9th week of the term. The assessment paper shall be
attached with a cover page indicating the title of the
assessment task (if the task is performance), the
name of the course coordinator, date of submission
and name of the student. The document should be
emailed to the course coordinator. It is also expected
that you already paid your tuition and other fees before
the submission of the assessment task.

If the assessment task is done in real time through the


features in the Blackboard Learning Management
System, the schedule shall be arranged ahead of time
by the course coordinator.

Since this course is included in the licensure


examination for teachers, you will be required to take
the Multiple-Choice Question exam inside the
University. This should be scheduled ahead of time by
your course coordinator. This is non-negotiable for all
licensure-based programs.
Turnitin Submission (IF To ensure honesty and authenticity, all assessment
NECESSARY) tasks are required to be submitted through Turnitin
with a maximum similarity index of 30% allowed. This
means that if your paper goes beyond 30%, the
students will either opt to redo her/his paper or explain
in writing addressed to the course coordinator the
reasons for the similarity. In addition, if the paper has
reached more than 30% similarity index, the student
may be called for a disciplinary action in accordance
with the University’s OPM on Intellectual and Academic
Honesty.

Please note that academic dishonesty such as cheating


and commissioning other students or people to
complete the task for you have severe punishments
(reprimand, warning, expulsion).
Penalties for Late The score for an assessment item submitted after the
Assignments/Assessments designated time on the due date, without an approved
extension of time, will be reduced by 5% of the possible
maximum score for that assessment item for each day
or part day that the assessment item is late.
However, if the late submission of assessment paper
has a valid reason, a letter of explanation should be
submitted and approved by the course coordinator. If
necessary, you will also be required to present/attach
evidences.
Return of Assessment tasks will be returned to you two (2) weeks
Assignments/Assessments after the submission. This will be returned by email or
via Blackboard portal.

For group assessment tasks, the course coordinator


will require some or few of the students for online or
virtual sessions to ask clarificatory questions to validate
the originality of the assessment task submitted and to
ensure that all the group members are involved.
Assignment Resubmission You should request in writing addressed to the course
coordinator his/her intention to resubmit an assessment
task. The resubmission is premised on the student’s
failure to comply with the similarity index and other
reasonable grounds such as academic literacy
standards or other reasonable circumstances e.g.
illness, accidents financial constraints.
Re-marking of Assessment You should request in writing addressed to the program
Papers and Appeal coordinator your intention to appeal or contest the
score given to an assessment task. The letter should
explicitly explain the reasons/points to contest the
grade. The program coordinator shall communicate
with the students on the approval and disapproval of
the request.

If disapproved by the course coordinator, you can


elevate your case to the program head or the dean with
the original letter of request. The final decision will
come from the dean of the college.
Grading System Course exercises – 40% (including BlackBoard forum)
1st exam – 10%
2nd exam – 10%
3rd Exam – 10%
Final exam – 30%
Preferred Referencing Style (IF APA 6th Edition
THE TASK REQUIRES)

Student Communication You are required to create a umindanao email account


which is a requirement to access the BlackBoard
portal. Then, the course coordinator shall enroll the
students to have access to the materials and resources
of the course. All communication formats: chat,
submission of assessment tasks, requests etc. shall be
through the portal and other university recognized
platforms.

You can also meet the course coordinator in person


through the scheduled face to face sessions to raise
your issues and concerns.
For students who have not created their student email,
please contact the course coordinator or program head.
Contact Details of the Dean Dr. Jocelyn Bacasmot
Email: jbacasmot@umindanao.edu.ph
Phone: 082-3050647 local 102
Contact Details of the Program Giovanni Pelobillo, MaEd
Head Email: giovanni_pelobillo@umindanao.edu.ph
Phone: 082-3050647 local 102
Students with a Special Needs Students with special needs shall communicate with
the course coordinator about the nature of his or her
special needs. Depending on the nature of the need,
the course coordinator with the approval of the program
coordinator may provide alternative assessment tasks
or extension of the deadline of submission of
assessment tasks. However, the alternative
assessment tasks should still be in the service of
achieving the desired course learning outcomes.
Online Tutorial Registration (IF You are required to enroll in a specific tutorial time for
NECESSARY) this course via the www.cte.edu.ph portal. Please note
that there is a deadline for enrollment to the tutorial.
Instructional Help Desk Contact College of Teacher Education (CTE): 0923-602-8780
Details BSED: BSED@umindanao.edu.ph
BPE: BPE@umindanao.edu.ph
BEED: BEED@umindanao.edu.ph
BSNED: BSNED@umindanao.edu.ph
BECED: BECED@umindanao.edu.ph
Library Contact Brigida E. Bacani (Head-LIC)
library@umindanao.edu.ph
09513766681
Well-being Welfare Support Held GSTC Head: Ronadora E. Deala
Desk Contact Details Email: ronadora_deala@umindanao.edu.ph
Phone: 09212122846
GSTC Facilitator : Ivy Jane Regidor
Email: gstcmain@umindanao.edu.ph
Phone: 09105681081

Course Information – see/download course syllabus in the Black Board LMS

CC’s Voice: Magandang buhay! Ikinagagalak ko na ikaw ay salubungin sa kursong FIL


214 – Panitikan ng Rehiyon. Sa pakakataong ito, ako ay may tiwala na buo
na ang iyong puso’t isip na maging isang guro sa Filipino. Inaasahan kong
ikaw ay matatas na sa paggamit ng ating sariling wika. Nawa’y sa kursong ito
mas lalo mo pang mapalawak ang iyong kakayahan at kaalaman para sa
iyong napiling propesyon.
CO Para maging isang ganap na guro sa Filipino, kinakailangang may kaalaman at
kakayahan ka sa pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga pangunahing akda sa
rehiyunal na wika na maaring orihinal o salin sa Filipino. Pagtutuunan ng pansin
sa asignaturang ito ang mga akdang kumakatawan sa bawat rehiyon ng
Pilipinas. Kaya, sa kursong ito, inaasahang may dating kaalaman at kakayahan
ka na sa mga panitikan sa Pilipinas. Dito matutuhan mo ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga pangunahing akda ng bawat rehiyon sa Pilipinas.

Simulan na natin!

Big Picture

Week 1-2: Unit Learning Outcomes (ULO): Pagkatapos ng yunit na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Natutukoy ang mga batayang kaalaman sa panitikan at mga dulog sa


pagsusuri ng panitikan.
2. Nakasusuri at nakababasa ng mga panitikan mula sa Cordillera.

Big Picture in Focus: ULO 1. Natutukoy ang mga batayang kaalaman sa


panitikan at mga dulog sa pagsusuri ng panitikan.

Metalanguage

Sa bahaging ito, nakapokus sa kahulugan, anyo, uri, halimbawang akda, ugnayan ng


panitikan sa panunuring panitikan, at mga teoryang pampanitikan. Bigyang- tuon ang
paksang tatalakayin sa bahaging ito para sa mas malawakang pagkakaintindi ng mga
sumsunod pang paksa.

• Panitikan- nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao at ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula

Maari ka nang tumuloy sa bahaging “Essential Knowledge” kung saan naglalaman


ng mas malawakang pagtatalakay tungkol wika.
Essential Knowledge
Para isagawa ang ULO, kinakailangan pag-aralan muna ang paksa. Tandaan, maari
kang gumamit pa ng ibang sanggunian para sa mas malawakang pagkaunawa tulad ng
aklat, mga artikulo, teksto, at iba pa na makikita at makukuha mula sa silid-aklatan ng
unibersidad tulad ng ebrary, search.proquest.com etc.

Kahulugan ng Panitikan
▪ Sa kahulugang pangwika, ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang titik na
ginamitan ng paglalaping pang- at -an, at siyang katapat ng “literatura” sa Kastila at
“literature” sa Ingles.
pang + titik + an = pangtitikan → panitikan
▪ Ang panitikan ay talaan ng buhay. (Arrogante, 1991)
▪ Ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. (Salazar)
o Uncle Tom’s Cabin (Harriet Beecher Stowe)
o Social Contract (Jean Jacques Rousseau)
o Noli Me Tangere at El Filibusterismo (Jose Rizal)
▪ Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao sa iba’t ibang bagay sa
daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
Dakilang Lumikha. (Azarias)
▪ Salamin ng kultura ang panitikan, nakalarawan dito ang kahapon, ngayon at maging
ang bukas ng isang bansa. (Rubin)

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan ng Pilipinas


1. Makikilala ang sarili bilang Pilipino, ang yaman at talinong taglay ng lahing
pinagmulan, ang kadakilaan at karangalan ng sariling tradisyon at kultura.
2. Mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, ang pagpapakasakit ng
ating mga ninuno upang tamasain ang kalayaan na pinakikinabangan sa
kasalukuyan.
3. Mababatid ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga literatura ng
iba-ibang rehiyon at matutunang ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.
4. Mailalapit ang damdamin ng mga Pilipino sa isa’t isa, bagama’t mula sa iba’t ibang
rehiyon na may magkakaibang kaisipan, paniniwala at pananampalataya.
5. Mapapangalagaan ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating
pinakamahalagang yamang panlipi.
6. Malilinang ang pagmamalasakit sa sariling kultura.

Uri ng Literatura

a. Batay sa Paraan ng Pagsasalin


1. Pasalindila – naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao dahil
hindi pa natutunan ang pagsulat (epiko, awiting- bayan, alamat, kasabihan,
salawikain, bugtong at palaisipan)
2. Pasalinsulat – paraan ng pagsasalin ng literatura magmula nang matutunan ng
tao ang sistema ng pagsulat, ito ay higit na mahalaga dahil higit na naiingatan.
3. Pasalintroniko – paglilipat sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko.

b. Batay sa Anyo
1. Tuluyan o Prosa – nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa
patalatang paraan.
2. Patula – nasusulat sa taludturan at saknungan (maaaring may sukat at tugma o
malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma).

3. Patanghal – isinasadula sa entablado, sa bahay o sa bakuran kahit na sa daan o


saanman. Maaaring patula o patuluyan. Hindi nagiging ganap hanggang hindi
ipinalalabas o isinasagawa sa tanghalan o dulaan. Salitaan ang pagkakasatitik-
maaaring tatatluhin, dadalawahin o iisahing yugto na ang bawat yugto ay binubuo ng
tagpo.

Mga Akdang Tuluyan o Prosa


1. Nobela – mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na naganap
sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati
sa mga kabanata.

Uri Batay sa Pagbibigay- Diin sa Sangkap:


a) Nobela ng Pangyayari –Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco.
b) Nobela ng Tauhan –Nena at Neneng ni Valenciano H. Peῆa.
c) Nobela ng Romansa –Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos.
d) Nobela ng Pagbabago –Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
e) Nobela ng Kasaysayan –Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo.

2. Maikling Kwento – salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan


ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.

Uri Batay sa Binibigyang- Diin:


a) Pangkatauhan –Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute
b) Makabanghay –Bahay na Bato ni B. L. Rosales.
c) Pangkapaligiran –Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Matute.
d) Pangkatutubong- Kulay – paligid, kaanyuang panlabas at kakanyahang
pampook ng isang lugar o komunidad tulad ng Suyuan sa Tubigan ni Macario
Pineda.
e) Pangkaisipan –Ang Pag-uwi ni Genoveva Matute.
f) Sikolohikal – paraan ng pag-iisip ng pangunahing tauhan tulad ng Dugo at
Utak ni Cornelio Reyes.

3. Dula – upang itanghal sa entablado o tanghalan, nahahati sa yugto ngunit mayroon


ding iisahing yugto.
Uri Batay sa Paksa:
a) Komedya – katawa-tawa tulad ng Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz
Balmaceda.
b) Trahedya – kalungkutan ng pangunahing tauhan at karaniwang nagtatapos
sa kamatayan tulad ng Lakambini ni Patricio Mariano.
c) Melodrama – kalungkutan at paghihirap ng mga tauhan ngunit nagwawakas
sa kanilang tagumpay tulad ng Minda Mora ni Severino Reyes.
d) Parsa – katawa-tawang dula tungkol sa walang kabuluhang bagay o
pangyayari dahil ang pangunahing layunin lamang nito ay magpasaya
e) Saynete – paksa ng dulang ito ang paglalahad ng kaugalian ng isang lahi, sa
kanyang pamumuhay, pangingibig at iba pa.

4. Alamat – pinagmulan ng mga bagay- bagay, karaniwang hubad sa katotohanan.


5. Pabula – may layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na
makahuhubog sa kanilang kilos at pag-uugali.
6. Parabula – kwentong hinango sa Banal na Kasalutan, nag- iiwan ng aral gaya ng
Parabula ng Alibughang Anak.
7. Anekdota – maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay- aral sa mga
mambabasa gaya ng Ang Gamugamo at ang Munting Ilawan.
8. Sanaysay – pagpapahayag ng kuru- kuro o opinyon hinggil sa suliranin o paksa.
a) Pormal – hindi karaniwan ang paksa kaya kailangan ng pagsasaliksik o pag-
aaral.
b) Impormal – karaniwan ang paksa kaya hindi kailangan ng pagsasaliksik o
pag-aaral.
9. Talambuhay – kasaysayan ng buhay ng isang tao.
a) Talambuhay na Pansarili
b) Talambuhay na Paiba
10. Balita – pang-araw- araw na pangyayari sa lipunan.
11. Talumpati – pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Mga Akdang Patula


1. Tulang Pasalaysay – kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may
sukat at tugma; nasusuri ayon sa paksa, pangyayari at tauhan.
a) Epiko – tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at
pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapani-paniwala; dalawa sa pinakakilalang halimbawa ay
ang Biag ni Lam-ang (Iloko) at Indarapatra at Sulayman (Muslim).

b) Awit at Korido – kinapapalooban ito ng romansa o pag-iibigan,


pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa
karahasan ng katotohanan; mayroong paggamit ng mahika, kababalaghan at
kapangyarihang supernatural
Awit – may taludtod na lalabindalawahing pantig tulad ng Florante at Laura ni Francisco
Baltazar at Buhay ni Segismundo ni E. Julian de Tandiana
Korido – may taludtod na wawaluhing pantig tulad ng Ibong Adarna ni Jose dela Cruz
2. Tulang Pandamdamin o Liriko – tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin ng
may-akda o ng ibang tao.
a) Awiting-bayan – maiikling tulang binibigkas nang may himig, pinapaksa ang
pag-ibig, kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa
at kalungkutan gaya ng Chit Chirit Chit, Leron Leron Sinta at Bahay Kubo.
b) Soneto – may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at
naghahatid ng aral gaya ng Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon.
c) Elehiya – nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal
gaya ng Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido Ramos.
d) Dalit – tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen gaya ng
Dalit kay Maria.
e) Pastoral – naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran gaya ng
Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez.
f) Oda – paghanga o pagpuri sa isang bagay gaya ng Ode to the Nightingale.

3. Tulang Padula o Dramatiko – tulang isinasadula sa tanghalan gaya ng La India


Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar.

4. Tulang Patnigan – mga laro o paligsahang patula na noon ay karaniwang


isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan
a) Karagatan – ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na inihulog sa
dagat upang mapangasawa niya ang kasintahang mahirap.
b) Duplo – isang paligsahan sa husay ng pagtula at pangangatwiran na siyang pumalit
sa karagatan.
c) Balagtasan – ito’y isang pagtatalo sa paraang patula na nahango sa duplo at
karagatan, ang salitang “Balagtasan” ay hinango mula sa pangalang “Balagtas” na si
Francisco Balagtas na siyang “Ama ng Panulaan.”

Impluwensiya ng Literatura
- mga akda sa iba’t ibang panig ng mundo na naghatid ng malaking impluwensiya sa
kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao.
a) Banal na Kasulatan o Bibliya – pinakabatayan ng pananampalatayang
Kristiyano sa buong daigdig (Palestina at Gresya).
b) Koran – ang pinakabibliya ng mga Muslim (Arabia).
c) Iliad at Odyssey ni Homer – kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat
(Gresya).
d) Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya (Indiya).
e) Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer – naglalarawan sa pananampalataya
at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
f) Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe – nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at naging simula ng paglaganap
ng demokrasya sa buong daigdig.
g) Divina Comedia ni Dante Alighieri– nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali (Italya).
h) El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlipi at kasaysayan ng
mga Kastila (Espanya).
i) Isang Libo at Isang Gabi – naglalarawan ng pamahalaan, kabuhayan at
lipunan ng mga Arabo at Persyano (Arabya at Persya).
j) Aklat ng mga Araw ni Confucius – naging batayan ng mga
pananampalataya ng mga Intsik (Tsina).
k) Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa
mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
l) Awit ni Rolando – kinapapalooban ng Doce Pares at Roncesvalles ng
Pransya, isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristyanismo sa
Pransya.

Pahapyaw na Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas


Bago Dumating ang mga Kastila
▪ Nakarating sa kapuluan ang mga Negrito (ita o baluga) mga 25,000 taon na ang
nakararaan, sila ay walang taglay na kabihasnan bagama’t sanay sa paggamit ng
busog at pana sa paghahanap ng pagkain.

▪ Ang mga Indonesyo naman ay nandayuhan sa Pilipinas mga 8,000 taon na ang
nakalipas. Ang unang pangkat ay mapuputi at balingkinitan ang katawan. Ang
ikalawang pangkat ay maiitim, makakapal ang labi at pangahan. Sila ay mayroong
pamahalaan at may dalang alamat, epiko, mga pamahiin at mga bulong.

▪ Sumunod ang mga Intsik na lahing Hakka na tinawag ding manggugusi dahil
nilalagay nila sa gusi ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay at ibinabaon sa
kanilang looban.

▪ Sa pagitan ng 200 BC at 100 AD, dumating ang unang pangkat ng mga Malay na
ninuno ng mga Igorot at Bontok sa Hilagang Luzon, ang ikalawang pangkat naman
ay ninuno ng mga Bisaya, Bikolano, Kapampangan, Panggalatok at Ilokano. Sila ang
may dala ng Alibata.

▪ Dumating naman ang mga Bumbay noong ika-12 at ika-13 dantaon na may dlaang
epiko, awiting-bayan at mga tula.

▪ Sa pagitan ng 890 at 1200 AD, nandayuhan ang mga mangangalakal at


misyonerong Arabe na nagdala ng pananampalatayang Muslim.

▪ Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang nasakop ng imperyong Majapahit kaya’t


tayo’y nakapagpalitan ng kultura sa kanila sa pamamagitan ng kalakalan.

▪ Sa pagbagsak ng Majaphit, napasailalim naman tayo sa imperyo ng Malacca,


imperyo ng mga Muslim na lumaganap sa Luzon at Mindanao.

Pagdating ng mga Mananakop


▪ Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagsimula noong unang magtayo
ng bayan si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565.

▪ Ang pangunahing layunin nila’y maipalaganap ang relihiyong Katolika Apostolika


Romana ngunit sa likuran nito ay ang pagpapayaman at pagpapalakas ng
kanilang kapangyarihan.

▪ Sa loob ng 333 taong pananakop nila, lumaganap ang paksang pangrelihiyon na


makikita sa mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya,
senakulo atpb.

▪ Bunga ng pagmamalupit ng mga Kastila, umusbong ang mga akdang humuhiling


sa pagbabago na pinangunahan ng mga “propagandista” at sinundan ng mga
akdang humihimok ng tahasang paghihimagsik na pinasimulan noong Agosto 26,
1896 sa Pugad Lawin.
▪ Sa panahon ng mga Amerikano, dumami ang mga limbag na panitikan dahil
nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag at pananampalataya.

▪ Nagkaroon din ng kalayaan sa pagtatatag ng mga samahang pampanitikan.


Naging Malaya rin sa paksa tulad ng pulitika, kalikasan, kahirapan, pakikibaka
atpb.

▪ Sa pananakop naman ng mga Hapon noong 1941-1945, bunga ng digmaan


nabalam ang pag-unlad ng ating panitikan. Pinatigil ang pagsulat sa wikang
Ingles kaya’t sumigla ang mga manunulat sa Tagalog. Ipinaloob sa maraming
akda ang pagmamahal sa bayan.

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng


buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng
obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging
matapat.

Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan:

1. Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa


na iyong ilalahad sa paghihimay

2. Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang


pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis

3. Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong


mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng
layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating

4. Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto


at sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis

5. Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-
katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan

Pakinabang ng Panunuring Panitikan:

Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa


nilalaman ng akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya. Tumutulong ito na
pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na binabanggit ng may-akda. Isang
kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at
ang pagsisiyasat ng mga pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang
paglalarawan, simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. At
upang maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring
maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga trabaho sa kapanahunan ngayon ay
nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa trabaho, atbp. Upang
maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may kakayahang ipahayag ang kanyang
mga kaisipan nang malinaw at partikular na nakasulat. Maaaring hindi siya magsulat ng mga
sanaysay sa literatura bilang pamumuhay, ngunit malamang na ang natutuhan niya mula sa
tungkuling iyon ay magiging kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay.

Kahalagahan ng Panitikan:

Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating
lipunan.

Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.

Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil


tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang
kasalukuyang sistema.

Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging
isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay
ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon.

Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng
sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang
maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan


sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-
unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

(Karagdagang Detalye)
• Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng
buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo.
• Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw
laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.
• Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid ang kahalagahan
nito ay pamumuna.
• Isa sa mga aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasama ang iba’t
ibang sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran.
• Dalawa ang layunin ng panitikan: magbigay aliw at magbigay-aral kaya mahalaga din
sa mga akda ang magkaroon ng bias sa Kaasalan.
• Mula rito, maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na maaaring
gamiting paksa sapagkat batay ito sa sariling pagmamasid o Karanasan.
• Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng tao
ay Panitikan.
• Ang pinakamahalagang salik na nagturo sa atin kung paano lumikha ng mahuhusay
na panitikan ay Karanasan.
• Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain ang akda kung
walang bias sa Kaasalan.
• Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman ang diwa ng mga mambabasa kaya
tinawag itong bisa sa Kaisipan.
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong


nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o
istilo.
• Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw
laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.
• Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid ang kahalagahan
nito ay pamumuna.
• Isa sa mga aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasama ang iba’t
ibang sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran.
• Dalawa ang layunin ng panitikan: magbigay aliw at magbigay-aral kaya mahalaga din
sa mga akda ang magkaroon ng bias sa Kaasalan.
• Mula rito, maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na maaaring
gamiting paksa sapagkat batay ito sa sariling pagmamasid o Karanasan.
• Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng tao
ay Panitikan.
• Ang pinakamahalagang salik na nagturo sa atin kung paano lumikha ng mahuhusay
na panitikan ay Karanasan.
• Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain ang akda kung
walang bias sa Kaasalan.
• Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman ang diwa ng mga mambabasa kaya
tinawag itong bisa sa Kaisipan.

Teoryang Pampanitikan

Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng
kanyang sinulat.

Teoryang Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Teoryang Arkitaypal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa
akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat
ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga
mambabasa.

Teoryang Formalismo/Formalistiko
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon
ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).

Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita
rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang
ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Teoryang Markismo/Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Teoryang Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa
sa mga katulad na suliranin.

Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan
ayon na rin sa kaantasan nito.

Teoryang Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya
niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na
inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Teoryang Queer
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga
homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay
queer.

Teoryang Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na
ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa
mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Teoryang Feminismo-Markismo
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon
bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng
lipunan.

Teoryang Dekonstraksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang
nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Self-Help: You can also refer to the sources below to help you further
understand the lesson:

*Bernales, R. (2018). Panitikan ng mga rehiyon sa Pilipinas. Mutya Publishing House Inc.,
Malabon City
*Menoy, J. Z.(2014), Philippine literature for today's generation: a thematic approach,
Mandaluyong City: Book atbp. Pub.
*Aquino, E. C.(2013), Literary treasures of the Philippines, Malabon City, Mutya Pub., House
*Cabasaan, W. J. Jr. (2014). Appreciating Philippine contemporary literature. Malabon City :
Jimczyville Public
*Alunan, M. M. (2012). Pagdakop sa bulalakaw ug uban pang mga balak. Quezon City :
Ateneo de Manila University Press
*Savellon, R. O. (2013). Mga karaang sugilanon sa Banilad =Folk tales of Banilad.Cebu City,
Philippines :University of San Carlos Press
*Pineda, M, (2013). Sa himaymay ng puso at iba pang kuwento.Quezon City :ADMU Press

Let’s Check

Gawain 1. Bilugan ang tamang sagot.

1. Ito ay sumasalamin sa mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan kapag ito ay


naisasatitik at naging masining na pagpapahayag.
a) kontemporaryo b) teorya c) panitikan d) panunuring pampanitikan
2. Layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba
sa estado sa buhay.

a) historikal b) realismo c) bayograpikal d) humanismo


3. Ang tanging ekonomiya lang ang motibo sa lipunan.

a) pormalismo b) historikal c) realismo d) siko-analitiko


4. Teoryang sumasagisag sa tao, pag-alay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at sa
mundong kanyang kinalakhan.

a) historikal b) humanismo c) klasismo d) romantisismo


5. Layunin ng teorya ay ipakita na ang tao ay pinakasetro ng mundo.

a) romantisismo b) realismo c) humanismo d) klasismo


6. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng isang tao na
siyang masasalamin ng kasaysayan.

a) historikal b) realismo c) bayograpikal d) humanism


7. Layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasaysayan sa buhay ng may-
akda

a) bayograpikal b) historikal c) klasismo d) humanismo


8. Tawag sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng romantisismo

a) tradisyunal b) rebolusyunaryo c) romantiko d) realismo


9. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman kaanyuan o kayarian ng
pagkasulat ng may-akda.

a) peminismo b) dekonstuksyon c) pormalismo d) humanismo


10. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo.

a) pormalistiko b) dekonstruksyon c) peminismo d) humanism


11. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan sa kanyang
lipunan.

a) romantisismo b) humanismo c) realismo d) idealismo


12. Isa sa mga tulang pasalaysay na naglalarawan ng katapangan, kabayanihan at

pakikipagsapalaran ng mga tao.


A. soneto
B. balad
C. epiko
D. elehiya
13. Ito ay isa sa mga akdang tuluyan na tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay,
lugar o

pangyayari
A. talambuhay
B. parabula
C. anekdota
D. alamat
14. Ito ay isa sa mga unang anyo ng tula na ginagamit sa panggagamot o pangkukulam.

A. salawikain
B. bulong
C. sawikain
D. bugtong
15. Ito ang kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Nasasalamin dito ang mga layunin,

damdamin at pag–asa ng isang lahi


A. kultura
B. panitikan
C. relihiyon
D. bugtong
16. Tulang liriko na may isang saknong at may 14 na talutod na ang kabuuan ay hinggil
sa damdamin ng kaisipan

A. elehiya
B. balad
C. oda
D. soneto
17. Napag-alaman nina Julah at Jikeh sa pamamagitan ng pagbabasa na mayroong
langit, purgatoryo at impierno, subalit nakalimutan nila kung alin sa mga akdang
pampanitikan ito maaaring basahin.

A. Aklat ng mga Araw


B. Iliad at Homer
C. Divina Comedia
D. Aklat ng mga Patay
18. Isa sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng alamat at mitolohiya ng ehipto

A. Divina Comedia
B. Uncle Tom’s Cabin
C. Aklat ng mga Patay
D. Aklat ng mga Araw
19. Ito ay isa sa mga akdang tuluyan na binibigkas sa harap ng madla at may layuning
hikayatin

ang kanyang tagapakinig


A. soneto
B. nobela
C. balita
D. talumpati
20. Nakagawian na nina Samantha at Jemimah na bumili ng pahayagan tuwing umaga
upang hindi mahuli sa nangyayari sa kanilang paligid, anong anyo ng panitikan ang
kanilang tinatangkilik?

A. sanaysay
B. nobela
C. balita
D. pabula
Let’s Analyze

Gawain 1. Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Gaano kahalaga ang panitikan para sa iyo?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bumuo ng graphic organizer na nagpapkita ng pagkaugnay-ugnay ng mga
batayang kaalaman sa panitikan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ano –ano ang tungkulin ng teorya ng panitikan sa mga akdang panitikan?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 2: Punan ang kahon ayon sa hinihingi.

Genre ng Pamagat May-akda Teorya ng Patunay


Panitikan Panitikan
Tula
Dula
Nobela
Maikling Kwento
Sanaysay
Talumpati
In a Nutshell

Gawain 1. Batay sa natalakay at mga gawain na iyong naisagawa, isulat mga argumento o
mga natutuhan mo tungkol sa paksa. May naisulat, maari mo itong dagdagan pa.

1. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

4. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

5. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

6. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

7. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

8. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
9. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

10. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Q&A List

Sa bahaging ito, gamit ang talahanayan maari mong isulat ang iyong mga
katanungan tungkol sa naging paksa. Ang mga tanong na iyong naisulat ay maaring itanong
sa guro sa pamamagitan ng LMS o sa iba pang paaran at isulat ang mga sagot sa iyong
mga tanong. Ang gawaing ito ay makatutulong sa iyong pagbabalik-aral.

May nais ka bang linawin?

Tanong/Isyu Sagot
1.
2.
3.
4.
5.

Keywords Index
Tandaan ang mga sumusunod na mga termino:

Panitikan Panunuring Panitikan

Big Picture in Focus: ULO 2. Nakasusuri at nakababasa ng mga


panitikan mula sa Cordillera.

Metalanguage
Sa bahaging ito, inilahad kaligiran ng Cordillera at mga panitikan na nagmula sa
rehiyong ito. Sa paksang ito inaasahang magagamit mo ang iyong kakayahan sa makrong
kasanayang pagbasa at pasusuri ng panitikan.

• Cordillera – isang rehiyon na napabilang sa bahaging Luzon

Maari ka nang tumuloy sa bahaging “Essential Knowledge” kung saan naglalaman


ng mas malawakang pagtatalakay tungkol wika.

Essential Knowledge
Para isagawa ang ULO, kinakailangan pag-aralan muna ang paksa. Tandaan, maari
kang gumamit pa ng ibang sanggunian para sa mas malawakang pagkaunawa tulad ng
aklat, mga artikulo, teksto, at iba pa na makikita at makukuha mula sa silid-aklatan ng
unibersidad tulad ng ebrary, search.proquest.com etc.

Ang rehiyon ng Cordillera ay matatagpuan sa kalagitnaang bahagi ng bulubundukin


ng Hilagang Luzon. Ang napakahabang bulubunduking ito ay bumabaybay sa humigit-
kumulang 250 kilometro. Kasama rito ang Lungsod ng Baguio at ang mga lalawigan ng
Benguet, Ifugao, Mountain Province, Abra, Kalinga it Apayao.
Sa paglipas ng panahon, marami nang pagbabago ang naganap sa bulubunduking
rehiyong ito bagama’t ang pagbubukas ng Cordillera sa mundo, ing mga pagbabagong
estruktura at prosesong politikal at ang pagbaha ng mpluwensyang kanluranin ay hindi
nagdulot ng ganap na pagkaguho ng kanyang Katutubong kultura. Hanggang sa
kasalukuyan, ang mga katutubong gawi at ritwal ay isinasagawa pa rin. Ang pagkapit ng
mga taga-Cordillera sa kanilang pinagmulan ang siyang nagsisilbing lakas na nagbibigay sa
kanila ng identidad.
Dahil sa kanilang karanasang kolonyal, nagkaroon ng di magandang imahe ng mga
taga-bundok ng Cordillera. Ito ay masasalamin sa salitang “Igorot” na ginamit bilang
pantukoy ng mga mananakop sa mga katutubo ng Cordillera. Bilang isang pangalang
nagmula sa mga dayuhan, kalakip nito ang mga negatibong ananaw ng mga mananakop
hinggil sa mga katutubo. Ilan dito ay ang pagiging abangis, mabalasik, di-sibilisado, taong-
gubat at napag-iiwanan. Ito ang dahilan ung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin
matanggap ng maraming katutubo sa Cordillera ang salitang “Igorot” kahit marami nang
hakbang na inagawa upang gawing positibo ang imahe ng pangalan.
Ang mga katutubong populasyon ng Cordillera na umaabot na sa 1.3 milyon ay
kinabibilangan ng ilang natatanging grupong etnolinggwistik tulad ng Bontok, baloy, Ifugao,
Isneg, Kalinga, Kankanay at Tinguian. Ang mga pangalang ito ay nang ginamit sa mga
etnolinggwistik sa pagsusukat na ginawa noong Panahon g Amerikano. Simula noon ay
naging pamantayan na ito sa pagtukoy sa iba’t ibang grupong etnolinggwistik ng Cordillera
kahit hindi ito ang karaniwang inagamit ng mga katutubo upang tukuyin ang sarili nila. Ang
mga grupong ito ay aninirahan sa mga natatanging lugar, halimbawa; ang mga Ibaloy sa
Benguet, ng Isneg sa Apayao, at ang mga Tinguian sa Abra.
Ang ugnayan ng mga grupong etnolinggwistik sa isa’t isa ay nagdulot ng maraming
bahaginan ng mga paniniwala at mga gawi. Kahit na may kani-kanya ilang wika, katangian
at kaugalian, ang mga katutubo ng Cordillera ay may agkakapareho pagdating sa
organisasyong panlipunan at kultura. Ang kanilang lipunan ay nakabatay sa relasyon ng
mga angkan at ang mga pamilyang nakatira sa nayon o bayan-bayananmay may mga
karaniwang tungkulin at gawain na ginagabayan ng mga institusyong sosyo-politikal tulad ng
atorsa Bontok. Mayroon din silang pagkakapareho pagdating sa usaping pangkabuhayan.
Dahil sila ay umaasa sa pagbubungkal ng lupa, ang mga taga-Cordillera ay may mga
karaniwang gawi pagdating sa pagsasaka. May pagkakapareho rin sila sa kanilang
pagtitiwala sa kung ano man ang maibibigay sa kanila ng kalikasan.
Ang mga pagkakahawig na ito ay lalong naipapahayag sa mga gawi nilang
espirituwal. Nagkakaisa ang mga taga-Cordillera sa kanilang interpretasyon sa relasyon ng
tao at mga espiritu. Tinatanggap nila na ang daigdig ng mga diyos ay mapanlaban sa
daigdig ng mga mortal. Ang mga diyos ay itinuturing na mapagkimkim ng sama ng loob at
ang kanilang galit ay sanhi ng marami nilang kasawian. Kailangang palagi silang igalang sa
pamamagitan ng mga panalangin, pag-aalay at mga ritwal. Ang ganitong paggalang sa mga
diyos ay umaabot din sa paggalang sa mga espiritu ng mga namatay na tinuturan nilang
anito. Ang rnga anito ang karaniwang sinisisi sa mga kasawiang-palad na nangyayari sa
mga mortal. Sila man ay kailangang palubagin. Ang mga namamagitan sa pakikipagusap ng
mga espiritu at mga tao ay tinatawag na mumbaki sa Ifugao. Sa mga Isneg naman ay mga
babaing pari o dorarakit ang mga tagapamagitan.
Ang paglaganap ng mga ritwal sa mga pamayanan ng Cordillera ay nagpapaliwanag
kung bakit marami silang mga gamit na nakaugnay sa mga seremonya at pagdiriwang. May
mga telang habi para sa isang partikular na ritwal. Mga sisidlan at buslo na para lamang sa
mga mumbaki at dorarakit. May tasa at kahon para sa mga pag-aalay lamang at mga inukit
na kahoy tulad ng bul-ul ng Ifugao na para sa mga banal na pagdiriwang lamang. Ang
pakikipag-ugnayang ito ng mga taga-Cordillera sa ritwal ay makikita rin sa kanilang mga
panitikan na binubuo ng mga kuwento at tula na bahagi ng kanilang mga banal na
seremonya.
Ang panitikan ng Cordillera ay may tradisyong pabigkas na may pang-ritwal at hindi
pang-ritwal na mga uri. Ang mga pang-ritwal na uri ng panitikan ay kinabibilangan ng mga
awit, dasal at kuwento na itinatanghal o binibigkas sa isang banal na konteksto kung saan
may mga namamagitan sa ugayan ng mga espiritu at mga tao. Ang mga hindi pang-ritwal na
uri ng panitikan naman ay kinabibilangan ng mga kaanyuang maaaring itanghal sa kahit
anong okasyon tulad ng mga kapistahan, mga sandaling malaya at sa pagpapahayag ng
saloobin ng mga mamamayan o mga personal na kahilingan.
Mayroong dalawang mahahabang kuwentong patula tungkol sa kagitingan na
matatagpuan sa Cordillera. Ito ay ang Hudhud ng Ifugao at ang Ullalim ng Katimugang
Kalinga. Ang pangunahing tauhan sa Hudhud ay si Aliguyon, isang pambihirang nilalang na
kilala sa kanyang kayamanan at taglay na lakas. May tatlong okasyon kung saan inaawit
ang Hudhud: sa lamay ng isang taong nasa mataas na antas sa lipunan, sa paglilinis ng
mga damo sa palayan ng mga kababaihan at tuwing sasapit ang tag-ani. Bilang isang
alituntunin, mga kababaihan lamang ang maaaring umawit ng Hudhud na may pangunahing
mang-aawit at may koro na kahalili. Ang pangunahing mang-aawit ang kumakanta ng mga
bahaging nagkukuwento at ang koro naman ang umaawit ng mga komentaryo sa mga
pangyayaring isinasalaysay sa kuwento. Ang Hudhud ay walang sukat at wala ring
pagtatangkang lagyan ito ng tugma.
Ang Ullalim ay mahabang tulang awit na maaaring isalaysay ng lalaki o babae tuwing
may kapistahan o mahalagang pagdiriwang. Tampok dito ang mahabang pagsasalaysay ng
pakikipaglaban, kapakinabangan ng kagitingan at katapangan ng mga Kalinga. Sa pagitan
ng kabayanihan at kagitingan ay isinasalaysay din ang paghahanap ng pangunahing tauhan
ng babaeng iibigin. Nagbibigay-diin ito sa katapangan at kagitingan ng pangunahing tauhan
sa pamamagitan ng kanyang mga pakikipagsapalaran sa tulong ng mga kakaibang nilalang.
Samantala, ang pinakatanyag na epiko hindi lamang sa Cordillera kundi maging sa
buong Ilocandia ay sinasabing isinulat ni Pedro Bukaneg. Si Bukaneg, pinanganak na bulag
sa Abra, ang kilalang may-akda ng epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) noong ika-
17 siglo. Ito ang itinuturing na totoong epiko ng mga Kristyanong tribo sa Pilipinas. Mayroon
itong limang bersyon - ang pinakauna ay noong 1889 at ang pinakahuli ay noong 1947.

Biag ni Lam-ang
Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang
kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang
nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don
Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don
Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang
pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at
malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang
bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang
tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong
saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at
kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga
Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng
kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot.
Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag
siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at
nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't
dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man
lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang
naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas
ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng
tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog
Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa


isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang
mahiwagang tandang at mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan


ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang
mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang.
Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang. Ipinagtapat ng tandang at aso ang
kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga
magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng
kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang
ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng


kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si
Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na
siya ay makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling
mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni
Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines.
Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at
tumahol ang aso.

Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na
parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay
silang maligaya sa mahabang panahon.

Dong-Dang-ay III
(Awit)
salin ni Romualdo M. Protacio

Dang-dang-ay si dong- ilay Dang-dang-ay si dong-ilay


Insinali dumma-ay İsinali dumma-ay
Dang-dang-ay si dong-ilay Dang-dang-ay si dong-ilay
Insinali dumma-ay Isinali dumma-
Ading di ka agsangit ay Aming bunso ‘wag iiyak
Agsubliyak mabiit Si kuya ay magbabalik
Ading di ka agdanag Aming bunso ‘wag malumbay
Mabiit a mabayag Sandali lang ‘ka’y maghintay
Urray innak mabitay Kahit na ako’y mabitay
No dik gasat a matay ‘Di pa ako mamamatay
Kastoy gayam ta ayat Ito na nga ang pagmamahal
Pangkitaan ti rigat Paghihirap ko’y itatanghal
Anosam kad a bagi Kailangan kong matiyaga
Ta adi ka met nagpadi. Pagiging pari sa akin ay wala.

Salidommay
(Awit ng Bontoc)
Salin ni Romualdo M. Protacio

Malapit na ang aking pagbabalik


Aking mahal, huwag kang umiyak
Sa Palanan, ako’y tutungo upang makipaglaban
Pagiging NPA ay kailanman ‘di ko pinagsisisihan
Kahit ‘di kalayuan, aking nauulinigan, mga tunog ng machine gun
Mahal, hindi natatakot na makipaglaban
Ang Garand, ang Thompson, aking mga sandata, ay! malapit nas
‘Di ako natatakot sa pagsabog ng malakas na kanyon
Tumakbo at gumapang kapag bumagsak na mga bomba sa daan.

Mga Anak mula sa Kalangitan


salin ng Children from the Skyworld ni Franklin Barton
(1955) salin ni Romualdo M. Protacio

Si Kabigat, ang diyos ng Kalangitan, at ang kanyang asawang si Bugan ay pinalad


magkaroon ng maraming anak. Dalawa sa marami nilang anak Sina Wigan at Bugan. Bago
magtanghali, ang magkapatid ay kumain at ngumuya ng ikmo at bunga. “Humayo kayo at
maghukay ng gabi sa kabundukan ng Kalangitan”, wika ng kanilang amang si Kabigat.

Agad sumunod ang magkapatid. Naghanda Sila sa kanilang paglalakbay. Nagbaon


Sila ng ikmo at bunga at nagsimulang maglakad sa kabayanan ng Kalangitan. Bumaba Sila
sa kabundukan ng Kalangitan. Napagod ang magkapatid kaya’t nagpahinga muna at
ngumuya muli ng hitso o nganga. Matapos magpahinga, nagwika ang kapatid na lalaking si
Wigan, “Tama na yan. Halina’t maghukay na tayo ng gabi.” Agad sumunod ang babaeng
kapatid na si Bugan.

Pagsapit ng tanghali, tinawagan ni Kabigat ang ulan, “O, Ulan, bumuhos ka at


paapawin ang mga sapa! Hayaang anurin ang aking mga anak pababa sa lupa!”. Bumuhos
ang malakas na ulan at tinangay ang magkapatid sa Kalupaan. “Ay, amang Kabigat!
Inutusan tayong maghukay ng gabi at dinala tayo sa Kalupaan. Wala tayong bahay dito,”
wika ng magkapatid.

Pagsapit ng gabi, naghanda si Kabigat ng mga basi, banga, aso, manok baboy, pusa
at isang kamalig na itinali niya sa isang bahay sa Kalangitan Kinausap niya ang bahay. “O,
bahay! Bumaba sa Kalupaan at sundan rnga anak kong mahal.”

Bumaba ang bahay sa Kalupaan kung saan naroroon ang magkapatid na natutulog
sa isang kubong kanilang ginawa. Nagising ang dalawa sa tilaok ng manok at bumaba sila
sa kanilang kubo upang mag-usisa. “Paano nagkaroon ng bahay dito samantalang kahapon
ay wala ito?”, buong pagtataka ni Wigan. Pinagmasdan mabuti ng magkapatid ang bahay at
nakita nila ang ibat ibang laman nito. “Ang bahay na ito at ang lahat nang laman nito ay
galing sa Kalangitan,” wika ni Bugan.

Bago magtanghali, nangaso si Wigan at madali siyang nakahuli ng baboy-ramo.


Binuhat niya ito sa kanilang bahay at kinain nila ito sa hapunan. Nilinisan niya ang kanyang
pinagkainan at nagtungo sa silong ng bahay upang matulog. Pagsapit ng hatinggabi,
umakyat siya sa itaas ng bahay at sumiping sa kanyang kapatid at muling bumalik sa
kanyang tulugan sa ibaba ng bahay. Kinabukasan, muli siyang nangaso.

Gabi na nang makabalik siya. Kumain sila ng hapunan at pagkatapos ay nagtungo


na si Wigan sa ibaba ng bahay upang matulog. Bago matulog ay nilagyan ni Bugan ng apog
ang kanyang dibdib at pusod. Umakyat muli si Wigan, tinabihan ang kapatid at muling
bumaba. Kinabukasan, nakita ni Bugan ang apog sa katawan ni Wigan. “Sinasabi ko na nga
ba’t ikaw ang sumiping sa akin’” wika ni Bugan kay Wigan. “Walang ibang tao dito kundi
tayong dalawa. Paano tayo magpaparami?” tanong ni Wigan.
Nakita ni Kabigat at Bugan ang lahat mula sa Kalangitan. “Hayaan na natin sila,”
wika ni Kabigat sa asawa, “upang dumami ang tao sa Kalupaan”
At sila’y dumami nang dumami. Nagkaroon sila ng siyam na anak. Apat na babae at
limang lalaki.
Ito ang kuwento ng mga unang taong pinadala ng Diyos mula sa Kalangitan.

Mga Salawikain
(Kankanay)

Nan ad-im layden, What you don’t like,


Ad-im angnen is nan ib-am don’t force it on others.

Adi tako bukudan din gawis. Let us not be greedy for the good things.

San ma-ul-ulin bato A rolling stone gathers no moss.


Et ma-id matugepna.

Mensana ka edwani If something was planted,


men- apit ka. something will be harvested.

Ang nen kawis et ad-iu Do good so that you


will maidadanes. always be remembered Mga
Bugtong

Laglagonnoc co, patyem pay ina Guess, kill first the mother
ta adim alan naniababalena. before you get the child
(Balat) (Banana)

Ittay ya mabungot; Cruel when small;


Ungal ya maulle. kind when big.
(Gulun) (Cogon grass)

Duay dalanum ta ahim You take two steps


datngan di bulan. before you reach the moon.
(Itlog) (Egg)

Adi matiboy You cannot see its mouth


tukuna ya kumalat. but it bites.
(Apuy) (Fire)

Tago an abilog di ubana. A person having a wide blanket.


(Bugot) (Cloud)

Waday ohan kaiw. He eats rice cake, drinks wine,


Nonhaongana-nay baboy the people bathe him with rice wine.
Kanonat binacle, yay inumon-na. (Sacred wooden images)
(Bui-UI)

Sayaw sa Kasal
Salin ng The Wedding Dance ni Amador Dagiuo

Binuksan ni Awiyao ang pintuan, nang makapasok sya, sinarudahan nya ito at nagsalita sa
dilim.
AWIYAO: Patawad ito ay nangyari. Ako’y patawad pero sino man sa atin ay maktutulong
(Nagtunugan ang mga gangsa)
(Pinuntahan ni Awiyao ang pugon upang gumawa at magpalingas ng apoy gamit ang mga
kahoy)
(Nang nagkaapoy na, lalakad si Awiyao patungo sa babaeng nasa gilid)
AWIYAO: Bat di ka lumabas at samahan sila sa pagsayaw. Samahan mo ang mga
sumasayaw. (balewala lang ang pagsasalita ni Awiyao)
(Nakasandal ang babae sa dingding at naksiksik sa gilid)
AWIYAO: (nakatingin sa babae) Lumabas ka at sumayaw, kundi mo ako kinamumuhian sa
ganitong paghihiwalay, lumabas ka at sumayaw. Isa sa mga lalaki ang makakapansin sa
maganda mong sayaw, magugustuhan nya ang iyong pagsasayaw. Pakakasalan ka niya.
Malay natin, dahil sa kanya, magiging masaya ka kaysa kung ika’y nasa akin?
LUMNAY: (galit) Hindi ko gusto ang sinumang lalake, di ko gusto ng ibang lalake.
AWIYAO: (mahinahon) Tunay mo ding alam na ayaw ko rin ng ibang babae. Alam mo yan
diba?
(hinihintay ni Awiyao ang sagot ni Lumnay)
AWIYAO: Alam mo yan, Lumnay diba? (medyo may diin nyang sabi)
LUMNAY: Oo alam ko (mahinang sagot nito)
AWIYAO: Hindi ko kasalanan, (hinga ng malalim) Hindi mo ako masisisi, Naging mabuting
asawa ako sa iyo
LUMNAY: Sinisisi mob a ako? (paiyak na sagot nito)
AWIYAO: Hindi, naging mabuti ka sa akin, naging mabuti kang asawa sa akin,. Wala akong
masasabi laban sa iyo (inayos nya ang nasusunog na kahoy sa pugon) Kung di ang lalaki ay
dapat magkaanak sa pitiong anihan at napakatagl na para maghintay. Oo, naghintay tayo
nang napakatagal. Mayroon pang ibang pagkakataon para sa atin bago mahuli ang lahat.
(inunat ni Lumnay ang binti palabas at binalot ang katawan sa kumot)
LUMNAY: Batid mo din na ginawa ko ang lahat ng makakaya kong gawin. Taimtim akong
nagdasal kay Kabunian. Nag-alay ako ng maraming manok sa aking mga panalangin.
AWIYAO: Oo, alam ko
LUMNAY: Natatandaan mo pa nang minsan kang magalit, nang dumating ka sa bahay
galing sa trabaho sa terese dahil pinatay ko ang isa sa ating mga baboy nang walang
permiso. Ginawa ko yon upang maawa si Kabunian , dahil tulad mo gusto ko ring
magkaanak. Pero ano ang magagawa ko?
AWIYAO: Nakikita ni Kabunian na di tayo magkakaanak. (muli niyang inayos ang mga kahoy
sa pugon)
(muling umingay ang gong)
(lumapit si Awiyao at umupo sa tabi niya at kumuha ng bao at sumalok sa banga na may
tubig)
AWIYAO: Umuwi ako sa bahay, dahil di kita nakita sa mga sumasayaw. Syempre, hindi kita
pinilit na pumunta kung ayaw mong sumama sa seremonya ng aking kasal. Naparito ako
upang sabihin sa iyo na si MAdulimnay, kahit pakakasakalan ko, ay di kalianma’y
makahihigit sa iyo. Hindi siya makakatakas sa pagtatanim ng mga binhi, pero mabilis sa
paglilinis ng mga banga sa tubig , di rin kasinghusay sa pagpapanatili ng kalinisan sa bahay.
Ikaw ay isa sa pinakadakilang asawa sa buong kanayunan.
LUMNAY: At wala mang kabutihang naiudlot sa akin, meron ba? (tinignan niya ang lalake na
medyo nangingiti)
(nilagay nya sa sahig ang bao at lumapit kay Lumnay, hinawakan niya ang mukha ni
Lumnay gamit ang dalawa niyang kamay pero umiwas ang mata ni Lumnay. At dahan dahan
inalis ni Awiyao ang kamay nito sa mukha ni Lumnay, yumuko si Lumnay.)
AWIYAO: Sa iyo ang bahay na ito, itinayo koi to para sa iyo. Gawin mo itong iyo, dumito ka
hanggang gusto mo. MAgtatayo ako ng bahay para kay Madulimnay.
LUMNAY: Hindi ko kailangan ng bahay (mahinahon) Uuwi ako sa sarili kong bahay.
Matanda na ang aking mga magulang. Kailangan nila ng tulong sa pagtatanim ng binhin, sa
pagbabayo ng bigas.
AWIYAO: Ibibigay ko sa iyo ang lupang pinagyaman ko sa bundok nung unang taon ng
ating pagsasama. Alam mong ginawa ko yon para sayo. Tinulungan mo ako sa paggawa
para sa ating dalawa
LUMNAY: Wala akong paggagamitan sa bukid.
(tinignan niya si Lumnay at tumalikod, sandal silang tumahimik)
LUMNAY: Bumalik ka na sa sayawan. Hindi tama sa iyo na nandito ka. Magtataka sila kung
nasaan ka na at di ito maganda sa damdamin ni Madulimnay. Bumalik ka na sa sayawan
AWIYAO: Makakagaan sa loob ko kung samama ka at sasayaw sa huling pagkakataon na
tumutugtog ang mga gangsa.
LUMNAY: Batid mong di ko magagawa
AWIYAO: Lumnay, (mahina nitong sabi) Lumnay kung nagawa ko man ito ay dahil sa
pangangailangan kong magkaanak. Pagtatawanan ako ng mga kalalakihan kapag ako ay
nakatalikod, alam mo yan.
LUMNAY: Alam ko, idadalangin ko kayo kay Kabunian na pagpalain kayi ni Madulimnay.
(kinagat ni lumnay ang labi at humikbi)
(naalala ni Lumnay ang bawat araw na nagsama sila ni Awiyao bilang mag-asawa)
FLASBACKS: Nagtanan silang dalawa ni Awiyao, umakyat sila sa bundok at tumawid ng
ilog.
(Lumapit siya kay Awiyao at lumuhod)
LUMNAY: (umiiyak) Awiyao! Awiyao! Asawa ko! Ginawa ko ang lahat para magkaanak.
Tignan mo ako. Masdan mo ang katawan ko. Napupuno ng pangako. Nakasasayaw, mabilis
magtrabaho sa bukid, malikising nakakaakyat sa kabundukan. Kahit hanggang ngayon ay
matikas at matipuno. Ngunit Awiyao, hindi ako biniyayaan ni Kabunian. Awiyao maliput sa
akin si Kabunian. Awiyao, wala akong silbi! Dapat akong mamatay!
AWIYAO: (hinawakan sa braso si Lumnay) Hindi makatarungan ang mamatay!
LUMNAY: Wala akong pakialam sa bukid! Wala akong pakialam sa bahay. Wala akong
kailangan ng lahat na bagay, kundi ikaw lang. Walang ibang lalake sa akin!
AWIYAO: Dapat kang magbunga
LUMNAY: Babalik ako sa aking ama. Mamamatay ako.
AWIYAO: Kung gayon, ako ay isang kinamumuhian. Kapag namatay ka ibig sabihin hindi
mo ako mahal. Ayaw mo akong magkaanak. Ayaw mong mabuhay ang pangalan ko sa ating
tribo.
(tahimik si Lumnay)
AWIYAO: Kung hindi ko susubukan ang ikalawang pagkakataon. Nangangahulugan na
ako’y patay na. Walang makakakuha sa bukid na ginawa ko sa mga kabundukan, walang
susunod sa akin.
LUMNAY: (nagaalala) kung mabigo ka… kung mabigo ka sa ikalawang pagkakataon…
Hindi…… hindi, ayaw kong mabigo ka.
AWIYAO: kung mabigo ako… babalik ako sa’yo at doon magkasama tayong mamamatay.
Kapwa tayo mawawala mula sa buhay n gating tribo.
(nagtunugan ang mga gong sa bahay nila)
LUMNAY: Iingatan ko ang mga butil na kwintas. Awiyao, hayaan mong ingatan ko ang mga
butil
AWIYAO: Ingatan mo ang mga butil. Galing pa yan sa panahong nagdaan. Sinabi ng lola ko
na ang mga butil ay galing pa sa may kalayuang Hilaga, mula sa mga taong hapay na mata
sa ibayong dagat.
LUMNAY: iingatan ko sila dahil simbolo sila ng pag-ibig mo sa akin. MAhal kita! Minamahal
kita at wala na akong maibibigay pa
(inilayo niya ang sarili kay AWiyao)
(narinig nilang may tumatawag sa labas)
Tao 1: Awiyao! O Awiyao! Hinahanap ka nila sa sayawan!
AWIYAO: Hindi ako nagmamafali
LUMNAY; Pagagalitan ka ng mga nakakatanda. Mabuti pa ay umalis ka na
AWIYAO: Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi na tanggap mo ito.
LUMNAY: Tatanggapin ko, ayos lang ako.
(naghawak sila ng kamay)
AWIYAO: Ginawa koi to sa kapakanan ng tribo
LUMNAY: alam ko
Tao 1: Awiyao!
(pumunta si Awiyao sa pintuan)
(lumingon siya kay LUMNAY, mababakas ang sakit sa mata nito)
LUMNAY: Awiyao, ang mga butil
(pumunta si Awiyao sa gilid, sa may baul, nagkakalkal siya)
(kinuha niya ang mga butil at lumapit kay Lumnay at isinuot ito.
(niyakap niya si lumnay ng mahigpit)
LUMNAY: Awiyao! Awiyao! Mahirap ito!
(narinig nila ang tawag sa labas)
(lumuwag ang yakap ni Awiyao kay Lumnay at lumabas)
(napaupo si Lumnay sa dilim)
(binuksan niya ang pintuan, nakita niya ang liwanag mula sa nagsasayawan)
LUMNAY: Hindi ito matuwid! Hindi ito matuwid! Paano niya nalaman! Paano ito nalaman ng
sinuman? Hindi ito matuwid!
(NAgtunugan ang gangsa, patuloy silang nagsayawan)
(humakbang palayo si Lumnay, tumakbo..)
(pumunta siya sa gubat, naupo sa bato)
(naalala ang unang pagkikita nila ni Awiyao)

Pagbabalik: Nasalubong niya ang binate nang minsan syang nagiigib. Tumigil sa may bukal
at uminom kung saan naroon siya. Pinainom niya ang binata sa bao at pagkatapos ng
pangyayaring iyon inihagis ni Awiyao ang palaso sa tapat ng bahay nila Lumnay bilang
palatandaan na gusto niya itong pakasalan.

Self-Help: You can also refer to the sources below to help you further
understand the lesson:

*Bernales, R. (2018). Panitikan ng mga rehiyon sa Pilipinas. Mutya Publishing House Inc.,
Malabon City
*Menoy, J. Z.(2014), Philippine literature for today's generation: a thematic approach,
Mandaluyong City: Book atbp. Pub.
*Aquino, E. C.(2013), Literary treasures of the Philippines, Malabon City, Mutya Pub., House
*Cabasaan, W. J. Jr. (2014). Appreciating Philippine contemporary literature. Malabon City :
Jimczyville Public
*Alunan, M. M. (2012). Pagdakop sa bulalakaw ug uban pang mga balak. Quezon City :
Ateneo de Manila University Press
*Savellon, R. O. (2013). Mga karaang sugilanon sa Banilad =Folk tales of Banilad.Cebu City,
Philippines :University of San Carlos Press
*Pineda, M, (2013). Sa himaymay ng puso at iba pang kuwento.Quezon City :ADMU Press
Let’s Check

Gawain 1. Isulat ang T sa patlang kung ang diwa ng kasunod na pahayag ay TAMA. M
naman ang isulat kung ang diwa ay MALI.

1. Ang Rehiyon ng Cordillera ay lupaing sakop ng mga katutubo.

2. Ang pagbubukas ng Cordillera sa mundo, ang mga pagbabagong estruktura at


prosesong politikal at ang pagbaha ng impluwensyang kanluranin ay nagdulot ng
ganap na pagkaguho ng kanyang katutubong kultura.

3. Dahil sa kanilang karanasang kolonyal, nagkaroon di magandang imahe ang


mga taga-bundok ng Cordillera

4. Ang pakikihalubilo ng isang grupo sa iba ay nagdulot maraming bahaginan ng


mga paniniwala at mga gawi. ng

5. Ang panitikan ng Cordillera ay may tradisyong pabigkas na may pang-ritwal na


uri lamang.

6. Mga kababaihan lamang ang maaaring umawit ng Hudhud

7. Ang salidommay ang pinaka popular sa lahat ng anyo ng mga awit.

8. Dahil sa mga pagbabagong nagaganap atpaglaganap ng Kristiyanismo ay unti-


unti nang dumarami ang mga uri ng awit sa Cordillera.

9. Nagkakaisa ang mga taga-Cordillera sa kanilang interpretasyon sa relasyon ng


tao at mga espiritu.

10. May mga banal na katangian ang mga mito at may mga takdaan kung saan at
kailan lamang ito maaaring itanghal.

11. Ang mga salawikaing Cordillera ay naglilinaw ng mga obserbasyon hinggil sa


kilos at motibo ng tao at kumakatawan sa mga repleksyon sa kondisyong pantao.

12. Ang sistemang legal sa Pilipinas, na pamana pa sa atin ng mga mananakop, ay


lubusang kinikilala ang mga katutubong konsepto at kinamulatang batas hinggil
sa karapatan sa lupa at lupain sakop ng ating mga katutubo.

13. Kinatatakutan ng mga katutubo sa Cordillera ang pagkawasak ng kanilang


kalikasan, kabuhayan, pamanang lahi at kultura sa pagpasok ng mga
makabagong proyekto sa rehiyon.
14. Ang pagtukoy sa militarisasyon at ang pagmumungkahi ng pagsawata rito ay
nakatagpo ng malinaw na pagpapahayag ng ilang bugtong at awit sa Cordillera.

15. Ang mga namamagitan sa pakikipag-usap ng mga espiritu at mga tao ay


tinatawag na dorarakit sa Ifugaó.

Let’s Analyze

Gawain 1. Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Sumulat ng repleksyon papel hinggil sa isa o ilan sa mga akdang tinalakay sa


ULO na ito.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Pumili ng isang akda at suriin ito. Suriin ang akdang napili alinsunod sa
pamamaraan ng panunuring pampanitikan. Ilahad ang iyong pagsusuri batay
sa bahagi ng panunuring pampanitikan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

In a Nutshell

Gawain 1. Batay sa natalakay at mga gawain na iyong naisagawa, isulat mga argumento o
mga natutuhan mo tungkol sa paksa. May naisulat, maari mo itong dagdagan pa.

1. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

4. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

5. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

6. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

7. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
8. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

9. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

10. ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Q&A List

Sa bahaging ito, gamit ang talahanayan maari mong isulat ang iyong mga
katanungan tungkol sa naging paksa. Ang mga tanong na iyong naisulat ay maaring itanong
sa guro sa pamamagitan ng LMS o sa iba pang paaran at isulat ang mga sagot sa iyong
mga tanong. Ang gawaing ito ay makatutulong sa iyong pagbabalik-aral.

May nais ka bang linawin?

Tanong/Isyu Sagot
1.
2.
3.
4.
5.

Keywords Index
Tandaan ang mga sumusunod na mga termino:

Cordillera

You might also like