You are on page 1of 5

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT

FILIPINO II

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

Blg. Ng Aytem

Understanding
Blg. Ng Araw

Kinalalagyan
% ng Araw

Knowledge
Layunin

Process
60%

30%

10%
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nabasa. 1 10% 3 3 1-3

2. Nasasabi ang katangian ng tauhan sa


tekstong binasa batay sa kaniyang pahayag o ginawa 1 10% 2 2 4-5

3. Natutukoy at nagagamit ang mga pinaikling salita. 1 10% 2 2 6-7

4. Natutukoy ang tamang pandiwa sa bawat pangungusap 1 10% 4 4 8-11

5. Natutukoy ang kahulugan ng mga di-


pamilyar o bagong salita sa pamamagitan ng
palatandaang nagbibigay ng kahulugan. 1 10% 3 3 12-14

6. Natutukoy ang kahulugan ng tambalang


salita. 1 10% 2 2 15-16

7.Nagagamit nang wasto ang mga pang-uri at pang-


pamilang. 2 20% 2 2 17-18

8. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga


pangyayari sa teksto. 2 20% 4 4 19-20

KABUUAN 10 100% 30 18 9 3 1-30

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT


FILIPINO II

Pangalan: ______________________________________ Iskor: ____________


Baitang : _______________________________________ Petsa: ____________
I. Panuto: Basahing mabuti ang talata at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Isulat ang titik ng wastong sagot.

Ang magkapatid na Roel at Joel ay masayang nagtungo sa tabing dagat.


Mainit ang araw noon. Gumawa sila ng maliit na kastilyong buhangin.Nanguha
sila ng mga kabibe na iba’t iba ang laki,kulay at hugis.Ganoon na lang ang gulat
nila nang biglang lumaki ang alon.Kumaripas sila ng takbo.
____ 1. Sino ang nagpunta sa tabing dagat?
A. Sina Roel at Joel B. Sina Joel at Rosa
C. Sina Rudy at Joel D. Sina Rey at Roy

____ 2. Bakit sila nagulat?


A. Uminit ang sikat ng araw B. lumaki ang alon sa dagat
C. Nasira ang kastilyong buhangin D. Dumating ang nanay nila

____ 3. Kung kayo sina Roel, ano ang gagawin ninyo kung lumaki ang alon sa dagat.
A. Lalangoy palayo sa dagat B. Matutuwa sa alon
C. Kakaripas ng takbo D. Magsisisigaw sa takot.

II.Panuto: Tukuyin ang katangian o ugali ng tauhan batay sa kaniyang pahayag o


ginawa. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

_____ 4. Kapag walang gumagamit, pinapatay ni Charles ang ilaw.


A. Maaasahan B. makulit
C. masunurin D. matipid

_____ 5. Natutuwa si Stephanie na magbigay ng tulong sa mga kaklase niyang


nangangailangan.
A. Mapagbigay B. magagalitin
C. masayahin D. Makulit

III.Panuto: Isulat sa pinaikling salita ang may salungguhit sa mga parirala at


pangungusap sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.
6. maaamo at masunurin _____________________________

7. Magbasa at sumulat nang madalas para gumaling. _____________________


IV. Panuto: Salungguhitan ang wastong pandiwa na angkop sa bawat pangungusap

8. ( Binibili, Binili ) ko sa Marikina ang aking sapatos noong Sabado.

9. Marami akong ( ginawa , gagawin ) kanina.


10. Si Paulo ay ( pinagsabihan, pinagsasabihan) ng kaniyang ama noong
isang araw.

11. ( Pupunta,Pumunta) ako sa Makati kahapon.

V. Panuto: Tukuyin ang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Isulat
ang letra ng wastong sagot.

_____ 12. Mainit ang buhangin sa dalampasigan


A. Tabing ilog B. tabing bahay
C. tabing daan D. tabing dagat

_____ 13. Ang Hari at Reyna ay nakatira sa malaking kastilyo.


A. dampa B. palasyo
C. bahay D. kondominyon

_____ 14. Nadapa ang bata nang kumaripas sila ng takbo palayo sa dalampasigan.
A. Mabilis na tumakbo B. marahang tumakbo
C. mahinang tumakbo D. dahan-dahang tumakbo

VI. Panuto: Piliin ang wastong kahulugan ng mga tambalang salita na may
salunguhit sa bawat pangungusap.

_____ 15. Ano ang hanapbuhay ng tatay mo?


A. trabaho B. natapos
C. pinag-aralan D. libangan

_____ 16. Malaki ang naitutulong ng Bantay Bata sa lalawigan.


A. samahang nangangalaga sa mga bata
B. samahan ng mga mang-aawit
C. samahan ng mga barangay
D. samahan ng mga bata

VII. Panuto: Piliin ang pang-uring pamilang sa sumusunod na pangungusap.


_____ 17. Marami akong laruan na nakatago sa bahay. Alin ang salitang nagsasaad
ng bilang
A. laruan B. marami
C. nakatago D. bahay

_____ 18. Alin sa mga pang-uri ang nagsasaad ng di-tiyak na bilang?


A. Walo B. talo
C. lima D. marami
VIII. Panuto: Isulat ang Letra ng wastong sagot
_____ 19. Ang mga mamamayan ay nawalan ng bahay dahil sa malakas na bagyo. Ang
nagpapahayag ng sanhi ay ____________
A. Malakas na bagyo B. nawalan ng bahay
C. ang mga mamamayan D. mamamayan ay nawalan

_____ 20. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag ng sanhi at bunga?


A. Umiyak ang ate
B. ang kanyang bag
C. nawala ang bag niya sa
D. Nawala ang kaniyang bag kaya umiyak ang ale.
FILIPINO II
SUSI SA PAGWAWASTO

1. A
2. B
3. C
4. D
5. A
6. maamo’t masunurin
7. magbasa’t sumulat
8. binili
9. ginawa
10. pinagsabihan
11. pumunta
12. D
13. B
14. A
15. A
16. A
17. B
18. D
19. A
20. D

You might also like