You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
DISTRICT OF SILANG

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6


*
Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.
Ulat ni Liza
Isang malakas na lindol ang yumanig sa Davao del Sur noong ika-6 ng Setyembre, 2020. Ito ay may lakas na
6.4 magnitude. Dahil sa lakas ng pagyanig, maraming mga bahay at gusali ang nasira. Gumuho ang mga lupa sa
iba’t ibang bahagi ng Davao del Sur. Sa takot, nagsilikas ang mga tao sa ligtas na lugarNagpadala ng tulong ang
pamahalaan sa mga nasalanta ng lindol. Maraming mga pribadong indibidwal at grupo ang nagbigay ng mga
relief goods. Ang iba naman ay nagbigay ng tulong pinansyal. Sa panahon ng sakuna, dapat lahat tayo ay alerto
at laging handa.
_____1. Gaano kalakas ang pagyanig?
A. 6.3 magnitude B. 6.4 magnitude C. 6.5 magnitude D. 7.0 magnitude
_____ 2. Paano paghandaan ang mga sakuna?
A. Maghintay sa tulong ng pamahalaan
B. Paghingi ng tulong sa barangay
C. Tandaan ang mga paalaala sa mga dapat gawin sa panahon ng sakuna
D. Isawalang bahala ang mga paalaala
3-5 Balikan ang teksto” Ulat ni Liza “ gawan ng lagom o buod ang ulat na may tatlo hanggang limang
pangungusap.
Buod:
____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

6.Ano ang argumento?________________________________


A. Ang argumento ay isang bunga.
B. Ang argumento ay ang paglalahad ng mga dahilan.
C. Ang argumento ay ang paglalahad ng mga dahilan at katibayan.
D. Ang argumento ay ang paglalahad ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran
ang isang panig.
7. Paano nakakatulong sa pagbibigay ng impormasyon na nais ilahad ng isang paksa ang

nakarawang balangkas?

A. Sa pamamagitan ng mga ito ay madaling matutunan ng isang mag-aaral kung tungkol

saan ang paksang pinag-uusapan.

B.Para malaman ang tamang sagot tungkol sa paksa.

C.Sa pamamagitan ng pagtuklas kung ano ang tungkol sa paksa.

D.Sa pamamagitan ng argumento tungkol sa paksa.

8. Suriin nang mabuti ang mga larawan. Tulungan natin ang ating kapwa kung ano-ano ang mga

nararapat nilang gawin upang makaiwas na mahawaan ng COVID-19.


I II III IV V

A. I, III at V B. I, III, at II C. II at IV D. II at IV V, II at IV

Panuto: Tignan ang dayagram. ng pan-angkop at pangatnig . Bigyan pansin ang mga salitang may kaugnayan sa
mga ito. Batay sa dayagram. Tukuyin kung ano ang pang-angkop at pangatnig.

9. Ano ang Pang-angkop?___________________________________________________.


A. Ito ay mga salita o katagang ginagamit sa pag-ugnay ng mga salitang naglalarawan at inilarawan.
B. Mga salitang ginagamit upang maging tuloy-tuloy ang pagbigkas.
C. Ito mga katagang ginagamit sa mga salita.
D. Ito ay mga salitang ginagamit sa parirala.
10. Ano ang Pangatnig?___________________________________
A. Ito ay ginagamit sa mga tatala at kuwento. .

B. Ito ay ginagamit sa pangungusap.

C. Ginagamit sa pag-ugnay ng dalawa o higit pang diwa .

D. Ito ay mga salita o kataga na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, parirala o pangungusap.

11. Ano ang panlapi?

A. Ito ay katagang ikinakabit sa salitang ugat.


B. Ito ay mga katagang isinasama sa pangungusap.
C. Ito ay mga kataga na ginagamit sa pangungusap.
D. Ito ay mga salitang ugat sa mga pangungusap.

12. Ano ang tawag sa panlapi na ginamit sa salitang sumayaw

A. Unlapi B. Gitlapi C. Kabilaan d. Hulapi

Talagang napakahusay ng Pilipino sa musika. Kahit dahon ng halaman ay nagagawang


instrumento, gaya ng ginawa ni Levi Celerio, na isang tunay na maestro sa musika.

13. Batay sa pangungusap sa itaas ano ang Katotohanan?__________________________

A. Ang katotohanan ay mga tunay na kaganapan, bagay at kaalaman na napatunayan na ng

nakararami o siyensiya .

B.Ang katotohann ay masusing pinag-aaralan ng mga propesyunal.


C.Ang katotohanan ay mga ideya ng mga tao.

D. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao

Ayon sa mga manghuhula o psychic, malapit nang magunaw ang mundo.

14.Batay sa pangungusap. Ano ang Opinyon?__________________________

A. Ito ay may sapat na batayan o ebidensiya.

B. Ito ay pahayag ayon sa paniniwala.

C. ay mga pahayag ayon sa ideya ng isa o iilang tao lamang batay sa kanilang karanasan

D. Ito mga pangyayari sa paligid na hindi pa lubusang napatunayan at walang mabigat na

pruweba o ebidensya.

15. Ano ang tinukukoy ng mga salitang nasa kahon?

tiyak, malinaw, organisado, nakakapukaw ng interes.

A. Mga impormasyon sa pag-uulat ng pinanood.


B. Mga impormasyon sa pag-uulat.
C. Mga impormasyon sa mga detalye.
D. Mga impormasyon sa buhay.

16. Paano ang pagbibigay ng ulat tungkol sa pinanood ?

A. Pagpapahayag ng mga detalye o kaalaman na iyong nakalap batay sa napanood

B. Pagpapahayag ng mga detalye sa napanood

C. Pagbibigay ng mga katanungan.

D. Sa pag-uulat lamang.

17.Ano ang pangungusap na padamdam?

A. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay.

B. Ito ay pangungusap na nagsasabi ng matinding damdamin at ginagamitan ng bantas na tandang

padamdam.

C. Ito ay pangungusap na may bantas na tandang padamdam at nagsasabi ng masayang damdamin.

D. Ito ay pangungusap na nagsasabi ng masayang damdamin.

18. Saan kayo nagbakasyon nitong nakaraang Semana Santa? Anong uri ng pangungusap?

A. Pasalayasay. B. Patanong C. Paki-usap D. Pautos

19.Paano nagiging mas may kabuluhan ang isang tekstong binasa?

A.Kung naiuugnay natin ito sa iba’t ibang pangyayari, sitwasyon o karanasan natin sa buhay.

B. Kung maiuugnay natin sa ating buhay at pangarap.


C.Kung maiuugnay natin sa ating kalagayan.

D.Kung maiuugnay natin sa ating kapwa.

20. Ito ay halimbawa ng iyong karanasan bilang mga kabataan kung bakit kayo nagpupuyat.

A. Pag-aaral B. Pagtatrabaho C. Paglalaro ng gadget D. Paggawa ng proyekto

Panuto:.Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot.

Ang Regalo ni Mitos

Si Mitos ay isang batang nag-aaral sa ikatlong baitang. Siya ay bunsong anak nina Mang Tony at
Aling Leticia. Siya ay isang batang matalino at mabait. Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang at tatlong
kapatid na lalaki. Pagsapit ng kaarawan ni Mitos, maaga pa’y gising na ang kanyang ama at ina. Abalang-abala
sila sa paghahanda ng mga pagkain sa kusina. Narinig ni Mitos ang masayang kuwentuhan nila. Pinuntahan niya
ang mga ito. Masaya siyang hinagkan at binati ng mga magulang sabay abot ng isang bag na yari sa papel.
Binuksan niya ang bag at nakita niya ang laman nito, isang bagong cellphone Napalundag siya sa tuwa. Hinagkan
at pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang.

21. Sino ang nagdaos ng kaarawan?

A. Rashid B. Kaizer C. Mitos D. Kyle

22. Bakit binigyan siya ng regalo ng mga magulang?

A. Dahil kaarawan niya. B. Dahil magtatapos na siya. C. Dahil Pasko D. Dahil Bagong Taon

23. Ano ang ginawa ni Mitos nang matanggap niya ang regalo ng mga magulang?

A. Tumawa siya B. Nalungkot C. Umiyak D. Napalundag sa tuwa

24.-26. Panuto: Basahin ang tula. Punan ng angkop na salitang naglalarawan ang patlang upang mabuo ang
kaisipan ng tula. Piliin ang sagot sa kahon.

Ang Aking Pusa

Ako’y may alagang pusang _______,

Mahilig itong manghuli ng _______ daga.

Tuwing gabi, sa labas makikita,

Naghihintay ng kaniyang mahuhuling palabas ng ______.

mataba,maganda, malaking ,mabait ,lungga,bahay


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
DISTRICTOF SILANG
PULONG SAGING ELEMENTARY SCHOOL

Susi ng Pagwawasto sa FILIPINO 6 SOLO

A B C D
6. 0 1 2 3
7. 3 2 1 0
8. 3 2 0 1
9. 3 2 1 0
10. 0 1 2 3
11. 3 2 1 0
13. 3 2 0 1
14. 0 1 2 3
15. 3 2 1 0
16. 3 2 1 0
17. 0 3 2 1
19 3 2 1 0

Susi ng Pagwawasto sa FILIPINO 6 NON- SOLO


1.B 21. C
2. C 22. A
3 -5 Buod 3-5 na pangungusap 23. D
12.B 24. mataba
18. B 25.malaking
20. C 26.lungga

Prepared by:

ABEJANE V. DRINK
Teacher I

Noted by:

VIRGINIA C. ABESTADO
Officer-in-Charge

You might also like