You are on page 1of 1

Kinasasang-ayunan ang mga Galaw sa Teoryang Tectonic Plate

Teoryang Tectonic Plate ay ang teorya na nagpapahayag kung papaano gumalaw at nabuo ang
mga pulo ng mga kontinente at bansa na nakikita sa mapa ngayon. Dito, sinasabi ang mga paglindol,
matinding pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng lupa, at sa init ng convection currents ay nagresulta ng
mga tectonic plates.

Ayon sa teorya, matitinding kalamidad ang pinagmulan ng mga plate. Ang binugang putik ng mga
bulkan ay tumigas sa ibabaw ng dagat na siyang naging mga pulo. Sa paggalaw naman ng mga plate ay
gumawa ng mga guwang sa mga pagitan at naging mga trench o malalim na bahagi ng dagat.
Pinaniniwalaan ko na ang teoryang Tectonic Plate dahil kabilang ang Pilipinas sa Ring of Fire na siyang
nabanggit sa eksplinasyon ng teorya. Ang pitong major plates: African, Antarctic, Indo-Australian, North
American, Pacific American, at South American ay halos bumubuo sa pitong kontinente at sa Pacific
Ocean, na kung saan dito nakapaloob ang Ring of Fire. Sa mga lugar na dinadaanan ng Ring of Fire ay
hinihilera ng mga bulkan, ocean trenches, at mga matataas na bundok. Katulad ng sinabi sa teorya, ang
mga taong nakatira dito ay nakararanas ng parehas na mga kalamidad na nakatala sa teorya; ang lindol,
pagsabog ng bulkan.

Sa teoryang ito ay suportado rin ng siyensa sa pangkasalukuyan. Sabi sa tectonic plates, ang init
ng convection currents ay isa sa mga dahilan din sa paglayo at pagkakabungguan ng mga pulo. Dugtong
pa rito, ang tectonic plate theory ang ginagamit o naging basihan sa pagpapaliwanag ng mga lindol; ang
mga uri ng paggawa ng lupa.

Kinokonsidera rin ang teoryang ito kaysa sa mga katulad nito marahil sa eksplinasyon na
mayroon ito na may katibayan o ebidensya na nakikita sa pangkasalukuyan at nararamdaman mula dito.

You might also like