You are on page 1of 40

7

FILIPINO
Unang Markahan
Panitikang Rehiyunal

KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
LEARNING PACKETS
SA FILIPINO

Kagawaran ng Edukasyon • Pambansang Punong Rehiyon • Division of City Schools-Valenzuela


FILIPINO 7, Unang Markahan
Kagamitang Pampagkatuto, Learning Packets sa Filipino

Unang Edisyon, 2020

Sinasaad sa Batas Republika 8293, section 176: “No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment
of royalties.”

Ang mga hiniram na kagamitan gaya ng awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng mga tatak, at
iba pa, na nakalagay sa kagamitang ito ay pagmamay-ari ng kani-kaniyang tao na may
karapatang-ari sa mga iyon. Ginawa ang lahat ng magagawa upang matunton at makahingi ng
permiso sa mga nagmamay-ari ng mga nabanggit na kagamitan upang mailagay sa
kagamitang ito. Ang mga may-akda at naglimbag nito ay walang pagaangkin na anuman
mula sa mga nagtataglay ng karapatang-ari niyon.

Inilimbag ng Kagawaran ng Edukasyon, Division of City Schools - Valenzuela

Pangkat na Lumikha ng Kagamitan


Awtor: ENROSE LINDAYAG, T 2, Bagbaguin NHS, Gilsanne I. Mempin, T1, Malanday
NHS, Justene F. Verceles, T2, Veinte Reales NHS, Lorenz Irah J. Agustin, T 1,
Paso de Blas NHS, Rachel T. Galoso, T1, Justice Eliezer DS NHS,
Ednalyn C. Rejano, TI, Polo NHS
Editor:GRACE IMPERIAL-YUMUL, HT 3, VALENZUELA NHS
Katuwang na Editor:ZENAIDA M. ALOTA, T3, BAGBAGUIN NHS
Tagasuri: ROSARIE R. CARLOS, EPS, SDO, VALENZUELA
Tagasuring Teknikal:JEAN A. TROPEL, EPS, LR
Ilustrador: LR
Layout: ALFRED S. MENDOZA, DALANDANAN SHS
Tagamasid Pansangay: ROSARIE R. CARLOS, SDO-VALENZUELA
Tagapamahala : FILMORE R. CABALLERO, HEPE, DIBISYON NG IMPLEMENTASYONG
PANGKURIKULUM
Tagapamanihalang Pansangay : MELITON P. ZURBANO
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Division of City Schools - Valenzuela
Office Address: Pio Valenzuela St., Valenzuela City
Telefax: (02) 294 0658
E-mail Address: sdovalenzuela2015@gmail.com

Talaan ng mga Nilalaman

Gabay para sa Mag-aaral at Magulang iii


Sa Gagamit Nito iv
Unang Linggo 1-6
Ikalawang Linggo 7-15
Ikatlong Linggo 16-21
Ikaapat na Linggo 22-27
Lingguhang Gawaing Pampagkatuto ng Mag-aaral sa Bahay 28-31

BATAS UKOL SA OBLIGATORYONG EDUKASYON

Artikulo 18
Nararapat na pangalagaan ng mga magulang ang kapakanan ng anak habang nasa edad ng
obligatoryong edukasyon. Mayroong karapatan ang mga magulang na makatanggap ng
impormasyon tungkol sap ag-aaral at mga gawain sa paaralan ng kanilang anak. Tungkulin ng mga
magulang na bigyan ang paaralan nang mahahalagang impormasyon tungkol sa anak nito na may
epekto sap ag-aaral at kapakanan ng baata.

Artikulo 19
Responsibilidad ng mga magulang ang pag-aaral ng kanilang mga anak at obligasyon nilang
subaybayan ang progreso ng kanilang pag-aaral kaakibat ng kanilang mga guro.

PAKIKILAHOK NG MGA MAGULANG SA PAG-AARAL NG KANILANG ANAK

• Ang pinakahangarin ng ugnayan sa pagitan ng paaralan, magulang at komunidad ay ang


magkaroon ng kolaborasyon na naglalayong tulungan ang lahat ng mga bata na magtagumpay sa
edukasyon at sa kanilang kinabukasan.

• Kapag mayroong kolaborasyon sa pagitan ng mga magulang, guro at mag-aaral at iba pa


hinggil sa edukasyon, ay mag-uudyok ito na magkaroon ng pamayanan na mapagtalima at
maasikaso sa mga mag aaral.

ii
GABAY PARA SA MAG-AARAL AT MAGULANG

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO-Baitang 7 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Learning Packets sa Filipino 7!

“Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng


ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain.” Ang kamay sa
tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang akademikong tagumpay
ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang Learning Packets na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang Learning Packets na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan at
sagutin.

Para sa Magulang:

Ang Learning Packets na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri

ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka mahal na

magulang upang matulungang makamit ng iyong anak ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kaniyang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa

pag-aaral sa panahon ng “”New Normal.”


Hangga’t ang iyong anak ay nasa ilalim ng programang DISTANCE LEARNING at ARAL-
BAHAY ikaw bilang magulang ang tatayong tagapatnubay sa patuloy na pagkatuto ng iyong anak
katuwang ang kaniyang mga guro. Ang

tulong kagamitan na ito ay magbibigay sa iyo ng pangkalahatang ideya kung

ano ang dapat na matutuhan ng iyong anak sa bawat markahan. Kung ang iyong

anak ay nakatugon sa mga inaasahan sa ibinalangkas na pamantayan dito, siya

ay mabuting nakahanda para sa susunod pang markahan.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang iyong anak sa mapatnubay at malayang
pagkatuto ng mga gawain ayon sa kaniyang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang iyong anak upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kaniyang mga pangangailangan at kalagayan sa panahon ng pandemic COVID

19.
iii

SA GAGAMIT NITO!

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng Learning Packets na ito:

1. Gamitin ang Learning Packets nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang bawat gawain, pagsasanay at pormatibong pagtataya
bago lumipat sa iba pang araw at linggong gawaing napapaloob sa Learning Packets.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang gawain para lamang sa araw na iyon bago ka pumunta sa iba pang
pagsasanay para sa susunod na araw. Huwag pagsasabaysabayin ang pagsagot,
magpokus lamang para sa araw na nakatakda.
6. Pakibalik ang Learning Packets na ito at mga sinagutang awain, pagsasanay at
pormatibong pagsasanay sa iyong guro sa pamamagitan ng pagdadala sa iyong
magulang sa araw na itinakda ng paaralan, ito ay kung tapos nang sagutin lahat ang
pagsasanay sa bawat linggo.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa Learning Packets na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o magulang. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa mga nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng Learning Packets na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pangunawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

ISAISIP MO!

Unang Linggo: Kuwentong -Bayan at Pagbibigay


ng mga Patunay

KUWENTONG- BAYAN
Ang kuwentong-bayan ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng
katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang nagpapakita ito ng katutubong kulay
tulad ng pagbanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang nakikita o
nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong-bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
Ito ay mga kuwentong galing sa ating bayan. Galing pa ito sa mga nakatatanda
hanggang sa nagpasalin-salin ito sa mga henerasyon. Lahat ng bansa ay may sariling
kuwentong-bayan. Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa’y
ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng aral.

PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY


May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.
Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag
ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga
pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang makapagpapatunay
sa katotohanan ng inilalahad.

Naririto ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:


• May dokumentaryong ebidensiya – ang mga ebidensiyang magpapatunay na
maaaring nakasulat, larawan o video.
• Kapani-paniwala – ipinapakita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay at
kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.
• Taglay ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya,
pruweba o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

• Nagpapahiwatig- hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya


subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.
1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

• Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o


tunay.
• Magpapatunay/Katunayan – salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o
paniniwala sa ipinapahayag.
• Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang
pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para

Mga Gawain at Pagsasanay


Makita ang
katotohanan sa pahayag.
GAWAIN 1. Basahin at unawain ang akdang Bakit Mataas Ang Langit?
. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Gabay na Tanong: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ilarawan si Maria bilang isang anak?
2. Anong uri ng pamumuhay mayroon sina Maria at ang kanyang ina?
3. Ano- ano ang mga bagay na mayroon si Maria na gustong-gusto niyang isinusuot?
Mayroon ka rin ba ng mga bagay na ito?
4. Bakit kaya nagmamadaling sumunod si Maria sa utos ng kanyang ina?
Kung ikaw si Maria, isusuot mo rin ba ang mga mahahalagang bagay sa iyong
katawan kapag ika’y gumagawa ng mga gawaing-bahay?
5. Kung ikaw ang nasa katauhan ni Maria, ano ang mararamdaman mokapag nawala sa
iyo ang bagay na mahalaga sa iyo?

GAWAIN 2. PANUTO: Isulat ang iyong sariling paglalarawan sa ulap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

GAWAIN 3. PANUTO: Basahin at tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat
pangungusap. Gawing gabay ang salitang nakasulat ng madiin. Isulat ang sagot sa patlang.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

______ 1. Kapag ba isinukat ng isang bata ang kanyang bagong damit ay


nangangahulugan bang hindi niya ito isinuot?
______ 2. Ang pagpuna ba sa maling ginawa ng iyong kapatid ay
nangangahulugan bang hindi mo siya napapansin? _______ 3. Dinalasan niyang hugasan ang
mga plato para makapanood ng telebisyon agad. Ibig sabihin ba nito’y binilisan
niyang gawin ito? _______ 4. Kapag ba bumunggo ka sa isang bagay ay nangangahulugang
tumama ka sa bahagi nito?

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

_______ 5. Ang pagbabayo ba ng palay ay nangangahulugang huhugasan mo


ang bawat butil nito?

GAWAIN 4. PANUTO: Hanapin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Si Maria at ang kanyang ina ay nakatira sa bahay-kubo. Sila ay masayang nananahan


dito.
2. Tinitingnan niya ang kanyang anino sa tubig. Ang kanyang kagandahan ay kanyang
minamasdan.
3. Tumindig si Maria dahil narinig niya ang pagtawag ng kanyang ina. Mabilis siyang
tumayo upang hindi na magalit ito sa kanya.
4. Hinubad niya ang kanyang kuwintas. Inalis niya ang pagkakasabit nito sa kanyang
pawisang leeg.
5. Pawisang-pawisan si Maria sa pagbayo ng palay. Tagaktak ang kanyang pawis dahil
sa bigat ng pambayong ginamit.
GAWAIN 5 Gamit ang organizer, ibigay ang mga patunay na tinutukoy sa
akdang “Bakit Mataas ang Langit?” Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Pormatibong Pagtataya

A. Tukuyin ang kultura, tradisyon at paniniwala ng mga taga-Bukidnon na ipinapakita


mula sa mga pahayag sa tekstong binasa. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

___ 1. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto.


Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

A. pagkahilig ng mga taga-Bukidnon sa pag-aayos ng kanilang buhok


B. pagkahumaling ng mga taga-Bukidnon sa pagsusukat ng alahas kahit hindi kanila
C. pagkagusto ng mga taga-Bukidnon sa paggamit ng gintong suklay at kuwintas
____ 2. “Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng kanyang ina. Mula sa pahayag ay
malalaman na ang kanilang pangunahing ikinabubuhay ay ___.
A. pagsasaka
B. pangingisda
C. pangangaso
____ 3. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang
sumunod ng mabilis.
A. kapag galit na ang mga magulang bago sumunod sa kanilang utos
B. pagsunod ng mga kabataan sa utos ng kanilang mga magulang
C. mabilis na pagkagalit ng mga magulang
____ 4. Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit
na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay.
A. isinasabit lamang ng mga taga-Bukidnon sa sabitan ng gamit ang kanilang
kuwintas kapag hindi ito gagamitin
B. pagiging abot-kamay ng langit noong sinaunang panahon
C. palagay ang kanilang loob na iwan ang mga mahahalgang gamit sa kung saan
____ 5. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa
lusong at nang madaling mabayo ang palay.
A. ang pagbayo ng palay ay kailangan pahiga ang buhat sa halo
B. kailangang babaan ang pagbayo sa halo upang matapos ito
C. ang pagbayo ay ginagamitan ng halo at lusong, at nangangailangan ito ng malakas
na pwersa

B. Panuto: Kilalanin at isulat sa kahon ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng


patunay, at DP kung hindi ito nagpapatunay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

____ 1. Kaya naman, magkaisa at magtulungan tayo sa panahon ng pandemya para sa


ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino upang maiwasan na ang paglaganap nito.

____ 2. Malungkot makita ang ilan nating kababayang namatayan ng kanilang mga mahal
sa buhay dahil sa Covid-19.

____ 3. Huwag na sana dumami ang magkakaroon ng sakit na Covid-19.

____ 4. Ang anim na libo’t isangdaan at walong bilang ng mga taong sumailalim sa Mass
Testing sa Valenzuela ay isang patunay na kumikilos ang ating pamahalaan upang
mapababa ang bilang ng mga positibo sa Covid-19.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

_____ 5. Sana ay gumaling na ang mga pasyenteng naka-quarantine sa


mga ospital.

Gawain sa Pagpapahusay at Pagpapaunlad

GAWAIN 1: Kulayan ang kahon na naglalarawan sa katangian ng Kuwentong- Bayan. Isulat


ang iyong sagot sa sagutang papel.

Salamin ng buhay Napapanahong Kapupulutan ng Nagpasalin-salin sa


isyu aral mga
henerasyon

May sukat at tugma Nagsasaad ng Kinapapalooban ng Isinulat para


kultura ng isang bayan tradisyon at itanghal sa
kultura ng isang bayan entablado

GAWAIN 2: Suriin kung tama o mali ang naging kilos o gawi ng mga tauhan sa bawat
sitwasyong nakalahad. Lagyan ng tsek (✓) ang kahong katapat ng iyong sagot at isulat ang
paliwanag sa patlang na nakalaan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Pagsunod ni Maria sa utos ng kanyang ina na bayuhin ang palay upang sila’y may
makain.
Tama ito dahil ________________________________________________
Mali ito dahil __________________________________________________
2. Pag-uutos ng ina sa mga anak na gumawa ng mga gawaing bahay.
Tama ito dahil ________________________________________________
Mali ito dahil __________________________________________________
3. Pagsusuot sa katawan ng mahahalagang bagay tulad ng alahas kapag gagawa ng
gawaing-bahay.

Tama ito dahil ________________________________________________


Mali ito dahil __________________________________________________
4. Pagmamadaling matapos ang isang gawain dahil sa kasabikan na maisuot ang mga
bagay na gustong-gusto mo tulad ng alahas.
Tama ito dahil ________________________________________________

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Mali ito dahil __________________________________________________


5. Pagsasabit ng isang bagay na mahalaga sayo sa kung saan-saan dahil lamang sa
pagmamadali mong magawa ang gawain mo. Tama ito dahil
________________________________________________
Mali ito dahil __________________________________________________
GAWAIN 3: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang mga pahayag ay
nagpapakita ng kaugalian, tradisyon at paniniwala mula sa binasang akda at ekis (X) kung
hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

__________1. Hindi pagsunod sa utos ng mga magulang.


__________2. Pagbayo ng palay upang may maisaing.
__________3. Walang pagkahilig sa mga gintong bagay.
__________4. Paglalagay ng suklay sa buhok.
__________5. Pagtanggap sa isang bagay na nawala sa sariling pagmamay-ari.
GAWAIN 4: Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging masunurin sa ating mga magulang.
Sila ang mga taong pinagkakautangan natin ng ating mga buhay. Lagi nila tayong
ginagabayan mula sa ating pagkabata. Para sa atin, ang pagsunod sa kanilang mga ipinag-
uutos ay tanda ng ating respeto at labis na pagmamahal sa kanila. Masunurin ka bang anak?
Hanapin mo nga sa crossword puzzle na ito ang mga katangian ng isang mabuting
anak na Pilipino. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

GAWAIN 5: Basahin ang akda “Ang Kagandahan ng Bukidnon” ni Rose Rosary De


Asis at sagutn ang mga sumusunod na katanungan sa gawing ibaba.
• Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na malaparaiso ang lugar ng Bukidnon?
_______________________________________________
• Anong ebidensya mula sa binasa ang magpapatunay na masarap pumasyal sa
probinsya ng Bukidnon? ______________________________  Ano- anong mga
patunay na nagsasabing katangi-tangi ang
1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Bukidnon sa iba pang probinsya? __________________________________

ISAISIP MO!

Ikalawang Linggo: PABULA, EPIKO, PAGHIHINUHA


SANHI AT BUNGA

Ang pabula ay isang uri ng akdang pasalaysay na gumagamit ng mga tauhang hayop
na nagsasalita, nag-iisip, at kumikilos na parang tao. Ang mga pabula ay nagpasalin-salin sa
iba’t ibang henerayson sa tradisyong pasalita. Ito’y kinagigiliwan hindi lamang ng mga bata
kundi pati ng mga matatanda dahil sa taglay nitong mahahalagang kaisipang maaaring
kapulutan ng ginintuang aral sa buhay.

Sa mga tauhang hayop ng mga pabula masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao
tulad ng pagiging malupit, makasarili, mayabang, tuso, madaya, at iba pa. Itinuturo rin ng
mga pabula ang tama, mabuti, makatarungan, at makataong pag-uugali at pakikitungo sa
kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na idinudulot
nito.

Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na “pambata lamang”


sapagkat ang mga ito’y nangangailangan ng pagunawa sa mga katangian ng mga tauhang
hayop at paghahambing ng mga ito sa katangian ng mga tao. Mahalaga ring makilatis ang
mga aral o mahahalagang kaisipang taglay ng mga ito.

EPIKO
Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway nito. Ito ay karaniwang
nagtataglay ng mga mahiwaga at kagila-gilalas o di-kapani- paniwalang pangyayari. Ang mga
epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit (sa iba’t ibang mga estilo); maaaring
sinasaliwan ng ilang mga instrumentong pangmusika o minsan nama’y wala. Ito rin ay
maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ng grupo ng mga tao. Ang haba ng epiko ay
mula sa 1,000 hanggang 5,000 linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaaring abutin
ng ilang oras o araw.
Karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking epiko. Mahalaga sa
mga sinaunang pamayanan ang mga epiko. Bukod sa nagiging aliwan ito, ito rin ay
nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Kadalasan, ang mga epiko ay
sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maikintal sa isipan ng mga

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay
na pamana ng ating mga ninuno. Narito ang ilan sa mga ito:
1. Bidasari - epiko ng mga Mёranao
2. Ibalon - epiko ng mga Bikolano
3. Dagoy at Sudsud - epiko ng mga Tagbanua
4. Tuwaang - epiko ng mga Bagobo
5. Parang Sabir - epiko ng mga Moro
6. Lagda - epiko ng mga Bisaya
7. Haraya - epiko ng mga Bisaya
8. Maragtas - epiko ng mga Bisaya
9. Kumintang - epiko ng mga Tagalog
10. Biag ni Lam- ang - epiko ng mga Iloko
SANHI AT BUNGA
Ang isang pangyayari ay hindi magaganap nang walang dahilan kung bakit naganap ito.
Bawat pangyayari ay may pinagmulan at mula dito ay magkakaroon ng epekto. Mayroon
tayong tinatawag na Sanhi at Bunga ng isang pangyayari.
• Sanhi – dahilan sa paggawa, pag-iisip o pakiramdam ng isang bagay. Ito ang
pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Cause ang tawag dito sa salitang Ingles.

• Bunga – ito ay ang kinalabasan o dulot ng isang naturang pangyayari. Ito ang tawag
sa resulta ng mga pangyayari. Sa Ingles, ito ay tinatawag na effect.
PAGHIHUNA SA KALALABASAN NG PANGYAYARI
Ang paghihunuha ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na nauunawaan niya
ang kanyang binabasang akda o seleksyon. Sa bawat seleksyon, nagbibigay ng mga
pahiwatig ang manunulat na hindi tuwirang sinasabi I ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na
implikasyon. Kung ang bawatpahiwatig at implikasyong ibinibigay ay uunawaing mabuti,at
buhat ditto ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha, ganap ang naging pag-
unawa niya sa nabasa.

Mga Gawain at Pagsasanay

Basahin at unawain ang akda o panoorin ito https://youtu.be/IlvT__0ZQUY.

GAWAIN 1. Ang dalawang tauhang gumanap sa pabulang binasa ay ang kalabaw at ang aso.
Paghambingin ang dalawang hayop na ito sa pamamagitan ng pagbuo ng compare and
contrast organizer. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

GAWAIN 2. Gamit ang organizer, isulat ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa akdang
“Nainggit si Kikang Kalabaw.” Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
SANHI

PANGYAYARI

BUNGA

GAWAIN 3: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Suriin kung tama o mali ang
ipinahihiwatig ng mga salitang nakasulat nang madiin. Isulat ang sagot sa patlang. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
______ 1. Kapag naglulublob ba ang isang tao o hayop ay nagtatampisaw?
______ 2. Kumakawag ba ang buntot ng aso kapag iwinawasiwas niya ito?
______ 3. Nakakandong ba ang isang tao kapag nakabuntot ito sa iyo? ______ 4. Walang
humpay bang ginagawa ang isang bagay kapag wala nang interes gawin ito?
______ 5. Kapag hinahatak ba ang isang bagay ay ginagamitan ito ng puwersa o lakas?
GAWAIN 4. Piliin sa pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

1. Magkakakilala ang lahat ng tao sa nayon kung saan nakatira si Mang Donato sapagkat
kakaunti lamang ang tao sa naturang baryo.
2. Itinatali ang kalabaw sa bungad ng kubo sapagkat mas madaling makita kung nasa
unahan ito kaysa nasa likuran itatali.
3. Mahal na mahal ni Mang Donato ang kanyang kalabaw, sapagkat ito ang kanyang
katuwang sa mga gawaing bukid, subalit mahal din niya ang aso dahil ito naman ang
katulong niya sa pagbabantay sa kanilang tahanan.
4. Madalas na nalulumbay ang kalabaw sapagkat nakikita niyang tila mas mahal ng amo
niya ang aso. Nalulungkot siya dahil sa nararamdaman niyang ito.

5. Tuwing makikita niyang masaya ang amo at ang aso ay hindi niya mapigilang
maghimutok. Ang eksenang ito ay madalas magpasama sa kaniyang kalooban.

Gawain 5. Pag-unawa sa Binasa. Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang naging dahilan ng pagkainggit ni Kikang Kalabaw sa aso?
Makatwiran ba ang kanyang nadarama? ____________________________
2. Ano kaya ang nadarama mo kung ikaw ang nasa kalagayan ni Kikang Kalabaw na
nakakakita sa tila mas malapit na relasyon ng inyong amo at ng aso?
__________________________________________________________
3. Nangyayari rin ba sa totoong tao ang pagseselos o pagkainggit na nadarama ni Kikang
Kalabaw? Patunayan. __________________________
4. Ano kaya ang nadama ni Kikang Kalabaw nang pagpapaluin siya dahil sa ginawa niya
sa kanyang amo? Nararapat nga ba ang ginawang ito sa kanya? Patunayan.
_________________________________
5. Kung ikaw ang amo, ano ang gagawin mo upang hindi makadama ng pagkainggit ang
isa sa iyong dalawang alaga? ___________________
6. Gamit ang organizer, ibigay ang sanhi at bunga ng pagkakaroon ng inggit. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

SANHI BUNGA

INGGIT

BASAHIN AT UNAWAIN ANG AKDA: Epiko ng mga Bikolano: Ibalon


GAWAIN 1: Pag-unawa sa Binasa. Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel

1. Sino- sino ang naging pinuno ng Ibalon? Anong uri ng pinuno sila?

2. Paano ipinagtanggol ng mga pinunong ito ang Ibalon mula sa iba’t ibang uri ng
kaaway?

3. Paanong naging payapa at maunlad ang Ibalon? Patunayan.

4. Sa iyong palagay, kung naging makasarili ang mga pinunong ito ng Ibalon at bawat
isa ay ayaw umalis sa kanilang posisyon bilang pinuno, ano kaya ang maaaring
mangyari sa Ibalon?

5. Naniniwala ka bang mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng isang pinuno upang


umunlad ang isang lugar? Bakit?

6. Anong mahalagang aral ang natutuhan mo sa epikong Ibalon? Sa paanong paraan


makatutulong ang kaalamang ito sa iyong buhay?

GAWAIN 2. Ibigay ang sanhi ng mga sumusunod na pangyayari mula sa binasang Epiko ng
Ibalon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang kapayapaan ay naghari sa bayan ng Ibalon dahil _______.
2. Umunlad at naging masagana ang pamumuhay ng mga tao sa Ibalon dahil
_______________________________________________________________.
3. Si Rabut, kalahating tao at kalahating hayop, ay namatay dahil ______
4. Labis-labis ang galit ng Diyos sa mga taga- Ibalon sapagkat _________
1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

5. Lumitaw ang kilala nating Bulkang Mayon dahil _____________________

GAWAIN 3. Sa epikong tatalakayin ay mababanggit kung paano lumitaw ang isa sa


pinakamaganda at pinakasikat na tanawin sa bansa, ang Bulkang Mayon. Gamit ang Concept
Web, ilahad ang mga bagay na iyong nalalaman hinggil sa bulkang ito. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

GAWAIN 4. Isulat ang dalawang kasingkahulugan ng mga salitang nasa loob


ng biluhaba. Pili in ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

nagtangka

mabangis

naminsala

na lipol

sumipot

Pormatibong Pagtataya

l. Bigyang -paghihinuha ang mga pangyayari mula sa binasang pabula.


Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.

____ 1. Pagkainggit ni Kikang Kalabaw kay Basyong Aso


____ 2. Pagkamasipag ni Kikang Kalabaw sa pag-aararo at walang reklamo sa
pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
____ 3. Hindi pantay na pagtrato ni Mang Donato sa kanyang mga alagang hayop.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

____ 4. Pagsayaw- sayaw ni Basyong Aso at pagkawag ng buntot nito. ____ 5. Biglaang
pag-upo ni Kikang Kalabaw sa kandungan ng kanyang amo.

ll. Basahin ang epikong Indarapatra at Sulayman. Suriin ang mga hinalaw na pahayag sa
epikong ito. Tukuyin kung ano ang inilalahad na sanhi at bunga nito sa magkaibang kahong
itinakda. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong si Kurita, siya ay


nagmasid at kanyang natunghayan ang maraming nayong wala kahit isang taong
tumatahan.

SANHI

BUNGA

Gawain sa gpapahusay
Pa at
agpapaunlad
P
GAWAIN 1 . Pagtambalin ang mga sanhi at bunga ng mga problemang
kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Hanay A (Sanhi) HANAY B (Bunga)
___ 1. Patuloy na pagdami ng taong A. pagkamatay ng mga isda at
may sakit na covid-19 na pagdumi ng mga ilog
___ 2. Ilegal na pagpuputol ng mga B. pagkakaroon ng landslide at
puno sa kagubatan pagbaha
___ 3. Pagtatapon ng mga basura sa C. napapabayaan ang kalusugan
Ilog Pasig. at nawawala sa tamang
oras ng pagkain
___ 4. Pagdami ng mga pabrika sa D. paglala ng polusyon sa hangin mga lungsod
at pagkakasakit ng mga tao
___ 5. Pagkahumaling ng mga kabataan
sa paggamit ng mga makabagong E. paglaganap ng covid-19 sa teknolohiya
bansa

GAWAIN 2. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Suriin kung Tama o Mali ang
ipinahihiwatig ng mga salitang nakasulat nang madiin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

_________ 1. Ang dambuhala ba ay madaling makita dahil sa sobrang laki nito?


_________ 2. Ang pagtataksil ba ay nangangahulugan ng pagiging matapat?
1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

_________ 3. Isang magandang bagay ba ang nangyari kapag ang tao ay sinamang-
palad?
_________ 4. Kapag naghahandog ba ang isang tao ay may nabibigyan o
nakikinabang na iba?
_________ 5. Kapag may isang bagay bang sumulpot ay nakikita ang anyo o itsura
nito?
GAWAIN 3. Punan ang bawat kahon ng mga katangian ng PABULA at EPIKO.
PABULA EPIKO
1
2
3
4
5

GAWAIN 4
Basahin ang pabula ng Maranon a pinamagatang “Lalapindigowa-i:,Kung Bakit Maliit ang
Beywang ng Putakti?” Gamit ang organizer, ibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari na
tinukoy sa akda. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
SANHI BUNGA

INGGIT

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

ISAISIP MO!

Ikatlong Linggo: MAIKLI NG - KUWENTO,


DOKYU - FILM
MAIKLING KUWENTO

Ano ang Maikling Kuwento?


• Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento”, ito ay
isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at kathang-isip na hango sa isang
tunay na pangyayari sa buhay.
• Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, mabisang
nakapagkintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
• Karaniwang tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan.
• Kakaunti lamang ang tauhan na karaniwang may kabuluhan o kaugnayan sa
pangunahing tauhan at may kapayakan ang mga pangyayaring binubuo ng iba’t ibang
elementong sumasaklaw sa kabuuan ng kuwento.

Sa pagbasa ng maikling kuwento, kinakailangan na malaman natin ang mga elemento nito
upang masundan ang daloy ng mga pangyayari sa isang akda.

Elemento ng Maikling Kuwento


1. Panimula - dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
ipinakikilala ang iba pang mga tauhan sa kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan – naglalahad ito ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin – ito ang problemang kahaharapin ng pangunahing tauhan.
4. Tunggalian – sumasaklaw ito sa labanang naganap sa kuwento. Mayroon itong apat
na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
5. Kakalasan – tinatawag itong tulay patungong wakas at sa bahaging ito nabibigyang
solusyon ang suliranin.
6. Wakas – Ito ang kinahinatnan ng kuwento o ang katapusan.

Ano ang Dokyu-film o Freeze Story?


1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Karaniwang itinatampok ng Dokyu-film o Freeze story ang mga makatotohanang


pangyayari na nagaganap sa buhay ng tao at ipinapakita ito sa pamamagitan ng isang
dokumentaryo o kalipunan ng mga ekspresyong biswal na makikita sa telebisyon upang mas
maging malinaw ang pagpapaliwanag ng isang kuwento. Pangunahing layunin nito ay ang
magbigay ng mahahalagang impormasyon, manghikayat o di kaya’y magmulat ng kaisipan
tungo sa kamalayang panlipunan.

Gabay sa pagsusuri ng Dokyu-Film o Freeze Story


Kinakailangang isaalang-alang sa panonood ng Dokyu-Film o Freeze story ang mga
sumusunod na elemento nito.
1. Tauhan – sino ang mga pangunahing tauhan at ano ang kanilang gampanin sa
nasabing dokyu.
2. Tagpuan- saan naganap ang dokyu at ano ang kultura ng mga taong nakatira dito.
3. Tema o Paksa - may taglay ba itong kaisipan at diwang tatatak sa isip at damdamin
ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay.
4. Teknikal na Aspeto – tinitingnan kung ang paksa ba ay naaayon sa ginamit na tunog,
visual effects o sinematograpiya ng napanood, ang kalidad ng boses ng mga tauhan maging
ang pokus ng camera ay nakapaloob dito.

Basahin ang isang halimbawa ng PAGISLAM (Maikling Kuwento tungkol sa mga


Muslim)

Mga Gawain at Pagsasanay

GAWAIN 1: Piliin ang mga salitang sa palagay mo’y may kaugnayan sa PAGISLAM ayon
sa binasang kuwento. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Baru-baruan Panday Imam Allah
Seremonya bang paggunting pandita
Alay Maulidin Nabi buhok balyanji

GAWAIN 2: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ayon sa paraan ng ritwal sa pagislam sa


pamamagitan ng paglalagay ng letrang A-E. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____1. Pagislam
_____2. Pagdarasal sa bagong panganak na sanggol o bang
_____3. Pagpapangalan sa sanggol
_____4. Pagkapanganak ng sanggol
_____5. Paggunting ng buhok ng sanggol

GAWAIN 3: Punan ng wastong pahayag ang bawat bilang upang maipakita ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

1. Nagsimula ang kuwento sa _________________________________________


2. Pagkatapos masilayan ni Ibrah ang sanggol na kaniyang anak ay ___
3. Nang dumating na ang Imam, _____________________________________
4. Matapos ang pagsasagawa ng bang, ______________________________
5. Makalipas ang pitong araw mula nang isagawa ang bang, __________
6. Naghanda sina Ibrah at Aminah ng _________________________________
7. Sa pagdating ng Imam ay isinagawa na ang paggunting at laking galak ng mag-asawa
dahil _________________________________________
8. Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga nakiisa sa selebrasyon ng paggunting
ng kanilang anak at hindi rin magtatagal ay __________

GAWAIN 4: Punan ng angkop na wakas ang sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Si Kardo at Joaquin ay matagal nang magkalaban. Palagi kasing natatalo ni Kardo si


Joaquin sa iba’t ibang bagay. Palaging inaabangan ni Joaquin si Kardo para saktan ito sa
anumang paraan o siraan sa iba. Nagtitimpi lamang si Kardo dahil ayaw niyang mauwi sa
sakitan ang kanilang di pagkakasundo. Isang araw, nakita ni Kardo na inaaway si Joaquin ng
isang grupo. Nilapitan niya ito at nakita na nawalan ito ng malay gawa ng pambubugbog ng
mga kaaway. Kaagad na humingi ng tulong si Kardo para madala ito sa pagamutan. Hindi
nagtagal at may dumating ng pulis para dalhin si Joaquin sa ospital.

GAWAIN 5: Punan ng angkop na wakas ang sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Si Donna ay mahilig sa mga hayop ngunit wala siyang alaga dahil bawal iyon sa anak
niyang si Mikaela. Isang araw, habang siya ay papauwi mula sa paaralan, may narinig siyang
mahinang iyak. Pumunta siya sa bakanteng lote na pinagmumulan ng iyak at sa may malalim
na hukay may nakita siyang maliit na kuting na umiiyak at parang hinahanap ang kanyang
nanay na pusa. Tumingin-tingin siya sa paligid ngunit wala siyang nakitang pusa sa paligid.

Basahin at unawain ang isang dokyu-film ng I-Witness “Panday”

GAWAIN 5: Kulayan ng dilaw ang kahon na tumatalakay sa mga kaisipang nakapaloob sa


dokumentaryong binasa at asul kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Isa sa mga tradisyon ng Yakan ang pagtutuli sa mga kababaihan na tinatawag na


Pagislam.

2. Patuloy ang pagsasagawa ng tradisyong pagislam sa kabila ng kaguluhang


nagaganap sa kanilang komunidad.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

3. Ang mga panday ay lisensyadong tagapangasiwa ng mga panggagamot.

4. Itinuturing na pagkakakilanlan bilang isang muslim ang pagdanas ng Pagislam.

5. Tumutukoy sa panggagamot ng mga batang kababaihan ang ritwal o tradisyon na


Pagislam.

GAWAIN 6: Pumili ng isa sa mga sumusunod na isyung panlipunan na sa tingin mo ay


karaniwang itinatampok sa mga dokyu-film o freeze story. Sumulat ng isang talata na
nagpapaliwanag tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

KAHIRAPAN EDUKASYON RELIHIYON


KASARIAN KRISIS POLITIKA
PAG -IBIG BUHAY SAKUNA

Pormatibong Pagtataya

Isulat ang salitang FREEZE kung ang mga pahayag ay mula sa


binasang dokumentaryo, PLAY naman kung ito ay mula sa binasang maikling kuwento at
PAUSE kung parehong tumutukoy sa nilalaman ng dalawang binasang teksto.
__________1. Ang mga Yakan ay may ritwal o tradisyong tinatawag na Pagislam.
__________2. Naniniwala ang mga muslim na sa paggunting ng buhok ng isang sanggol, ang
hindi paglubog nito sa tubig ay simbolo ng magandang kinabukasan.
__________3. Isang tradisyon ang Pagislam upang kilalanin ang isang bata na maging
kabilang ng komunidad ng mga Muslim.
__________4. Pinaniniwalaang hindi ligtas ang pagtutuli ng mga Muslim dahil na rin sa
proseso ng pagsasagawa nito.
__________5. Ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga Muslim ng Pagislam ay ang mga
Imam.
__________6. Dahil sa kahirapan at kakulangan sa pasilidad, ang mga tradisyunal na
manggagamot ang takbuhan ng mga nasa Basilan. __________7. Mahalagang maunawaan ng
mga magulang na Muslim na kinakailangan ang Pagislam sa relihiyong Islam.
__________8. Ang unang proseso ng Pagislam ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagdarasal
na kung tawagin ay bang.
__________9. Hanggang sa kasalukuyang panahon ay patuloy pa rin na isinasabuhay ng mga
Muslim ang kanilang tradisyong Pagislam.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

__________10. Ang panday ang nagsasagawa ng pagtutuli sa mga babaeng

Gawain sa gpapahusay
Pa at
agpapaunlad
P

GAWAIN 1: Lagyan ng puso ( ) ang mga pahayag na nagpapakita ng


Yakan. kahalagahan ng pag-aaral ng maikling kuwento at dokyu-film o freeze story.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____1. Nakatutulong ito sa pagmulat ng kamalayan ng mga mambabasa tungkol sa mga
isyung panlipunan at pamumuhay ng tao na hindi karaniwan.
_____2. Nakaaaliw ang mga paksang inilalantad sa mga maikling kuwento at dokyu-film o
freeze story na angkop sa kahit anong edad.
_____3. Mas madaling nauunawaan ang mga paksang tinatalakay dahil siksik at nag-
uumapaw ang mga impormasyong nakapaloob sa mga akdang ito. _____4. Isang malaking
gampanin ng maikling kuwento at dokyu-film ay ang maglahad at magsalaysay ng mga
kakaibang paksa na karaniwa’y bago sa mga mambabasa at manonood.
_____5. Ang pagbasa ng maikling kuwento at panonood ng dokyu-film ay nangangahulugang
pagtugon sa mga isyung panlipunan.

GAWAIN 2: Magtala ng limang mahahalagang konseptong nag-uugnay sa pagtalakay at


pagsusuri ng mga dokyu-film o freeze story at maikling kuwento.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. 2.
3. 4.
5.

GAWAIN 3: Bilang isang kabataang Pilipino, ano ang pinakamabisang naidudulot ng


pagsusuri ng dokyu-film o freeze story at maikling kuwento tungkol sa Pagislam sa iyong
pamumuhay at paniniwala? Dugtungan ang mga sumusunod na parirala upang mabuo ang
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.


Malaki ang naging epekto sa akin ng mga akdang ito dahil ________.

Dahil dito, may mga nagbago sa aking paniniwala at pananaw katulad ng
___________________________________.
• Naramdaman ko sa pag-aaral na ito na _____________________________.
GAWAIN 4: Paghahambingin ang dalawang akdang nabasa. Tukuyin ang pagkakatulad at
pagkakaiba batay sa elemento at katangian ng bawat akda. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Pagislam Panday
(Maikling kuwento) (Dokyu-Film o Freeze story)

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Pagkakaiba Pagkakaiba

GAWAIN 5: Punan ng angkop na wakas ang sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Si Richard ay isang mag-aaral sa ikapitong baitang. Mahilig siyang maglaro ng


computer games. Dahil sa paglalaro, lagi siyang lumiliban sa klase dahil siya ay tinatamad
pumasok. Sa halip ay naglalaro na lamang siya sa kaniyang kuwarto hanggang madaling araw
at halos nakakalimutang kumain. Hindi na rin siya madalas lumalabas ng kuwarto. Kapag
naman siya ay nasa klase, madalas ay nakakatulog siya dahil palagi siyang napupuyat. Kapag
may mga pagsusulit, kumukopya si Richard mula sa mga katabi niya upang mayroong
maisagot. Mababang mababa ang kanyang nakukuhang mga marka. Sa araw ng huling
pagsusulit, tinawag si Richard ng kanyang guro. Pinapunta siya nito sa silid-aralan kung saan
mag-isa lamang siyang nasa
ikapitong baitang na kumuha ng pagsusulit .

ISAISIP MO!

Ikaapat na Linggo: DULA, EDITORYAL NA


NAGHIHIKAYAT AT RETORIKAL NA PANG-UGNAY

Ang DULA ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan. Ito ay naglalarawan ng
araw-araw na pangyayari sa buhay ng tao, masaya man o malungkot. May ilang paraan ng
pagsasadula. Ang ilan sa mga ito ay ang dulang panradyo at dulang pantanghalan. Sa dulang
panradyo ay hindi nakikita ang mga gumaganap. Sila ay naririnig sa pamamagitan ng radyo,
samantalang ang dulang pantanghalan naman ay itinatanghal sa entablado. Nakikita ang mga
gumaganap sa isang dulang pantanghalan.
RETORIKAL NA PANG-UGNAY
Ang RETORIKAL NA PANG-UGNAY ay salitang nag-uugnay ng salita o pahayag
na nagsasaad nang walang katiyakan o pag-aalinlangan sa pagkakaganap ng kilos o
kondisyon. Narito ang mga gamit ng Retorikal na Pang-ugnay:
1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

1. Baka – Nagsasaad nang walang katiyakan.


Halimbawa:
Baka hindi nakapagtapos sa pag-aaral si Arturo kung hindi siya hinamon ng kaniyang
ama.
2. Sakali – Nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
Sakaling hindi nagsikap ang ina na mapagkasundo ang mag-ama ay patuloy na
maghihinanakit si Arturo sa kaniyang ama.
3. Kung – Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon.
Halimbawa:
Kung nakinig din sana ang mga kapatid niya, marahil ay matagumpay din sila.
4. Kapag – Nagsasabi ng tiyak na kondisyon.
Halimbawa:
Papayagan lamang si Arturo na makipagkita sa kasintahan kapag araw ng Linggo.
5. Disin sana – Nagsasaad ng kondisyon.
Halimbawa:
Kung nakinig agad siya sa kaniyang ina, disin sana ay nakasama pa niya nang matagal
ang kaniyang ama.
EDITROYAL NA NAGHIHIKAYAT
Ito’y nagbibigay ring n kahulugan, nakikipagtalo at namumuna. Subalit ang
binibigyang-diin ay ang mabisang panghikayat.

Mga Gawain at Pagsasanay

GAWAIN 1: Piliin ang mga retorikal na pang-unay sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Kung ang mga alaga niyang inahing manok ay mahiwaga magdadala ito ng
suwerte sa pamilya.
2. Mahirap ang kanilang buhay sa una sakaling di naging maunlad ito tuloy lang
ang buhay.
3. Ang kanyang pagal na katawan ay nangangailangan ng pahinga baka
manumbalik pa ang kanyang lakas.
4. Kung di yumao ang kanyang ama disin sana’y nakatapos siya ng kanyang pag-
aaral.
5. Ang magagarang damit ng hari ay balewala kapag tapos na ang kanyang
termino.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

GAWAIN 2: Basahin ang akdang “Ang Matandang Tandang.” Batay sa binasa suriin ang
pagkamakatotohanan ng mga pangyayari. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong
sagutang papel.
1. Maganda ba ang paraang naisip ni Bagoamama upang makatulong sa kanyang
magulang? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, aksidente nga kayang nahuli sa patibong ni Bagoamama ang
mahiwagang tandang kasama ang iba pang manok? Pangatwiranan ang iyong sagot.
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bagoamama, susundin mo ba ang lahat ng
sinabi ng Tandang? Ipaliwanag ang sagot.
4. Sa iyong palagay, ano ang sinisimbolo ng mahiwagang tandang sa dula?
5.Ano-ano ang mahahalagang aral na napulot sa dulang iyong nabasa? Maglahad kung
paano mo ito maisasabuhay.

GAWAIN 3: Mula sa binasang dula, pumili ng apat (4) makatotohanang pangyayari at


iugnay ito sa iyong sariling karanasan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

GAWAIN 4: Sumulat ng editorial na naghihikayat gamit ang totoo, tunay, talaga, pero,
subalt. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
“COVId 19 ay Wakasan… Sanhi ng Ating Kamatayan”
GAWAIN 5. Unawain ang mga kasabihang maiuugnay sa binasang dula. Ipaliwanag ang
kahulugan ng kasabihan sa tulong ng pagsasalaysay ng sariling karanasan. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
GAWAIN 6: Piliin ang retorikal na pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan baka magsisi ka pagdating ng araw.


2. Kung tayo ay magkakaisa tiyak na uunlad ang bayan.
3. Tuturuan kita sakaling makapasa ka.
4. Hindi makakapunta si Martin kapag umuulan.
5. Kung tumulong ka sa nanay mong magluto disin sana’y maaga niyang nailako ang
mga lutong ulam na paninda.
6. Sasama akong manood ng sine kapag pinayagan ako ni nanay.
7. Sasayaw ako kapag aawit ka.
8. Sakaling hindi ako makapunta bukas sabihin mo nalang sa akin ang mga napag-
usapan.
9. Mabigat ang trapiko baka mahuli ako sa trabaho.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

10. Kung nag -usap kami sa barangay marahil ang kasong ito’y tapos na.

Pormatibong Pagtataya

A. Piliin ang retorikal na pang-ugnay sa mga sumusunod na bilang. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Kung ng akdang ‘Ang Mahiwagang Tandang’ ay isang kuwentong mahika ang Pagong at
Matsing naman ay isang pabula..
2. Sakaling ang ama ni Bagaomama ay ang matandang manok.
3. “Anak, hindi natin alam ang tunay na layunin ni Allah. Anong malay mo, baka bukas
makalawa ay maawa sa atin si Allah at gagawin din niyang maginhawa ang ating buhay.”
4. Kung ang tao ay ipinanganak na mahirap disin sana’y wala nang mayaman sa mundo.
5. Yayaman ang tao kapag nagsikap sa buhay.

B. Lagyan ng angkop na retorikal na pang-ugnay ang pangungusap upang mabuo ang diwa
nito.

1. Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho, _________ may naipon ka bago
magpasko.

2. Hindi makakapunta si Martin _____ umuulan.


3. __________ ako’y nagkamali, sana’y bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.
4. Kung ginawa mo agad ang sinabi ni itay _____________ hindi ka napalo.
5. Hintayin na lang natin si Kris baka __________ parating na siya.
6. __________ hindi siya kumain ng mangga marahil ay hindi sumakit ang kaniyang
tiyan.
7. Maghanda na tayo ng mga kandila at baterya para sa plaslayt _______ magkaroon ng
bagyo sa susunod na araw.
8. Magdala ka ng jacket _______mabasa ka ng ulan.

9. Hindi naman mahirap ang buhay _________ marunong ka lang dumiskarte.

10. Hindi ka nagsabing uuwi ka ngayon _________ naipaghanda kita ng iyong paboritong
ulam.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Baka kapag disin sana

Sakali Kung subalit

Gawain sa Pagpapahusay at Pagpapaunlad

GAWAIN 1: Maglista ng limang pangungusap na may retorikal na pang-ugnay sa sanaysay


na nasa ibaba. Bilugan ang pang-ugnay. Ipaliwanag kung paano ito ginamit sa pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ang Kahalagahan ng Recycling

Ang ating mundo ay nangangailangan ng balanse upang mapanatili nito ang kaayusan
ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o “pagiging balanse” ng ating
kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira
dito sa ating planeta.
Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga
hayop at halaman na kasama nating namumuhay rito ay nangangailangan din ng mabuting
pamumuhay. Kung hindi mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng
mga problema hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating.
Ayaw nating lahat na mangyari ito at magdusa ang lahat. Gusto nating magkaroon ng
magandang sistema ang ating mundo upang tayong lahat na nabubuhay rito ay magkaroon ng
maligaya at malinis na pamumuhay. Baka sa mga basurang itinatapon nang walang kontrol sa
araw-araw ay dahan-dahan nating nasisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating
ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Kung ang lahat
ay magiging maalam at may kusa sa pagtulong maaari pa nating gawan ng solusyon ang
lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa mga produkto na
ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang recycle upang mapababa ang basura
na likha ng mga ito sakaling maging isa itong solusyon sa suliraning pangkapaligiran. Ang
mga produktong gawa sa papel halimbawa ay maaari pang i-recycle upang mabawasan kahit
kaunti ang basurang maaari nitong malikha sa ating mundo. Kapag hindi tayo kikilos sa
ngayon, baka mahuli ang lahat. Kung noon pa lamang ay nagsagawa na ng mga proyekto at
batas pangkapaligiran disin sana’y walang problema. Ngayon na ang panahon upang
maisaayos ang suliranin natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin
ang pamumuhay ng mga darating na henerasyon. Kung hindi kikilos ngayon baka susunod na
henerasyon ay hindi na maranasan makalanghap ng sariwang hangin.
GAWAIN 2: Piliin kung anong mahiwagang tandang ang naglalaman ng pangkalahatang
konsepto ng dulang “Ang mahiwagang tandang. Ipaliwanag at bigyang patunay ang napiling
sagot.

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Masasalamin sa dulang“Ang
Masasalamin sa dulang“Ang
Mahiwagang Tandang” ang
Mahiwagang Tandang” ang
pagsamba ng mga tao sa itinuturing
pagsamba ng mga tao sa pera.
nilang Bathala.

GAWAIN 3: Kung ikaw si Bagoamama at nagpakita sa’yo ang mahiwagang tandang, ano
ang iyong gagawin? Sagutin ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang komiks gamit ang
komiks istrip. Gumamit ng mga retorikal na pangugnay sa pagbuo ng usapan. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
GAWAIN 4: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga retorikal na pangugnay. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Baka

2. Sakali

3. Disin sana

4. Kung

5. Kapal

GAWAIN 5: Sumulat ng editorial na naghihikayat gamit ang totoo, tunay, talaga, pero,
subalt. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
“KABATAAN….ALIPIN NG TEKNOLOHIYA”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Mabuhay at ikaw ay magbunyi! Natapos din sa wakas ang Unang Markahan! Okay ka
pa ba? Ngayon, oras naman na magpahinga
muna upang ganahan sa mga susunod pang aralin.
Hanggang sa muli! Paalam!

Ipagpatuloy mo ang maganda at kasiya-siya mong panimula sa pag-aaral!

Lingguhang Gawaing Pampagkatuto

LINGGUHANG GAWAING PAMPAGKATUTO NG MAG-AARAL SA BAHAY

Baitang: 7 Asignatura: Filipino 7


Linggo: Unang Linggo Markahan: Una

Petsa Lawak ng Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng


Pagkatuto Pampagkatuto Pagtalakay

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Agosto *Kuwentong- 1. F7PN-la-b-1 Isaisip Mo: Pag-alam sa kuwentong-bayan Self-


24-28, Bayan Nahihinuha ang at pagbibigay Learning Kit
2020 *Pagbibigay ng kaugalian at kalagayang ng patunay
mga Patunay panlipunan ng Gawain at Pagsasanay
Learning
kuwentong bayan batay Gawain 1: Pag-unawa sa Binasa Gawain
Packets
sa mga pangyayari at 2: Pagbibigay ng mga salitang
usapan ng mga tauhan naglalarawan.
2. F7WG-la-b-1 Gawain 3: Pagtukoy sa salita na
Nagagamit nang wasto nagbibigay ng patunay sa kaparehas na
ang mga pahayag sa kahulugan Gawain 4: Pagkilala sa mga
pagbibigay ng mga pahayag na kaparehas na salita Gawain
patunay 5: Pagsulat sa organizer
ng mga patunay Pormatibong
Pagtataya
Pagtukoy at Pagkilala
Gawain sa Pagpapahusay at
Pagpapaunlad
Gawain 1: Pagkilala sa mga katangian ng
Kuwentong Bayan Gawain 2: Pagtukoy
sa mga kilos ng mga tauhan.
Gawain 3: Pagtukoy sa pahayag na
nagpapakilala sa kaugalian, tradisyon at
paniniwala na nakapaloob sa akdang
binasa. Gawain 4: Pagkilala sa mga
kaugalian ng mga Pilipino/anak. Gawain
5: Pag-uugnay sa sariling karanasan na
kaugnay sa napakinggan at nabasang
akda.

Bait ang: 7
LINGGUHANG GAWAING PAMPAGKATUTO NG MAG-AARAL SA BAHAY

Asignatura: Filipino 7
Linggo: Ikalawang Linggo Markahan: Una

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Petsa Lawak ng Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng


Pagkatuto Pampagkatuto Pagtalakay
Agosto 31- *Pabula 1. F7PN- Isaisip Mo: Pag-alam sa pabula, Self-
Setyembre *Epiko lc-d-2 epiko, paghihinuha, sanhi at Learning
1-4, 2020 *Paghihinuha Nahihinuha ang bunga Kit
*Sanhi at kalalabasan ng Gawain at Pagsasanay:Pabula
Bunga mga pangyayari Gawain 1: Paghahambing sa mga
Learning
batay sa akdang tauhan
napakinggan Gawain 2: Pagtukoy sa mga sanhi at Packets
2. F7PB- bunga ng pangyayari Gawain 3:
ld-e-3 Pagtukoy sa mga
Naipaliliwanag ipinahihiwatig ng mga
ang Sanhi at pahayag
Bunga ng mga Gawain 4: Pagkilala sa mga salitang
pangyayari magkasingkahulugan Gawain 5:
Pagpapaliwanag
sa sanhi at bunga
Epiko
Gawain 1: Pag-unawa at
Paghihinuha sa binasa Gawain 2:
Pagbibigay ng mga sanhi sa mga
pangyayari Gawain 3: Paglalahad
ng kaalaman samit ang Concept
Web
Gawain 4: Pagtukoy sa salitang
magkasingkahulugan. Pormatibong
Pagtataya
Paghihinuha at Sanhi at Bunga
Gawain sa Pagpapahusay at
Pagpapaunlad
Gawain 1: Pagtatambal ng mga
sanhi at bunga ng Gawain 2:
Pagtukoy sa mga pahayag kung
Tama o Mali Gawain 3: Pagtukoy sa
katangian ng Pabulat at Epiko.
Gawain 4: Pagbibigay ng sanhi at
bunga

LINGGUHANG GAWAING PAMPAGKATUTO NG MAG-AARAL SA BAHAY

Baitang: 7 Asignatura: Filipino 7

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Linggo: Ikatlong Linggo Markahan: Una

Petsa Lawak ng Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng


Pagkatuto Pampagkatuto Pagtalakay
Setyembre *Maikling 1. F7PD-ld-e-4 Isaisip Mo: Pag-alam sa Self-
7-11, 2020 Kuwento Nasusuri ang isang kaligirang kasaysayan ng Learning Kit
* Dokyu- dokyu-film o freeze maikling kuwento, element,
Film o story Dokyu-film o Freeze Story
Learning
Freeze 2. F7PS-ld-e-4 Gawain at Pagsasanay Gawain
Packets
Story Naisasalaysay nang 1: Pagtukoy sa
maayos at wasto ang mga salita
pagkakasunodsunod ng Gawain 2: Pagsunud-sunod ng
mga pangyayari mga pangyayari. Gawain 3:
Pagsusunudsunod ng mga
pangyayari ayon sa pahayag
Gawain 4: Pagbibigay ng
wakas
Gawain 5: Pagpupuno ng wakas
sa pahayag
Gawain 6: Pagsusuri sa
Dokyu-Film o freeze story
Pormatibong Pagtataya
Pagtukoy
Gawain sa Pagpapahusay at
Pagpapaunlad
Gawain 1: Pagsusuri
Gawain 2: Pagtatala ng
mahahalgang konsepto Gawain
3: Paglalahad ng kahalagahan ng
Dokyu-film o freeze story
Gawain 4: Paghahambing gamit
ang Venn Diagram Gawain 5:
Pagbibigay ng wakas

LINGGUHANG GAWAING PAMPAGKATUTO NG MAG-AARAL SA BAHAY

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

Baitang: 7 Asignatura: Filipino 7


Linggo: Ikaapat na Linggo Markahan: Una

Petsa Lawak ng Kasanayang Gawaing Pampagkatuto Dulog ng


Pagkatuto Pampagkatuto Pagtalakay
Setyembre *Dula 1. F7W6-IF-G-4 Isaisip Mo: Pagkilala sa Self-
14-18, *Editoryal na Nagagamit nang wasto ang dula, editoryal na Learning
2020 naghihikayat mga retorikal na pangugnay naghihikayat at retorikal na Kit
*Retorikal na na ginamit sa akda. pang-ugnay Gawain at
Pangugnay 2. F7PB-IH-I-5 Pagsasanay Gawain 1:
Learning
Nasusuri ang Pagkilala sa mga retorikal
na pangugnay Packets
pagkamakatotohanan
ng mga pangyayari batay sa Gawain 2: Pagsusuri sa
sariling karanasan. pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari. Gawain 3: Pag-
uugnay sa
pagkamakatotohanan ng
pangyayari Gawain 4:
Pagsulat ng
editoryal na naghihikayat
Gawain 5: Pagpapaliwanag
at pag-uugnay ng mga
kasabihan
Gawain 6: Pagkilala sa
retorikal na pang-ugnay
Pormatibong Pagtataya
Gamit ng retorikal na pang-
ugnay
Gawain sa
Pagpapahusay at
Pagpapaunlad
Gawain 1: Pagtatala ng
pangungusap na may
retorikal na pangugnay.
Gawain 2: Pagbibigay
paliwanag sa konsepto.
Gawain 3: Paggawa ng
isang Komiks strip
Gawain 4: Pagbuo ng
pangungusap na may
retorikal na pangugnay.
Gawain 5: Pagsulat ng
Editoryal na naghihkayat

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

1
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO
KAGAMITANG PAMPAGKATUTO LEARNING PACKETS SA FILIPINO

33
Department of Education, NCR, Division of City Schools – Valenzuela
ISSN no. 123-123-123-123
@ Copy right - 2020

You might also like