You are on page 1of 10

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.

EDUCATION DEPARTMENT
EPEKTO NG PAGKAWALA NG ASIGNATURANG
PHILIPPINE HISTORY SA MGA PILING MAG AARAL NA
NASA SIYAM HANGGANG LABING DALAWANG
BAITANG SA IBA’T IBANG PAARALAN SA LUGAR
NG ATIMONAN QUEZON, TAONG PANURUAN 2023-
2024.

Ipinakita sa Fakultad ng Departamento ng Kolehiyo


Quezonian Educational College, Inc
Atimonan, Quezon

Ipinasa Bilang Bahaging Pangangailangan para sa


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

INIHANDA NI:
ELLIJAH MAE B. JAVIER

1
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Sa kabanatang ito makikita ang mga dahilan kung bakit napiling pag-aralan

ng mga mananaliksik ang ganitong uri ng paksa, mga kaligiran ng paksa, layunin ng

mga mananaliksik, ang sakop at delimitasyon ng buong pag-aaral, kahalagahan ng

pagsasagawa ng naturang pag-aaral.

A. SULIRANIN

Ang nangyari sa nakaraan ang siyang humubog sa ating kinalalagyan. Isa ang

Pilipinas sa mga bansang nakatikim ng pait ng mga dayuhan na hanggang ngayon sa

kasakuluyan ay mababakas natin ang kanilang iniwan ngunit habang tumatagal,

bakit parang nalilimot ang sakripisyo at pinagdaanan ng mga ninuno nating

matatapang? Hindi na nabibigyan ng importansya ang nakaraan dahil sinasabi ng

karamihan na “Nakaraan na ito, ang mahalaga ay kasalukuyan.”, “Hindi ko

kailangan malaman ang mga ‘yan dahil hindi ko kakailanganin ‘yan sa magiging

trabaho ko.” at marami pang ibang dahilan.

Labing-apat (14) ng Abril taong 2014 nang maaprubhan ng dating kalihim ng

DepEd na si Armin A. Luistro ang DepEd order no. 20, S. 2014 na siyang

nagtanggal sa asignaturang Philippine History o mas kilala sa asignatura sa Araling

Panlipunan na Saksi ng Kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimulang mawala ang

asignatura na ito nang

2
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT
maisabatas ang K-12 program noong 2013 ngunit ang pagkawala ng asignatura na

ito ay hindi agad agad, noong panuruang 2012-2013 hanggang panuruang 2013-2014

ay itinuturo pa ang asignaturang SK o Saksi ng Kasaysayan ng Pilipinas sa mga

unang estudyante ng pitong baitang o mas kilala na First year highschool sa dating

sistema. Ngunit nang sumapit ang panuruang 2014-2015 ay nawala na sa Araling

Panlipunan ang asignaturang nagtuturo sa Kasaysayan ng Pilipinas at natira na lang

sa Araling Panlipunan ang Araling Asyano na siyang itinuturo sa pitong baitang,

Kasaysayan ng Daigdig na itinuturo naman sa walong baitang, Ekonomiks na

itinuturo sa siyam na baitang, at mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan

na itinuturo sa ika- sampung baitang.

Madaming kabataan ngayon ang mababaw ang pananaw o kaalaman sa

Kasaysayan ng Pilipinas, naituro man sa kanila noong Elementarya ang kasaysayan

ngunit pagdating naman ng Sekondarya ay wala na ang asignaturang dapat humahasa

sa kaalaman nila rito. Halimbawa nito ay alam man nila ang mga Bayani ng ating

bansa ngunit hindi nila alam kung paano sila naging Bayani. Ang pagkakaroon ng

malalim na kaalaman sa kasaysayan ay ang pagkakaroon ng kayamanan na dala

natin galing pa sa mga taong nagsakripisyo para makamit ang Pilipinas na meron

tayo ngayon. Ang pagkakaroon ng asignaturang Philippine History ay pagkakaroon

ng respeto, pagkakaroon ng kaalaman, at pagbibigay pugay sa ating mga bayani, sa

ating mga ninuo, at sa mga magigiting na taong buong pusong mahal at pinaglaban

ang bansang Pilipinas.

3
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT

Hindi madali ang asignaturang Philippine History dahil napakadaming

pinagdaanan ng Pilipinas; kasaysayan man ito bago dumating ang mga banyaga o

kasaysayan ng pananakop nila. Ngunit napakayaman ng Pilipinas at noon pa man ay

matatawag nating matatalino ang mga Pilipino kahit na tinawag tayong Indio ng mga

banyaga, paniguradong itataas tayo ng kaalaman natin o ng matututunan natin sa

kasaysayan ng Pilipinas dahil gaya ng sabi ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong

lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” Kaya naman sa

pag-aaral na ito ay aalamin at pag-aaralan ng mananaliksik ang Epekto ng pagkawala

ng Asignaturang Philippine History sa mga piling mag aaral na nasa siyam hanggang

labing dalawang baitang sa iba’t ibang paaralan sa lugar ng Atimonan, Quezon, kung

saan mas nilalamon na ang tao ng teknolohiya at ng bagong kaalaman kaysa sa ating

nakaraan o ating pinagmulan.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang epekto ng

pagkawala ng asignaturang Philippine History sa mga piling mag aaral na nasa

siyam hanggang labing dalawang baitang sa iba’t ibang paaralan sa lugar ng

Atimonan Quezon, Taong Panuruan 2023-2024. Layunin nitong sagutin ang mga

tiyak na katanungan:

4
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT
1. Ano ang epekto ng pagkawala ng asignaturang Philippine History sa mga

mag- aaral na nasa siyam hanggang labing dalawang baitang batay sa mga

sumusunod:

1.1 Kaalaman sa kasaysayan

1.2 Interes sa asignatura

1.3 Pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas

1.4 Interes sa kahalagahan ng kasaysayan ng Pilipinas

2. Gaano kalawak ang kaalaman ng mga mag aaral sa kasaysayan ng Pilipinas

sa kabila ng pagkawala ng asignaturang Philippine History.

3. Gaano kalalim ang pag unawa na meron ang mga mag aaral sa kasaysayan ng

Pilipinas.

C. LUNAN NG PAG-AARAL

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa iba’t ibang paaralan sa munisipalidad ng

Atimonan, Lalawigan ng Quezon.

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Naniniwala ang mananaliksik na napaka-signipikant at mahalaga ang pag-

aaral na ito sapagkat ito ay maaaring maging gabay at makatulong sa sumusunod:

5
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT
INSTITUSYON

Malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa Institusyon sapagkat ang

pananaliksik na ito ay magiging ebalwasyon sa mga mag-aaral na siyang

makakatulong sa Institusyon upang maging reperensiya ng susunod pang mga

mananaliksik na may kaugnayan sa paksa.

GURO

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga ka-guruan lalo na sa mga guro na

asignaturang Filipino ang itinuturo sapagkat magkakaroon ang mga guro ng ideya o

kaalaman sa kung ano ang kapasidad ng karamihan ng estudyante sa asignaturang

nabanggit. Malalaman ng mga guro sa pananaliksik na ito ang kahalagahan ng

pagtuturo ng asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas at kung bakit kailangan ibalik ito

sa sistema ng edukasyon.

MAG-AARAL

Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga kapwa ko mag-aaral upang

magkaroon sila ng kaalaman sa importansya ng pag aaral ng Asignaturang

Philippine history na siyang magmumulat sa kanila upang malaman ang kahalagahan

ng pag aaral nito.

SUSUNOD NA MANANALIKSIK

Malaki ang maiaambag ng pananaliksik na ito sa mga susunod pang mga

mananaliksik dahil maaari nila itong pagkuhaan ng mga impormasyon na may

kinalaman at kaugnayan sa paksang kanilang pag-aaralan lalo na sa mga

mananaliksik na kumukuha

6
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT
ng Filipino major upang mamulat sila sa kahalagahan ng asignaturang Filipino.

Reperesiya din ito na makakatulong na mapadali ang pag-aaral.

E. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng pagkawala ng asignaturang

Philippine History sa mga piling mag aaral na nasa siyam hanggang labing dalawang

baitang sa iba’t ibang paaralan sa lugar ng Atimonan Quezon, taong panuruan 2023-

2024. Sa pag-aaral na ito ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga

kakailanganing datos sa pag-aaral ay isang sarbey-kwestyoneyr o talatanungan.

Ang mananaliksik ay kukuha ng tatlumpu't dalawa (32) na respondante mula

sa piling apat na mataas na paaralan sa Atimonan, Quezon. Ang mananaliksik ay

kukuha ng walo (8) na respondate sa bawat apat na piling paaralan na bubuohin ng

dalawa (2) na estudyante mula ika-siyam na baitang, dalawa (2) na estudyante mula

sa ika-sampung baitang, dalawa (2) na estudyante na mula sa ika-labing isang

baitang, at dalawa (2) na estudyante na mula sa ika-labing dalawang baitang na may

mataas na grado sa kanilang klase na bubuohin ng tatlumpu’t dalawa (32) na

estudyanteng respondante mula sa apat na piling mataas na paaralan. Ang

pananaliksik na ito ay magiging kumpidensyal at pribado, sa pananaliksik na ito ay

makakasiguradong walang mababanggit na kahit anong panagalan ng estudyante at

paaralan na pinag sarbeyan.

7
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT
F. BATAYANG KONSEPTWAL

INPUT PROSESO AWTPUT

Ano ang epekto ng pagkawala ng asignaturang


Pag gawa ngPhilippine
sarbey- kwestyoner
History saukol
mga sa
mag-aaral
paksa ngnapananaliksik.
nasa siyam hanggang
Kaalaman sa kasaysayan Humingi ng aprubal sa guro sa pananaliksik ng ginawang sarbey- kwestyon
Interes sa asignatura Humingi ng pahintulot sa punong guro ng napiling paaralan na pag gagana
Pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas
Pagpapasagot ng
Interes sa kahalagahan ng kasaysayan
sarbey.
ng Pilipinas
Gaano kalawak ang kaalaman ng mga Pag-aanalisa,
mag aaral pagbibigay
sa kasaysayan
ng interpretasyon
ng Pilipinas sa sa
kabila
mgang
nakuhang
pagkawaladatos
ngatasigna
impo
Gaano kalalim ang pag unawa na meron
Pag gawa
ang mga
ng talahanayan
mag aaral sa
at kasaysayan
grapikong presentasyon
ng Pilipinas. sa resulta ng talatanun

Pagkakaroon ng kamalayan ng mga mag-

Pigura 1.

8
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT
G. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

1. ASIGNATURA - Ang asignatura o subject ay isang sangay ng kaalaman na

pinag-aaralan o tinuturo sa eskwelahan, kolehiyo o unibersidad. Halimbawa

nito ay ang asignatura na Filipino, English, T.L.E, at marami pang iba. Ang

mga asignatura ay napapalitan o nadaragdagan sa bawat taon ng pag-aaral.

2. DATOS - Ang datos ay tumutukoy sa mga impormasyon na ginagamit sa

isang pag aaral. Ito ay maaaring mga elemento o kaalaman na may kinalaman

sa paksa. Ito ay isang batayan sa pagtiyak ng kasagutan.

3. DEPED ORDER NO. 20, S 2014 - Ang DepEd oeder no. 20, S 2014 ay

ang pagtatanggal ng asignaturang Philippine History o Kasaysayan ng

Pilipinas bilang asignatura sa highschool.

4. EPEKTO - Ang epekto ay isang kinalabasan, naging resulta o naging

bungay ng isang pangyayari, bagay at mga sitwasyon.

5. INDIO - Ang indio ay ang tawag ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

Negatibo ang kahulugan ng salitang ito sapagkat ang salitang ito ay ginamit

ng mga Espanyol sa pang aalipusta sa mga Pilipino na ang ibig sabihin ay

“mga taong walang alam” o “mabababang klaseng tao”.

6. KASAYSAYAN - Ang kasaysayan o historya ay ang pag-aaral sa nakalipas

na panahon. Ang kasaysayan ay ang mga nangyari sa nakaraan.

9
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
EDUCATION DEPARTMENT
7. KURUKULUM - Ang kurikulum ay disiplina sa paaralan. Ang kabuuan na

nilalaman ng isang pinag-aaralan, mga gawain at mga pinagbatayan na

puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga paaralan sa natatanging

gawaing pantao bilang isang institusyon ng katarungan at makataong

pagpapaunlad.

8. PHILIPPINE HISTORY- Ang Philippine history ay ang Kasaysayan na

nangyari sa Pilipinas. Ito ay ang mga nangyari sa nakaraan; pamumuhay ng

mga Pilipino noon, bago at pagkatapos mangyari ang pananakop sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng mga pag-aaral, nabubuo ng mga tao ang kanilang mga

kasanayan at kakayahan sa iba't ibang aspeto at larangan, na siyang magbibigay

sa kanila ng dagdag kaalaman sa daan na kanilang tatahakin. Mahalaga na mula

pagkabata ay mamulat na ang lahat sa kahalagahan ng pag aaral at sa

kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman, kakayahan, at pagkakaroon ng

malawak na pag- unawa upang mas mapalawak nito ang pananaw natin sa buhay.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kasaysayan
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2014/04/DO_s2014_020.pdf
https://www.facebook.com/368876473873980/posts/ano-ang-kurikulum-ang-kabuuan-na-nilalaman-ng-isang-
pinag-aaralan-mga-gawain-at-/368888207206140/
https://brainly.ph/question/59777
https://www.tagaloglang.com/datos/

You might also like