You are on page 1of 3

Panunuring Pampanitikan

IMPENG NEGRO

FRANZ PAULO B. ESPINOSA

BSED FILIPINO-2C

Tema:

Ang Empen Negro ay patungkol sa isang bata na kakaiba ang kulay kumpara sa
kaniyang mga kapatid. Nang dahil nga dito ay kinukutya siya ng mga kababayan niya
sa kaniyang lugar sapagkat ang kulay ng bata na si Impen na tauhan sa kwento ay
maitim. Ngunit sa kabila ng pangungutya na naririnig nya ay nanatili syang masipag na
bata at masunurin sa magulang.

Tauhan:

Impeng - Ang laging tinutukso sa gripo

Ogor - Ang mahigpit na kaaway ni Impen

Boy - Ang bunsong kapatid ni Ogor

Ang kanyang Ina at mga Agwador

Boyet , Dingding at Kano - Mga kapatid ni Impen

Tagpuan: Sa isang barangay, Sa bahay Nina Impen at sa gripo.

Banghay

Simula: Nagsimula ang kwento sa pagsasabi o pagpapayo ng kaniyang Ina na huwag


nalang niyang patulan kumukutya sa kaniya. Si Impen ay laman ng biruan kaya't
dumadating ang oras na nakikipag-away siya upang ipagtanggol ang kaniyang sarili.

Sulyap na Suliranin:

Ito ang pangunahin suliranin ng tauhan sa kwento na si Impen ang panunukso kay
Impen ng kapwa Agwador at ni Ogor. Ang suliranin ng tauhan sa kwento na si Impen ay
ang kaniyang kabarangay na lagi siyang kinukutya kapag siya ay pumupunta sa gripo.
Si Impen ay isang batang maitim na palaging kinukutya ng kaniyang mga kasamahan
dahil sa kulay ng kaniyang balat na maitim. Kaya't ang batang si Impen naging
masalimuot ang buhay dahil pangungutya na lagi niyang nararanasan.
Saglit na Kasiglahan:

Si Impeng ay palaging pumupunta sa igiban.

Tunggalian:

Ang pagiging mapanukso ni Ogor kay Impen kapag nakikita nitong papunta si Impen sa
gripo upang kumuha ng tubig.

Kasukdulan:

Nang hinawakan ni Ogor si Impen ay naalala ni Impen ang pinagsasabi ni Ogor


patungkol sa kaniyang Ina kaya't pinalayo niya ito at nagsimulang magalit si Ogor sa
kaniya at sinaktan Niya si Impen kaya't sa pagkakataon na iyon ay nag-away at
nagkasakitan sila.

Kakalasan:

Si Impen ay naluha sa galak sapagkat sa kanilang paglalaban ni Ogor siya ay nanalo at


sa oras na iyon napatunayan niya kay Ogor na kaya nyang pagtanggol ang kaniyang
sarili at manalo sa kanilang sagupaan.

Wakas:

Sa pagtatapos ng kwento ipinakita ng inaapi at kinukutya na kailangan niyang


ipagtanggol ang kaniyang sarili sa mga taong walang ibang ginawa kundi siya ay laitin
at saktan ang damdamin. Ipinapakita din sa kwentong ito kung paano nagpakatatag ang
pangunahing tauhan sa kwento na si Impen.

Bisang Pangkaisipan ng Akda

Sa akda na aking nabasa ay napagtanto ko na wala sa panlabas na kaanyuan ang


basehan kung paano natin rerespetuhin ang isang tao. Kaya't kailangang malawak ang
pang-unawa natin sa bagay-bagay para maiwasan nating makasakit at masaktan sa
bawat pangyayari sa ating buhay.

Bisang Pandamdamin at Pangkaasalan ng Akda:

Pinatunayan sa akin ng akdang ito na hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong


umunawa at unawain ang mga taong patuloy na sinasaktan ang iyong damdamin. Sa
halip, kailangan mo rin na ipagtanggol ang iyong sarili para ipaunawa sa isang tao na
ang kaniyang ginagawa ay hindi nakakabuti.
Aral mula sa Akda:

Ang aking natutunan ay huwag mong titingnan ang kapintasan ng iba at huwag mo ring
gawing katatawanan ang kulay ng isang tao sapagkat lahat tayo ay may pagkakaiba
pero hindi yun ang dahilan para maging mapangutya tayo. Batkus ang kailangan natin
ay pahalagahan at respetuhin ang ating kapwa sapagkat nandito tayo sa mundo
upang magpalakas ng loob ng isang tao at hindi magpababa ng lakas ng loob.

Puna sa Akda:

Ang aking napuna sa akda na aking binasa ay bitin sapagkat para sa akin mas
magandang ipinakita din ng manunulat ng kwento ang magandang katangian ni Ogor
pagkatapos na matalo siya ni Impen sa isang labanan at kung paano sila nagkaayos
pagkatapos ng pangyayari na iyon.

Mungkahi:

Ang aking imumungkahi sa may akda ng kwento ay dagdagan ang mga parte kung
paano nagpakatatag si Impen at kung ano ang kaniyang naging pananaw noong di pa
niya nilalabanan si Ogor at ano ang kaniyang pananaw pagkatapos niyang matalo si
Ogor. At kay Ogor naman ay gusto kulang din padagdagan sa gumawa ng akda kung
ano ang mga ginawang hakbang ni Ogor upang sila ay maging matalik na magkaibigan
ni Impen pagkatapos nilang maglaban.

You might also like