You are on page 1of 17

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA

Sa kabanatang ito binibigyan ng pansin ang kaugnay na literatura at pag-

aaral na isinagawa ng mga lokal at banyagang mananaliksik na may kinalaman sa

kasalukuyang pag-aaral. Sa tulong ng mga nakalap na impormasyon na nagmula

sa iba’t ibang aklat, sanggunian at iba pang mga saliksik, mas higit na nauunawaan

ang kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral.

Literaturang Konseptwal

Sa bahaging ito ay matutunghayan ang mga kaugnay na literatura na

ginamit ng mga mananaliksik upang lalong maging maliwanag ang paglalahad ng

kasalukuyang pag-aaral.

Simula nang isilang, ang bawat tao ay binigyan na nang pantay-pantay na

karapatang linangin at gamitin ang mga makrong kasanayang pangwika sa

kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga ito ang nagsisilbing patunay

na ang tao ang may pinakaangat na abilidad at talino sa lahat ng nilikha ng Diyos.

Isa sa mga mahahalagang kasanayang pangwika na dapat malinang ng tao

ang pagbasa. Ito ang nagsisilbing daan sa pagtuklas ng mas malawak na kaalaman

at karunungan na nagiging puhunan na tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang

mundong ginagalawan. Bukod pa rito, ito rin ay may malaking kaugnayan sa iba

pang makrong kasanayang pangwika gaya ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat

dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng kaisipan at maayos na

pakikipagkomunikasyon sa lahat ng larangan o disiplina.


Sa aklat naman ni Arrogante et. al, (2007) sinabi ni Urquhart at Weir na ang

pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong

nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag midyum.

Ganito rin ang pahayag ni Bernales et. al, (2013) na ang pagbasa ay ang

pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Hindi

lamang kasanayang pangwika ang pagbasa kung hindi isang mahalagang Gawain

din. Kung nais niyang matuto, ituturing niya ang pagbasa bilang behikulo sa

pagtuklas at pagtamo ng sari-saring kaalaman.

Binanggit sa aklat ni Austero et.al, ang pagbasa ay isang saykolinggwistiks

na paghinuha o guessing game kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng

isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Isang prosesong sibikal

buhat sa teksto na nagpapakahulugan o nagbibigay ng prediksyon. Idinagdag pa

rito na ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang

binubuong konsepto, kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyon

na mababasa sa teksto.

Sinabi naman ni Toze (2012) na nagbibigay ng impormasyon at nagiging

daan sa kabatiran at karunungan ang pagbasa. Isa itong aliwan, kakayahan,

pakikipagsapalaran, pagtuklas at nagbibigay ng ibat-ibang karanasan sa buhay.

Tunay na napakaraming kaalaman ang makukuha ng tao sa pagbabasa. Maaari

siyang makatuklas ng mga bagay na makatutulong sa kanya sa kanyang pang-

araw-araw na pamumuhay. Isa itong mabisang aliwan na hindi lamang


nagpapatalas ng isipan kundi nakapagbibigay ng kasiyahan lalo na sa mga taong

hilig ang pagbabasa.

Sang-ayon ito sa sinabi ni Adison (2006) na kung ang ehersisyo ay para sa

katawan, ang pagbasa ay para sa isip. Sa lahat ng libangan o direksyon sa

buhay,wala pang makapupuno sa mga empty spaces o espasyo maliban sa

kapakipakinabang na pagbasa.

Sinabi din ni Adler (2006) na ang pagbasa ai isang basikong instrumento sa

mabuting pamumuhay ngunit sinabi ni Martineau na bagaman at marami ang

nagbabasa, kakaunti lamang ang nag-iisip kung kaya ipinahayag ni Dalberg na

kailangang matuto hindi lamang sa pamamagitan ng pagsulat kung hind imaging

ng pagbasa.

Para naman kay Grades et. al, (2007) ang isang metakognitibong

mambabasa ay tinatanong sa sarili kung nauunawaan ba niya ang sinasabi ng

awtor, ano ang gagawin niya kung hindi niya nauunawaan ang binasa at ano ang

maaari niyang gawin upang lalong maunawaan ang sinasabi ng awtor.

Sa pagtanggap ng mga mensahe na nakapaloob sa mga babasahin,

kinakailangang aktibo lahat ng aspektong mental. Mauunawaan niya ang kaisipan

o mensaheng nais iparating ng awtor kaya sa ganitong paraan nagiging

matagumpay at kumpleto ang proseso ng pagbasa.

Sa aklat naman ni Arrogante et. al, (2007) sinabi ni Urquhart at Weir na ang

pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong

nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag midyum.


Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal

sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na

kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na huhubog sa

kanyang pagkatao. Patuloy ang paglawak at pagdami ng mga impormasyon at mga

babasahin taun-taon kung kaya patuloy ang pagdami ng nakukuhang karunungan

at kaalaman kung ang tao ay may hilig at may interes sa pagbabasa.

Literaturang Saliksik

Ang mga saliksik sa ibaba ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral na

masusing sinuri ng mga risertser.

Sa ginawang pag-aaral nina Abanez et. al, (2005) na patungkol sa

ebalwasyon sa mga kasanayang pangwika, nilayon nilang alamin kung may

sinipikanteng kaugnayan ang mga nakuhang marka ng mga mag-aaral sa Filipino

sa kanilang kasanayang pangwika sa pakikinig, pagbabasa, pagsasalita at pagsulat

at alin sa mga kasanayang pangwika ang lubos na kinakitaan ng kaalaman ang

mga mag-aaral. Ginamit nila sa pag-aaral ang palarawan o deskriptibong

pananaliksik at binuong pagsusulit bilang pangangalap ng datos. Ginamit na

respondente ng mga mananaliksik ay ang mga mag-aaral sa ikatlong antas sa

Mataas na Paaralan ng Baybayin sa Rosario Batangas. Ang istadistikang ginamit

ng mga mananaliksik ay ang one way analysis of variance (ANOVA) o F Test

upang malaman ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral. Sa kinalabasan ng pag-

aaral, napatunayang may kaugnayan ang marka sa Filipino ng mga mag-aaral

sakanilang kasanayang pangwika na kung saan kinakitaan ng kahusayan ang mga


mag-aaral sa pagsasalita sumunod ang pagbasa at pakikinig ngunit kinakitaan ng

kahinaan sa pagsulat.

Sa pag-aaral naman nina Javier et. al, (2005) na nakatuon din sa

ebalwasyon sa mga kasanayang pangwika, ginamit nilang respondente ang mga

mag-aaral sa ikalawa at ikaapat na taon sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa

Pambansang Pamantasan ng Batangas, Kampus ng Malvar na kumukuha ng mga

programa na BEED, BSED at BSIE. Nilayon nilang alamin ang antas ng

kasanayan sa sining komunikasyon ng mga mag-aaral kaugnay sa apat na

kasanayang pangwika, alin sa apat na kasanayan kinakitaan ng kahinaan ang mga

mag-aaral at kung may sinipikante bang pagkakaiba ang sagot ng mga respondente

ayon sa tatlong programa. Ginamit nila ang deskriptibong pamamaraan ng

pananaliksik at binuong pagsusulit . Ang istadistikang ginamit ay ang T-Test upang

malaman ang antas ng kasanayan ng mga respondente. Natuklasan na may

signipikanteng pagkakaiba ang sagot ng mga respondente batay sa tatlong

programa at nakitaan ng kahusayan ang mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat at

pagsasalita ngunit kinakitaan ng kahinaan sa pakikinig.

Sa pag-aaral naman nina Marques et. al, (2005) na nilayon ding alamin ang

antas ng kasanayan sa pagbasa, ginamit nilang respondente ang mga mag-aaral sa

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa Pambansang Pamantasan ng Batangas,

Kampus ng Malvar na nagpapakadalubhasa sa Ingles. Gumamit sila ng pagsusulit

at deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik. Ipinangkat nila ito ayon sa ibat-


ibang antas ng pag-unawa sa pagbasa gaya ng literal, inperensyal at kritikal.

Gumamit sila ng istadistikang arithmetic mean,

T-Test para sa masusuing pag-aanalisa ng mga nalakap na datos.

Para naman kay Ugat et. al, ( 2005) sa kanilang saliksik na patungkol sa

lebel ng pag-unawa ng mga respondente sa tekstong binasa, ipinangkat nila ito

ayon sa literal na komprehensyon, imperensyal, kritikal at malikhain. Ginamit

nilang respondente ang mga mag-aaral sa Kolehiyo ng edukasyong pangguro na

nagpapakadalubhasa sa Filipino, Ingles, Matematika at Agham. Gumamit sila

palarawang disenyo at ng pagsusulit at arithmetic mean bilang paraan ng

pangangalap ng datos. Sa kinalabasan ng pag-aaral, nakitang mas mataas ang

literal na pagpapakahulugan ng mga respondente sa kanilang binasa.

Sa saliksik naman nina Sacdalan et.al, (2006) ang pag-aaral nila ay

nakatuon sa antas ng kakayahan sa bokabularyo ng mga mag-aaral sa intermedya

ng Paaralang Sentral ng Talaga. Nilayon nilang alamin kung ano ang katangian ng

mga respondente na ibinatay ayon sa kanilang edad, kasarian at antas ng interes sa

pagbabasa. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kung ano ang kaugnayan ng

pagbabasa sa pagpapaunlad ng bokabularyo at ang kahalagahan ng mayamang

bokabularyo upang maging mabisang tagapagsalita. Sa paglalarawan ng personal

na impormasyon ukol sa mga respondent, ang porsyento o bahagdan ang ginamit.

Upang masukat ang antas ng interes sa pagbabasa ay weighted mean ang ginamit

samantalang ang anats ng kakayahan sa bokabularyo ay sinukat sa pamamagitan

ng arithmetic mean. Ginamit din nila ang deskriptibong pamamaraan ng


pananaliksik at lumabas sa pag-aaral na ang antas ng interes sa pagbasa ng mga

mag-aaral ay may signipikanteng kaugnayan sa pagpapaunlad ng kanilang

talasalitaan o bokabularyo.

Sa ginawa namang saliksik nina Gamo et. al, (2006) tungkol sa pagbasa ay

nilayon nilang alamin kung ano ang suliranin ng mga mag-aaral sa ikatlong

baitang sa Mataas na Paaralan ng Malvar. Ginamit nilaang deskriptibong

pamamaraan ng pananaliksik at Philippine Informal Reading Inventory ( Phil. Iri. )

bilang pagsusulit o sukatan upang alamin ang suliranin ng mga respondente sa

pagbabasa.

Sa pag-aaral naman nina Mendoza et. al, (2006) na tungkol din sa pagbasa,

ginamit nilang batayan sa pangangalap ng datos ang Philippine Informal Reading

Inventory (Phil. Iri.) ng mga mag-aaral sa ikaanim na antas sa Paaralang Sentral ng

Malvar. Ang palarawang pamamaraan ng pananaliksik, mean at chi-square bilang

istadistikang ginamit. Natuklasan sa pag-aaral na malaking porsyento ng mga

mag-aaral ang nakadepende sa kanilang guro kung paano nila mauunawaang

mabuti ang binasa.

Sa pananaliksik naman nina Marciana et. al, (2007) nilayon nilang alamin

ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga respondente mula sa unang antas sa

Mataas na Paaralan ng Tinurik kung iaayon sa kanilang antas ng pamumuhay at

interes sa pagbabasa. Ang deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik ang

kanilang ginamit at ang frequency, percentage, mean at chi-square ang mga

istadistikang ginamit. Sa pangangalap ng mga kaukulang datos na makatutulong sa


pag-aaral ay gumamit sila ng kwestyuner at pagsusulit. Natuklasang walang

signipikanteng pagkakaiba ang antas ng kasanayan ng mga respondente kung

ibabatay sa kanilang katayuan sa buhay at nakita namang may malaking

kaugnayan ang interes ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na kasanayan

sa pagbasa.

Sina Morcilla et. al, (2007) ay gumawa rin ng saliksik na nakatuon sa antas

ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa unang antas sa Mataas na Paaralan

ng Tinurik at ginamit na batayan ng mga mananaliksik ang antas ng katayuan sa

buhay ng mga respondente, ang kanilang interes at kaalaman sa pagbabasa at

ginamit ang porsyento upang masukat ang mga ito. Ginamit din nila ang

deskriptibong korelasyunal na pananaliksik at natuklasang may mataas na anats sa

kasanayan ang mga mag-aaral sa pagbabasa.

Sintesis

Ang lahat ng pananaliksik at datos na nakalap ng mga risertser ay pawang

may kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral.

Ang pag-aaral na ginawa nina Abanez at Javier ay may kahalintulad sa

kasalukuyang pag-aaral dahil ito rin ay patungkol sa kasanayang pangwika ngunit

ang kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon lamang sa lebel ng komprehensyon sa

kasanayang pagbasa na siyang ikinaiba nito sa dalawang pag-aaral na nabanggit.

Palarawang pamamaraan din ng pananaliksik at pagsusulit ang ginamit na katulad

ng sa kasalukuyang pag-aaral ngunit magkaiba ng mga batayang ginamit sa


pangangalap ng datos na batayan ng masusing pag-aaral ng kasanayang pangwika

na hindi ginamit sa dalawang naunang pag-aaral.

Binigyang pansin din naman sa pag-aaral nina Sacdalan, Gamo at Mendoza

ang kasanayan sa pagbabasa. Ngunit naiiba ang pag-aaral ni Sacdalan sa pag-aaral

nina Gamo at Mendoza dahil kahit ito ay patungkol sa pagbasa, nakatuon ang pag-

aaral ni Sacdalan sa kasanayan sa bokabularyo na makapagpapaunlad ng

talasalitaan samantalang pinagtutuunan ng pansin sa pag-aaral ni Gamo ay ang

suliranin sa pagbasa. Sa pag-aaral naman nina Mendoza,kahit ito ay patungkol din

sa pagbasa, nilayon nitong alamin kung mahalaga ba ang papel na ginagampanan

ng mga guro upang maging mas mabisa ang kanilang kakayahan sa pagbasa o ang

mga mag-aaral ay may kakayahan ng magbasa ng may mabisang pag-unawa kahit

walang tulong o gabay ng guro.

Nakatuon din sa kasanayang pagbasa ang pag-aaral na isinagawa nina

Marques at Ugat na kahit na parehong ginamit na respondente ang mga mag-aaral

mula sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa Pambansang Pamantasan ng

Batangas, Kampus ng Malvar, ang mga respondente ni Marques ay ang mga mag-

aaral lamang na nagpapakadalubhasa sa Ingles samantalang ang ginamit ni Ugat

ay ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino, Ingles, Agham at

Matematika. Pareho din nilang ginamit ang ang mga lebel ng pag-unawa ng mga

mag-aaral sa binasa gaya ng literal, inperensyal, at kritikal na pagpapakahulugan

bilang batayan sa pangangalap ng mga datos na ginamit sa kanilang pananaliksik.


May pagkakahalintulad ang isinagawang saliksik nina Marciana at

Morcilla na nakatuon din sa pagbasa. Parehong ginamit sa saliksik bilang mga

respondente ang mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Tinurik ngunit

kumuha sina Morcilla sa unang antas bilang mga respondente. Pareho sila sa mga

ginamit na batayan sa pangangalap ng datos gaya ng katayuan sa buhay at interes

ng mga mag-aaral sa pagbasa ngunit gumamit si Marciana ng pagsusulit bilang

gabay sa kanilang pag-aaral samantalang kwestyuner at pagsusulit ang sa pag-

aaral nina Morcilla.

Kahit na pawang may kaugnayan ang mga nasabing pag-aaral sa pagbasa,

kaiba pa din ito sa kasalukuyang pag-aaral dahiliba ang ginamit na batayan o

katayuan ng mga respondente dahil ginawang batayan sa pangangalap ng

impormasyong makatutulong sa pag-aaral ang kasarian, marka at paraan ng

pagbabasa ng mga respondente sa kasalukuyang pag-aaral, ang laman ng

pagsusulit na gagamitin, ang mga respondenteng ginamit, ang taon kung kailan

isasagawa ang pag-aaral at ang kurikulum na ngayon ay nasa ilalim na ng K-12.

Balangkas Konseptwal

Ang saliksik na ito ay nakatuon sa antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga

mag-aaral sa ikawalong taon sa Paaralang Pansekundarya ng Bugtongnapulo na

may layuning alamin kung ano ang demograpikong kalagayan ng mga respondente

ayon sa kanilang kasarian, marka sa Filipino at paraan ng pagbasa ng mga

respondente, ano ang lebel ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa na

literal, inperensyal at kritikal, mayroon bang signipikanteng kaugnayan ang


demograpikong kalagayan ng mga respondente sa kanilang lebel ng

komprehensyon sa pagbabasa at mayroon bang signipikanteng pagkakaiba ang

kasanayan ng mga ito kung pinangkat ayon sa kanilang demograpikong kalagayan.

Ang magiging bunga ng pag-aaral ay siyang gagawing batayan sa pagbibigay ng

rekomendasyong mas lalo pang magpapaunlad sakasanayang pangwika ng mga

mag-aaral.

Input Proses Awtput

Mga Mag-aaral sa Mga


Paaralang Mungkahing
Pagkakaiba at
Pansekundarya ng Gawain upang
Relasyon ng
Bugtongnapulo sa mas mapaunlad
Lebel ng
Taong Akademiko ang antas ng
Komprehensyon
2015-2016 kasanayan ng
ng mga
mga mag-aaral
 Demograpikong Respondente
na may
kalagayan Kapag Pinangkat
mabisang pag-
 Kasarian Ayon sa
unawa sa
 Marka sa Demograpikong
pagbabasa
Filipino Kalagayan
 Paraan ng
Pagbasa

Pigyur 1
Paradim ng Pag-aaral

Makikita sa Pigyur 1 ang Paradim ng isinagawang pag-aaral.

Ang input na nasa unang kahon ay kakikitaan ng mga impormasyon

tungkol sa demograpikong kalagayan ng mga respondenteng mag-aaral na ibinatay

sa kanilang kasarian, nakuhang marka sa Filipino at paraan ng pagbabasa ng mga


respondent (tahimik o malakas). Inalam ng mga mananaliksik ang mga

impormasyong ito sa pamamagitan ng checklist. Inalam din ng mga risertser ang

lebel ng komprehensyon sa pagbasang mga respondente.

Ang palaso na nakaturo sa ikalawang kahon ay nangangahulugan ng pag-

alam ng pagkakaiba ng lebel ng komprehensyon ng mga respondent kapag

pinangkat ayon sa kanilang demograpikong kalagayan gaya ng kasarian at

nakuhang marka sa Filipino.

Ang ikatlong kahon ay ang awtput na nagbibigay ng mga mungkahi ng mga

mananaliksik upang mas mapaunlad ang kasanayan at mabisang pag-unawa ng

mga mag-aaral sa pagbabasa.

Hipotesis

Sa pag-aaral, sinuri ang null hipotesis na:

Ano ang signipikanteng kaugnayan ang demograpikong kalagayan ng mga

respondente sa kanilang lebel ng komprehensyon sa pagbasa at may signipikante

bang pagkakaiba ang kaalaman ng mga respondente sa mabisang pagbasa kung

pinangkat ayon sa kanilang demograpikong kalagayan.

Depinisyon ng mga Termino

Upang higit na maunawaan ng mga nais na basahin ang saliksik, binigyang

kahulugan ng mga risertser ang mga sumusunod:

Pagbasa. Ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo

ng kaisipan. Ang mga simbolong ginagamit ay mga titik o letra na kapag


pinagsama-sama ay nabubuo ang mga salita, mga salita na kapag pinagsama-

samaay makabubuo ng parirala,sugnay o pangungusap ( Bernales et. al, 2013).

Literal na Pagbasa. Ang panlabas na kahulugan ng salita o impormasyong

nakasulat ang tanging natamo na kadalasan ay ibinibigay ng awtor (Austero et. al,

2012).

Inperensyal na Pagbasa. Ito ay nagbibigay ng interpretasyon at

nagpapahintulot sa mambabasa na magbigay ng konklusyon o kaya ay

manghulasakalalabasan o bunga ng impormasyong ibinibigay at kung ano ang

implikasyon ng awtor (Austero et. al, 2012).

Kritikal na Pagbasa. Lumilikha ito ng ebalwasyon at paghuhusga. Ang

mambabasa ay maaring tanungin upang Makita o makilala ang opinyon sa

katotohanan o kaya ay tanungin ang kawastuhan at kasapatan ng impormasyon

(Austero et. al, 2012).

Tahimik na Pagbasa o Silent. Ay ang pagbabasa na mata at utak lamang

ang pinapagana. Sa ganitong pagbasa, walang mga salitang maririnig (Bernales et.

al, 2013).

Pasalitang Pagbasa o Oral. Malakas na binibigkas ng mambabasa ang

mga salita. Hindi lang lakas ng tinig ang binibigyan ng pansin kung hindi maging

tamang paghinga o pagtigil habang nagbabasa (Bernales et. al, 2013).


Kabanata III
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito matatagpuan ang disenyo ng pananaliksik, mga kalahok

sa pag-aaral, mga instrumentong ginamit, ang paraan ng pagkalap ng datos, ang

mga interpretasyong ginamit para sa mas mabisang pagpapakahulugan ng

isinasagawang saliksik at ang istadistikang ginamit ng mga risertser sa

kasalukuyang pag-aaral.

Disenyo ng Saliksik

Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptibo o palarawang pamamaraan ng

pananaliksik na nangangahulugang pangangalap ng mga impormasyong tungkol sa

isang paksa na binigyan ng tiyak na kahulugan na maaaring pangangalap ng

impormasyon o higit pa (Ariola, 2006).

Gumamit ng ganitong uri ng pamamaraan ang mga mananaliksik sa

kadahilanang sila ay gumamit checklist sa pangangalap ng datos at upang

mabigyan ng tamang interpretasyon ang mga impormasyon na kanilang nakalap na

ginamit sa pag-aaral.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 90 mag-aaral mula

sa kabuuang bilang na 122 mula sa tatlong seksyon sa ikawalong antas sa

Paaralang Pansekundarya ng Bugtongnapulo na nakaenrol sa ikalawang semestre

sa Taong Akademiko 2015-2016. Ginamit na paraan ang random sampling na


fishbowl technique upang matiyak ang bilang ng magiging respondente ng pag-

aaral.

Talahanayan 1

Mga Respondenteng Ginamit

Mga Mag-aaral Kabuuang Bilang Bilang ng Respondente


Sampaguita 41 30
Camia 41 30
Rosal 40 30
Kabuuang Bilang 122 90

Instrumentong Ginamit

Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang checklist

upang malaman ang impormasyon tungkol sa demograpikong kalagayan ng mga

respondente, at ang pagsusulit na may apat na bahagi na nahahati sa apat na bahagi

tungkol sa ibat-ibang lebel ng komprehensyon sa pagbasang literal, inperensyal at

kritikal. Upang masukat ang antas sa kasanayan ng mga respondente sa pagbasang

may komprehensyon, ang mga sumusunod ang ginawang gabay at interpretasyon

ng mga mananaliksik.

Mean Interpretasyon

10.00-6.67 Mataas
6.66-3.34 Katamtaman

3.33-1.00 Mababa

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng liham pahintulot sa punong guro ng

Paaralang Pansekundarya ng Bugtongnapulo upang sila ay pahintulutang

magsagawa ng pag-aaral. Matapos silang pahintulutan ay hiningi ang kabuuang

bilang ng mga mag-aaral sa ikawalong antas na nakaenrol sa Taong Akademiko

2015-2016 na siyang magiging respondente sa pag-aaral. Pagkatapos nio ay

humingi muli sila ng pahintulot upang ipamahagi sa mga respondente ang

ginawang pagsusulit. Personal na ipinamahagi ng mga mananaliksik ang mga

papel na naglalaman ng pagsusulit at ipinaliwanag ang kahalagahan at parte nila sa

isinasagawang pag-aaral.

Ang mga nasagutang pagsusulit ay isinaayos, pinagsama-sama at pinangkat

upang bigyan ng interpretasyon.

Istadistikang Ginamit

Upang maisagawa ng maayos ang pagbibigay ng kahulugan sa mga nakalap na

datos, ang mga mananaliksik ay gumamit ng istadistikang hinihingi ng pagsusulit

upang magkaroon ng linaw at maging makabuluhan ito.

Arithmetic Mean. Ito ay ginamit upang bigyang interpretasyon ang lebel

ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa tesktong binasa.


Percentage. Ito ay ginamit upang malaman ang bahagdan ng mga

respondenteng nagbabasa sa paraang malakas o tahimik.

You might also like