You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

(CONTRACT OF LEASE)

ALAMIM NG LAHAT NA:


And KASUNDUANG ITO ay isinagawa sa pagitan nina:

MARK ANTHONY M. DE JESUS may sapat na gulang, Pilipino at naninirahan sa


Purok 6, Cambaog, Bustos, Bulacan na dito ay tatawaging “UNANG PANIG o
NAGPAPAUPA”
At
____________________________ may sapat na gulang, Pilipino at naninirahan sa
______________________________ dito ay kikilanin bilang “IKALAWANG PANIG o
UMUUPA”

Ay NAGSASALAYSAY:

1. Na ang UNANG PANIG ay may karapatan, interes at pagaari sa isang bahay paupahan o
apartment na matatagpuan sa Purok 6, Cambaog, Bustos, Bulacan.
2. Na ang IKALAWANG PANIG ay nais upahan ang nasabing apartment sa UNANG PANIG
sa loob ng ___________________ (____)____________________ na magsisimula sa June 24, 2023
hanggang ________________ na may buwanang renta/upa na Five Thousand Three Hundred
Pesos, PHP 5,300.00, salaping Pilipino.
Matapos ang panahon na itinakda ay maaring ipagpatuloy (renewable) ang nasabing upahan
ay kung nanaisin ng magkabilang panig.
3. Na ang IKALAWANG PANIG ay nagbigay ng halagang Ten Thousand Six Hundred Pesos
PHP 10,600.00) bilang (1) buwang deposito at isang (1) buwang paunang bayad para sa pagupa sa
naturang bahay. Ang nasabing deposito hindi na maaring gamitin sa huling buwan ng pangungupahan.
4. Sakali mang naisin ng UMUUPA na lisanin ang naturang bahay paupahan ng mas maaga sa
itinakdang panahaon ng pangungupahan ay marapat na magabiso o magbigay ng kaukulang paalam
amg UMUUPA isang (1) buwan bago ang planong paglisan.
5. Ang UMUUPA ay siyang sasagot sa kusumo ng kuryente at tubig at ang pagpapagawa ng
mga kasiraan sa bahay sa panahon ng pananatili ng IKALAWANG PANIG sa bahay na inuupahan at
anumang pagbabago o pagyayaman na naising ilagay ng IKALAWANG PANIG sa bahay na
inuuupahan ay marapat na may kaukulang nakatitik na pagsangayon ng UNANG PANIG.
6. Na hindi maaaring ipaupa ng UMUUPA ang naturang bahay sa sinoman at ang may
pahintulot lamang sa pagtira dito ay ang IKALAWANG PANIG at miyembro ng kanyang pamilya.
7. Na sa panahong hindi makakabayad ng dalawang (2) buwang upa o renta sa nasabing bahay
paupahan ay magbibigay Karapatan sa UNANG PANIG na paalisin ang UMUUPA.
8. Na isinagawa ng magkabilang panig ang kasulatang ito, na malaya at kusang loob nilang
napagkasunduan.

Page 1 of 2
SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO kami ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika-26 ng Hunyo,
2023 sa Cambaog, Bustos, Bulacan, Pilipinas

MARK ANTHONY M. DE JESUS


_______________________________ _____________________________
UNANG PANIG IKALAWANG PANIG

Nilagdaan sa harap nina

IMELDA A. MATEO-FELIX CORNELIO P. FELIX


______________________________ _____________________________

REPUBLIKA NG PILIPINAS )
BAYAN NG BUSTOS )
LALAWIGAN NG BULACAN)
SA HARAP KO, na isang Notario Publiko sa ______________________________________ ngayon
ika-_________ng _______________ dumulog sina

Pangalan Pagkakalilanlan
---------------------------------------------- -------------------------------------------------
MARK ANTHONY M DE JESUS Philippine Passport No. _____________
Issued on ____________in __________
Expiry date ______________
_______________________________ ________________________________
________________________________

Na kilala kong silang nagsasagawa ng nauunang kasulatan na pinamagatang “Kasunduan sa


Pagpapaupa ng Bahay na binubuo ng dalawang (2) pahina na pinatutunayan nila sa harap kong
malaya at sarili nilang pagpapasiya.
SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK ngayong ika- __________ng _________
2023 dito sa ____________________________.

Kas. Blg. ______;


Pahina Blg. _____: NOTARYO PUBLIKO
Libro Blg. _____;
Taon 2023.

Page 2 of 2

You might also like