You are on page 1of 3

Summative Test

in

Araling Panlipunan-III

Table of Specification

Area Item Number Placement


Naiuugnay ang kapaligiran sa 15 1-15
uri ng pamumuhay ng
kinabibilangang lalawigan o
lungsod.
Natutukoy ang katangian ng 5 16-20
kapaligiran at uri ng
pamumuhay sa iba’t-ibang
lalawigan sa Gitnang Luzon.
Naiuugnay ang mga lalawigan 5 21-25
sa kapaligiran at kabuhayan
nito.
Nailalarawan ang kapaligiran 5 26-30
ng isang lalawigan at
naiuugnay ang kasuotan,
tirahan at hanapbuhay ng
mga taong naninirahan dito.
Total Number of Items 30

I. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi.

______ 1. Ang Bulacan ay isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Gitnang Luzon.

______ 2. Ang iba pang mga lalawigang nakapaligid sa Bulacan ay ang Pampanga sa kanluran,
Nueva Ecija sa hilaga, Aurora at Quezon sa silangan, at Rizal sa timog.

______ 3. Napaliligiran ang Bulacan ng mga bulubundukin ng Sierra Madre sa hilagang silangan.

______ 4. Tatlo ang uri ng panahong nararanasan sa Bulacan at iba pang lugar sa gitnang Luzon:
ang tag-init mula Disyembre hanggang April at tag-ulan mula Mayo hanggang Setyembre at
tag-sibol naman mula Oktubre hanggang Nobyembre.

______ 5. Dahil sa malawak na kapatagan ng lalawigan ng Bulacan at mga baybayin nito,


pangunahing pinagkikitaan ng mga tao rito ang pagsasaka, paghahayupan at pangingisda.
______ 6. Ang lalawigan ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng apat na lalawigan: Pampanga sa
timog, Nueva Ecija sa silangan, Pangasinan sa hilaga at Zambales sa kanluran.

______ 7. Ang silangang bahagi ng lalawigan ng Tarlac ay kapatagan at ang kanlurang bahagi
naman ay maburol at bulubundukin.

______ 8. Ang lalawigan ng Tarlac ay may dalawang natatanging panahon: tag-init mula
Disyembre hanggang Abril at tag- ulan mula Mayo hanggang Nobyembre.

______ 9. Pagsasaka din ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Tarlac, palay at tubo ang
mga pangunahing pananim.

______ 10. Ang iba pang pangunahing pananim sa lalawigan ay ang tabako, mais, niyog, mga
gulay, bawang sibuyas at bawang, at kalamansi.

______ 11. Ang Pampanga ay matatagpuan sa mga hangganan ng lalawigan ng Bataan at


Zambales sa kanluran, Tarlac at Nueva Ecija sa hilaga at Bulacan sa timog- silangan.

______ 12. Malawak na kapatagan ang lalawigan ng Pampanga maliban sa nag- iisang bundok
sa gitna nito, ang Bundok Arayat at ang mga bundok sag awing kanluran.

______ 13. Pagsasaka at pangingisda ang dalawang pangunahing industriya ng lalawigan.

______ 14. Kilala rin ang lalawigan bilang “Culinary Capital of the Philippines”.

______ 15. Kilala sa pagiging tamad ang mga taga-Pampanga.

II. Tukuyin kung anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang tinutukoy ng mga sumusunod. Piliin sa
ibaba ang tamang sagot.

Bataan Zambales Aurora Pampanga Nueva Ecija

______ 16. Ang lalawigang ito ay matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Gitnang Luzon, sa
hangganan ng mga lalawigan ng Zambales at Pampanga sa hilaga , Look ng Maynila sa silangan
at Timog Dagat Tsina sa kanluran.

______ 17. Tinagurian din ang lalawigan ito bilang “lahar country” dahil sa pagdaloy nito sanhi
ng pagputok ng Bulkan Pinatubo noon.

______ 18. Ang lalawigang ito ay isang mabundok na lalawigan na bahagi ng Kabundukan ng
Sierra Madre.
______ 19. Tanyag ang lalawigang ito sa industriya ng iskulturang kahoy, paggawa ng
muwebles, at iba pang produktong gawang- kamay tulad ng mag higante at makukulay na mga
parol.

______ 20. Ito ang pinakamalawak na lalawigan sa Gitnang Luzon.

III. Pag-ugnayin ang mga lalawigan sa kolum A sa mga kabuhayan nito sa kolum B.
A B
21. Pampanga A. pagawaan ng muwebles
22. Tarlac B. pagtatanim ng tabako
23. Zambales C. paggawa ng mga lambat- pangisda
24. Bataan D. pagmimina ng chromite
25. Nueva Ecija E. mayaman sa mga baybayin at surfing spots

IV. 26-30 Pag-aralan ang larawan ng kapaligiran ng isang


lalawigan. Iguhit sa paligid nito ang angkop na kasuotan, tirahan at hanapbuhay (5pts.)

Inihanda ni:

APOLLO G. REYES

Guro:

You might also like