You are on page 1of 5

ROMAN C.

VILLALON MEMORIAL COLLEGES FOUNDATION


INC.
East Kibawe, Kibawe Bukidnon

1st Quarter- Module 2

Araling Panlipunan 1
S.Y. 2021 – 2022

Paksa: Ang Aking mga Pangangailangan

Layunin:

 Nailarawan ang mga pangunahin niyang pangangailangan tulad ng pagkain,


damit at tirahan
 Nailarawan ang paborito at kagustuhan.

May mga pangunahing pangangailangan ang isang bata. Ito ang


pagkain, kasuotan, ay tirahan.

Kailangan ng bata ang pagkain upang siya ay malusog at


malakas. Kailangan niya ng kasuotan upang siya ay hindi
magkasakit sa ulan, lamig at init ng araw. Kailangan niya ng
tirahan upang siya ay makapagpahinga nang maayos.

Pagkain

Mahalaga ang pagkain ng masustansya upang tayo ay malakas,


malusog, at masigla.
Ang pagkain ang nagbibigay sa atin ng buhay. Kasama na
rito ang pag-inom ng tubig upang hindi tayo matuyuan at
manatiling masigla. Ang pag-inom ng tubig ay nagbibigay sa atin
ng tamang lagay ng katawan at tinatanggal nito ang dumi sa
katawan upang makaiwas tayo sa sakit.

Masustansyang Pagkain

Kasuotan

Mahalaga ang kasuotan upang mapangalagaan ang ating katawan.


Nagbibigay ito ng proteksyon sa atin.

Ang kasuotan ay inaayon sa panahon upang makakilos tayo


nang maayos at makaiwas sa sakit.

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Angkop ba ang kasuotan


ng mga bata sa panahon?

Nagsusuot tayo ng angkop sa panahon at akma sa lugar o gawain.


Tirahan

Kailangan natin ng tirahan upang maging ligtas sa lahat ng


panahon. Marami tayong gawain na sa tahanan lamang
kompotableng gawin.

Ang kagustuhan ng isang bata

Bukod sa mga pangunahing pangangailangan, bawat bata ay


mayroon ding mga kagustuhan o mga paborito. Ito ay maaaring
sa pagkain, damit, gamit o laruan, alagang hayop, o tao.

“ Manika ang aking paboritong laruan”

“Si kuya Marvin anf aking paboritong pinsan”

“Paborito kong puntahan tuwing bakasyon ang Tagaytay.”


Gawain 1
Panuto: Isulat s apatlang ang P kung ito ay
pangangailangan ng isang bata at K kung kagustuhan.

______ 1. Uniporme ______ 6. bola

______ 2. Laruan ______ 7. bisikleta

______ 3. Kanin ______ 8. tsinelas

______ 4. Relos ______ 9. gulay

______ 5. Prutas ______ 10. Tubig

Gawain 2
Panuto: Piliin ang letra ng pangunahing pangangailangan na
tinutukoy ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang

A. Pagkain B. Kasuotan C. Tirahan

______ 1. Ang kanin ay nagpapalakas ng ating katawan

______ 2. Umuuwi ako agad sa bahay pagkagaling sa paaralan


upang magpahinga.

______ 3. Kadalasan ay nagsusuot lamang tayo ng short at


shirt kapag nasa loob ng bahay.

______ 4. Ang isda, gatas, at itlog ay malakas sa protina.

______ 5. Sa lugar na ito tayo ay naglilibang, nagdarasal at


gumagawa ng mga gawaing bahay.
Gabay Gawain: Gumuhit tayo
Panuto: Iguhit sa kahon sa ibaba ang isa sa mga kagustuhan o
paborito mo.

You might also like