You are on page 1of 1

Mahal na Kaibigan,

Kamusta ka? Umaasa akong nasa mabuti kang kalagayan kasama ng iyong pamilya.
Sumulat ako dahil gusto kitang imbitahan sa isang special na okasyon na ipinagdiriwang
naming mga Saksi ni Jehova taun-taon. Ito ay ang Memoryal ng Kamatayan ni Jesus.
Magaganap ito sa MARCH 27, 2021, SABADO, 6:00 P.M. Ito ay may paksang “Pahalagahan
ang Ginawa ng Diyos at ni Kristo Para sa Iyo.” Patuloy naming ginagawa ito bilang pagsunod sa
utos ni Jesus na mababasa natin sa Lucas 22:19, na ang sabi: “Patuloy ninyong gawin ito
bilang Pag-alala sa akin.” Tatalakayin sa nasabing okasyon ang ilang mahalagang tanong gaya
ng:

Bakit namatay si Jesus para sa atin?

Paano tayo nakikinabang dahil dito?

Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga natin sa ginawang ito ng Diyos at ni Jesus
para sa atin?

Isang linggo bago ang Memoryal, MARCH 21,2021, LINGGO, 3:00 P.M., magkakaroon naman
ng Special Talk na may paksang “Nakita mo na ba ang Mamahaling Perlas?” Ano ang
mamahaling Perlas? Bakit ito mahalaga? Inaanyayahan din kitang dumalo sa okasyong iyan.

Dahil sa pandemic, isasagawa ang lahat ng okasyong ito ONLINE via ZOOM. Ang ibang
detalye tungkol dito ay makikita mo sa invitation na kasama ng sulat na ito. Kung interesado
kang dumalo o may katanungan ka tungkol dito, pwede mo akong kontakin sa number na nasa
ibaba.

Inaasahan ko ang iyong pagdalo sa mahahalagang okasyong ito. Maraming Salamat.


Ingat kayo palagi.

JESSA OLEQUINO

09972756644

JW.ORG/TL

You might also like