You are on page 1of 2

DOXOLOGY:

Purihin ang nagpapala, Diyos ng buong sangnilikha,


Purihin sa kalangitan, Ama, Anak, Diwang Banal. Amen.

Tugon :
Umaawit ang aking kaluluwa, dakila Ka O Dios Ama;
Umaawit ang aking kaluluwa, dakila Ka, dakila Ka. AMEN.

Tugon: Gloria Patri:


“Ang ama’y papurihan…”

**Tugon: ”THY WORD”


Salita Mo’y ilaw sa’ming landas,
at tanglaw sa’ming daan.

SI YAHWEH ANG ATING PASTOL (AWIT NI DAVID).


AWIT 23
Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;
pinapahimlay Niya ako sa luntiang pastulan,
at inaakay Niya sa tahimik na batisan.
Pinapanumbalik ang aking kalakasan,
at pinapatnubayan Niya sa tamang daan,
upang aking parangalan ang Kanyang pangalan.
Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,
wala akong katatakutan, pagkat Ika'y aking kaagapay.
Ang tungkod Mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Ipinaghahanda Mo ako ng salu-salo,
na nakikita pa nitong mga kalaban ko;
sa aking ulo langis ay ibinubuhos,
sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.
Kabutiha't pag-ibig Mo sa aki'y di magkukulang,
siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay;
at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.

GO NOW IN PEACE
Go now in peace. Never be afraid. God will go with you each hour of every day.
Go now in faith, steadfast, strong and true. Know He will guide you in all you do.
Go now in love, and show you believe. Reach out to others so all the world can see.
God will be there watching from above. Go now in peace, in faith, and in love. Amen.

You might also like