You are on page 1of 1

SALMONG TUGUNAN: AWIT 23

‘’Ang Panginoon ang aking Pastol,


Pinagiginhawa akong lubos’’

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang, pinahihimlay niya ako sa
luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. TUGON

Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan,


upang aking parangalan ang kanyang pangalan. TUGON

Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan,


pagkat ika’y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at
sanggalang. TUGON

Ipinaghahanda mo ako ng salo-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking


ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala’y lubus-lubos. TUGON

Kabutiha’t pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang


ako’y nabubuhay, at magpakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan. TUGON

You might also like