You are on page 1of 5

A.

Katangian ng Mahusay na Papel Pananaliksik

1. Kontrolado - ang mga baryabol o datos na pinag-aaralan ay hindi dapat


manipulahin sapagkat magdudulot ito ng kawalang katiyakan ng resultang
pananaliksik.

2. Balid – kung ito ay nakabatay sa katotohanan ng katibayan o ebidensiya sa


pamamagitan ng kakayahang idepensa o ipaliwanag.

3. Sistematiko – magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng


impormasyon o satos sa iisang layunin. Sa pamamaraang ito, inaasahan na
sinusunod ang prosesong ito:
a. Pagtukoy ng problema
b. Rebyu ng mga impormasyon
c. Pangongolekta ng datos
d. Pag-aanalisa ng datos
e. Pagbuo ng kongklusyon at rekomendasyon

4. Obhektibo, Lohikal at Walang Kinikilingan- hindi dapat mabago o mabahiran ng


personal na saloobin ang pagbibigay ng interpretasyon sa pananaliksik.

5. Kwantiteytib o Kwaliteytib – nakalahad sa kwantiteytib na pamamaraan ang datos


kapag ito ay gumagamit ng istatistics (statistics) tuald ng porsyento, tsart, mean,
median. Mode at ibapang uri ng distribusyong numerikal. Nasa pamamaraang
kwaliteytib naman kapag naglalahad o nagsasalaysay ng kalikasan (nature) ng isang
sitwasyon o pangyayari na gamit ang pandama o senses.

6. Empirikal – kung gagamitan itong mga katibayan o kaalaman sa pamamagitan ng


pagmamasid o eksperimentasyon sa pagbuo ng mga impormasyon.

7. Mapanuri – dumaraan sa masusing interpretasyon na walang bahaging


pagkakamali ayon sa paggamit tamang estatistika at analitikal na pagbibigay ng
interpretasyon mula rito.

8. Pinagtitiyagaan o Hindi MInamadali – pinaglalaanan ng sapat na panahon at


paulit-ulit na pagrerebyu sa mg adatos at resulta ng pananaliksik na may pag-iingat.
Ginagawa ito sa inanasahang panahon na tinatawag na time table.

B. Katangian ng Mahusay na Mananaliksik

1. Mapaghinala – katulad ng isang imbestigador, lahat ay pinaghihinalaan hanggat


hindi nawawala ang pagdududa. Ang prosesong ito ay tinatawag na iliminasyon o
pagbabawas (deductive) method) at kinakailangan ang kakayahng ito upang
malimitahan ang pagpipilian at tuluyang matukoy ang sanhi o pinagmulan ng
problema.

2. Matanong – sapagkat may mga datos na hindi makukuha sa iisang


pinanggagalingan lamang, dapat ay alamin lahat ang datos upang makabuo ng
kahatulan. Ang prosesong ito ay tinatawag na indaksyon (inductive method) at
ginagamit ito upang makabuo ng teorya sa mga sanhi o pinagmulan ng problema.

3. Matiyaga – ang mga datos ay hindi kaagad nakukuha, nararapat lamang na maging
matiyaga sa paghahanap ng katotohanan.

4. May paggalang sa kapwa tao - dapat respetuhin ang gawi at pananaw ng iyong
kapwa. Bago kumalap ng datos, ipapaliwanag ng mananaliksik ang kanyang layunin
ng pananaliksik saka lamang niya kukunin ang pahintulot ng mga taong kabilang sa
mga tutugon. Bilang patunay, pinapalagda ang mga tutugon sa mga dokumentong
Kabatirang Pahintulot o “Informed Consent”. Igagalang din ang konpidensyalidad ng
mga datos bilang pagpapahalaga sa etika ng pananaliksik.

5. Maingat – kailangan ang pag-iingat sa pagkuha ng mga datos lalo na sa pagkilala


odokumentasyon ng mga pinagmulan ng mga ideya o impormasyon. Ang katapatan
at katapangan ng isang mananaliksik ay kailangang maipamalas sa pamamagitan ng
pagsasabi o pagbanggit ng pinagmulan ng mga datos o ideyang kanyang nakalap.

C. Uri ng Pananaliksik Batay sa Panahon na Pagkukunan ng Datos

1. Diskriptib – ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa o


kaganapan sa nakalipas na panahon. kasalukuyang kalagayan ng isyu o paksang
sinasaliksik.

2. Eksperimental – ginagamit kung ang datos na hinahanap ay tutukoy sa epekto ng


paksa o isyu na pinag-aaralan at karaniwang nangangailangan ng grupong lalapatn
ng interbensyon at tatayain ng pagbabagong naganap kontra sa grupong hindi
nilapatan ng interbensyon.

3. Historikal – ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kalagayan


Maaari ring gamitin ang pamamaraang ito upang mabago ang ating pananaw sa
mga itinakda ng katotohanan sa mga kaganapang nakalipas na.

D. Uri ng Pananaliksik Batay sa Klase ng Pagsisiwalat ng Datos

1. Kwantiteytib – ginagamit sa pagkalap ng istatistikal na datos upang makabuo ng


pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa na pinag-aaralan. Ang klase
ng pag-aaral na karaniwang nilalapatan ng istatistiko ay ang pag-aaral sa relayson at
pag-aaral na ebalwasyon.

 Ang pag-aaral sa relasyon sa relasyon ay naglalayong tukuyin ang


kaugnayan ng mga pabago-bagong batayan sa isa’t isa.

 Ang pag-aaral na ebalwasyon ay naglalayong ikumpara ang mga nakalap na


datos sa mga binalangkas na pamantayan.

2. Kwaliteytib – ginagamit sa pagkalap ng mga karansan ng tao sa kanilang lipunang


ginagalawan na hindi maaaring isalin sa numerikong pamamaraan upang makita ang
magkakaibang katotohanan ng paksang pinag-aaralan.

 Grounded Theory – unang ginamit nina Barney Glaser at Anselm Strauss


noong 1967. Ang datos ay kinakalap at sinusuri at mula doon nabubuo ang
teorya. Ito ay taliwas sa pamamaraan na kung saan bumabalangkas muna
ng teorya mula sa mga obserbasyon o mga konsepto ay pagkatapos ay
kakalap ng mga datos upang subukin ito. Ang grounded theory ay
pinaniniwalaang bumubuo ng teoryang mas malapit sa katotohanan.

 Etnograpiya – pagmamasid ng mananaliksik sa paggalaw ng kanyang


pinapaksa na maypagtatangi sa panahon. Ang mga datos ay dapat makalap
katulad ng inilalarawan nina Martyn Hammersley at Paul Atkinson na “natural
na katayuan”, isang kapaligiran na hindi dapat inakma o nabago ng
sinasadya para sa pagsasaliksik.
 Pinomigrapiya – isang pag-aaral na nag-iimbistiga sa mga kwaliteytib na
parang nararanasan o naiisip ng mga tao tungkol sa isang bagay. Ito ay
nagpapalagay na may limitadong biang lamang. Ang kagawian ay pinag-
aaralan ng wlang impluwensiya ng mananaliksik.

 Pinominolohiya – sa larangan ng agham pampisikal, ang teoryang


penominolohikal ay tanyag at ito ay naglalarawan bilang isang teorya na
nagpapahayag sa matematikal na paraan ang resulta ng pinagmamasdang
penomena na hindi nagbibigay ng detalyadong atensyon sa kanilang
pangunahing kabuluhan. Sa pilosopiya , ito ay naglalrawan sa p ag-aaral ng
katayuan ng karanasan at anyo ng isang bagay.

E. Paraan ng Pangangalap ng Datos

1. Hanguang Sekondarya – mga datos na kinalap ng mananaliksik na maaaring kapaki-


pakinabang sa pagbuo ng konsepto. Ang mga ito ay makukuha sa mga libro, dyornal,
peryodiko, at iba pang lathalain. Maaari ring makuha ito sa palabas sa telebisyon, at mga
datos sa internet.

2. Hanguang Primarya – mga datos na kusag kinalap ng mananaliksik para sumagot sa


mga suliranin ng kanynag pag-aaral. Maaaring magamit ang mga sumusunod na
pamamaraan:

a. Pagmamasid – ang mananaliksik ay


b. magmamasid sa bawat galaw ng tao sa lipuan tungkol sa paksa o isyu na
knaynag pinag-aaraln.

c. Pakikisalamuha – ang mananaliksik ay sasama sa grupo na pakay ng kanyang


pag-aaral at susubukang maranasan ang kanilang pamumuhay.

d. Pakikipanayam – ang mananaliksik ay magtatanong sa mga tagatugon sa


berbal na paraan hinggil sa paksang pinag-aaralan.

e. Pakikipagtalakayan – ang mananaliksik ay bubuo ng isang grupo ng piling


tagatugon upang malaman ang kanilang pananaw sa paksa na kanyang pinag-
aaralan sa pamamagitan ng malayang talakayan.

f. Paggamit ng sarbey – ang mananaliksik ay gagawa ng isang talatanungan at


pasasagutan ito sa mga tagatugon.

F. Proseso ng Pagsulat ng Sulating Pananaliksik

a. Paraan ng Pagpili at Pagbuo ng Paksa

 Ang paksa ay napapanahon.


 Paliitin ang sakop ng iyong pananaliksik.
 Piliin ang paksang naayon sa iyong interes at interes ng iyong mambabasa.
 Gumawa ng mga tanong na sasagutin ng iyong sulatin upang magkaroon ng
direksyon ang iyong pananaliksik.
 Ang sagot na iyong makukuha mula sa iyong pananaliksik ay magiging suliraning
ilalahad.

b. Pagpapahayag ng Layunin sa Paksa.

 Ang pangunahing suliranin ay dapat nakabase sa pamagat ng iyong


pananaliksik.
 Ang mga malalim na suliranin ay dapat maisaayos upang matukoy ang mga
nagbabagong batayan at ang kanilang relasyon o pagkakaiba.
 Ang mga katangian ng tagatugon (respondents) ay hindi kasama sa bahaging ito
maliban na lamang sa ang mga katangiang ito ay kasama sa mga nagbabagong
batayan.

c. Paghahanda ng mga Pansamantalang Sanggunian

 Gumamit ng maraming klase ng pagkukunan ng datos (internet, aklat, dyornal,


panayam , at iba pa)
 Sapat na panahon upang isakatuparan ang pananaliksik.
 Magtabi ng talaan at kopya ng lahat ng impormasyon tungkol sa mga sanggunian
upang hindi magpabalik-balik ng paghahanap ng mga sanggunian.(Pamagat ng
artikulo at aklat, petsa ng pagkakalathala, may akda at ang pinaglathalaang
kompanya at mga pahinang ginamit)
 Isalin sa iyong sariling pananaw at pangungusap ang mga impormasyon.
 Ang mga kongklusyong nabuo mula sa mga sanggunia ay naitatala.
 Humanap ng mga detalye na susuporta sa mga katanungan.

d. Paggawa ng Pansamantala at Pinal na Balangkas

G. Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1.1. Introdaksyon at Kaligiran ng Pag-aaral


1.2. Teoretikal na Balangkas
1.3. Paglalahad ng Suliranin
1.4. Kahalagahan ng Pag-aaral
1.5. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
1.6. Pinagdausan ng Pananaliksik
1.7. Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

II.Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

2.1. Lokal na Literatura


2.2. Banyagang Literatura
2.3. Lokal na Pag-aaral
2.4. Banyagang Pag-aaral

III.Pamamaraan ng Pananaliksik

3.1. Disenyo ng Pananaliksik


3.2. Populasyon at mga Tagatugon
3.3. Mga Instrumentong Ginamit
3.4. Hakbang sa Pagkalap ng mga Datos at Impormasyon
3.5. Istatistikong Paglalapat ng mga Impormasyon

IV.Pag-aanalisa, Pagsusuri at Pagpapakahulugan sa Resulta

1.1. Pagpapakita ng Resulta


1.2. Pagsusuri ng Resulta
1.3. Pagpapakahulugan ng Resulta

V. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon


5.1. Lagom ng mga Natuklasan / Napag-alaman
5.2. Kongklusyon
5.3. Rekomendasyon

VI. Talasanggunian

VII. Mga Karagdagang Pahina / Apendises

I.Bahagi ng Papel Pananaliksik

A. Preliminaring Pahina

1. Fly Leaf – isang blangkong papel na inilalagay pagkatapos ng pabalat (cover).

2. Pahina ng Pamagat (Titile Page) – nagpapakilala ng pamagat ng riserts; kanino


ipinasa; anong kurso ang kinabibilangan; sino ang mananaliksik; at ang panahon
kung kalian ito natapos.

3. Dahon ng Pagpapatibay (Approval Sheet) – pahina para sa pagkumpirma at


pagtanggap ng papel ng tagapayo.

4. Dahon ng Pagpapasalamat (Acknowledgement) – dito inilalahad ng mananaliksik


ang mga tao, organisasyon at tanggapang nakatulong sa kanya sa panahon ng
kanyang pananaliksik.

5. Dahon ng Paghahandog ( Dedication) – kung kanino iniaalay ng mananaliksik ang


kanyang papel pananaliksik; tmutukoy din ito sa mga taong nagging inspirasyon niya
sa pananaliksik.

6. Talaan ng Nilalaman – nakasulat dito ang talaan ng mga paksa at ang kaukulang
pahina nito.

7. Talaan ng Talahanayan at Graf – nakalista ang lahat ng talahanayan at graf na


ginagamit sa riserts at ang kaukulang pahina kung saan ito matatagpuan.

You might also like