You are on page 1of 2

Jared’s notes

Mga Teoryang Pampanitikan

TEORYA • Isang sistema na binubuo ng obserbasyon at ideya.


• Masusing pananaliksik sa isang bagay o pangyayari
PANITIKAN •Tumutukoy sa mga akdang sinulat o naisulat ng mga tanyag na
manunulat.
• Kadalasang naglalarawan ng karanasan, emosyon, kaisipan,
at iba pang mga konsepto na nais ipahayag ng may akda
TEORYANG Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na
PAMPANITIKAN naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng
may akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating
binabasa.
MGA URI NG TEORYANG PAMPANITIKAN

MORALISTIKO Pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang


nakapaloob sa akda
SOSYOLOHIKAL Mahihinuha ang kalagayang panlipunan noong panahong kinatha
ang panitikan
SIKOLOHIKAL Pinahahalagahan ang tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may
akda.
FORMALISMO Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkakabuo,
kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinhagang pahayag, at teknik
estilo ng may akda.
IMAHISMO •Nagpapahayag ng kalinawan ng mga imaheng biswal.
•Nagbibigay ng eksaktong paglalarawan.
HUMANISMO •Ang tao ang sentro ng daigdig.
•Binibigyang pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa
maraming bagay.
MARXISMO Pinapakita ang tungalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat
na puwersa. Malakas at mahina, mayaman at mahirap,
makapangyharihan at naapi.
ARKETIPO/ Binibigyang diin ang mga simbolismong ginagamit upang
ARKITAYPAL maipabatid ang mensahe ng akda.

FEMINISMO Isinusulong ang karapatan ng mga kababaihan sa pulitika,


ekonomiya, at lipunan.
EKSISTENSYALIS Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili
MO upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito.

KLASISMO Sinasabi na kaisipan muna bago damdamin.

ROMANTISISMO Pinapakita o pinahahalagahan ang damdamin ng tao.

REALISMO •May layuning tulad ng tunay na buhay.


•Pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng
kurapsyon, katiwalian, kahirapan, at diskriminasyon.

Jared’s notes

You might also like