You are on page 1of 20

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON III
Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis,
City of San Fernando, 2000 Pampanga

Akda ni: Zaldy B. Millanes


Guhit ni: Honorio G. Sison Jr.
Awit ni Taptap
Aklat Pang-komiks: Karagdagang Kagamitang Pampagkatuto
Para sa Katapatang Pang-Akademiko
Edisyon 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa komiks na ito ay nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
kagamitang ito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa komiks na ito ay nangangailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Direktor Panrehiyunal ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III: May B. Eclar

Lupon ng Tagapagbuo ng Komiks

Manunulat: Zaldy B. Millanes

Editor: Ma. Editha R. Caparas


Garry M. Achacoso

Mga Tagasuri: Ma. Lilybeth M. Bacolor


Mary Anne C. Angeles
Rose C. Mas
John Paul Paje
Mark Asuncion

Tagaguhit/Tagalapat: Honorio G. Sison Jr.

Tagapamahala: Librada M. Rubio


Ma. Editha R. Caparas
Romeo M. Alip
Michelle Ablian-Mejica
Manolito B. Basilio
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis City of San Fernando, (P)
Telefax (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
Alam mo ba?
Ang Academic Dishonesty ay anomang uri ng pandaraya o maling gawain na
nakahahadlang sa pagsukat ng tunay na antas ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi
dapat gawin ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga ganitong uri ng gawain sapagkat hindi ito
makatutulong sa paglinang at paghubog ng iyong kaalaman at kasanayan. Narito ang ilan sa mga
anyo nito:

1. Pangongopya (Cheating) - Ito ay paggamit o pagkuha ng anomang impormasyon, kagamitan,


sanggunian o mga kasanayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pampagkatuto mula sa iba.
Halimbawa nito ay pangongopya ng sagot mula sa ibang mag-aaral sa isang pagsusulit. Kabilang
din dito ang pagpayag ng isang mag-aaral na kopyahin ng kapwa mag-aaral ang kaniyang sagot.

2. Plahiyo (Plagiarism) - Isang uri ng pandaraya kung saan kinukuha o ginagamit ang ideya,
pananalita, disenyo, sining, musika o iba pang mga likha at inaangkin ang mga ito nang hindi
kinikilala ang pinanggalingan o hinihingi ang pahintulot mula sa may-ari ng mga ito.

3. Pabrikasyon (Fabrication) o Palsipikasyon (Falsification) - Tumutukoy sa hindi awtorisadong


paggawa o pagbabago ng mga impormasyon sa mga gawaing pang-akademiko. Halimbawa, paglikha
ng hindi makatotohanang datos na dapat ay magmumula sa isang aktuwal na eksperimento o pag-
iimbento ng sanggunian ng mga impormasyon.

4. Sabotahe (Sabotage) - Ito ay pangingialam o paninira sa gawa ng iba upang mahadlangan ang
matagumpay na paggawa o pagtapos sa isang gawaing pang-akademiko. Ang paninira sa likhang
sining, eksperimento o disenyo ng iba ay maituturing na pananabotahe. Ang hindi pakikilahok o
hindi pag-aambag sa isang pangkatang proyekto ay masasabi ring isang uri ng sabotahe.

5. Pagpapagawa sa Iba (Contract Cheating) - Isang anyo ng academic dishonesty na maaaring


maganap alinman sa mga sumusunod na sitwasyon:

 pagpapagawa sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya upang matapos ang isang


gawain nang walang kapalit
 paglikha at pagkuha ng sanaysay mula sa isang free essay website at aangkinin
bilang sariling likha
 isang takdang gawaing ginawa ng ibang tao nang may kapalit na bayad

Sanggunian:

Department of Education. 2021. "PROMOTING ACADEMIC HONESTY


(DM-OUCI-2021-395)". Pasig City: Department of Education.

16
Masaya at magaan sa pakiramdam kapag ang pinaghirapan mong sagot sa iyong modyul at
Lagumang Pagsusulit ay tama. Hahangaan ka ng iyong guro kapag naisakatuparan nang mahusay
ang Gawaing Pagganap dahil sa iyong pagsusumikap. Ganiyan ang pananaw ni Taptap habang
isinasagawa niya ang pag-aaral sa pamamagitan ng blended learning.

Ngunit, ano ang gagawin mo kung sa maling paraan nakukuha ng iyong kapatid at mga
kamag-aral ang mataas na marka? Tutularan mo ba ang kanilang maling gawain o hahayaan mo
na lang sila na patuloy itong gagawin? Paano mo matutulungan ang kapuwa mo kamag-aaral na
matutuhang maging matapat sa lahat ng gawain?

Tunghayan ang katapatang ipinamalas ni Taptap sa kaniyang kapatid, kaibigan at kamag-


aral. Alamin kung bakit hindi dapat mandaya sa pag-aaaral.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education- Regional Office III


Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resource Management Section (LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis,City of San Fernando, (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like