Komiks Mali Pala Ang Mangopya SMislan FINAL

You might also like

You are on page 1of 20

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON III
Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis
City of San Fernando, 2000 Pampanga

1
Mali Pala ang Mangopya
Aklat Pang-Komiks: Karagdagang Kagamitang Pampagkatuto
Para sa Katapatang Pang-Akademiko
Edisyon 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa komiks na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitang ito. Hindi inaangkin ng
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa komiks na ito ay nangangailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Direktor Panrehiyunal ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III: May B. Eclar

Lupon ng Tagapagbuo ng Komiks

Manunulat: Sophia D. Mislan


Editor: Ma. Editha R. Caparas
Garry M. Achacoso
Tagasuri: Ma. Lilybeth M. Bacolor
Mary Anne C. Angeles
Rose C. Mas
John Paul Paje
Mark G. Asuncion
Tagaguhit: Lito Y. Bayani
Don Gil B. Bayani
Tagalapat: Jay Ahr E. Sison
Tagapamahala: Librada M. Rubio
Ma. Editha R. Caparas
Romeo M. Alip
Michelle A. Mejica
Manolito B. Basilio
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
1
Conraaad! Conraaad! Oras na para
magmodyul!

Nanay,
naman…
Nanonood pa
ako ng TV! Sige
na nga po!

Kunin mo na ang
iyong mga gamit
nang ikaw ay
makapagsimula na.

2
Roy… Jim… Pam… Mga kasama,
Joy… Moy… kailangan daw ni
Kailangan ko ulit ang Kuya Conrad ng
tulong ninyo. tulong natin.

Nanay Coring, kailan


ba matatapos ang
pagmomodyul?
Nagsasawa na ako.

Conrad, umayos ka
nga. Puro ka na lang
reklamo.

Joy, mukhang wala Basahin at


na naman sa mood si intindihin mong
Kuya Conrad. mabuti ang mga
aralin mo, anak.
Magsagot ka na at
magluluto na ako.
Oo nga,
Roy.
Opo.

3
Roy, iniwan na naman tayo ni
Nanay Coring kay Kuya Conrad.

Oo nga,
Pam.
Sana
naman
ingatan
niya tayo
tulad
noong
una.

Moy, ang kapal- kapal mo na


nga, nagsama ka pa ng iba. Ikaw, Roy, mukhang
hindi ka pa handang
Kailan ko pa kayo matatapos?
magsulat. Kailangan ka pang
tasahan.

Mga kasama, ang


sungit yata ni Kuya
Conrad ngayon.

Pagpasensiyahan mo na,
Moy. Masama lang siguro
ang kaniyang gising.
4
Pam, tasahan na O ayan, nagbibiro na si
nga muna natin Kuya Conrad.
itong si Roy.
Kulang na sa
tikas.
Ayos!

Ikaw naman, Joy,


may espasyo pa ba
ang isusulat naming
sagot ni Roy?

Ano ba ‘yan, Sinisiguro ko lang po Handa na ba ang


Conrad? na handa na sila sa lahat?
Kinakausap mo araw na ito, Inay.
na naman ang
mga gamit mo.

Haaay…
Hmmmp…

Ang hahaba
naman nito.
Hindi na ako Tsiik…
Moy, pagod natapos-tapos.
na si Kuya
Conrad.

Halata nga, Roy, kanina pa


siya nagbubuntong-hininga.
5
Araaay!!!

Ouuuch!!!

“Aaaaaah!!
!”

Conrad! Ano bang


nangyayari sa iyo?

Pagod na pagod na ako,


Nanay.

Lagi na lang niya


Wala talagang awa
tayong sinasaktan
si Kuya Conrad.
sa tuwing
susumpungin siya.

6
Inayos ni Conrad ang
Bukas mo na
ipagpatuloy iyan, kanyang mga gamit.
anak. Ayusin mo na
ang mga gamit mo
at nang tayo ay
makakain na.

Sinaktan na nga
niya tayo, ngayon Nakita mo na, Moy,
naman basta na hindi man lang
lang tayong iniwan, humingi ng
Pam. paumanhin sa atin
si Kuya Conrad.

Opo, Nanay.

Kinabukasan… Conrad! Conrad!


Simulan mo nang
sagutan ang iyong
mga modyul!

Nanay, masakit po ang ulo ko.


Lalagnatin po yata ako.

Hay naku, Joy, Sige pala,


mukhang Oo nga, anak. Bukas
nagdadahilan na si Pinunong Jim, ka na lang
Kuya Conrad. kanina lang ang pala
saya pa niyang magmodyul.
manood ng TV. Magpahinga
ka na.

Salamat,
Nanay Coring.

7
Hayssst… Ano
kaya ang dapat
nating gawin,
Roy?

Pinunong Jim,
kawawa naman si
Nanay Coring.
Niloloko na siya ni
Kuya Conrad.

Mga kasama, may


Conrad! Conrad! Ganoon din po nararamdaman
Magsagot ka na ulit kami, Pinunong akong hindi
ng modyul! Jim. Parang may maganda.
hindi magandang
mangyayari.

Opooo…

Roy, Jim, Pam, Joy, Moy,


modyul taym na.
Hehehe!

Parang
nakaloloko ang
ngisi ni Kuya
Conrad.
Natatakot ako.

8
Tapusin mo na Roy, buti pa si Kuya Conrad at
ang lahat ng mga may nanay siyang
modyul mo, anak nagmamahal at nag-aasikaso
at ipaghahanda sa kaniya.
kita ng paborito
mong meryenda.
Oo nga, Moy. Si Kuya
Conrad na nga lang
ang mayroon tayo,
Opo, nanay. pero hindi naman
siya marunong
magpahalaga sa
atin.

Lalaktawan ko
na nga lang
ang ilang
pahina ng
modyul para
mabilis akong
matapos.
Hehehe!

Aba, may mga sagot Naku, Roy, may


pala sa likod ng bawat masamang balak si
modyul! Hindi ko na Kuya Conrad!
kailangang maghirap
sa pagsagot. Yipieee!!! Kailangan
natin siyang
pigilan,
Pinunong
Jim.

Kahit gaano pa
kahirap ang ibigay
sa aking modyul,
kayang-kaya ko na.
Hahaha!

9
Pam, ang bilis natapos ni Conrad, tapos ka na ba sa
Kuya Conrad. mga modyul mo? Heto na
ang meryenda mo.

Pero, hindi na niya


inaral at inintindi
ang kanyang Opo naman, nanay!
aralin, Roy. Paano Kanina pa po! Hindi
pa siya matututo? man lang nga po ako
pinagpawisan.

Moy, bakit
parang biglang Hindi na nga rin
yumabang si niya tayo
Kuya Conrad? pinapansin, Joy.

Sumunod na linggo… Pinunong Jim, ang ganda yata


ng gising ni Kuya Conrad.
Conrad!
Conrad! Nariyan na po,
Sagutan mo na nanay!
ang mga
modyul mo. Mapansin na kaya niya tayo, Roy?

Kokopyahin Pam, narinig mo ba ang


ko na lang sinabi ni Kuya Conrad?
ulit ang mga
sagot para Kailangan na talaga
bumilib sa nating kumilos. Hindi
akin si na tama ito,
nanay. Pinunong Jim.
Hehehe!

10
Bibilisan ko na nga ang
pangongopya, para Teka, bakit kaya
makapanood na ako ng TV. kanina pa
napuputol ang lapis
ko? Putol…Tasa!
Putol…Tasa!
Haaay…

Ayos ang ginawa mo, Roy. Hindi


na makasulat nang maayos si
Kuya Conrad. Hahaha!

Apir tayo diyan,


Pam! Epektib!

Ang dami ko ng mali. Sulat… Bura!


Sulat… Bura! Nakaiinis!
Bakit kaya kahit ano pang gawin
kong bura sa aking mali, may
mga bakat pa ring naiiwan?

11
Araaay! Ang sakit naman ng
ginagawa ni Kuya Conrad, pero
Unti-unti na rin niya
parang nakahahalata na siya, Joy.
tayong napapansin,
Pinunong Jim.

Pati ang papel ko, puro na butas. Sulat…


Bura! Sulat… Bura! Ano ba ito?

Roy… Jim… Pam… Joy…


Moy… Ano ba ang
nangyayari sa inyo?

Aray ko po! Kinakausap mo na naman ba


Nakasasakit na ang iyong mga gamit, Conrad?
talaga itong si
Kuya Conrad. Pam,
Nanay, bakit ganito? Bakit parang
Mukhang kaunti kailangang
may mali sa aking mga gamit?
na lang, maiisip malaman na
na rin niya ang ito ni Nanay
kaniyang mga Coring. Ayan na, mga Mukhang
mali, Roy. kasama, nagtataka maitatama
na si Kuya Conrad. na ang
lahat.

12
Anong mali, anak? Sa mga gamit
mo ba o sa iyo? Mayroon ka
bang hindi sinasabi sa akin?

Yehey!
Nanay Coring…
Naisip na rin
Huhuhu…
ni Kuya
Nakokonsensiya
Conrad ang
na po ako sa
kaniyang
ginagawa kong
mga mali.
pandaraya sa
pagsagot ng
mga modyul.

Conrad, anak, kailan mo pa ginagawa


ito? Hindi tama ang pangongopya lang Joy, napakabait talaga ni
ng sagot sa modyul. Ginawa ang mga Nanay Coring.
ito upang magsilbing gabay natin para
maitama ang ating mga mali.
Oo nga, Pam
Naiiyak tuloy
Pasensya na po, nanay. ako.
Gusto ko lang pong
matapos kaagad para
matuwa po kayo.

13
Anak, kahit gaano ka pa
kabagal basta pinaghihirapan
mo, masaya na ako. Lagi mong
tatandaan na ang katapatan
ang pinakamahusay na
patakaran. Hindi pa huli ang
lahat, anak. Maaari mo pang
itama ang iyong mga
pagkakamali.

Sorry po talaga, Nanay Coring.


Hindi ko na po uulitin. Ngayon,
alam ko na po na mali pala ang
pangongopya.

Moy, ayos na sila Kuya


Conrad at Nanay Coring.
Maalala naman kayang
humingi ng tawad sa atin ni
Kuya Conrad?

Malabo na yata iyan,


Pinunong Jim.

Napansin ko rin Kawawa naman si


nitong mga Kuya Conrad. Iyak na
nakaraang araw, Masyado na po siya nang iyak, Moy.
anak na hindi mo akong naging
na nakalalaro ang abala sa
mga gamit mo at pangongopya, Oo nga, Pam. Patawarin
nakakalat na lang nanay. na kasi natin siya.
ang mga ito. Napabayaan
Ayusin mo nga. ko na pala sila.

14
Conrad, anak, hindi ko nagustuhan
ang pagtrato mo sa mga gamit mo Roy, Jim, Pam, Joy, Moy, patawarin
nitong mga nakaraang araw. ninyo ako. Nasaktan ko kayo.
Simula ngayon, iingatan ko na
kayo.

Opo, nanay. Iingatan at aalagaan ko


na po sila. Salamat po Nanay Coring,
dahil sa iyo ay nalaman kong maaari
pa palang itama ang mali. Magbabalik
na ang lahat
sa dati.
Salamat naman at
naliwanagan na ang isip ni
Kuya Conrad.

Yehey! Napansin rin tayong Salamat at dahil sa tulong


muli ni Kuya Conrad. ninyo, natutuhan ko na mali
pala ang mangopya.

15
Alam mo ba?
Ang Academic Dishonesty ay anomang uri ng
pandaraya o maling gawain na nakahahadlang sa
pagsukat ng tunay na antas ng kaalaman at pagkatuto
ng mga mag-aaral. Hindi dapat gawin ng mga mag-
aaral na tulad mo ang mga ganitong uri ng
gawain sapagkat hindi ito
makatutulong sa paglinang at
paghubog ng iyong kaalaman at
kasanayan. Narito ang ilan sa
mga anyo nito:

1. Pangongopya (Cheating) - Ito ay paggamit


o pagkuha ng anomang impormasyon,
kagamitan, sanggunian o mga kasanayan
sa pagsasagawa ng mga gawaing
pampagkatuto mula sa iba. Halimbawa nito
ay pangongopya ng sagot mula sa ibang
mag-aaral sa isang pagsusulit. Kabilang din
dito ang pagpayag ng isang mag-aaral na
kopyahin ng kapwa mag-aaral ang
kaniyang sagot.

2. Plahiyo (Plagiarism) - Isang uri ng


pandaraya kung saan kinukuha o
ginagamit ang ideya, pananalita,
disenyo, sining, musika o iba pang mga
likha at inaangkin ang mga ito nang
hindi kinikilala ang pinanggalingan o
hinihingi ang pahintulot mula sa may-ari
ng mga ito.

16
.
3. Pabrikasyon (Fabrication) o Palsipikasyon
(Falsification) - Tumutukoy sa hindi
awtorisadong paggawa o pagbabago ng
mga impormasyon sa mga gawaing pang-
akademiko. Halimbawa, paglikha ng hindi
makatotohanang datos na dapat ay
magmumula sa isang aktuwal na
eksperimento o pag-iimbento ng
sanggunian ng mga impormasyon.

4. Sabotahe (Sabotage) - Ito ay


pangingialam o paninira sa gawa ng iba
upang mahadlangan ang matagumpay
na paggawa o pagtapos sa isang
gawaing pang-akademiko. Ang paninira
sa likhang sining, eksperimento o disenyo
ng iba ay maituturing na pananabotahe.
Ang hindi pakikilahok o hindi pag-
aambag sa isang pangkatang proyekto
ay masasabi ring isang uri ng sabotahe.

5. Pagpapagawa sa Iba (Contract Cheating) -


Isang anyo ng academic dishonesty na
maaaring maganap alinman sa mga
sumusunod na sitwasyon:
• pagpapagawa sa mga kaibigan o
miyembro ng pamilya upang matapos ang
isang gawain nang walang kapalit
• paglikha at pagkuha ng sanaysay mula sa
isang free essay website at aangkinin
bilang sariling likha
• isang takdang gawaing ginawa ng ibang
tao nang may kapalit na bayad

Sanggunian:

Department of Education. 2021. "PROMOTING ACADEMIC HONESTY (DM-OUCI-


2021-395)". Pasig City: Department of Education.

17
Si Conrad ay isang batang lumaki
sa piling ng kaniyang Nanay Coring.
Sa araw-araw, panonood ng TV at
pagsagot sa mga modyul ang kaniyang
pinagkakaabalahan.
Dahil sa madalas na panonood ng
TV at pagkabagot sa pagsagot ng mga
modyul, isang bagay ang kaniyang
naisipang gawin. Isang bagay na inakala
niyang tama pero sa huli ay nalaman
niyang mali pala ito.
Sa kuwentong ito ay
matutunghayan kung paano naitama ni
Conrad ang kaniyang pagkakamali.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education- Regional Office III
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like