You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
Dumingag 1 District
DULOP NATIONAL HIGH SCHOOL
Dulop, Dumingag, Zamboanga del Sur

FILIPINO 7

Pangalan: ______________________________Seksyon: ______________ Petsa: _____________ Iskor: _____


Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Bilang 1-4
Panuto: Ilahad ang sariling motibo ng may-akda sa mga siping bahagi ng akdang Ibong Adarna sa ibaba.
1. “O Don Juan, bakit baga
Hanggang ngayon ay wala ka
Di mo kaya natatayang
Dito ay hinihintay ka.”
A. malakas ang loob C.pag-
aalala sa anak
B. pagtatakwil sa anak D. pagiging suwail

2. “O Birheng Kaibig-ibig,
Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.”
A. pagpapakumbaba C. pagsasawalang bahala
B. pagiging mahina D. paghingi ng gabay sa Diyos
3. “Tibayan ang kalooba’t
Dagdagan ang kabaitan
Taong nagpapakabanal
Huwag pagmalaswaan.”
A. maging mapaghiganti C. maging mapagkumbaba
B. maging mabuting tao D. mapagparaya
4. “Sa akin po ay ano na
Sinadlak man nga sa dusa
Kung may daan pang magkita
Pag-ibig ko’y kanila pa.”
A. pagpapatawad C. pagtataksil
B. Paghihiganti D. galit at poot
5. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng korido?
A. Sadya para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
B. May labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod.
C. Maaaring maganap sa tunay nabuhay ang mga pangyayari sa isang awit.
D. Inilalarawan ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhan
6.Ang mga sumusunod ay katangian ng korido MALIBAN sa isa?
A. Isinulat upang basahin, hindi para awitin.
B. Maaaring maganap sa tunay nabuhay ang mga pangyayari sa isang awit.
C. Binibigkas ito na may tiyempong mabilis o allegro dahil maikli ang mga taludtod.
D. Inilalarawan dito ang mga tauhang may kapangyarihan o kakayahang gumawa ng mga kababalaghan o
supernatural.
7.Alin ang HINDI pinapaksa ng korido?
A. Karuwagan C. Kababalaghan
B. Kabayanihan D. Kagila-gilalas na pangyayari
8.Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna sa paghubog ng pag-uugali ng mga kabataan?

A. Naglalaman ng kultura ng mga lugar na pinagmulan nito.


B. Naglalaman ng pakikipagsapalaran ng mga tauhan.
C. Naglalaman ng paalala tungkol sa magagandang pag-uugali.
D. Naglalaman ng kahusayan ng tatlong prinsipe (Don Pedro, Don Diego, Don Juan).
9. Bilang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang malaman at mapahalgahan ang akdang Ibong Adarna?
A. Magsagawa ng maikling sarbey C. Magsasagawa ng pagtatanghal ng mga piling tagpo
B. Magsagawa ng maikling symposium D. Babasahin, unawain at isapuso ang akda
10. Sa panahon ngayon dapat pa bang pag-aralan ng mga kabataan ang akdang Ibong Adarna?
A. Hindi, dahil pag-aaksaya lamang ito ng oras.
B. Oo, mahalaga ito pero gawin ito bilang opsyonal na lamang.
C. Hindi, dahil hindi na napapanahon ang mga kwento sa ating henerasyon.
D. Oo, sapagkat makabuluhan ang pagbabasa nito maging sa kasalukuyang panahon.
11. Ang Ibong Adarna ay isang pasalayasay na tula na ang buong pamagat ay __________?
A. Ibong Adarna: Isang Korido
B. Ang Ibong Adarna ang Tatlong Prinsipe
C. Korido at Buhay na PInagdaanan nang Tatlong Principeng Magkakapatid na anak.
D. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
12. Naging malaking bahagi ng panitikan ang Ibong Adarna na pinaniniwalaang nagmula sa bansang ________.
A. Pilipinas C. Mehiko
B. Espanya D. Amerika
13. Bakit niyakap ng mga Pilipino ang akdang Ibong Adarna?
A. Dahil sa kagandahan ng kuwento.
B. Dahil sa kakisigan ng mga tauhan.
C. Dahil sa kaangkupan ng Kulturang Pilipinong nakapaloob dito.
D. Dahil sa pag-angkin ng ating mga ninuno sa obrang ito ng Mexico.
14. Ang inggitan at awayan ng magkakapatid na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan ay isang pangyayaring
naganap sa koridong Ibong Adarna. Bilang isang kapatid, ano ang maibibigay mong solusyon ditto?
A. Kalimutan ang mga kapatid
B. Huwag makikipag-usap sa kapatid.
C. Laging isipin ang pagmamahal sa kapatid
D. Magtanim ng sama ng loob o galit sa kapatid.
15. Ano ang maimumungkahi mong gawin sa ginawang pagbabanta nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan?
A.Kailangang hindi manaig ang kasamaan sa kabutihang ipinakita.
B. Kailangang hindi mangibabaw ang galit sa sariling intensyon.
C. Kailangang maging mapagkumbaba sa sarili.
D. Kailangang may tiwala sa sarili.
16. Kung ikaw si Don Juan, ano ang gagawin mo upang mahuli ang ibong Adarna?
A. Puputulin ko ang puno ng Piedras Platas.
B. Pupuntahan ko ang tinitirahan ng ibong Adarna.
C. Ikukulong ko sa isang hawla ang ibong Adarna.
D. Susunggaban at itatali ko sa isang lubid ang ibong Adarna.
17. Ang krimen ay isa sa mga halimbawa ng suliraning panlipunan, alin sa sumusunod na saknong ang sumasalamin
nito?
A. Ano ang kasasapitan C. “Kaya ngayon ang magaling
ng isang pinagtulungan si Don Juan ay patayin;
di ang humantong nga lamang kung patay na‟y iwan natin,
sa tiyak na kasawian. ang Adarna nama‟y dalhin.”
B. Kaya‟t kanyang pinag-isip D. Nang makitang gulapay na‟t
kung saang dako papanig; halos hindi humihinga
doo‟t dito‟y naririnig: hawla‟t ibon ay kinuha‟t
“Tayo ay magkakapatid!” nagsiuwi sa Berbanya.
18. Tumutukoy ito sa mga problemang nangyayari ngayon sa lipunan o maging sa isang bansa.
A. pambansang suliranin C. pansariling suliranin
B. suliraning panlipunan D. pandaigdigang suliranin
19. Batay sa saknong, ang suliraning makikita ay tinatawag na crab mentality. Ano kaya ang nararapat na solusyon
nito?
A. Tanggapin ang pagkakamali at subukang iayos ng walang inaapakang tao.
B. Ipaglaban ang sariling kagustuhan kahit ikapapahamak ng ibang tao.
C. Huwag tanggaping maging talunan at ipakitang nakalalamang ka.
D. Ipagmayabang ang mga nakamit na tagumpay sa kakilala.
20. Hindi matanggap ni Marga na nalalampasan na siya ni Cassie pagdating sa klase. Ano ang iyong sariling saloobin
ukol sa ipinapakitang pag-uugali ni Marga?
A. dapat marunong tayong manghingi
B. dapat marunong tayong mangatwiran
C. dapat marunong tayong tumanggap ng pagkatalo
D. dapat marunong tayong tumanaw ng utang na loob
21. Nangunguna sa klase si Cassie nang walang inaagrabyadong tao. Ano ang iyong sariling saloobin at damdamin
ukol dito?
A. Iasa mo lamang sa ibang tao ang iyong tagumpay.
B. Masarap lasapin ang tagumpay kapag wala kang inaapakang iba.
C. Ayos lang na gumawa nang masama basta sa ikatatagumpay natin.
D. Ang tagumpay ay maaring mong makamit kahit wala kang ginagawa.
22. Ang pag-uugali ng anak ay nakadepende sa pagpapalaki sa mga magulang. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
A. Iba-iba ang mga pag-uugali ng mga anak.
B. Walang kinalaman ang mga magulang sa pag-uugali ng mga anak.
C. Ang ugali ng magulang ay walang kaugnayan sa ugali ng mga anak.
D. Malaki ang tungkulin ng mga magulang sa pagdidisiplina ng mga anak.

Bilang 23-25
Panuto: Piliin ang sitwasyong maaring maiugnay sa mga karanasang nabanggit sa binasang saknong mula sa akda.

23. “O Birheng marilag,


Tanggulan ng nasa hirap
Kahabagan di man dapat
Ang aliping kapus palad. (saknong
280)

A. Ang pagdarasal ni Ara tuwing kukuha ng


eksaminasyon
B. Ang paghingi ng tawad ni Jona sa kanyang nagawang kasalanan.
C. Ang taimtim na pagdarasal ni Rose upang siya’y magabayan sa landas na tatahakin
D. Ang pagmamakaawa ni Ben sa Birhen upang matapos na ang kanyang kahirapan.

24. “Yumao nang nasa harap


Kabundukan ay matahak
Kahit siya mapahamak
Makuha lamang ang lunas (saknong
048)

A. Ang pagtanggol ng abogado sa inosenteng kliyente


B. Ang paggamot ng isang doctor sa criminal na pasyente.
C. Ang pag-aaral nang mabuti upang makamit ang mga pangarap sa buhay.
D. Ang pagtatrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya kahit mawalay
sa kanila

25. “Anuman ang kasapitan


Ito’y di ko uurungan
Ang malaking kabiguan
Ay bunga ng karuwagan (saknong
505)

A. Mahilig kumanta si Janet ngunit wala siyang


lakas ng loob na sumali sa paligsahan.
B. Kahit nahirapan sa pagsagot ng mga palaisipan si Harry, hindi siya sumuko hanggang nasagutan niya
ito.
C. Malakas ang loob ni Carl na ligawan si Sisa kaya lamang natatakot siya sa mga magulang ng dalaga.
D. Nais sangilin ni Aling Dina ang kaibigan sa kanyang mga utang ngunit natatakot siya baka
masigawan.
26. “Malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayunpaman, prinsipe ko, pagpagurang lakbayin mo.”
Ano ang damdamin o katangian ng Ibong Adarna ang mahihinuha?
A. maawain C. mapagpaubaya
B. maalalahanin D. masayahin
27. “Kaya ngayon ang magaling, si Don Juan ay patayin; kung patay na’y iwan natin, ang Adarna nama’y
dalhin”. Ano ang katangian ni Don Pedro batay sa binasa?
A. makasarli C. mayabang
B. makatarungan D. taksil
28. “Kapwa kami mayroong dangal, prinsipe n gaming bayan, pagkat ako ang panganay, sa akin ang kaharian.”
Ang katangiang mahihinuha kay Don Pedro mula sa binasa ay?
A. mapagkumbaba C. mayaman
B. mapagmahal D. mayabang
29. Paano nagkakatulad ang pagkasira ng relasyon ng magkakapatid na Don Pedro, Don Diego at Don Juan sa mga
magkakapatid sa kasalukuyang panahon?
A. Nag-aaway-away ang magkakapatid ng walang dahilan
B. May isa sa magkakapatid ang nauunang gumawa ng hakbang para magkaroon ng away o gulo.
C. Sa panahon ngayon hindi pa rin maiiwasan ang inggitan na nagiging sanhi ng pag-aaway-away ng
magkakapatid.
D. Ang hindi pagkibo sa lahat ng pagkakataon at sa anumang sitwasyon ang sadyang inaawayan ng mga
magkakapatid.

30. Ano ang naging dahilan ng pagkasira ng relasyon ng magkakapatid na Don Pedro, Don Diego at Don Juan?
A. Nagkaroon ng tampuhan ang magkakapatid na Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
B. Hindi magkasundo-sundo ang magkakapatid na Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
C. Nakaramdam ng inggit sina Don Pedro at Don Diego sa kanilang bunsong kapatid kung kaya nagawa
nila itong pagtaksil.
D. Walang pakialaman ang isa’t isa sa mga nangyayari sa kanilang kaharian kaya’t ito ang naging
hadlang
sa kanilang tampuhan.
31. Naging duwag si Don Diego kung kaya naging sunod-sunuran siya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Don
Pedro. Bakit kaya mas pinili niyang maging sunod-sunuran kay Don Pedro?
A. Dahil paborito niyang kapatid si Don Pedro.
B. Nakaramdam din siya ng inggit kay Don Juan.
C. Dahil wala siyang lakas ng loob para tumanggi sa utos ni Don Pedro dahil ito ang panganay sa
magkakapatid.
D. Dahil nasilaw din siya sa alok ni Don Pedro na siya ay gagawing kanang kamay nito kapag siya na ang
naging hari.
32. Sa pagsulat ng iskrip, ano ang dapat isaalang-alang?
A. Ang kalinawang taglay ng daloy sa bawat tunggalian na mangyayari sa kswento.
B. Ang kawastuhan at kaayusan sa una at huling bahagi ng iskrip upang mas magbibigay ito ng
magandang
impresyon.
C. Ang kalinawan ng plot o banghay, tauhan, tagpuan at ang mahahalagang kasipang hatid nito sa mga
manonood.
D. Ang kakintalang nais imparating sa mga manonood upang mas maging maayos ang impresyon ng
bawat isa.
33. Ayon kay Ricky Lee, sa pagsulat ng iskrip ay mas mabuting makasulat muna ng sentence outline. Ano ang
kahalagahan sa pagsulat sentence outline?
A. Bininigyang pokus dito ang eksena hindi ang deskripsyon at tauhan.
B. Binibigyang pokus ang mga tauhan, deskripsyon at eksena.
C. Binibigyang pokus ang deskripsyon at tauhan hindi ang eksena
D. Binibigyang pokus ang lahat ng anggulo sa pagsulat ng iskrip.
34. Paano nakatutulong sa pagbuo ng iskrip ang malinaw at maayos na pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
A. Nagiging mas detalyado at pulido ang isang iskrip.
B. Madaling makuha ng mambabasa o manonood ang mensaheng taglay nito.
C. Maganda ang maiiwang impresyon sa mga mambabasa o manonood .
D. Lahat ng nabanggit.
Bilang 35-37
Panuto: Suriin at alamin ang katangiang taglay at papel na gigampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na
tauhan.

“Inumog si Don Juan


Na di naman lumalaban
Suntok, tadyak sa katawan
Kung dumapo’y walang patlang (saknong 253)

35. Mula sa nabasang saknong, anong katangian mayroon si Don Juan?


A. duwag C. mapagparaya
B. mapag-ubaya D. matiisin
“Si Don Pedro’y tumalima
Sa utos ng haring ama
Iginayak kapagdaka
Kabayong sinasakyan niya (saknong 047)

36. Alin sa mga sumusunod ang katangiang taglay ni Don Pedro ayon sa nabasang saknong?
A. masunurin C. makisig
B. maporma D. mabait
“Hindi niya nakalimutang
Tumawag sa Birheng Mahal
Lumuhang nanambitang
Tangkilikin kung mamamatay (saknong 253)

37. Ayon sa nabasang saknong ano ang katangiang nangingibabaw kay Don Juan?
A. iyakin C. matapat
B. madasalin D. makalimutin

I. Maligayang, pagbabalik mga anak. Salamat sa Panginoon at matagumpay ang inyong


paglalakbay.
II. Ikinalulungkot po naming sabihin ama ngunit hindi po namin nakita si Don Juan
III. Salamat ama at nakarating na kami na dala-dala ang Ibong Adarna na gamot sa iyong
malubhang sakit.
IV. Ngunit nasaan ang inyong bunsong kapatid, si Don Juan
38. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod sa iskrip na mababasa sa itaas.
A. I,II,III,IV C. I,III,IV,II
B. III,I,IV,II D. III,IV,II,I
Haring Fernando: “Nanaginip ako na ang aking bunso at pinakamamahal na anak ay napahamak dulot ng
dalawang di ko kilalalang lalaki. Panginoon sana’y gabayan niyo po ang aking mga anak”
39. Base sa iskrip na mababasa sa itaas, ano ang posibleng kasunod na mga pahayg na maaring idugtong?
A. Nang mamuhay sila ng may pagkakaunawaan at bangayan.
B. Upang makunteto sila sa kanilang natatamasang pamumuhay
C. Upang magtagumpay na mawasak nila ang kahariang Berbanya
D. Nang maging maayos ang aming pagsasamahan at ligtas sa anumang kapahamakan

Ermitanyo: Iwasan mong tumingin sa Punong ____________ at baka ikaw ay masilaw. Gamitin mo ang gintong sintas
upang mahagip ang Ibong engkantado. Sa tuwing kakanta ang _________ ay iwasan mong makinig at sa halip ay hiwain
mo ang iyong________ at lagyap ng katas ng dayap. Pitos beses mo itong gagawin dahil pitong beses ding kakanta ang
Ibon. Iwasan mo rin ang kanyang ipot dahil kung hindi tiyak kong magiging _______ ka.

40. Punan ang mga nawawalang salita ubang mabuo ang iskrip na mababasa sa itaas.
A. Piedras Platas, Ibong Adarna, palad, bato C. Berbanya, Agila, noo, ermitanyo
B. Cristales, maya, kamay, tao D. Piedras Platas, Agila, kamay, bato.

Inihanda ni :
NESTOR P. SAJONIA JR.
Guro sa Filipino 7- DULOP NHS

JASTINE CHAED H. SANCHEZ


Guro sa Filipino 7- PSYM NHS

VERLUNA DAGOHOY
Guro sa Filipino 7- LSA NHS

ALFE S. GUMANDAM
Guro sa Filipino 7- DAPIWAK NHS

You might also like