You are on page 1of 16

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON III
Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis,
City of San Fernando, 2000 Pampanga
Ang Sagot sa Problema ni Caloy
Aklat Pang-komiks: Karagdagang Kagamitang Pampagkatuto
Para sa Katapatang Pang-Akademiko
Edisyon 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa komiks na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitang ito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa komiks na ito ay
nangangailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Direktor Panrehiyunal ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III: May B. Eclar

Lupon ng Tagapagbuo ng Komiks

Manunulat: Maria Consuelo E. Damaso

Editor: Ma. Editha R. Caparas


Garry M. Achacoso

Mga Tagasuri: Ma. Lilybeth M. Bacolor


Rose C. Mas
Mary Anne C. Angeles
John Paul C. Paje
Mark G. Asuncion

Tagaguhit at Tagalapat: Agape Cherry E. Echon

Tagapamahala: Librada M. Rubio


Ma. Editha R. Caparas
Romeo M. Alip
Michelle A. Mejica
Manolito B. Basilio
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III


Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis City of San Fernando, (P) Telefax (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Si Jana ay may limandaang piso. Bumili siya ng tatlo at kalahating kilo ng saging
kay Aling Cassandra na nagkakahalaga ng animnapung piso kada kilo. Magkano
ang sukli ni Jana?

Isip nang isip.


Kuwenta nang kuwenta.
Sulat nang sulat.
Bura nang bura.
Lukot nang lukot.
Tapon nang tapon.
Ulit nang ulit.

1
Kanina pa nakatitig si Caloy sa
kaniyang modyul sa Math. Kanina pa Anak, ano ba ang
niya pinipilit masagutan ang tanong ginagawa mo at kanina ka
pero hindi niya makuha ang tamang pa mukhang balisa?
sagot.

Mayroon pa po kasi
akong modyul na hindi
natatapos, Inay. Itong Math
pa po. Medyo nahihirapan
po ako.

Ganoon ba, anak? Hindi bale at


iyan na lamang pala. Natapos naman na
natin ng tatay mo ang pagsagot sa ibang
mga modyul kagabi. Saglit lamang, anak, at
tutulungan kitang masagutan iyan. Pupunta
lang ako sandali sa ating tindahan.

2
Nais nang matapos ni Caloy ang kaniyang modyul. Maya-maya ay hiniram niya
Niyaya kasi siya ni Addie na maglaro ng online game. ang selpon ng kaniyang nanay.
Ngunit alam niya na dapat ay masagutan niya muna Tatawagan niya si Addie.
ang mga ito bago siya lumabas upang maglaro.

Naku! Hindi pa nga, Caloy.


Hello, Addie. Napuyat kasi ako sa panonood
Tapos mo na ba ang kagabi. Nakalimutan ko tuloy. Pero
modyul sa Math? si Mikaela ay nakatapos na.
I-message mo siya at mangopya
na lamang tayo!

Nag-log in nga si Caloy sa kaniyang online


messaging app. Hinanap ang pangalan ng
kaklaseng si Mikaela at nagpadala ng
mensahe . Offline

Mikaela, may sagot ka na


ba sa modyul sa Math?
Piktyuran mo naman at
i-send sa akin.

Hinintay ni Caloy na sumagot ang kaklase


subalit nakita niyang hindi ito naka-online
at hindi pa nito nababasa.

3
Ang tagal namang sumagot ni
Mikaela. Mabuti pang kay tatay
na lamang ako magpapaturo.

Pinuntahan niya ang kaniyang tatay sa likod ng kanilang


bahay. Natagpuan niya itong abala sa pagkakayas ng kawayan.

Itay, puwede mo po ba akong tulungan


sa pagsagot ng modyul sa Math?
Sige, anak,
pero hayaan mo
muna akong
tapusin ang aking
kinakayas.

Tiningnan ni Caloy ang salansan ng kawayang


kakayasin pa ng kaniyang tatay.

Marami-rami pa ito.

Naiinip na siya sa paghihintay


kaya sunod naman niyang
tinungo ang kaniyang nanay
sa maliit nilang tindahan sa
harap ng kanilang bahay.

4
Inay, puwede na po ba ninyo akong tulungan Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.
sa pagsagot ng modyul sa Math? Limang mamimili pa ang nais
bumili ng mga paninda ni
Saglit lamang, anak at nanay.
marami pang bumibili.

Kailangan niyang hintaying


matapos ang lahat ng mga Sa wakas ay umalis na rin ang ikalimang mamimili.
bumibili. Naupo siya sa gilid at
pinanood ang ina sa pagtitinda. Salamat po!

Modyul

5
Habang nagbibilang ay biglang
Nanay, puwede mo na po ba akong turuan? napatigil ang kaniyang nanay.

Sige, anak, bibilangin


ko lang itong perang
pinagbentahan ko.

Siguro naman po ay isasauli iyon ng


namili kapag nakita niyang sobra ang
Naku! Sobra ang naisukli ko iyong isinukli.
sa isa sa mga bumili! Sa halip na
isandaan ay limandaang piso ang aking
naibigay! Pandagdag ko pa
naman sana iyon sa pambayad
ng koryente.

Sa panahon ngayon, malabo


nang mangyari iyon.

6
Nang biglang may dumating na mamimili...
Naku! Maraming salamat, iho.
Hindi ko inaasahang maisasauli
Ale, sobra po ang isinukli ninyo sa akin. pa ito. Pagpalain ka ng Diyos
Bumalik po ako upang isauli. sa iyong katapatan.

Walang anoman
po.

Offline

Mikaela, may sagot ka na ba sa


modyul sa Math? Piktiyuran mo
naman at i-send sa akin .

Tuwang-tuwa rin si Caloy sa nasaksihan. Bigla niyang naisip ang mensaheng ipinadala
niya kay Mikaela.

7
Muli niyang hiniram ang selpon ng kaniyang nanay. Nakita niyang hindi pa rin nababasa
ng kaniyang kaklase ang kaniyang mensahe. Binura niya ito. Masaya at magaan sa
pakiramdam niyang isinauli ang selpon.

Hihintayin ko na
lang na matapos si
nanay o si tatay sa
kanilang gawain.
Tiyak ko namang
Unsending maipaliliwanag nila
Message... nang mabuti ang
aming aralin sa
Math at masasagot
ko ang aking
Anak, nasaan na ang
modyul.
iyong modyul? Kunin
mo at pag-aralan
na natin.

Masayang-masaya si Caloy habang


papunta sa kanilang kuwarto.

Inay, nahihirapan po akong


sagutan ang modyul sa Math.

Huwag kang mag-alala,


Hindi ko po kasi alam
anak, kayang-kaya mong
kung paano gawin itong
sagutan iyan. Hayaan
word problem, Inay.
mo at tutulungan kita.

Tungkol saan ba, anak?

8
Matiyagang ipinaliwanag ng kaniyang Parang sa
nanay ang mga paraan sa pagsagot pagtitinda lamang
habang seryosong nakikinig si Caloy. natin iyan, anak,
hindi ba?

Anak, basahin mong mabuti


ang modyul mo, tapos sabihin
mo sa akin kung mayroon ka
Opo, Inay. Madali
pang hindi naiintindihan at
lang po pala. ipaliliwanag ko sa iyo.

Sa wakas, natapos ko na rin! Maraming salamat


po, nanay.

Hindi ko na
pala kailangang
humingi ng sagot
sa aking mga
kaklase. Kaya ko
naman palang
sagutan ang aking
modyul sa
tulong ni
nanay.

9
Modyul

Modyul

10
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba patungkol sa nabasang
kuwento. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang batang nahihirapan sa pagsagot ng Math Problem sa
kuwento?
2. Ano ang mungkahi ni Addie upang mapadali ang pagsagot ni Caloy sa
kaniyang modyul?
3. Sino ang tumulong kay Caloy upang maunawaan ang kaniyang aralin?
4. Bakit nagbago ang isip ni Caloy tungkol sa pangongopya ng sagot ng
kaniyang kaklase?
5. Paano naging tapat si Caloy sa kaniyang pag-aaral?

Panuto: Lagyan ng bilang isa hanggang lima ang mga pangyayari sa ibaba
ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito mula sa kuwento.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________ Bumalik ang isang mamimili upang isauli ang sobrang sukling
naibigay sa kaniya ng nanay ni Caloy.

________ Lumapit at humingi ng tulong si Caloy sa kaniyang tatay


ngunit abala ito sa pagkakayas ng kawayan kaya hindi siya
nito agad naturuan sa kaniyang aralin.

________ Nagpadala ng mensahe si Caloy sa kaniyang kaklase na si


Mikaela upang magtanong ng sagot nito sa kanilang module.

________ Niyakap ni Caloy ang kaniyang nanay at nagpasalamat dito


nang matapos niyang matutuhan at masagutan ang kanyang
mga aralin.

________ Napansin ng nanay ni Caloy na balisa ito habang nakatitig


nang matagal sa kaniyang module.

11
Ang Academic Dishonesty ay anomang uri ng pandaraya o maling gawain na nakahahadlang
sa pagsukat ng tunay na antas ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi dapat gawin ng
mga mag-aaral na tulad mo ang mga ganitong uri ng gawain sapagkat hindi ito makatutulong sa
paglinang at paghubog ng iyong kaalaman at kasanayan. Narito ang ilan sa mga anyo nito:

1. Pangongopya (Cheating) - Ito ay paggamit o pagkuha ng anomang impormasyon,


kagamitan, sanggunian o mga kasanayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pampagkatuto mula sa
iba. Halimbawa nito ay pangongopya ng sagot mula sa ibang mag-aaral sa isang pagsusulit. Kabilang
din dito ang pagpayag ng isang mag-aaral na kopyahin ng kapwa mag-aaral ang kaniyang sagot.

2. Plahiyo (Plagiarism) - Isang uri ng pandaraya kung saan kinukuha o ginagamit ang ideya,
pananalita, disenyo, sining, musika o iba pang mga likha at inaangkin ang mga ito nang hindi
kinikilala ang pinanggalingan o hinihingi ang pahintulot mula sa may-ari ng mga ito.

3. Pabrikasyon (Fabrication) o Palsipikasyon (Falsification) - Tumutukoy sa hindi


awtorisadong paggawa o pagbabago ng mga impormasyon sa mga gawaing pang-akademiko.
Halimbawa, paglikha ng hindi makatotohanang datos na dapat ay magmumula sa isang aktuwal na
eksperimento o pag-iimbento ng sanggunian ng mga impormasyon.

4. Sabotahe (Sabotage) - Ito ay pangingialam o paninira sa gawa ng iba upang


mahadlangan ang matagumpay na paggawa o pagtapos sa isang gawaing pang-akademiko. Ang
paninira sa likhang sining, eksperimento o disenyo ng iba ay maituturing na pananabotahe. Ang
hindi pakikilahok o hindi pag-aambag sa isang pangkatang proyekto ay masasabi ring isang uri ng
sabotahe.

5. Pagpapagawa sa Iba (Contract Cheating) - Isang anyo ng academic dishonesty na


maaaring maganap alinman sa mga sumusunod na sitwasyon:

pagpapagawa sa mga kaibigan o miyembro ng pamilya upang matapos ang isang gawain
nang walang kapalit
paglikha at pagkuha ng sanaysay mula sa isang free essay website at aangkinin bilang
sariling likha
isang takdang gawaing ginawa ng ibang tao nang may kapalit na bayad

Sanggunian:

Department of Education. 2021. "PROMOTING ACADEMIC HONESTY (DM-OUCI-


2021-395)". Pasig City: Department of Education.

12
Nakahiligan na ni Caloy ang paglalaro ng online

games kasama ang kaniyang kaibigang si Addie. Isang

araw, naisipan nilang magkaibigan na mangopya ng sagot

ng kanilang kaklase sa Math upang maaga silang matapos

sa pagsagot ng modyul at makapaglaro.

Ano kaya ang gagawin ni Caloy? Magiging tapat kaya

siya sa kaniyang pag-aaral o maiimpluwensiyahan siya ng

kaniyang kaibigan? Alamin kung paano sinolusyonan ni

Caloy ang kaniyang problema at kung anong aral ang

kaniyang natutuhan.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education- Regional Office III
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resources Management Section (LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis,City of San Fernando, (P)
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like