You are on page 1of 2

Pablo Borbon Campus

Integrated School

Pangalan: _______________________________________________________ Iskor: ____________


Seksyon:_______________________________ Petsa:____________
Maikling Pagsusulit 1.2
Edukasyon sa Pagpapakatao 4

A. Panuto: Bilugan ang TAMA kung wasto ang isisinaad sa pangungusap at MALI kung hindi wasto.

1. Inaalam Ruben ang totoo bago ito ibalita sa iba. TAMA MALI

2. Nagsasabi si Miranda ng totoo sa lahat ng pagkakataon. TAMA MALI

3. Hindi ako nandaraya sa pakikipaglaro. TAMA MALI


4. Nangongopya si Anna sa takdang-aralin kapag ito ay
TAMA MALI
aking nakaligtaang gawin.
5. Ginagaya ni Lovely ang ideya ng iba at sinasabi kong ito
TAMA MALI
ay aking ideya.
6. Pinagtatakpan ko ang pagkakamali ng aking mga
TAMA MALI
kaibigan.
7. Maingat kong ibinibigay ang aking puna sa iba. TAMA MALI
8. Gumagawa si Carlos ng dahilan upang hindi mautusan sa
TAMA MALI
kanilang tahanan.
9. Gumagawa muna ako ng takdang-aralin bago si Marlon
TAMA MALI
makipaglaro sa kanyang mga kaibigan.
10. Nangongopya si Lito sa kanyang mga kaklase tuwing
TAMA MALI
may pagsusulit.

B. Panuto: Basahin ng Mabuti ang bawat pahayag/katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
_____ 1. Lumiban sa klase si Dory. Sa kanyang sulat-paumanhin, nakasaad ang dahilan ng hindi niya
pagpasok. Alam ni Joy, ang kanyang kaibigan, na hindi totoo ang nakalagay na dahilan at hindi rin
lagda ng magulang niya ang naroroon.
A. Dapat payuhan ni Joy si Dory na maging matapat at gawin ang tama.
B. Dapat isumbong ni Joy sa guro si Dory.
C. Dapat sabihin ito ni Joy sa nanay ni Dory.
D. Hayaan ni Joy si Dory sa kanyang gagawin.

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1136

www.batstate-u.edu.ph integratedschool@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

Integrated School

_____ 2. Tuwing gabi, si Albert ang tagahugas ng pinagkainan ng mag-anak. Nais niyang huwag munang
maghugas ngayong gabi. Marami siyang dapat tapusing mga gawaing pampaaralan. Ano ang
sasabihin niya?
A. “Masakit ang tiyan ko. Hindi akong pwedeng maghugas ng pinggan.”
B. “Maaari po bang huwag muna akong maghugas ng pinggan ngayong gabi, Inay? Marami
lang po akong dapat tapusing takdang-aralin.”
C. “Lagi akong tagahugas ng pinggan sa gabi. Dapat ikaw naman Ate.”
D. “Hindi po muna ako maghuhugas ng pinggan ngayong gabi, Inay. Si Kuya naman po
dahil wala naman siyang ginagawa.”

_____ 3. Mahirap ang pagsusulit. Marami kang hindi masagot. Tumingin ka sa iyong katabi. Abala siya sa
pagsusulat at hindi niya alam na nakikita mo na ang kanyang mga isinusulat.
A. Pagkakataon mo ng maisulat ang mga sagot na hindi mo alam.
B. Tingnan ang inyong guro, sana ay hindi ka mapansin na nangongopya.
C. Humingi ng pahintulot sa katabi na makakuha ng ilang kasagutan.
D. Ibaling ang paningin sa iba. Hindi baling bumagsak, huwag lang mangopya.

_____ 4. Binigyan si Roman ng kanyang nanay ng pera para sa bibilhing kagamitan sa kanyang proyekto.
Nabili na niya ang lahat ng mga kakailanganin niya. May lumabis pang pera.
A. Ibalik sa nanay ang labis na pera.
B. Ibili ng meryenda ang labis na pera.
C. Ihulog ang labis na pera sa alkansiya.
D. Itago ang labis na pera upang may magastos pa kung kinakailangan.

_____5. Bumili si Mary ng pagkain sa kantina. Nang bilangin niya ang sukli sa perang ibinayad niya, labis
ito ng bente pesos. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Bente pesos lamang ito, hindi ko na ito ibabalik.
B. Iabuloy sa simbahan ang labis na sukli.
C. Ibigay sa pulubi ang labis na sukli.
D. Ibalik sa tindera ang labis na sukli.

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1136

www.batstate-u.edu.ph integratedschool@g.batstate-u.edu.ph

You might also like