You are on page 1of 2

Lucas 12:13-21 :13

Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroroon, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid kong ibigay niya sa akin
ang bahagi ko sa aming mana.”:14 Sumagot siya, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati
ng mana ninyo?”:15 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman;
sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”:16 Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus
ang isang talinhaga. “Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin.:17 Kaya't nasabi niya
sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayon? Wala na akong paglagyan ng aking mga ani! :18 Alam ko na!
Ipagigiba ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani
at ibang ari-arian.:19 Pagkatapos, ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa
mahabang panahon. Kaya't magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpasarap sa buhay!’:20
“Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito'y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon
mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’:21 Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng
kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”

Seeking God's kingdom Through stewardship.


Stewardship connected with Accountability

Accountable - An obligation or willingness to accept responsibility or to account for one's action.


Pananagutan.
Responsible.
Concern.

PINAGKATIWALAAN KA, MAY PANANAGUTAN KA!

Lesson we can learn from the passage

1. God blessed What He entrusted us.


Lucas 12:16 Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga. “Isang mayaman ang
umani nang sagana sa kanyang bukirin.
Deuteronomio 6:10-12“Malapit na kayong dalhin ni Yahweh sa lupaing ipinangako niya sa
inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Maninirahan kayo sa malalaki at
magagandang lunsod na hindi kayo ang nagtatag.:11 Titira kayo sa mga tahanang sagana sa
lahat ng bagay ngunit hindi ninyo pinaghirapan. Iinom kayo ng tubig na galing sa mga balong
hindi ninyo hinukay. Mamimitas kayo sa mga ubasan at sa mga olibong hindi ninyo itinanim.
Kung kayo'y naroon na at masagana na sa lahat ng bagay,:12 huwag na huwag ninyong
kalilimutan si Yahweh na naglabas sa inyo sa Egipto, sa bayan ng pagkaalipin.

2. Guard your self against all kind of greed.


Lucas 12:15 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng
kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”
3. watch your Attitude
Lucas 12:18-19 Alam ko na! Ipagigiba ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng
mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ibang ari-arian.:19 Pagkatapos, ay
sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya't
magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpasarap sa buhay!’

A) DO NOT TRUST YOUR PLAN


 Kawikaan 19:21 Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din
ni Yahweh ang siyang mananaig.
 Jeremias 22:13-14 “Kahabag-habag ang magiging wakas ng taong nagtatayo ng kanyang bahay
sa pamamagitan ng pandaraya, at naglalagay ng mga silid dito sa pamamagitan ng panlilinlang.
Pinagtatrabaho niya ang kanyang kapwa nang walang kabayaran.:14 Sinasabi pa
niya,‘Magtatayo ako ng malaking bahay na may malalaking silid sa itaas. Lalagyan ko ito ng mga
bintana, tablang sedar ang mga dingding,at pipinturahan ko ng kulay pula.’
B) DO NOT TRUST IN WEALTH
 Job 31:24-25“Kung ako ay umasa sa aking kayamanan, at gintong dalisay ang pinanaligan; v25
kung dahil sa tinatangkilik, ako ay nagyabang, o nagpalalo dahil sa aking kayamanan;
C) DO NOT BE A PLEASURE-SEEKER
 Isaias 47:8-9 “Pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kalayawan, at nag-aakalang ikaw ay
matiwasay. Ang palagay mo sa sarili'y kasindakila ka ng Diyos, at ang paniwala mo'y wala kang
katulad; inakala mong hindi ka mabibiyuda, at hindi mo mararanasan ang mamatayan ng
anak. :9 Ngunit isang araw, sa loob lamang ng isang saglit, anumang salamangka o mahika ang
iyong gawin,     mangyayari ang dalawang bagay na ito: Mawawala ang iyong asawa at ang iyong
mga anak!

Results of being a pleasure-seeker--- POVERTY.


 Kawikaan 21:17 Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman, bagkus sa hirap siya'y
masasadlak.

CONCLUSION
Pinagkatiwalaan tayo ng Diyos ng isang buhay, kailangan natin itong ingatan, pamahalan, bantayan at
dalhin sa tamang direksyon na nais ng Diyos.
Ang mabuting katiwala'y nagsisikap na sundin ang nais ng kanyang panginoon,at kapag ito ay hindi
naging kapaki-pakinabang sa paningin ng Diyos, may pananagutan tayo na haharapin sa nagtiwala na
nagpahiram ng buhay sa atin.
Huwag nating sayangin ang pagkakataon na ipinagkatiwala sa atin, maging responsable tayo sa buhay na
ipinagkatiwala sa atin.

CHALLENGE
Kaya, pananagutan natin sa Diyos ang mga bagay na ating ginagawa.
So then, each of us will give an account of ourselves to God.
(Roma 14:12)

You might also like