You are on page 1of 60

3 Ways to Touch the Heart of God The Great Women of the Bible

Persistency, Faith and Sacrifice


1. Lucas 18:1-8 2. Mateo 15:21-28 3. Lucas 7:36-50 4. 1 Mga Hari 17:7-16 5. Ester 4:15-17

Lucas 18:1-8
Ang Biyuda at ang Hukom

Lucas 18:1
1 Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.

Lucas 18:2
2 Sinabi niya, "Sa isang lunsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao.

Lucas 18:3
3 Sa lunsod ding iyon ay may isang biyuda. Lagi siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, 'Bigyan po ninyo ako ng katarungan sa aking usapin.'

Lucas 18:4
4 Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili, 'Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao,

Lucas 18:5
5 ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.'"

Lucas 18:6
6 At nagpatuloy ang Panginoon, "Pakinggan ninyo ang sabi ng masamang hukom na iyon.

Lucas 18:7
7 Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa mga minamahal niya na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal?

Lucas 18:8
8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita pa kaya siyang mga taong sumasampalataya sa kanya?"

Lucas 18:9
9 Sinabi rin niya ang talinhagang ito sa mga taong mababa ang tingin sa iba at nag-aakalang sila'y matuwid.

Lucas 18:10
10 "May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis.

Lucas 18:11
11 Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito tungkol sa kanyang sarili: 'O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito.

Lucas 18:12
12 Dalawang beses akong nagaayuno sa loob ng sanlinggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.'

Lucas 18:13
13 Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, 'O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!'

Lucas 18:14
14 Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang una ay hindi. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakumbaba ay itataas."

Lucas 18:15
15 Inilalapit ng mga tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay. Nang ito'y makita ng mga alagad, pinagalitan nila ang mga tao.

Lucas 18:16
16 Ngunit tinawag ni Jesus ang mga alagad at sinabihang, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.

Lucas 18:17
17 Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos gaya ng isang bata ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos."

Lucas 18:18
18 May isang pinuno ng bayan na nagtanong kay Jesus, "Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?"

Mateo 15:21-28

Mateo 15:21
21 Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon.

Mateo 15:22
22 Isang Cananea na nakatira doon ang lumapit sa kanya na sumisigaw, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay sinasapian ng demonyo at labis na pinapahirapan nito."

Mateo 15:23
23 Ngunit hindi sumagot si Jesus. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi kay Jesus, "Paalisin na nga po ninyo siya. Napakaingay niya at sunod nang sunod sa atin."

Mateo 15:24
24 Sumagot si Jesus, "Sa mga naliligaw na tupa ng sambahayan ng Israel lamang ako isinugo."

Mateo 15:25
25 Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod ito at nagmakaawa, "Tulungan po ninyo ako, Panginoon."

Mateo 15:26
26 Sumagot si Jesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga bata at ibigay sa mga aso."

Mateo 15:27
27 "Totoo nga, Panginoon. Ngunit ang mga aso man po ay kumakain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon," tugon ng babae.

Mateo 15:28
28 At sinabi sa kanya ni Jesus, "Napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo." At noon di'y gumaling ang kanyang anak.

Lucas 7:36-50
Binuhusan ng Pabango ang mga Paa ni Jesus

Lucas 7:36
36 Minsan, si Jesus ay naanyayahang kumain sa bahay ng isang Pariseo. Pumunta naman siya at dumulog sa hapag.

Lucas 7:37
37 Nang mabalitaang kumakain si Jesus sa bahay ng naturang Pariseo, isang babaing itinuturing na makasalanan sa bayang iyon ang nagpunta roon na may dalang pabangong nasa sisidlang alabastro.

Lucas 7:38
38 Umiiyak siyang lumapit sa paanan ni Jesus, at hinugasan ng kanyang luha ang mga paa nito. Pinunasan niya ng kanyang sariling buhok ang mga paa ni Jesus, hinalikan ito at binuhusan ng pabango.

Lucas 7:39
39 Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, "Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan."

Lucas 7:40
40 Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Jesus, "Simon, may sasabihin ako sa iyo. "Ano po iyon, Guro?" sagot niya.

Lucas 7:41
41 Kaya't nagpatuloy si Jesus, "May dalawang taong umuutang sa isang nagpapahiram ng pera; limang daang salaping pilak ang inutang ng isa, at limampung salaping pilak naman ang sa ikalawa.

Lucas 7:42
42 Nang hindi sila makabayad, kapwa sila pinatawad. Ngayon, sino kaya sa kanila ang higit na magmamahal sa pinagkautangan?"

Lucas 7:43
43 Sumagot si Simon, "Sa palagay ko po'y ang pinatawad sa mas malaking utang. "Tama ang sagot mo," tugon ni Jesus.

Lucas 7:44
44 Nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, "Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit hinugasan niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ito ng sarili niyang buhok.

Lucas 7:45
45 Hindi mo ako hinalikan; ngunit siya, mula nang pumasok ay hindi tumigil ng kahahalik sa aking mga paa.

Lucas 7:46
46 Hindi mo nilagyan ng langis ang aking ulo, subalit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa.

Lucas 7:47
47 Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal."

Lucas 7:48
48 At sinabi niya sa babae, "Pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

Lucas 7:49
49 At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, "Sino ba itong nangangahas na magpatawad ng kasalanan?"

Lucas 7:50
50 Ngunit sinabi ni Jesus sa babae, "Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na."

1 Mga Hari 17:7-16


Pinapunta si Elias sa Sarepta

1 Mga Hari 17:7


7 Ngunit dumating ang panahon na natuyo na rin ang batis.

1 Mga Hari 17:8


8 Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh,

1 Mga Hari 17:9


9 "Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang biyuda na magpapakain sa iyo roon."

1 Mga Hari 17:10


10 Pumunta nga siya roon, at nang papasok na siya ng pintuan ng lunsod, nakita niya ang biyuda na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae, "Maaari po bang makiinom?"

1 Mga Hari 17:11


11 Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin, "Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kapirasong tinapay."

1 Mga Hari 17:12


12 Sumagot ang babae, "Saksi si Yahweh, ang inyong buhay na Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay."

1 Mga Hari 17:13


13 Sinabi sa kanya ni Elias, "Huwag kang mag-alala. Pumunta ka na at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang maliit na tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo.

1 Mga Hari 17:14


14 Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel: Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan."

1 Mga Hari 17:15


15 Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at hindi naubos ang pagkain ni Elias at ng mag-ina sa loob ng maraming araw.

1 Mga Hari 17:16


16 Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.

Ester 4:15-17
Pinakiusapan ni Mordecai si Ester na Mamagitan

Ester 4:15
15 Dahil dito, ipinasabi ni Ester kay Mordecai,

Ester 4:16
16 "Tipunin mo ang lahat ng Judio rito sa Susa at ipag-ayuno ninyo ako. Huwag kayong kakain o iinom sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Mag-aayuno rin kami ng aking mga katulong na babae. Pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit ito'y labag sa batas, at kung dapat akong mamatay, ako nga ay mamamatay."

Ester 4:17
17 Umalis si Mordecai at ginawa ang lahat ng tagubilin ni Ester.

You might also like