You are on page 1of 11

ANG EBANGHELYO NI JUAN

KAPITULO 4
2. Ang Kinakailangan ng Imoral-
ang Pagbibigay ng Lubos na Kasiyahan ng Buhay (4:1-42)
a. Isang Uhaw na Tagapagligtas at isang Uhaw na
Makasalanan (bb. 1-8)
1 Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng
mga Fariseo na si Hesus ay nakahihikayat at
nagbabautismo ng lalong maraming disipulo kaysa kay
Juan.
2 (Bagaman hindi si Hesus ang nagbabautismo, kundi ang
Kanyang mga disipulo),
3 Nilisan Niya ang Judea at naparoong muli sa Galilea.
4 At kinakailangang magdaan Siya sa Samaria.
5 Sumapit nga Siya sa isang lunsod ng Samaria na
tinatawag na Sicar, na malapit sa bahagi ng lupang
ibinigay ni Jacob kay Jose na kanyang anak;
6 At naroon ang 1balon ni Jacob. Si Hesus nga, sapagka’t
pagod mula sa Kanyang paglalakbay, ay naupong gayon sa
tabi ng 1balon. Mag-2iikaanim na nga ang oras.
7 Dumating ang isang babaeng taga-Samaria upang
umigib ng tubig. Sa kanya ay sinabi ni Hesus, Painumin
mo Ako.
8 Sapagka’t napasalunsod ang Kanyang mga disipulo
upang magsibili ng pagkain.
b. Ang Kahungkagan ng Tradisyon ng Relihiyon
at ang Kapuspusan ng Buháy na Tubig ng Buhay (bb. 9-14)
9 Sinabi nga sa Kanya ng babaeng Samaritana, Paano
ngang Ikaw, na isang Hudyo, ay humihingi ng maiinom sa
akin, gayong ako ay isang babaeng Samaritana? (Sapagka’
t ang mga Hudyo ay walang pakikihalubilo
sa 1mga Samaritano).
10 Sumagot si Hesus at sa kanya at nagsabi, Kung
napagkikilala mo ang kaloob ng Diyos, at kung Sino ang sa
iyo ay nagsasabi, Painumin mo Ako, ikaw marahil ay
hihingi sa Kanya, at ikaw ay bibigyan naman Niya ng tubig
na buhay.
11 Sinabi sa Kanya ng babae, Ginoo, wala Kang timba, at
malalim ang balon; saan Mo nga kukunin ang Iyong tubig
na buháy?
12 Dakila Ka pa ba sa aming amang si Jacob, na sa amin
ay nagbigay ng balon, at dito ay uminom, at ang kanyang
mga anak, at ang kanyang mga hayop?
13 Sumagot si Hesus at sinabi sa kanya, Ang
bawa’t 1umiinom ng tubig na ito ay muling mauuhaw.
14 Datapuwa’t ang sinumang umiinom ng tubig na sa
kanya ay Aking ibibigay ay hindi
mauuhaw 1magpakailanman; nguni’t ang tubig na sa
kanya ay Aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig
na bubukal tungo sa 2buhay na walang hanggan.
c. Ang Paraan ng Pagkuha sa Tubig na Buháy (bb. 15-26)
(1) Magpahayag ng mga Kasalanan (bb. 15-18)
15 Sinabi sa Kanya ng babae, Ginoo, ibigay Mo sa akin ang
tubig na ito upang ako ay hindi mauhaw, ni pumarito
upang umigib.
16 Sinabi sa kanya ni Hesus, Humayo ka, 1tawagin mo ang
iyong asawa at pumarito ka.
17 Sumagot ang babae at sinabi sa Kanya, Wala akong
asawa. Sinabi sa kanya ni Hesus, Tama ang pagkasabi mo,
Wala akong asawa;
18 Sapagka’t nagkaroon ka na ng 1limang asawa, at ang
nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa; dito ay sinabi mo ang
katotohanan.
(2) Kaugnayin ang Diyos na Espiritu sa loob ng Pantaong
Espiritu at ng Realidad (bb. 19-24)

19 Sinabi sa Kanya ng babae, Ginoo, nahihiwatigan kong


Ikaw ay isang propeta.
20 1Ang aming mga magulang ay nagsisamba sa bundok
na ito, at sinasabi ninyo, na sa Herusalem ay ang dakong
dapat pagsambahan ng mga tao.
21 Sa kanya ay sinabi ni Hesus, Babae, paniwalaan mo
Ako, dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa
Herusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.
22 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman;
sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka’t ang
kaligtasan ay 1nanggagaling sa mga Hudyo.
23 Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na
sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa
espiritu at realidad; sapagka’t hinahanap ng Ama ang
mga gayon upang sumamba sa Kanya.
24 Ang 1Diyos ay 2Espiritu; at ang mga sa Kanya ay 
3
nagsisisamba ay kinakailangang
 3magsisamba sa 4espiritu at sa 5realidad.
(3) Manampalataya na si Hesus ang Kristo (bb. 25-26)
25 Sinabi sa Kanya ng babae, Nalalaman ko na paririto
ang Mesiyas, Siya na tinatawag na Kristo; pagparito Niya,
ipahahayag Niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
26 Sinabi sa kanya ni Hesus, 1Ako na nagsasalita sa iyo ay
Siya nga.
d. Isang Buháy na Patotoo na may isang Kahanga-hangang
Pag-aani (bb. 27-42)
27 At sa ganito ay nagsidating ang Kanyang mga disipulo at
sila ay nangagtaka na Siya ay nakikipag-usap sa isang babae;
gayon man ay wala ni isang nagsabi, Ano ang Iyong
hinahanap? O, Bakit Ka nakikipag-usap sa kanya?
28 Sa gayon ay 1iniwan ng babae ang kanyang tapayan, at
napasalunsod, at sinabi sa mga tao,
29 Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang Lalake, na
nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking
ginawa; 1hindi nga ba’t ito ang Kristo?
30 Nagsilabas sila sa lunsod at 1nagsiparoon sa Kanya.
31 Samantala ay namanhik sa Kanya ang mga disipulo, na
nangagsasabi, Rabi, kumain Ka.
32 Datapuwa’t sinabi Niya sa kanila, 1Ako ay may pagkaing
kakanin na hindi ninyo nalalaman.
33 Ang mga disipulo nga ay nangag-usapan, May nagdala
kaya sa Kanya ng makakain?
34 Sinabi sa kanila ni Hesus, Ang Aking pagkain ay ang gawin
Ko ang kalooban ng sa Akin ay nagsugo, at tapusin ang
Kanyang gawa.
35 Hindi ba sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at
darating na ang pag-aani? Narito, sa inyo ay Aking sinasabi,
Itanaw ninyo ang inyong mga mata at inyong tingnan ang
mga bukid, sapagka’t mapuputi na upang anihin.
36 Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng
bunga 1tungo sa 2buhay na walang hanggan; upang ang
naghahasik at ang umaani ay magkasamang mangagagalak.
37 Sapagka’t dito ay totoo ang kasabihan, Iba ang
naghahasik, at iba ang umaani.
38 Kayo ay isinugo Ko upang anihin ang hindi ninyo
pinagpagalan; 1iba ang nangagpagal, at kayo ang siyang
nagsipasok sa kanilang pinagpagalan.
39 At marami sa mga Samaritano sa lunsod na yaon ang sa
Kanya ay nagsisampalataya dahil sa salita ng babae na
nagpatotoo, Sinabi Niya sa akin ang lahat ng mga bagay na
aking ginawa.
40 Kaya nang magsidating sa Kanya ang mga Samaritano,
namanhik sila sa Kanya na 1tumigil sa kanila, at Siya
ay 1tumigil doon ng dalawang araw.
41 At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya dahil sa
Kanyang salita.
42 At sinabi nila sa babae, Ngayon ay nagsisisampalataya
kami, hindi dahil sa iyong pananalita; sapagka’t kami rin ay
nakarinig, at nalalaman namin na ang Isang ito ang
Tagapagligtas ng sanlibutan.

3. Ang Kinakailangan ng Taong Malapit nang Mamatay-


ang Pagpapagaling ng Buhay (4:43-54)
a. Si Kristo, Bumabalik sa Lugar ng mga Taong Mahihina at
Marurupok (bb. 43-46a)
43 At pagkaraan ng dalawang araw ay umalis Siya roon at
napasa Galilea.
44 Sapagka’t si Hesus Mismo ang nagpatotoo na ang isang
propeta ay walang kapurihan sa kanyang 1sariling lupain.
45 Kaya nang Siya ay dumating sa Galilea, tinanggap Siya ng
mga Galileo, sapagka’t sila man ay nagsiparoon din sa
kapistahan at kanilang nakita ang lahat ng mga bagay na
Kanyang ginawa sa Herusalem sa kapistahan.
46 Naparoon nga Siyang muli sa 1Cana ng 2Galilea, na roon
ay Kanyang pinapaging-alak ang tubig.

b. Ang mga Taong Mahihina at Marurupok, Nangamamatay


bb. 46b-49
At naroroon ang isang maharlikang opisyal, na ang anak na
lalake ay may sakit sa Capernaum.
47 Nang mabalitaan niya na si Hesus ay dumating sa Galilea
mula sa Judea, naparoon siya sa Kanya at namanhik sa
Kanya na bumaba at pagalingin ang kanyang anak na lalake,
sapagka’t siya ay naghihingalo.
48 Sinabi nga sa kanya ni Hesus, Malibang kayo ay
mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, hindi kayo
magsisipaniwala sa anumang paraan.
49 Ang maharlikang opisyal ay nagsabi sa Kanya, Ginoo,
bumaba Ka bago mamatay ang aking anak.
c. Sa pamamagitan ng Pananampalataya,
Napagaling ng Salitang Nagbibigay-buhay (bb. 50-54)

50 Sinabi sa kanya ni Hesus, Humayo ka, buhay ang anak


mo. Pinaniwalaan ng lalake ang 1salitang sinalita sa kanya ni
Hesus, at siya ay yumaon sa kanyang lakad.
51 At samantalang siya ay bumababa sinalubong siya ng
kanyang mga alipin, na nangagsasabi na ang kanyang anak
na batang lalake ay buháy.
52 Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya ay
nagsimulang gumaling. Sa kanya nga ay kanilang sinabi,
Kahapon nang 1ikapitong oras inibsan siya ng lagnat.
53 Naunawaan nga ng ama na yaon ay sa oras nang sabihin
sa kanya ni Hesus na, Buhay ang anak mo; at siya ay
sumampalataya, at ang kanyang buong sambahayan.
54 Ito ay ginawang muli ni Hesus bilang 1ikalawang tanda
nang Siya ay pumaroon sa Galilea mula sa Judea.

MGA TALABABA
28 1 iniwan
Ang sinumang umiinom sa buháy na tubig at masiyahan dito
ay mag-iiwan ng kanyang dating pinagkakaabalahan at
magpapatotoo para sa buháy na tubig. Sa prinsipyong
naipakita sa kapitulo 2, ito man ay ang palitan ng buhay ang
kamatayan.
29 1 “hindi nga ba’t ito ang Kristo?”
Ito ay nagsasaad na ang babae ay nanampalataya na si
Hesus ay ang Kristo, at sa pamamagitan ng ganitong
pananampalataya siya ay tumanggap ng buháy na tubig at
nasiyahan.
30 1 nagsiparoon
*Lit., nagsiparito.
32 1 Ako
Dahil sa buháy na tubig ng Tagapagligtas, ang makasalanan
ay nagtamo ng kasiyahan; dahil sa pagsunod sa kalooban ng
Diyos, yaon ay, ang bigyang-kasiyahan ang makasalanan,
ang Tagapagligtas ay nagtamo rin ng kasiyahan. Ang gawin
ang kalooban ng Diyos upang bigyang-kasiyahan ang
makasalanan ay ang pagkain ng Tagapagligtas (b. 34).
36 1 tungo
O, para sa.
36 2 buhay
Tingnan ang tala 15 1 sa kap. 3.
38 1 “iba ang nangagpagal”
Ang “iba ang nangagpagal” ay nangangahulugang may mga
taong naghasik ng binhi sa mga Samaritano sa pamamagitan
ng Pentateuch (ang unang limang aklat ng Lumang Tipan),
na taglay ng mga Samaritano. Ngayon ay isinugo ng
Panginoon ang Kanyang mga disipulo upang anihin ang mga
hinasikan ng mga taong yaon.
40 1 tumigil
Ganito ring salitang Griyego ang ginamit para sa
“nananahan” sa 14:17 at para sa “nananatili” sa 15:4, 5, 7,
9, 10.
44 1 sariling
Napasa Galilea ang Panginoon dahil iniiwasan Niya ang
maging bantog katulad nang nasa Herusalem pa Siya (2:23).
46 1 Cana
Tingnan ang tala 1 3 sa kap. 2.
46 2 Galilea
Ang Galilea ay isang hamak na lugar (7:41, 52), ay
sumasagisag sa mababa at hamak na sanlibutan.
50 1 salitang sinalita
Ang salita ng buhay buhat sa bibig ng Panginoon ay
nagbibigay-buhay sa taong malapit nang mamatay.
52 1 ikapitong oras
Yaon ay, alas 7:00 ng gabi.
54 1 ikalawang tanda
Ang kahulugan ng unang tanda sa Cana (2:1-11) ay ang
palitan ng buhay ang kamatayan, itinatakda ang prinsipyo ng
buhay. Ang ikalawang tanda rito ay isang pagpapatuloy
upang magamit ang prinsipyong ito, yaon ay, ang palitan ng
buhay ang kamatayan. Ang kamatayan ay buhat sa puno ng
kaalaman, at ang buhay ay buhat sa puno ng buhay (cf. Gen.
2:9, 17).
T309 Nang si Kristo ay tanggapin!

1
Kay laking pagbabago sa aking 4
buhay, Kabalisahan ng buhay ko'y
Nang si Kristo ay tanggapin! nawala,
Lumigaya ang pusong dati'y may Nang si Kristo ay tanggapin!
lumbay, Kasiyahan ko'y matamis Niyang
Nang si Kristo ay tanggapin! presensya,
Nang si Kristo ay tanggapin!
CHORUS
Nang si Kristo ay tanggapin! 5
Nang si Kristo ay tanggapin! Iniwan ko ang lumang gawi ng
Galak ng puso'y nag-umapaw sa buhay,
akin, Nang si Kristo ay tanggapin!
Nang Siya ay aking tanggapin! Mal'walhating pag-asa ang
gumagabay,
2 Nang si Kristo ay tanggapin!
Hindi na muling malilihis ng
landas, CHORUS
Nang si Kristo ay tanggapin! Nang si Kristo ay tanggapin!
Sa mga kasalanan ko ay naligtas, Nang si Kristo ay tanggapin!
Nang si Kristo ay tanggapin! Galak ng puso'y nag-umapaw sa
akin,
3 Nang Siya ay aking tanggapin!
Nagkaro'n ng saysay ang hungkag
kong buhay,
Nang si Kristo ay tanggapin!
Makamundong saya'y nawalan
ng kulay,

You might also like