You are on page 1of 3

Juan 3

KAPITULO 3
17 Sapagka’t hindi isinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang
sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.
18 Ang sumasampalataya 1sa Kanya ay hindi hinahatulan; ang hindi
sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya
sumampalataya  sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos.
2

19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanlibutan, at inibig pa ng


mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw, sapagka’t masasama ang kanilang mga
gawa.
20 Sapagka’t ang bawa’t isa na 1gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at
hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag mahantad ang kanyang mga gawa.
21 Datapuwa’t ang gumagawa ng 1katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang
mahayag na ang kanyang mga gawa ay ginawa sa Diyos.
d. Ang mga Naisilang na muling Tao, Nagiging
Kasintahang Babae ni Kristo bilang Kanyang Karagdagan
3:22-30
22 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Hesus at ang Kanyang
mga disipulo sa lupain ng Judea; at doon Siya tumira na kasama nila, at
nagbautismo.
23 At nagbabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka’t
doon ay maraming tubig; at sila ay nagsiparoon, at nangabautismuhan.
24 Sapagka’t hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan.
25 Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga disipulo ni Juan sa isang
Hudyo tungkol sa paglilinis.
26 At sila ay naparoon kay Juan, at sa kanya ay sinabi, Rabi, yaong kasama mo
sa dako pa roon ng Jordan, na iyong pinatotohanan, tingnan mo, Siya ay
nagbabautismo, at ang lahat ng mga tao ay nagsisiparoon sa Kanya.
27 Sumagot si Juan at nagsabi, Hindi makatatanggap ng anuman ang isang tao,
malibang ito ay ipinagkaloob sa kanya mula sa langit.
28 Kayo man ay nagsisipagpatotoo tungkol sa akin, na aking sinabi, Hindi ako
ang Kristo, kundi, ako ay isinugo sa unahan Niya.

29 Ang nagtataglay sa kasintahang babae ay ang kasintahang lalake;


datapuwa’t ang kaibigan ng kasintahang lalake, na nakatayo at nakikinig sa
kanya, ay nasisiyahan nang may kagalakan dahil sa tinig ng kasintahang-
lalake. Ito ngang aking kagalakan ay nagawang ganap.
30 Kinakailangan Siyang 1maragdagan, nguni’t kinakailangan akong
mabawasan.
e. Ang Di-masukat na Anak ng Diyos, Sinampalatayanan ng Tao
upang Magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan
3:31-36
31  Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw sa lahat; ang 2galing sa lupa
1

ay 2tagalupa nga at ang 2ukol sa lupa ang sinasalita niya. Ang


nanggagaling 2sa langit ay sumasaibabaw sa lahat.
32 Ang Kanyang nakita at narinig tungkol dito ay Kanyang pinatototohanan,
at walang taong tumatanggap ng Kanyang patotoo.
33 Ang tumatanggap ng Kanyang patotoo ay nagtatak na ang Diyos ay totoo.
34 Sapagka’t ang isinugo ng Diyos ay nagsasalita ng 1mga salita ng Diyos,
sapagka’t Kanyang ipinagkakaloob ang Espiritu ng walang sukat.
35 Sinisinta ng Ama ang Anak, at inilagay sa Kanyang kamay ang lahat ng mga
bagay.
36 Ang sumasampalataya 1sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t
ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakikita ng buhay, kundi ang poot
ng Diyos ay nananatili sa kanya.
Juan 3 – Mga Tala
18  Lit., tungo sa loob Niya.
1

18 2Lit., tungo sa loob ng pangalan.


20 1Lit., sanay nang gumawa ng masama, gayundin sa 5:29.
21 1Ang katotohanan dito kung ihahambing sa nilalaman ng naunang
bersikulo ay tumutukoy sa pagiging wasto at tuwid (taliwas sa masama—bb. 19-
20) na siyang realidad na naihahayag ng isang taong ipinamumuhay ang kung
ano ang Diyos sa harapan ng Diyos. Ang katotohanan ay kaisa rin ng dibinong
ilaw. Ang
ilaw ay ang Diyos na siyang pinagmulan ng katotohanan na naihayag palabas
mula sa loob ni Kristo. Tingnan ang tala 6 6 sa 1 Juan 1.
30 1Ang “karagdagan” sa bersikulong ito ay ang kasintahang babae sa
nakaraang bersikulo, ang bersikulo 29, at ang kasintahang babae roon ay isang
buháy na kabuuan ng lahat ng naisilang na muling tao. Ito ay
nangangahulugan, na sa kapitulong ito, hinggil sa pagkasilang na muli, ay
hindi lamang ang magdala ng buhay ng Diyos tungo sa loob ng mga
mananampalataya at ang magpawalang-bisa ng makasatanas na kalikasan sa
kanilang laman, bagkus ang gawin din silang karagdagan ni Kristo. Ang
huling dalawang punto, ang ipawalang-bisa ang makaahas na kalikasan na
nasa mga mananampalataya at ang gawin silang kasintahang babae para kay
Kristo, ay kapwa lubos na napaunlad sa kasulatang Apocalipsis ni Juan. Ang
aklat ng Apocalipsis ay pangunahing nagpapahayag kung paanong si Satanas
bilang ang matandang ahas ay lubos na maaalis (Apoc. 20:2, 10), at kung
paanong ang kasintahang babae ni Kristo bilang ang Bagong Herusalem ay
lubos na maibubunga (Apoc. 21:2, 10-27).
31 1Ang mga bersikulo 31 hanggang 36 ay nagpapakita sa atin ng pagiging di-
masukat, ng pagiging walang hanggan ni Kristo. Siya ay gayong di-masukat at
walang hangganan na Isa, na dumating mula sa itaas, na sumasaibabaw sa
lahat, na kung kanino ibinigay ng Ama ang lahat. Sinalita Niya ang salita ng
Diyos, at namahagi ng Espiritu nang walang sukat. Ang gayong Isa ay
nangangailangan ng isang pansansinukob na karagdagan upang Kanyang
maging kasintahang babae na aangkop sa Kanya, tulad ng naihayag sa mga
bersikulo 22 hanggang 30. Ang nananampalataya sa di-masukat na Isang ito ay
may walang hanggang buhay; ang di-nananampalataya sa Isang ito ay
mapasasailalim ng poot ng Diyos.
31 2Lit., mula sa. Yamang ang mga tao at bagay rito sa lupa ay nanggaling sa
lupa, ang mga ito ay tagalupa nga. Ang nanggaling sa langit na tumutukoy sa
nagmula sa langit ay tagalangit nga.
34 1Gr. rhema. Tingnan ang tala 63 3 sa kapitulo 6.
36 1Lit., tungo sa loob Niya.

You might also like