You are on page 1of 2

ARALIN 23

Mateo 28:19, 20

19Kaya humayo kayo at gumawa ng mga alagad mula sa mga tao ng lahat ng bansa,
na binabautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu,20at
itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng iniutos ko sa inyo. At makakasama ninyo ako
sa lahat ng araw hanggang sa katapusan ng sistemang ito.”

Marcos 1:9, 10

9Nang panahong iyon, si Jesus ay dumating mula sa Nazaret ng Galilea, at


binautismuhan siya ni Juan sa Jordan.10At pagkaahon na pagkaahon sa tubig, nakita
niya ang langit na nahahawi at ang espiritu na parang kalapati na bumababa sa kaniya.

Mateo 16:24

24Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga alagad niya: “Kung gusto ng isa na sumunod sa
akin, dapat niyang itakwil ang kaniyang sarili at buhatin ang kaniyang pahirapang tulos
at patuloy akong sundan.

Hebreo 11:6

6Bukod diyan, kung walang pananampalataya, imposibleng mapalugdan nang lubos


ang Diyos, dahil ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya ay
umiiral at nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kaniya nang buong puso.

2 Timoteo 4:2

2Ipangaral mo ang salita ng Diyos; gawin mo ito nang apurahan, maganda man o
mahirap ang kalagayan; sumaway ka, magbabala, at magpayo nang may pagtitiis at
husay sa pagtuturo.

1 Juan 5:3

3Dahil ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos: Sundin natin ang mga utos niya; at ang
mga utos niya ay hindi pabigat,

Colosas 1:9, 10

9Kaya mula nang araw na marinig namin iyon, lagi na namin kayong ipinapanalangin at
hinihiling namin na mapuno kayo ng tumpak na kaalaman tungkol sa kaniyang
kalooban, taglay ang lahat ng karunungan at ang kakayahang umunawa mula sa
espiritu,10para makapamuhay kayo nang karapat-dapat sa harap ni Jehova at sa gayon
ay lubusan ninyo siyang mapalugdan habang namumunga kayo dahil sa inyong
mabubuting gawa at lumalago ang inyong tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos;
Mateo 3:13-17

13Pagkatapos, mula sa Galilea ay dumating si Jesus sa Jordan para magpabautismo


kay Juan.14Pero sinubukan siyang pigilan ni Juan. Sinabi nito: “Ako ang dapat
magpabautismo sa iyo. Bakit ka nagpapabautismo sa akin?”15Sumagot si Jesus:
“Hayaan mong ito ang mangyari ngayon para magawa natin ang lahat ng iniutos ng
Diyos.” Kaya hindi na siya pinigilan ni Juan.16Pagkatapos mabautismuhan, umahon
agad si Jesus sa tubig; at ang langit ay nabuksan! At nakita ni Juan ang espiritu ng
Diyos na parang kalapati na bumababa kay Jesus.17May tinig din mula sa langit na
nagsabi: “Ito ang Anak ko, ang minamahal ko at kinalulugdan.”

Lucas 3:21-23

21Matapos mabautismuhan ang lahat ng tao, binautismuhan din si Jesus. Habang


nananalangin siya, nabuksan ang langit,22at ang banal na espiritu na tulad ng isang
kalapati ay bumaba sa kaniya, at isang tinig ang narinig mula sa langit: “Ikaw ang Anak
ko, ang minamahal ko; nalulugod ako sa iyo.”23Nang pasimulan ni Jesus ang kaniyang
gawain, siya ay mga 30 taóng gulang. At gaya nga ng sinasabi ng mga tao, siya ay
anak ni Jose, na anak ni Heli,

Juan 6:38

38dahil bumaba ako mula sa langit para gawin, hindi ang kalooban ko, kundi ang
kalooban ng nagsugo sa akin.

Juan 17:3

3Para magkaroon sila ng buhay na walang hanggan, kailangan nilang makilala ka, ang
tanging tunay na Diyos, at ang isinugo mo, si Jesu-Kristo.

Santiago 1:5

5Kaya kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, patuloy siyang humingi sa
Diyos, dahil sagana Siyang nagbibigay sa lahat at hindi nandurusta, at ibibigay iyon sa
kaniya.

Awit 25:14

14Ang mga natatakot kay Jehova ang nagiging matalik niyang kaibigan, At ipinaaalam
niya sa kanila ang kaniyang tipan.

1 Pedro 2:17

17Bigyang-dangal ninyo ang lahat ng uri ng tao, magkaroon kayo ng pag-ibig sa buong
samahan ng mga kapatid, matakot kayo sa Diyos, parangalan ninyo ang hari.

You might also like