You are on page 1of 9

SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala, aalamin lang


nito kung kailangan mo pa ba ang modyul na ito o tutuloy ka na sa kasunod.
Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel.

Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng katotohanan o lohikal na


pangangatwiran? Lagyan lamang ng (/) tsek ang mga bilang na nagsasaad ng
makatotohanan o lohikal na pahayag.

_ 1. Ang programang K to 12 ay nahahati sa Kindergarten, Primary


Education, Junior High School, at Senior High School.
_ 2. Tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa mahina ang bentahan ng ating
produkto.
_ 3. Isa sa mga pangunahing pinagkakikitaan ng ating bansa ay ang turismo.
_ 4. Si Artista A ay matapat. Si Artista B ay nakapagtapos sa kolehiyo. Si Artista
C ay matalino kung kaya’t dapat nating iboto ang mga artista!
_ 5. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal kung kaya’t halos buong taon
nakararanas tayo ng tag-ulan.
_ 6. Pera ang pangunahing pangagailangan ng tao, ngunit pera rin ang sisira sa
relasyon ng tao.
_ 7. Karaniwang kaugalian ng mga Pilipino ang likas na mapagmahal.
_ 8. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti nang nababawasan
ang mga out-of-school youth.
_ 9. Ayon sa Bibliya, masama ang pagsisinungaling.
_10. Si Coco Martin ay isang sikat na artista.
_11. Ang isda ay namumuhay sa tubig.
_12. Lahat ng taong nabubuhay ay humihinga.
_13. Ang Pangulo ng Pilipinas ngayon ay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
_14. Si Jose Palma ang sumulat sa titik ng ating pambansang awit.
_15. Kung si Maria ay mabuting kristiyano, siya ay makapupunta sa langit.

3
YUGTO NG PAGKATUTO

BALIKAN

Batay sa tinalakay na tekstong naratibo sa nakaraang modyul, suriin ang mga


sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay naglalahad ng
katangian ng tekstong naratibo at ekis (x) naman kung hindi.

1. Sumusuporta sa isang punto o nagpapahayag ng pangunahing ideya.


2. Nagtataglay ng mga tiyak na detalye ng mga obserbasyon sa tao,
lugar o pangyayari.
3. Isinasalaysay ang mga pangyayari nang magkakasunod-sunod.
4. Nakagaganyak ang panimula ng teksto.
5. Sinaliksik at pinag-aralan ang mga impormasyong inilalahad.
6. Nagtataglay ng personal na karanasan ng mga sangkot na tauhan.
7. Naglalahad ito ng isang detalyeng nakapanghihikayat sa madla.
8. Nagpapakita ng isang matibay na opinyon ukol sa paksa.
9. May ipinapakilalang suliraning kinakaharap ang mga tauhan.
10. Kawili-wili ang pamagat ng teskto at may malalim na pagpapaliwanag
sa magiging implikasyon nito.

TUKLASIN

Basahin at unawaing mabuti ang tekstong nasa ibaba. Gamit ang Storey
Mountain Organizer, suriin ang pagkabuo o pagkabalangkas ng “Editoryal | Si
Marcos at ang Ilusyon ng Pag-unlad” sa pamamagitan ng pagtala ng mga pahayag
ayon sa mga bahagi ng teksto: simula, gitna o katawan at konklusyon.

Gitna

Mahalagang Bahagi
ng Tekstong
Argumentatibo

Simula Wakas

4
Editoryal | Si Marcos at ang Ilusyon ng Pag-unlad
By: Pinoy Weekly

Iisa ang tono ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tuwing nababanggit ang kanyang
tatay na si Ferdinand Marcos na pinatalsik sa Malakanyang sa unang People Power sa
EDSA: Kung hindi nagkaroon ng EDSA People Power, maunlad na sana ang Pilipinas.
Tila sinasabi niyang pagkakamali ang EDSA People Power kung kaya nananatili ang
krisis dito sa bansa. Tila walang kasalanan ang administrasyon ng kanyang ama sa
kahirapan na nararanasan ng mga mamamayan sa ilalim ng administrasyon nito noon.
Mas maunlad daw noon ang Pilipinas kumpara sa kalagayan ngayon. Kahit na
ihambing umano ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Asya, di hamak na nangunguna raw ito.
Sa madaling sabi, maunlad noon ang Pilipinas at dahil ito sa kanyang ama. Kung may isang
kakambal na pangalan ngayon ang mga Marcos, iyun ay ang Martial Law (ang deklarasyon
na kumitil ng hindi lamang ng demokrasya sa bansa kundi maging ang pinakamagigiting at
pinakamahuhusay na anak ng bayan). Ito ang idineklara ni Marcos para umano makontrol
ang bansa para magkaroon ng “kaayusan” at sumulong ang ekonomiya ng bansa.
Pero nakakalimutan yata ni Bongbong na isang planadong krimen ang Martial Law
para mapanatili ang kapangyarihan ng kanyang ama sa puwesto tulad ng inamin ni Juan
Ponce Enrile, isa sa mga arkitekto nito. Totoong matindi ang kahirapan na nararanasan ng
bansa ngayon sa ilalim ni Aquino (at iba pang rehimeng nagdaan). Pero hindi ibig sabihin di
na matindi ang kahirapang nararanasan noon ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ni
Marcos.
Mula noong panahon ni Marcos (o bago pa man), isa nang tatsulok ang lipunang
Pilipino na nasa itaas ang naghaharing mga uri, at iilan lamang na pamilya ang
nakikinabang. Ganito pa rin ang lipunan ngayon, dahil wala naman talagang tunay o
makabuluhang pagbabagong ginagawa ang mga pulitikong nakaupo mula pa nang likhain
ng Estados Unidos ang pamamahala sa Pilipinas batay sa kanilang interes. Wala sa mga
nakaupo sa puwesto ang makakagawa na ipamahagi nang libre ang lupa sa mga
magsasaka. Wala sa kanila ang magbibigay ng nakabubuhay na sahod sa mga
manggagawa at ipatitigil ang kontraktuwalisasyon. Wala sa kanila ang pangungunahan ang
industriyalisasyon sa bansa. Lalong wala sa kanila ang tatayo laban sa panghihimasok ng
ibang bansa gaya ng Estados Unidos (at kahit pa Tsina).
Labag ang lahat nang ito sa interes at batas ng mga naghaharing uri na nakaupo sa
puwesto. Nakailang eleksiyon na ang mga Pilipino, pero nananatiling dominante ng mga
pamilyang ito ang eleksiyon sa Pilipinas. Wala silang lilikhaing batas na labag sa interes ng
mga haciendero at mga kapitalista.
May Marcos o wala na nakaupo sa bansa, o may Martial Law man o wala, hinding
hindi tunay na uunlad ang Pilipinas at mga mamamayan nito habang nananatiling
nakadisenyo ang gobyerno para mapanatili ang mga naghaharing uri sa kanilang puwesto at
panatilihin ang ganitong sistema na sila lang ang nakikinabang.
Desperasyon na marahil ng ibang mga Pilipino ang pagkakaroon ng Martial Law o
kamay na bakal tulad ng mga itinotono ng mga pulitikong tumatakbo para umano umayos at
umunlad ang bansa.
Ipinapangako ng mga pulitiko ang lahat kahit ano para lang manalo. Pero alam na ng
marami na hindi ito magkakatotoo. Dahil kung may tunay na pagbabago na magkakatotoo at
makabubuti sa ordinaryong mga tao, hindi ito manggagaling sa mga kandidato.
Napatunayan ng mga pag-aalsa mula panahon ng kolonyalismong Espanyol
hanggang First Quarter Storm ng 1970 hanggang sa EDSA noong 1986 na nagkakaisang
mga mamamayan ang nagtutulak ng pagbabago.

5
SURIIN

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang paglalahad ng katotohanan
mula sa balidong datos na nakuha o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang
ating kaalaman ngunit isang paraan upang makakuha ng sapat na impormasyon
hinggil dito ay ang pagpili ng mga babasahin na may kaugnayan sa paksa. Huwag
din kalimutang isaalang-alang ang kredibilidad ng awtor kung malinaw bang nailahad
ang kanyang mga pananaw at maaaring mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat.
Ang tekstong argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit
hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat kundi pati na rin
sa mga datos o mga impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng
pangungumbinsi-ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang
logos. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga
argumento, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.
Ang empirikal na pananaliksik naman ay tumutukoy sa pangongolekta ng mga datos
sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey at eksperimento.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O PAGBUO NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Paraan Kahulugan Halimbawa
1.Pabuod ➢
Paglalahad muna ng mga 1. Tumulong kami sa paglilinis ng
halimbawa o maliliit na ideyang kapaligiran at pagsasabit sa mga
tumatayong pansuportang palamuti sa entablado bilang
kaisipan at nagtatapos sa paghahanda sa kapistahan ng
➢ isang pangunahing kaisipan aming barangay.
Kabaliktaran ng pabuod.
2.Pasaklaw Nagsisimula sa paglalahad ng 2. Ang Train Law o Tax Reform for
pangunahing kaisipan na Acceleration and Inclusion ay isang
sinusundan ng mga pantulong batas na nagbabago sa sistema ng
na kaisipang sumusuporta sa ating buwis. Napapaloob dito ay
➢ naunang kaisipan. ang dagdag sahod, pagtaas ng
Naayon sa mga risonableng
presyo ng langis at asukal kasunod
inaasahan kaugnay sa mga
sa iba pang bilihin.
3.Lohikal espisipikong sitwasyon o
kaganapan at ang lohikal na 3. Sa kalikasan natutugunan ang
pag-iisip ng isang tao – may pangangailangan ng tao na
maayos na pag-iisip at pare- nagbibigay sa kanya ng kasiyahan
➢ pareho o consistent.
sa buhay.
Binubuo ng tatlong
mahahalagang bahagi 4. Pangunahing Premis: Lahat ng

Katoliko ay Kristiyano.
4. Silohismo a. Pangunahing Premis Pangalawang Premis:
b. Pangalawang Premis Si Juan ay Katoliko.
c. Konklusyon Konklusyon:
5. Sanhi at ➢
Pagtalakay sa mga Si Juan ay Kristiyano.
Bunga kadahilanan ng isang bagay o
pangyayari at mga epekto nito. Mag-aral ka ng mabuti upang
magandang kinabukasan ay
makakamtan.

MGA BAHAGI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Mayroong mahahalagang bahagi ang tesktong argumentatibo tulad din ng


ibang pormal na sulatin. Bawat bahagi nito ay magkakaugnay upang higit na maging
matibay ang pangangatwiran. Ito ay kinapapalooban ng panimula, gitna o katawan at
konklusyon.

Panimula
Ang panimula ay kinakailangang mapanghikayat, nilalahad dito ang thesis
statement kung saan binabanggit ng manunulat ang pangunahing paksang
tatalakayin.

Gitna o Katawan
Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyon o pananaw ng manunulat
kaugnay sa paksang tinatalakay at inihahanay batay sa mga datos na ilalahad.
Mahalagang malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksang tinatalakay.

Konklusyon
Inilalatag ng sumulat ang kanyang kabuuang pananaw ukol sa pinag-uusapang
paksa. Kinakailangang maging matibay ang konklusyong binuo ng manunulat na
nakabatay sa mga nabanggit na datos sa katawan ng teksto.

KAIBAHAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB SA TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Tekstong Persuweysib Tekstong Argumentatibo

Nakabatay sa opinyon Nakabatay sa totoong ebidensya

Walang pagsasaalang-alang sa May pagsasaalang-alang sa


kasalungat na pananaw kasalungat na pananaw

Nanghihikayat sa pamamagitan ng apela Ang panghihikayat ay nakabatay sa


sa emosyon, nakabatay ang kredibilidad katwiran at mga patunay na inilatag
sa karakter ng nagsasalita at hindi sa
pakinabang o merito ng ebidensya at
katwiran

Nakabatay sa emosyon Nakabatay sa lohika


Gawain 1

Isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad ng
pahayag at Mali naman kung mali ang isinasaad nito.

1.Ang katotohanan ay nais patunayan sa tekstong argumentatibo sa


pamamagitan ng paggamit sa mga nakalap na datos.
2.Sa kaugnay na karanasan maaaring pasubalian ang mga
ebidensyang pangkasaysayan.
3.Ang pamanahong papel at tesis ay halimbawa ng empirikal na
pananaliksik.
4.Layunin ng tekstong argumentatibo na hikayatin ang mga mambabasa na
tanggapin ang kawastuhan mula sa pananalig ng manunulat.
5.Ang pakikipagpanayam ay isang paraan upang makakalap ng datos na
kailangang may kaugnay sa paksang tinalakay.
6.Naglalahad ang tekstong argumentatibo ng mga hakbang sa pagsasagawa
ng isang bagay.
7.Ang tekstong argumentatibo ay pakikipagdebate sa pasulat
na pamamaraan.
8.Kinapupulutan ang tekstong argumentatibo ng mga kabutihang asal,
mahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng
pagiging mabuti at tapat.
9.Nakapokus ang tekstong argumentatibo sa paglalarawan ng isang
bagay, tao, o lugar.
_10.Inilalahad sa tekstong argumentatibo ang posisyon ng may-akda na
suportado ng mga ebidensiya.

PAGYAMANIN

Gawain 2

Batay sa binasa mong teksto sa bahaging TUKLASIN, Ibahagi ang mga


pahayag mula rito na nagsasaad ng tekstong argumentatibo at persweysib.

ARGUMENTATIBO PERSUWEYSIB

8
TAYAHIN

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Suriin at tukuyin ang paraan ng pangangatwirang ipinapahayag sa bawat


teksto. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ang titik na katumbas ng iyong sagot
sa inilaang patlang.

A. Pabuod C. Silohismo E. Sanhi at bunga

B. Lohikal D. Pasaklaw

1. Talino ang puhunan ng tao para sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay


na kailangang mahasa para sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran.
2. Edukasyon ang ating sandata upang mapaganda ang ating
kinabukasan, hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa bayan.
3. Sapat na oras sa pagtulog, pagkain ng gulay at prutas, at tamang
ehersisyo ay iilan lamang sa mga dapat gawin upang mapanatiling
malusog ang ating katawan.
4. Lahat ng lumalangoy ay isda. Si Lito ay lumalangoy. Si Lito ay isda.
5. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ng National
Economic and Development Authority (NEDA), mas malaki pa sana ang
ilalago ng ekonomiya kung hindi lang dahil sa inflation o ang pagtaas sa
presyo ng mga bilihin.
6. Si Alex na yata ang pinakamabait sa aming magpinsan. Siya ay
mapagbigay, maalalahanin, matapat at higit sa lahat may malawak na
pag-iisip.
7. Sa kultura nasasalamin ang kaisahan at sariling pagkakakilanlan ng isang
mamamayan.
8. Lubos ang pagkagalak ni Inay sa pagdating ni kuya na matagal nang hindi
namin nakapiling.
9. Mahirap ang buhay sa Jolo kung kaya’t masasabing mahirap ang buhay
sa buong Mindanao.
_10. Ang palagiang pagbaha ay nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain
ng tao.
_11. Maraming kabataang nasisira ang kinabukasan dahil sa patuloy na
paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
_12. Ang salapi ay maituturing na kayamanang taglay ngunit kailangan ang
karunungan sa pagtatamo ng makabuluhang buhay.
_13. Ang tao ay dapat maging bathala o panginoon ng kanyang sarili dahil sa
mga katangiang ipinagkaloob ng Diyos sa kanya.
_14. Nagsumikap siya sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang
pamumuhay.
_15. Bunga ng kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamilya ang
maaga niyang pag-aasawa.

13
14

You might also like